memories101

2

Feb 8, 2015

Ang tindi ng Jacko Wacko kagabi! As in sobrang saya at sobrang party hard! First time ko umattend ng ganung music festival kasi akala ko rakrakan yun, yung mag wa- wall of death tyaka circle pit (nasanay talaga ako sa rock concerts haha) eh hindi pala. As in sayawan at party talaga yun.

Akala ko nga wala lang yung basaan dun eh. In-expect ko na mild lang, pero shet! Ligo kung ligo yung buhos ng tubig samin! As in lahat ng tao basa at ang saya talaga kahit basa ako lahat hahahaha! Halos maiyak-iyak lang ako sa gitna nun habang binubuhusan kami ng tubig kasi yung bag ko may lamang camera eh nabasa din bag ko, (pero buti na lang hindi nabasa yung loob) pero sobrang sayaw at tawa pa din daw ako habang inaalala ko yung camera ko hahaha lol.

Mamayang hapon na siguro ako mag-uupload kapag gising na yung mga nakasama ko kagabi :P  Putcha may hangover talaga. Saya eh!

Up next naman namin ang UP Fair!  Feb 12 \m/

KODIGO ‘daw’

Isa tong kwento na bigla ko na lang naalala. Sobrang bad memory neto. At para na rin may ma-long post kahit papaano saking blog.

Shoutout pala sa seatmate at teacher ko nung elem!! Hahahaha mag-eexam kasi kami non (di ko na maalala kung anong subject, basta science or math ata) tapos yung seatmate ko merong ginawang reviewer sa isang ½ na bondpaper. At dahil nga mukhang maganda yung reviewer niya naki-share ako at nagreview din. So ayun na review review na, tapos nung mag sa-start na, nilagay pala ni seatmate yung reviewer na yun sa may taas ng bag ko na nakatupi (naka-trolley bag kasi ako nun so bali sa may hawakan ng trolley bag niya siniksik yung malapit sa zipper) at after nun binigay na ni ma'am yung mga testpaper sa amin.

Okay lang naman ang exam ko nun, may nasagot at meron ding hindi. Tapos napansin ko na parang may nakasiksik na papel sa trolley bag ko. Kinuha ko at tinignan ko kung ano yun tas puta! Reviewer pala nung seatmate ko! Di ko alam na siniksik niya dun! Syempre nagulat ako tapos sabi ko, “Uy bat nandito?!” tas tumingin si seatmate. At puking ina na nung time na yun dahil napatingin na pala si teacher saken. Tapos sabi niya, “Ms. Contarciego!!! Ano yan???” Syempre nataranta ako at siniksik ko ulit yung reviewer sa hawakan ng trolley bag, natameme ako nung sobra kasi di ko siya nasagot. Tumingin ako sa tang inang seatmate ko at napanganga na lang din siyang nakatingin sakin. At dahil di ako makasagot at di na ko mapakali, lumapit sakin si Teacher na para na kong hahatulan ng bitay. Nung nasa harap ko na siya, tumingin siya sa bag ko at nakita yung nakasiksik na papel at kinuha niya at tinignan. Tapos nagulat siya nung nakita niya at tinanong ako. “ANO TO???”  this time, lahat na ng mga kaklase ko nakatingin samin kasi halatang galit na galit na siya. “Wow! Grade 4 ka pa lang at nango-godigo ka na?!?! Grabe!!!” Sobrang hiya hiya ko sa sarili ko nun dahil mga kaklase ko pinagtatawanan pa ko. Eh hindi naman ako nango-ngodigo nun at nagkataon na tinignan ko lang yung papel na reviewer pala ng seatmate ko.

Ang sabi ko naman, “Ma'am hindi po! Nakita ko po yan diyan sa taas ng bag ko nakasiksik” tapos pakshit talaga mangiyak-ngiyak na kong tumingin ulit sa seatmate ko nun na akala ko ipagtatanggol ako dahil siya naglagay nun sa bag ko pero pu tang ina niya HINDI!!!!!!!!!!!! TINIGNAN NIYA LANG AKO AT DI SIYA NAGSALITA NA SIYA YUNG NAGSIKSIK NG SHIT NA YUN SA BAG KO AT PARANG NAG-AACTING PA SIYA NAGUGULAT DIN SIYA SA NANGYARI.

“Grabe Ms. Contarciego! At nagawa mo pang mag-sinungaling! My god I thought you’re a good student pero hindi pala.” tapos pinunit ni ma'am yung reviewer na hinihinalaan niyang kodigo ko.

“Stop answering! Wag ka na mag-exam! I’m so disappointed on you! Naiinis ako sayo…. blah blah blah” basta ang dami niyang sinabi na talagag nakakasakit ng damdamin. Tawanan pa ng tawanan mga kaklase ko. At dahil dun, dun na tumulo mga luha ko ng walang tigil. Tapos tinignan ko yung seatmate ko na parang naawa saken. Sumama tingin ko sa kanya at umiwas siya ng tingin. Grabe talaga dahil isa’t kalahating oras akong nangiyak ngiyak at sobrang gusto ko na magpalamon sa lupa nung time na yun.

Di ko na maalala kung nag-sorry ba yung kaklase ko na yun (pero parang hindi siya nag-sorry) at sinabi niya saken na siya nga naglagay ng nakatuping reviewer na yun sa taas ng bag ko, di niya alam bat sa bag ko daw niya nalagay basta nilagay niya na lang daw. Nakakainis talaga siya at gusto ko siyang sakalin non, yung tipong nagbabadyang umandar pagka-diyablo ko at gusto ko siyang batukan at saktan pero napigilan ko naman at namuo na yung galit ko sa kanya, Nag expect din kasi ako na ipagtatanggol niya ko dahil close naman kami kaso wala talaga! Di niya rin sinabi yung totoo kay teacher. Kung baga parang siya witness ko na wala akong ginawang masama pero parang siya pa yung tumiwalag at pinili niyang wag ako tulungan, yung ganung feeling ba. Nakakapanlumo talaga! At sa naaalala ko nga parang nakisabay pa siya sa tawanan ng mga iba kong kaklase nun nung sinabi ni ma'am na nangongodigo ako. Kaasar talaga dahil nung time din na yun nakilala ako ng ibang section na ‘nangongodigo daw ako’ pero ang totoo, hindi naman.

After nung incident na yun, naging balik naman sa normal mga kaganapan sa klase. Pero medyo naging tahimik ako at nawalan ng gana pumasok non at sobrang iritable ako pag nakikita ko yung kaklase ko na yun. Tyaka si Ma'am. Pakshit siya.

Naisulat ko tong kwento na to dahil nakita ko bigla yung selfie ni Ma'am sa newsfeed ko at di ko alam kung bakit ko siya naging friend sa fb tangina talaga. Letche talaga haha dahil kung ano itsura niya nung 2004 ganun din itsura niya ngayon, hindi siya tumanda, kulot pa din ang buhok. Kaya nung nakita ko mukha niya, naalala ko yung mga putang inang scenario nung mga panahon na yun. At syempre yung seatmate ko din friend ko rin pala sa fb hahahaha asar din ako dun at nakakairita pa rin siya hahahaa.  Hanggang ngayon galit pa din ako sa kanila at parang hindi na naalis galit ko sa kanila hahahahahhaa at pag nakikita ko sila parang gusto ko silang…. hahaha basta yun na yun. Pero syempre hanggang isip na lang yung mga gustong gawin sa kanila.

BASTA TANG INA HINDI AKO NANGODIGO NON!!!! Yun ang totoo haha!!! lol