mema haha

Hindi ako kilalang Blogger. Hindi ako hakot notes gaya ng iba. Hindi ako kasing galing nila mag-isip. Minsan walang kakwenta kwenta mga pinagsasasabi ko. Pero nandito ako sa tumblr para mailabas at maipahayag ko ang bawat nararamdaman ko.

Di porke araw araw kayo nag uusap, kailangan mong ma in love. Dapat marunong ka mag kontrol ng emosyon mo. Kontrolado mo yung puso at isipan mo, palagi mong susundan yung utak mo sa ganyan sitwasyon. Isipin mo na, pano pag na fall ako dito? Sasaluhin niya ba ako o hindi? Parehas ba kami ng nararamdaman? O ako lang tong na huhulog sakanya? Ako lang ba yung kausap niya ng ganto? O hindi lang ako at may iba pa? Sweet siya saken, baka sweet rin siya sa iba. 

Kinikilig ka sakanya dahil sa araw araw kayong nag uusap, masaya siyang kausap, komportable kana sakanya. na attached mo na yung sarili mo sakanya. Pero hindi naman porke ganon e kailangan mong mahulog ng tuluyan sakanya. Dahil in the end, pwedeng ikaw lang talaga ang na fall, at masasaktan ka lang ng sobra dahil talo ka. 

Ligawan mo sya. Dahil mahal na mahal mo siya, dahil gusto mo siyang alagaan, dahil minsan mo ng pinangarap na makasama sya ng matagal, o buong buhay mo. Ligawan mo siya hindi dahil sa maganda siya, sexy siya, o pinagpustahan nyo siya. Ligawan mo siya dahil tuwing nakikita mo sya kinakabahan ka, napapangiti ka, sumasaya yung araw mo. Ligawan mo sya, dahil alam mo sa sarili mo na hindi ka kagaya ng iba na lolokohin at sasaktan lang sya. Ligawan mo sya dahil gusto mo syang makitang umiyak hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa sayang mararamdaman nya dahil sa mga effort mo at pagpapakita sakanya kung gano sya kahalaga. Ligawan mo siya dahil gusto mong idaan sa pormal na paraan para makuha siya, araw araw na panunuyo, matagal tagal na paghintay sa matamis niyang “Oo.” ligiwan mo siya kasi gusto mo siya maging sayo, gusto mong magkaron ng kayo.

Sagutin mo sya. Hindi dahil sa naaawa ka sakanya dahil matagal na syang naghihintay sayo. Sagutin mo siya hindi dahil gusto mo lang ng may magbibigay sayo ng regalo, may tagadala ka ng gamit, may taga hatid-sundo. Sagutin mo siya hindi dahil sa gwapo siya, sikat siya, may abs siya(manyak ah hahaha). Sagutin mo siya dahil kapag andyan siya nararamdaman mo yung mga butterflies sa tyan mo, nagbblurred lahat ng nasa paligid mo at siya lang ang nakikita mo. Sagutin mo siya kasi mahal mo siya, may tiwala ka sakanya at kaya mo siyang samahan na ipaglaban ang kung anong meron kayo.