meet up kwento

My TP V-Day Meetup Year II Experience.

Buckle-up your seatbelts, ‘cause we are in for a wild ride. Please do not leave your valuables unattended, anything that will be lost is not our responsibility anymore.

So here’s the story..

Matagal ko ng pinaplano ang pumunta sa meet-up. Gusto ko kasing maexperience yun, yung makakilala ng bloggers personally, hindi yung umaasa lang ako sa profile pic at icon nila. Kinagabihan ng 10, undecided pa rin ako. Hindi ko alam kung tutuloy ako. May pasok kasi ako ng sabado, midterm exams pa nga. Kaya lang, dulot ng pamimilit at pangongonsensya (dagdag pa ang kagustuhan ko rin) Napagdesisyunan kong tumuloy. Ngayon.. anong plano? Hindi pwedeng magpaalam ako, yari ako kay Daisy nito. (My mom) Sabi ko tatakas nalang ako. Ang balak ko, 8am ako aalis dahil gusto kong dumaan ng Sta. Mesa for some reasons, pero dahil kausap ko pa si Gia hanggang 3am, ayun. 10am na ko nagising. Ngaragan. Pagkagising, ligo, bihis na. Sinuot ko ang PE uniform ko para hindi ako mahalata.

Humalik ako kay Daisy, which is hindi ko ginagawa. Nagbabakasakaling hindi na ko makabalik ng Olongapo, ay may huling halik ako sa nanay ko. Haha.

2 jeep pa ang sinakyan ko para makarating ng bus terminal. I rode the Cubao trip. Habang nasa biyahe, nagtetetext ako para hindi ako mabored. Imagining things kung anong mangyayari mamaya sa meet-up. Kausap ko si Heyimellaa sa phone, nagtatanong kung nasaan na ko. Nagpalit ako ng damit sa Stopover somewhere in Pampanga, pinatong ko na lang. Tapos, nung hindi ko alam kung saan yun, may aksidente kaming nadaanan. Nakita ko pa nga yung katawang nakahandusay sa kalsada. Parang lumakas loob ko lalo. *sarcasm*. Bigla ko tuloy naimagine yung Final Destination, natatawa ko. 3 hours after, may nagtext tinatanong nasan na ko. sabi ko, nasa Manila na ata ako, andami ng billboards. Natawa din ako, parang mangmang na mangmang ako sa lugar. After 1 hour ulit. Finally, malapit na daw. Kaso napapaparanoid ako. Feeling ko lagi lalagpas ako. Silip ako ng silip sa bintana. Mukha akong tanga. Buti madaming nagtuturo kung saan ba ang tamang daan. Nakababa ako sa SM North Edsa. Tumawag si Ella ulit, nagpapanic na kasi ako di ko alam san ang Trinoma. Sabi nila bababain daw nila ko ni Masterjv, eh mga animal ang tagal. Nagtanong tanong na lang ako sa mga tao doon. I find my way naman. Salamat. Sa tulong nila ay nakarating din ako ng Trinoma.

-Trinoma.

Nasa 4th floor daw sila, sa Mcdo. Ayun pinuntahan ko sila. Nakita ko agad si Ella, nakatayo kasi, tapos nakaupo sila Masterjv, Kayeshutup, Guiltytoledo na tinanong ako agad kung kumain na ko pagkarating ko, Mister26, at yung 2 na di ko kilala. Alam ko lang may Nathan yung isa.  Ayun, medyo op op ako nung umpisa. Biglang tinawag ako nila Alex(Angchix), na kasama sila Malandinglalaki, janerangfeelingera, majakoto at maharoot, kaya lang umalis din sila. Dumating si Korneeto kasama si Marckcram.

-2pm.

Bumaba na kami doon sa kung saan man yun, sa labas ata ng timezone ba o ay ewan. Basta. Madami na palang tao. Medyo nahihiya pa ko. Ang dami ko ring nakitang kakilala ko. Si prinsesanibatman, si zebry, na elibs sa tangkad ko. Pagkarating doon lumapit na ko kila Alex at doon sumama sa group nila. Medyo kulitan ng onti, picture picture. Tapos may pila pila pala for registration and nametags. Ayun sa kabila ng init, hindi nagpatalo ang jacket kong itim, na pinapatungan ang polo kong chekered sa loob na nakapatong sa PE kong uniform sa loob. Malamig kasi sa Baguio. Lol.

-3pm-4pm.

Nakita ko ang 2 kong kapatid. Si Kaloysotero at Lakandula.  Kami ang nagtabi ulit doon sa stage nung magsisimula na yung program. Pakilala, names and url. Mag ha-hi ka sa 200+ na bloggers. Yes, yes. Sa stage. Sa harap nila. Hirap lang ako dumaan nung ako na tinawag. Palagay ko may naapakan pa ko sa noo, an taas kasi ng mga hakbang ko dahil crowded kami dun sa lugar namin.  Dumating pala si Dgmarimyloves nung mga bandang past 3 na. Ayun, may kasama na ko. Yadda yadda yadda, lumipat na sa upuan. At doon tinuloy ang intro. Mga past 4 na rin natapos yung segment na yun. YES NAMAN.

Ang 11 taong tumatak sa isip ko:

  • Gia (Dgmari) - Kelangan pa ba sabihin kung bakit? Hindi lang sa isip ko tumatak, pati sa atay, balun-balunan at syempre sa puso ko. Kbye.
  • Ella (Heyimellaa) - Ang bait niya, srsly, kahit may pagkamayabang, dejoke Kungdi dahil sa kanya baka naligaw na ko sa Manila. Impression ko sa kanya? Akala ko snob, totoo nga. Hahaha. Kidding again. Salamat sa DQ Ellababes! :)
  • Alexis (Angchix) - Parang may lukso ng dugo kami kagaya ng sinabi niya. Akala ko nung una magkakailangan kami pag nagkita kami, pero nung kahapon, akala mo ang tagal na naming magtropa. Pagkakita nga namin inakbayan ko siya agad. Hindi ko alam kung bakit pero komportable ako sa kanya. Mabait, mabait tong taong to. may pagkamalibog nga lang.
  • Kaloy (Kaloysotero) - Matangkad pala siya! Hahahaha. Nung una ko to nakita, dinibdiban ko talaga siya. Para lang maasar na maliit siya. Doon lang ako makakabawi sa mga panggagago niya sakin dito sa tumblr e. Expectation ko: Maliit siya. Reality: Mas maliit pa siya sa inaakala ko. Hahaha. I kid, I kid.
  • Louie (Lakandula) - Napatunayan kong kung gaano ka kalandi sa tumblr, ganon ka rin kalandi sa personal. Si Louie ang nagpatunay non. Nuff said.
  • Bheng (Mabaetakokonte) - Si Beng, natouched ako dito dahil pagkakitang pagkakita namin, nagrequest agad siya ng hug. Hinug ko nga siya, yung tipong mapapatid na lahat ng nerves niya sa katawan. Ayun, maliit to eh. Mga bandang utong ko lang siya.
  • Denise (Gwapoakokunware) - Si Jessa, hahaha. Di ko lang siya nakita, ang snob ko na daw. Ayun hinanap ko siya. Pipilay pilay ang loka. Hahaha. Aklaa ko nung una trip trip lang. Totoo pala talaga.
  • Jane (Janenengfeelingera), Cee (malandinglalaki), Majakoto, Maharoot. - Pinagsama sama ko sila kasi I treat them as one. Palagi kasi silang magkakasama. Srsly, ang babait ng mga to. Yung the latter 2 sa meet-up ko lang nakilala pero ang bait nila sakin. Ang kulit pa nila. Yung si Maj nagulat ako. 21 na pala siya! Akala ko mga 14 lang. Napa-wtf ako nung kagrupo ko siya sa intro.
  • Stresskada/Stressedkada - Sila Masterjv, kayeshutup, guiltytoledo, mister26, ughwenz, chelaymahalay, meetdmelvinator, pasumalangkiper, gabbito. The best sila. Mahal na mahal nila si Gia at pinagpapasalamat kong nandyan sila para alagaan siya. Sila ang nakasama ko nung bandang uwian na. Nagtimezone videoke kami. Kumanta sila, natulog ako.
  • Kei (rated-kei) - Nakakaasar to eh. Nagpakita sa akin nung uwian na. pero binigyan niya ko ng sulat. Natouched ako ng mga 5 kilo. Sobra talaga. Sana nagkasama pa tayo ng matagal para nakapagkulitan tayo. Ganda mo. Next time ha?
  • Mike (Korneeto) - Eto, siya dapat ang magaabang sakin sa trinoma, kaso nagkaloko loko na eh. Nangako siya na ililibre niya ko ng starbucks sa meet up. Kaya lang ng uwian di nakami nakapgkita kita. Tapos nung nasa loob na kami ng Trinoma, may nangalabit sakin, sya pala, tapos  hawak niya na yung ililibre niya sakin. Effort. Thanks Mike! 

My rating for this meet-up? Nung nasa venue ako, I would give 3. Not bad. Not that awesome also. Pero nung nasa bus ako pauwi kanina, Putek. 10 ang ibibigay ko. Later ko narealize kung gaano kasaya nung wala na ko doon. Ngayon pa nga lang namimiss ko na.

Most unforgettable moment? EVERYTHING. EVERYONE. Kaya ko nga nai-type tong lahat. Sobrang haba kasi di ko siya makalimutan.

Top 11 Tumbrlistas:

ALL OF THEM ARE AWESOME. AND I DON’T NEED TO TO EXPLAIN WHY.

  • Sirseaweedbrain.
  • Pasumalangkiper.
  • Matabangutak.
  • Thelostengineer.
  • Noahobi.
  • Pumapataynggago.
  • Dgmari.
  • Angchix.
  • theemptypassengerseat.
  • Hspy.
  • Meetdmelvinator.

Sadly, Sabi ni kuya Sy, yung magazine is for fashionable people only. Kaya di na ko nangahas. Haha. Pero marami akong group picture. At yun ang mahalaga. 

Umalis ako sa Olongapo ng 11am ng February 11. Nakabalik ako ng 1pm ng February 12. Epic. At take note, takas lang. Naka-uniform pa.

All in all, pumunta ako ng may baong damit, pera, at discount coupons ng mcdo. Umuwi ako ng may dalang kwento, alaala, at saya. :)