medyo

May advantage pala talaga ang pagiging malungkot. Hindi ko naman pinapakita na malungkot ako, pero siguro medyo tahimik lang ako ngayon at hindi nangungulit. Buti na lang din nandito ako kina tita, may mga nakakausap ako kahit papaano. 

———————————————————-

Kamote Fries

Tita: Jei may problema ka ba?

Me: Wala po ina. Nanonood lang ako ng kdrama

Tita: Medyo tahimik ka kasi ngayon, minsan nakatulala ka pa.

Me: Nanonood lang po talaga ako.

Tita: Nagluto ako ng paborito mong meryenda 

*sabay abot ng sweet potato*

Me: Okay lang po talaga ako. Thank you ina. :)

Napangiti ako ng wala sa oras kasi gustong gusto ko talaga yang sweet potato na niluluto ni tita. Mas masarap pa sa fries. :)

——————————————————

Halo-halo

Dumating ang pamangkin ko galing school, eh di ko napansin na pumasok siya.

*bigla siyang sumigaw*

Me: Nagulat ako sa’yo, Kanina ka pa ba?

K: Oo kaya. Tito bakit tulala ka?

Me: Hindi, nanonood kasi ako. Teka, akala ko ba bakasyon na kayo?

K: Hanggang 31 pa yata tito pero wala na kaming ginagawa.

Me: Ahh sige. Umuwi ka muna at magpalit ng pambahay mo

K: Mamaya na. Tito tara!

Me: Saan naman? Di ka pa nga nakakapagpalit oh.

K: Lilibre kitang halo-halo dun sa kanto

Me: Wow. yaman talaga.

K: Basta tara na!

*yun bumili kami ng halo-halo*

Pero naninibago ako sa pamangkin ko. Lately masyadong mabait eh, kasi kahapon nilibre niya din ako ng halohalo at fries. Tingin ko may kailangan na to sakin. Haha.

—————————————————————–

Donuts

Dumating ang pinsan ko galing manila.

*inabot sakin yung donuts*

KB: Jei, donuts oh.

Me: San ka galing? Salamat.

KB: Sa manila, may inayos lang ako.

Me: Anong nakaen mo at may padonuts ka?

KB: Sabi ni ina, mukha ka daw malungkot. Sabi bilhan ka daw ng pasalubong. Diba paborito mo donuts.

Me: Ay talaga ba? Kulit ni ina, sabi ko hindi naman eh.

KB: Hayaan mo na, regalo ko na yan sa’yo sa birthday mo.

Me: Haha. Hindi naman kailangan nun.

KB: Basta wag ka ng malungkot. Maginom na lang tayo.

Me: Kulit. Hindi nga ko malungkot. Sige sa pag hindi ka duty. Salamat uli sa donuts.

2 dozens yung pasalubong niyang donuts. Pero binalik ko yung 1 dozen kasi sabi ko di naman mauubos kaya iuwi na lang sa mga pamangkin ko yung isa.

———————————————————-

Mukha ba talaga kong patay gutom at puro pagkain ang binibigay sakin? Haha sumisipag  ako magkwento kapag wala akong kausap. Sorry sa mahabang post. ge! 

Suggest new/old bloggers please?

Mag backreads ako bukas. Gsto ko munang iwan yung facebook at dito nalang muna tumambay.

Then sa tingin ko medyo madami dami na din akong finafollow na inactive kaya wala na masyadong laman dashboard ko. 😭

Basta suggest kayo ah? Dto na ako sa office eh. Bukas ako mag backreads. Thanks!

Confession #6668: Nung first day ko sa work, sya ang una kong naging crush sa office. Magkaiba kami ng department pero magkatabi naman. Parati syang tumatambay/dumadaan sa office namin, kapag talaga nadaan sya, kinikilig and nervous at the same time. Actually nung una medyo snob snob lang pero nung nagtagal, palalim nang palalim ang paghanga ko sa kanya. Patagal din nang patagal, i smell something fishy sa kanya. Everytime na nagkakasalubong kami or dadaan sya sa office tumitingin sya saken. Ewan ko kung bakit. Ang dami namin sa office pero sa akin sya tumitingin. Ako naman si bruha na kinikilig. At umiiwas makipag eye contact sa kanya kasi nakakahiya. Sinubukan ko ulit tumingin sa kanya non at nahuli ko sya na tumitingin saken sabay iwas pa. Kaya ayun “medyo” nag-assume na ako na type nya rin ako. Hahahaha. Kaya napapaisip na ako na baka nahahalata nya na crush ko sya (pero hindi naman talaga ako masyadong nagpapahalata) ang masama pa dito, may girlfriend sya. Hahahaha. Kaya mesheket! Bihira lang kami mag-usap. Pag may itatanong lang, dun lang kami nagkakausap. Sya kasi yung tipong tahimik na madaldal na ewan, matangkad, mukhang matalino, talented, mabait, maputi, may itsura. Yan ang nagustuhan ko sa kanya. Napapaisip lang ako sa mga body languages nya, tulad nga nung pag tumitingin sya sa akin palagi. Ang hirap manghula if he feels the same way. Help nyo naman ako guys ohhhhh :(

  • Nagmamahal ka lang naman diba? Pero bakit nasasaktan ka parin?
  • Nag-aral ka naman diba? Pero bakit pasang-awa parin?
  • Binago mo na nga sarili mo diba? Pero bakit kulang parin? 

Hindi naman kasi sa lahat ng panahon, kelangan mong i-meet yung standards ng society eh. Ikaw. Ako. Tayo. Tayo ang bumubuo ng society. Wag mong hayaang baguhin ka ng mga mapagmataas na mata ng publiko. Kung ano at sino ka talaga, ipakita mo. Wag kang mahihiya. Wag kang matatakot. Buhay mo yan e. Wala na silang paki sa kung anong gagawin mo. Kung anong gusto mong gawin, gawin mo. Pero, wag na wag mong kakalimutan yung mga limitations mo. Tao ka lang? Nagkakamali rin? Gasgas na yan e. Wag mong gawing dahilan yan para magkamali. Hindi mo naman kami kailangang i-please eh. Wag mong baguhin yang sarili mo para samin. Instead, baguhin mo yang sarili para sa Kanya. Oo. Para kay God, kasi siya lang ang tanging makapagmamahal sa'yo ng buong-buo♥

anonymous asked:

Suggest blog po?

@dakilanggerlpren
@girlbehindthisblog
@dakilangboyyfriend
@medyo-gaga
@noli-me-tangyna
@darkangel-kate
@babaeng-sinaktan-mo
@dakilang-option
@sorryiwasntenough
@thepaparhodspeaks
@hugotlord
@periodofsilence
@alizalakwatsera
@kwento-sa-likod-ng-sxlita
@echarificcc
@hey-its-kiffxr
@yournumberonefan
@thetemptressluna
@shemsampu
@lovelettersfromthedead
@ultimate-false-hope
@liberosisboy
@hayduday
@beben-eleben
@buhaybabae
@guiltytoledo
@torpengromantikoo
@peppermintchuuxx
@anaventurer
@findingcassiopeia

Random bloggers yan. And yung magllike nalang neto. Thanks anon.

RPh 03-14-17

I just cant believe it na pumasa na ako ng board exam hindi padin siya nag sisink in sa akin. Parang kailan lang I was crying to my mom and telling her I’m sorry because I failed my first take ng Board exam. I didn’t achieve her dreams for me. Days passed and she started nagging me to find a job and always bragging about my failures and asking me “Ano ng plano mo sa buhay?”. I Answered I’ll try again and promised her to passed this time. So I enrolled at Manor and burned my eyebrows every night. Trying my best to memorize and understand the topics and important points in my notes.

Days passed medyo naging tamad ako sa pag rereview naging happy go lucky and hanggang sa I came up into a realization na “Hindi na to ppwede, If I wanted to pass I need to double my effort” and so I did. Back to reality na mag-aaral every night and scan my notes. Declined every barkada’s gala (sorry guys, but worth it naman hehe). Weeks before the board exam I was in a bad shape talaga like cramming every now and then. Yung feeling na pag nag rerecall ka ng inaaral mo parang wala kang mapiga so lagi kong inaaya sila zen and ricky to loosen up my stress (thank you colleague friends i love you).

Then board exam day came. 1st day 1st subject sobrang daming hindi related sa module may Quality control may Biochem halo halo na ode maiyak iyak ka na. 2nd module sobrang hirap for me and the 3rd subject din. I was losing hope like sobra but I prayed so hard and piniga ko talaga utak ko yung parang lahat na ng pwede kong ilabas ilalabas ko na. Second day came and turns out na module 5 yung pinaka mahirap to the point na yung computation eh kung pwede mo nalang iyakan iiyakan ko nalang para magka score. Module 6 was pure pacop pero hindi ako nag basa. Natapos yung day na bilasa ka and feeling lost yung para kang na rape ng 20 ka tao after that day. Tapos every night nag ppray ako na if its your will for me I would forever be thankful and if not thank you padin.

Days after boards para kong tanga na kapag napag uusapan yung board exam bigla ka nalang kakabahan yung mga agonies and anxieties nandoon na. Yung bigla ka nalang kakabahan. Yung may tachycardia ka tapos paranoid ka hahahaha. Then until today, actually balak ko pa talagang matulog bago lumabas yung result. Nasa kama ako nung maisipan kong ichat yung classmate ko kung kumusta siya (haha hi diann) tapos ayun biglang may nag pop out sa facebook ko na tinag ng asawa ng pinsan ko my name was on the list of passers. Sobrang nag hysterical ako haha di ko alam gagawin ko nanginginig yung kamay ko and i cant contain my composure in one place. Sumalampak ako sa sahig and started to cry as in I cried myself out hagulgol bes shouting “THANK YOU LORD” many times.

Ang saya lang talaga sa feeling. Happiness at its finest. Para kang nanalo sa loto. Para kang nanalo ng isang milyon. Thankful talaga ako sa blessing na to. Despite of the sleepless nights, yung ilang baso ng kape na naubos at ininom ko, yung mag kaka diabetes ka na sa sobrang dami ng chocolates na kinain mo para lang mag boost yung braincells mo. Yung pang dadown sayo ng kaibigan mo na hindi ka papasa yung hindi niya paniniwala brought me and serves as strength for me. Yung pang iiwan ng ex ko at pag papalit niya sa akin sa iba. “Hi ex Pharmacist na yung sinayang mo”. Sa mga taong pinag pray ako thank you, from the bottom of my heart sobrang thankful ako sa inyo. Maraming salamat po.

Sa mga taong napang hihinaan ng loob kase bumagsak nung first try hindi pa yun ang huling beses ninyo just make sure na sasusunod na try ninyo kaya mo na at sure ka na, na nasa focus ka. YEY! Congratulations to me. Registered Pharmacist na ako. Love lots xoxo

Di ako makatulog kasi natatawa pa rin ako sa kaharutan ko mga 20 mins ago hahahaha. Magke-kwento na lang ako. Hihi.

Bale ayun. Hindi ganun kalaki circle of friends ko. At yung mga tao sa circle ko, hindi magkakaclose. Parang sila yung friends ko sa iba’t ibang part ng buhay ko ganon. Anjan si Alli at Mai sa YFC. Tres marias kami ganon. Haha. Si Rona at si Jelay sa room pero hindi sila ganun kaclose. Si Darelle na halos lahat alam tungkol sa'kin since grade 4. Haha. Yung mga kaibigan ko dito na minsan nakakalimutan ko na pangalan kasi url na lang natatandaan ko. HAHAHAHA. Tapos sino pa ba. Ayun, si Marvin, Janna, tapos Jalen na nasa other section. Hahaha. O diba ang onti lol. Picky kasi talaga ako e tsaka skl, iba iba yung level of friendship ko sa mga taong yan. Oh wait, same level pero different on how we treat each other. I love them all and I am beyond grateful to have them in my life. Haha. Alam kong di nila mababasa to pero whatever. Sobrang naa-appreciate ko sila. I’m so glad that they’re my friends and I wouldn’t want to have it any other way to be honest. :~)

la-ragazza-che-hai-lasciato  asked:

Suggest blog po ate :) Newbie here :) thank you po :)

Hi. Welcome to Tumblr. Random blogs toh.

@dakilanggerlpren@girlbehindthisblog@dakilangboyyfriend@medyo-gaga@noli-me-tangyna@mga-akda-ni-yumi@babaeng-sinaktan-mo@dakilang-option@sorryiwasntenough@chocstogo1@hugotlord@periodofsilence@alizalakwatsera@kulotnapanda@xyurimonster@hey-its-kiffxr@yournumberonefan@thetemptressluna@shemsampu@lovelettersfromthedead@ultimate-false-hope@ar-ci@hayduday@beben-eleben@buhaybabae@guiltytoledo@torpengromantikoo@anaventurer@findingcassiopeia
@seryosongemotero
@makatangnatotorpe

And yung maglilike nalang nito. :)

Tuwing buwan ng marso, nasasaktan ako. Nagkakataon lang ba? Naalala ko last year, marso din yun. Pagkatapos ng birthday ko, nagumpisa akong magtumblr para makalimot. Yun yung panahon na nagpasya akong mag let go sa ex ko. Yung panahong lahat ng di ko masabi, isinulat ko lang. Tapos dineact ko lang yung account na yun kasi nga let go na at pinili ko nang maging masaya. Masaya sa punto na ineenjoy ko lang yung mga nangyayari at hindi ako nagpapapasok ng iba sa buhay ko. Nung mga nakaraang buwan, hindi ko alam pero may dumating. Medyo pinapasok ko siya sa mundo ko, yung lahat ng nangyayari sakin alam niya. Yung araw araw ko siya nakakausap at nakakakwentuhan sa mga nangyari sa araw namin. Marami akong binago, pero ayos lang yon kasi nanjan siya. Dumating pa sa puntong kailangan kong pumili sa kanya at sa kaibigan ko. Pero pinili ko siya kasi alam ko na yun ang tama. Sinubukan kong buksan ang sarili ko, pero sadya sigurong masyadong mapait ang nakaraan ko kaya hindi ko pa kayang buksan ng tuluyan ang sarili ko. Ngayon, pinili na nating maghiwalay ng landas. Hindi masama ang loob ko kasi alam ko naman na sobrang kulang ako para sayo at alam ko na mas makakabuti yan sayo. Alam ko na may taong mas deserving para sa pagmamahal mo. Alam ko na mas magiging masaya ka kung wala ako. Salamat sa apat na buwan na pinasaya mo ang araw ko. Salamat sa mga kwento at tawa mo na bumubuo ng araw ko. Salamat sa lahat. Pasensiya ka na kung ganito lang ako, pasensiya na kung hindi ako kasing effort ng ibang tao, pasensiya na kung hindi ko nameet ang expectations mo, pasensiya na kung hindi pa ko ganung kaready. Pasensiya na kung nasayang ko ang oras mo. Alam ko namang wala kang tiwala sakin at hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko. Wala na akong pakialam dun. Hindi ko na hinihiling na pagkatiwalaan mo ko pero sana naman naniwala ka kahit papaano na mahalaga at special ka sakin. Ingatan mo ang sarili mo at magiingat ka lagi. Lilisanin ko na lang siguro muna saglit ang mundong to para makalimot at magisip isip din. Tapos susubukan ko na ding mas maging mabuting tao.

—Hanggang sa muli.—

may nag i-invite sa akin para sa art exhibit nila. hala qaqo isa sa goals ko yun kasi shet basta hirap i-explain. pero ang problema kasi hindi ko alam kung makakapunta ako kasi matatamaan yung pasok ko sa office. kinukulit na niya ako and siya yung nag p-poke sa akin sa fb lol. gusto ko kaso ugh okay hindi ko pa rin alam. feeling special naman ako kasi may free pass na daw ako luh ewan ko ba. tapos ano kasi, medyo malayo din kung babiyahe ako from makati to manila tapos traffic pa so…

I’m free tomorrow until 24. Ay, punta pala ako Makati tomorrow to meet a good friend of mine. And manggugulo ako sa office ko dati as an HR for a day again, pagtripan ko kaya mga applicants ano. Lol.

Also, i want to watch a movie. I haven’t been on theaters since “Fast and Furious”, the one where Paul Walker died—and didn’t get to finished filming the movie. Diba, ang boring ng social life ko.

I’ll be in Manila until 24th. My flight will be this coming Saturday, although i haven’t booked a ticket yet but i’ll be leaving this week most probably.

Weird but i really like Mark Carpio’s song “Hiling”. Hahaha. Medyo cool siya saka trip ko ang tone and lyrical form niya. Siguro emotional na naman ako ngayon. Kailan ba matatapos ang cycle na ‘to? Haha. Akala ko talaga dadatnan na ako kahapon while on training. Jusko, baka mahimatay ako sa pagod at puyat.

Can’t go out tonight because i’m too sick to even move. It would be great if someone will bring food to the unit and make me eat and cheer me up. Lol. I’m all too tired to even go out you guiisee. Maging good samaritan kayo. Hahaha.

anonymous asked:

4,5,7,8,12 sa mga blogger

4. Sinong blogger ang crush na crush mo?
- Sa ngayon, wala na. Nakamove on na nga kase ako sa pagkacrush ko kay @shemsampu HAHA! 😂

5. Sinong blogger ang sweet?
- @medyo-gaga Kaya mahal na mahal ko yan e.

7. Sinong blogger ang masarap kausap?
- @when-allen-pullsthetrigger @liberosisboy

8. Sinong blogger ang nakakatawa kausap?
@torpengromantikoo madami kang iuutot pag siya ang kausap mo.

12. Sinong blogger ang sa tingin mo masarap kasama?
- @kathscradlex @flakeymoon @alizalakwatsera

031917

Mej late nagising. Late na rin nakapagprepare kasi brownout nung morning di ako makaligo agad gago ang dilim sa cr parang future ko lang mga around 10 na bumalik yung kuryente so ayern. Tas gago la na nga kong matinong breakfast ang qt pa ng lunch ko, burger at fries urat naman HAHAHA. Pero ang dami daming ganap tologo, darla. Nagroadtrip (ako pa nagcocontrol sa music saya repa), the beatles hits, nagikot sa mall kakahanap ng pweds kainan ng dinner eh wala super late na nun isa isa nang nagclose huhu edi lumabas ulit kami tas guess what naglongboard nalang bish HAHAHA wala di ako nahulog bat ba. Medyo trauma nako dyan eh ilang beses ko nang namomol ang lupa dyan, tas ayan pala may shopping cart nakatambay out of nowhere like sinadya talaga ni Lord naks amen saya ko tuloy paker, tapos roadtrip ulit, tapsi, daldal hanggang sa di namin namalayan na magcclose na yung kinakainan namin, roadtrip again.

Pero la kayo sa bangs kong hinati ni Moses.