medical-technology

Doing some advanced reading (or highlighting??? haha) for tomorrow’s first Parasitology lecture. I’ve had a brief encounter with parasites from last semester’s Clinical Microscopy during our lectures and lab activities on Fecalysis. I guess I better start getting used to dealing with stool samples twice a week for the next few months to get to know more about these organisms haha.

2

The real highlight of my New Years was finding an ozone machine…  The bottom photo was taken about a minute after flipping the power switch, the gas inside the tubes slowly was going plasma (or whatever it is when a neon light lights up), and I could smell the ozone being produced. The price on the tag is $500 and I can definitely say this one worked. You can see in the first photo where the manufacturer label plate had been… and it was Underwriters’ Laboratory listed as a safe electrical device!

I don’t have a full explanation of what these were for – my grandfather had one that he’d put his feet on when he felt his circulation was poor – but a century ago (and into the 1940s) the theory was that exposure to ozone had some health benefits. There are still a few companies making similar products, just without the nice tubes, to clean the air or do whatever it was that folks in the early 1900s thought ozone generators could do for them. These machines are generally accepted as pseudo-science and quackery.

How Ultrasound Works
  • How Ultrasound Works
  • TechStuff
  • HowStuffWorks
Play

How Ultrasound Works

Ultrasonic waves let medical professionals see what’s going on inside us without ever making an incision. But what makes sonography so effective as a medical device? And how can the same stuff give your Slinky superpowers AND keep your windshield really clean? Tune in to learn the history, inner workings, and amazing applications of this technology.

youtube

I edited this for some fellow science people :)

Hell Week

Hindi ko mawari kung bakit ako nagtatype ng isang blog post sa mga oras na ‘to eh hindi pa nga ako nagrereview sa Blood Banking (Immunohematology).

Ayon sa aking title na “Hell Week”, ibig sabihin… PRELIMINARY EXAMINATIONS WEEK na namin. Kung ayaw mo ng mahaba okay sige, PRELIMS WEEK na namin!!!

Nandito ako para magbigay ng konting impormasyon o kung ayaw mo ng term na yan eh di okay “tips”  kung paano ka magre-review! (Nagsalita ang magaling magreview. Ha ha ha! Eh may hangover pa nga ako sa book signing ni Stephanie Perkins eh! Look at my dp!!! huehue)

Oh sya, let’s do it per subject! (Don’t worry marami pa akong oras! haha jk)

Bacteriology

Seryoso, wag kang mag memorize. Mapapagod utak mo. Ano ba, prelims pa lang! Pag yan nag midterms at finals, haggard ka na! Wala pa namang mga biochemical tests di ba?

(Intro pa lang yan eh! Pero kung meron kayong topic na about sa mga culture media, kelangan yung mga pH indicator, yung mga taga inhibit ng gram-positive at gram-negative [Example? Yung sa MacConkey agar! huehue] and the like… more on “composition”. Nasa Staphylococcus na ba kayo or Streptococcus? Kung nandun na eh, be familiarized sa coagulase test, meron yang slide and tube method [for Staphylococcus spp. yan] pero makakatulong kung gagawa ka ng diagram or table kasi mas madaling i-disseminate yung mga information! hehe)

Parasitology

Introduction plus Amoeba na ba kayo? Kung about sa Amoeba, kelangan dyan… gamay mo yung morphology ng cysts at trophozoites at syempre isama mo na yung pathogenesis. Kung ilan yung nucleus, kung dirty looking cytoplasm ba o hindi saka yung movement (Kung sluggish, directional, and the like). Kung medyo feeling nyo lalabas yung sizes ng corresponding cysts and tropphozoites, gawan mo ng table (Table really makes the life of some students much better and easier! Haha)

Clinical Chemistry 1
Syempre introduction plus Automation or Spectro? or both?
Kelangan dyan alam mo yung principles saka yung pinaka pinagka-iba nung mga principle na yun kasi kung ime-memorize mo yan, aba hanga na ako sayo! Ikaw na! (Pero seryoso, ito yung isa sa subject ko nung third year na hindi ko alam kung paano rereviewhin hahaha)

Medical Technology Laws and Ethics
Hindi ko alam kung nasa RA 5527 pa kayo or nag RA 4688 na o RA 1517, pero eto talaga yung kelangan ng memorization.
Mga kelangan i-memorize? Yung date kung kelan napasa yung law na yun tapos yung mga fine and imprisonment and the like (Sunod sa Clinical Chemistry, ang hirap talaga aralin nito. IKR. Huhu)
Kung para sa introduction naman, dates.. kelangan talaga yun (Kung mahilig yung prof nyo or feeling nyo lang na maglalabas sya ng mga dates haha).

Yan lang muna kasi yan naman yung feeling ko na kelangan nyo haha. Pero, WAG KA MUNANG MAG-HENRY’S! Saka na! Next semester na or next term kasi pag binasa mo yung Henry’s na wala ka pang enough background tungkol sa mga major subjects, mahihirapan kang intindihin (Pero kung matalino ka talaga, as in talagang talaga, again, IKAW NA!!! huhuhu) kasi ang daming kwento nyang si Henry’s. As if naman interesado ka di ba? Hahaha aminin!

Para sa mga fourth year, ganito yan… hindi ko rin alam kung paano mag-rereview eh. Hahahaha (Iyak na tayo guys. LOLJK)

Bottomline: DO YOUR BEST AND GOD WILL DO THE REST. Huwag kang mahiya na humingi ng tulong kay Lord para mairaos ang term examination mo! At isipin mo lagi na kapag nag-aral ka, syempre papasa ka! Kapag may in-autoclave, may bacteria! (LOL what) Kapag may tiyaga, may nilaga!

Oh sya, kumakaway na sa akin si Harmening!

Au revoir! Good luck to us future RMTs! \O/

ps. Sorry ang haba yata ng post ko, Hahaha. Sorry na :(

Introduction to Medical Technology (Long Post. Ulit. Sorry Na.)

Ola! Hello! Annyeong Haseyo! Kamusta?

Napansin ko na karamihan ng sumusubaybay dito sa aking sideblog eh mga incoming freshies o di kaya'y lower batch sa akin this incoming academic year 2014 - 2015. (4th year na po kasi ako at ako'y sadyang kinikilig.)

Sa kadahilanang ako'y nagpapasalamat at napagti-tiyagaan nyo ang aking mga posts at patuloy pa kayong dumadami, bibigyan ko kayo ng Survival Tips para ngayong first semester! Yehey! (Sana may makapag-bigay din sa akin ng survival tips. Nakakaiyak. Huhu jk)

Pero may tanong ako sa para sa mga incoming freshies… 

SURE KA NA BA? AS IN SURE NA SURE KA NA SA DEGREE PROGRAM MO? KASI DI NA PWEDE MAG BACK OUT! 

  1. Ikaw na freshie, hindi ka ba pinilit ng magulang mo na eto ang kunin mong degree program?
  2. Gusto mo ba talaga mag medtech? As in gustong gusto? (Katulad ng pagkagusto ko kay Yonghwa. Yung mga ganung level?)
  3. Etong kurso na ‘to, eto ba talaga yung tinitibok ng puso mo?

Try to assess yourself. Kasi kung oo yung sagot mo sa una, tapos hindi yung sagot mo sa sumunod na dalawa, baka… mahirapan ka. Mahirap gawin ang isang bagay na hindi mo naman forte, o sabihin nating “It’s out of your league.

(Hindi nga po ako nanakot! Azar. Wag ka ng matakot! I just don’t want to give you sugarcoated things while the reality is, that certain thing tastes sour or worse, bitter. Baka isuka mo pagdating ng panahon kung kelan huli na ang lahat. PERO matutunan mo din namang mahalin ang kursong 'to eh, kung gugustuhin mo, kung isasapuso mo. Sana.)

Pero kung hindi ang sagot mo sa una, at oo ang sagot mo sa sumunod na dalawa, maniwala ka, kakayanin mo 'tong degree program na 'to. Kahit gaano pa kahirap, kakayanin mo. Gagraduate ka at isa kang magiging magiting na MEDICAL LABORATORY SCIENTIST! (High five!)

Eh sabi nga ng title ko INTRODUCTION TO MEDICAL TECHNOLOGY etong drama ko ngayon kaya, sa abot ng aking makakaya, bibigyan ko kayo ng mga tips. (Bait ko no?! hahaha jk)

Freshmen

  • Huwag ka ng matakot! To naman! Wala kapang major subject na pagpupuyatan kaya hayahay pa buhay mo. Adjustment period pa lang 'to eh. Don’t take everything too seriously. Makakapag hang out pa kayo ng mga friendships mo! Saya di ba? May social life ka pa! (Kasi ako, wala na hahaha)
  • General subjects lang yan. Kumalma ka. Wag kang mag panic. Pag nag panic ka sasabunutan kita! (Joke lang hahaha)
  • Enjoy this semester. Dito ka makakakilala ng mga magiging laboratory buddies mo. Yung tipong pwede mong kopyahan ng mga sagot sa lab manuals, yung pwede mong hingan ng tulong kapag medyo di mo ma gets yung experiments! Ganern!
  • Wag magpakaDEPRESSED kapag mababa ang grades. You can still do something about it. Pero kung sadyang pinanganak kang grade conscious at di mo matanggap na bumabagsak ka sa quizzes, aba, nakakalungkot nga yon. 
  • Make friends but choose wisely ha? Mahirap kapag na impluwensyahan ka ng mga kampon mula sa ilalim ng mundo! Jusko.
  • Mag-aral ka ng mabuti freshie! Kaya mo yan! /pats you/

Sophomores

Alam ko naka adjust ka na, kaya di kita masyadong mabibigyan ng tips. De joke lang! Tampo agad? hahaha

  • Second year, hmmm di ko na matandaan kung anong nangyari sa akin noong sophomore ako. Ang mapapayo ko lang eh, ipagpatuloy mo ang iyong magagandang hangarin para sa ikabubuti ng iyong mga grades! Kung gumawa ka ng self-assessment at medyo di mo nagustuhan ang performance mo last school year, aba, THIS IS THE TIME TO MAKE A BETTER MOVE! Kung sa tingin mo eh kulang pa ang effort mo, alam ko at syempre dapat MAS ALAM MO na YOU CAN DO BETTER THAN THAT. Wag mong i-downgrade yang sarili mo. Lift up your chin and say “I can do this!” Sabay sabi ng “FIGHTING!” (Kung kpop fan ka din! teehee).
  • Kung ang resulta naman ng self-assessment mo ay: “WOW! MAGALING MAGALING NAPAKAGALING KO.” (Medyo conceited 'to ah de jk lang.) Bunga yan ng lahat ng efforts mo. Kaya sana wag kang mapagod at ipagpatuloy mo hanggang grumaduate ka! \O/ at wag kalimutan na magpasalamat kay Lord. Dahil your efforts plus His concern will result to SUCCESS! Yehey!

Juniors (KABAHAN NA KAYO. JOKE. PERO SERYOSO. HAHAHA)

Nice one! Third year ka na! Exciting di ba? Hah. Professional subjects na 'to beybe! Magaling magaling. 

  • Learn to do TIME MANAGEMENT. Sinasabi ko sayo, aabot sa puntong hihilingin mo na sana pwedeng hatiin yang katawan mo para makapag review ka ng iba’t-ibang subjects simultaneously. Balance study and play well okay?
  • TIWALA. Trust your guts. Oo, mahirap 'tong year na 'to. Pero kung alam mo sa sarili mo na gusto mo talaga matapos 'tong degree program na 'to at pursigido ka, magagawa mong mairaos with flying colors ang sem na 'to. (Yieeee DL na yan!)
  • PERSEVERANCE. Jusko, sandamukal na perseverance ang kelangan ha? Bawal panghinaan ng loob. Kapag napapagod ka na, magpahinga ka. Wag mong sagarin yang katawan mo.
  • BE THANKFUL. Third year ka na! Konting pitik na lang! Be thankful to everyone who inspired you and continues to inspire you.

Nawa'y makatulong ako sa inyo. Ikinagagalak kong makapag-bigay ng tips para sa inyong pagtahak sa pinakamamahal nating kurso. (Di ko an keri. Sobrang lalim na yata ng Filipino ko.)

May tips din ba kayo para sa akin? Penge naman. Paki drop na lang sa ask box ko ples? hahaha

Sorry, ma-ala nobela na naman ang aking post. T__T

Bye na. Mag-aaral pa ako. (Seryoso… kaso tinatamad ako! oops! he he he pwede namang tamarin paminsan minsan… wag mo lang dalasan!)

Au revoir future RMTs! /O/