meant

Hindi ko intensyong masaktan ka. wala sa plano ko ang lokohin ka at tuluyang mawala ka sa buhay ko. Pasensya na kung nasaktan ka, kung napagod ka, kung sobrang nahihirapan kana kaya mas pinili mo nalang yung buhay na hindi ako ang kasama mo, na wala ako sa buhay mo. kung ako ang tatanongin mo, hindi naman to ang gusto kong mangyari.  hindi to ang pinangarap ko para sating dalawa.. alam mo yan.

Salamat sa lahat. sa lahat ng effort mo, makasama lang ako.  salamat sa lahat ng sakripisyo mo mapasaya lang ako. Salamat sa paghawak sa kamay ko para ipaalala na nandyan ka. Salamat sa pagyakap sakin sa mga oras na nahihirapan ako. salamat para sa mahabang panahong sinayang mo para sa tulad ko.  Salamat sa tiwala, salamat sa oras, salamat sa tiyaga, salamat sa pagmamahal.  salamat sa sobra sobrang paniniwala mo sa kakayanan ko kahit na ako mismo hindi ko kayang maniwala kung kaya kong gawin ang bagay-bagay.

Alam mong hindi ko alam kung paano ako magsisimula kung wala ka. Ang alam ko lang, yun yung buhay na ayoko na muling maranasan.  Nakalimutan ko na kung paano masaktan magisa, kasi nasanay akong lagi kang karamay sa bawat nararamdaman ko. ang naaalala ko lang yung unang beses kang ngumiti habang hinawakan ko ang kamay mo. yung unang beses na nayakap at nakapiling kita. yung unang beses na narinig ko mula sa bibig mo ang salitang mahal kita. Ang sarap balik-balikan yung mga araw kung paano tayo nagsimula. nagsimulang umibig, nagsimulang mangarap.

Hindi ko lubos maisip kung bakit tayo humantong sa puntong ganito. ang akala ko tayo na talaga. ang akala ko ito na talaga. maghihiwalay din pala. Ang hirap magpaalam. ito na marahil yung pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang taong walang ibang ginawa kundi ang magmahal. pero gusto kong malaman mo na sa kabila ng lahat ng nangyari satin, nandirito pa rin ako para sayo. Ako pa rin yung tao na pwede mong masandalan kapag nalulungkot ka, kapag may problema ka. Ako pa din yung taong pinapangiti mo pagkatapos mo akong asarin, pikunin, paiyakin, patawanin. 

Sana kung sakaling maisip mo ako, mamiss mo ako, hanapin mo ako, nandito lang ako.