maynila

Tunghayan natin ang pagbabago, sa paglipas ng mga dantaon, sa imahen ng diwata sa ating mga mito’t alamat. […] Maaari noong unang panaho’y walang kasarian ang mga ito, ‘di kaya’y hindi makabuluhan ang kanilang kasarian. Sa wikang Espanyol, ang kasarian ng tao’y binabatay sa huling titik ng pangngalang tumutukoy dito. Kung a ang huling titik ay nilalapatan ng kasariang pambabae, kung o ay kasariang panlalaki. Ito marahil ang dahilan kung bakit nagkaroon ng kasariang babae ang diwata. Sa wikang Hiligaynon, ang katumbas ng diwata ay tamawo. Tulad ng paglapat ng kasariang babae sa Tagalog na diwata, gayundin nilapatan ng mga Ilonggo ng kasariang lalaki ang tamawo. Dagdag pa, sa guniguni ng karamihan sa mga Ilonggo sa kasalukuyan, pareho lamang ang kapre at ang tamawo. (26)

(Loose translation c/o me for those who can’t read Filipino) Let us examine the change, throughout the centuries, of the image of the diwata in our myths and legends. […] It is possible, that in earlier times these had no gender, or alternately, their gender was not significant. In the Spanish language, a person’s gender is based on the last letter of the name that signifies them. If the final letter is a, then a female gender is ascribed to them, if o, then a male gender. In the Hiligaynon language, the analogue of the diwata is the tamawo. Just as a female gender was ascribed to the Tagalog diwata, the same process of ascribing—this time, of a male gender—was done by the Ilonggo to the tamawo. Additionally, in the imagination of most Ilonggos at present, the kapre and tamawo are one and the same.

— 

Lucero, Rosario Cruz. “Ang Talinhaga ni Mariang Makiling: Isang Panimulang Makapilipinong Teoriyang Feminista (The Trope of Mariang Makiling: Toward a Filipino Feminist Theory).” Ang Bayan sa Labas Ng Maynila (The Nation Beyond Manila). Quezon City: Ateneo de Manila University Press. 2007. 22-40. Print.

see, this is why i have a lot of beef with the whole “pilipinx”/”filipinx” label: philippine languages aren’t gendered. look at our pronouns (siya as opposed to he or she or ellos or ella) or our adjectives (matapang or matahimik as opposed to bella or corto or pequeña) there is no need to create a new term, affix a new letter, for something that wasn’t gendered in the first place. this is definitely not the case with latinx people, given that the european languages that have dominated their linguistic sphere (primarily spanish and portuguese) are heavily gendered. so let the latinxs have “latinx”, that is valid in accordance to their linguistic habitus. but we are coming from a completely different linguistic context (yes, spanish and english have influenced our languages, but not to an extent of near or complete erasure or replacement), thus we are filipino.

i cite the above example to point out the fact that there are things that aren’t as rigidly gendered as we think, especially when we take them by face value with regards to the letters that make up their names or labels. because of our fixation on the genderedness of names as introduced to us, concepts in our consciousness such as the diwata or tamawo changed over time and “gained” gender simply because of an outsider orthographic rule.

another thing: f for the language, p for the people (at least within the philippine language, filipino: wikang filipino, taong pilipino). in english, you have philippine and filipino. also, please do not blindly make the assumption that the use of p over f “decolonizes” the term! there are, in fact, philippine languages that have been using the letter f (like ivatan and ibanag) before the spaniards set foot on our land and “introduced” the letter to our orthography! the basis of this assumption is primarily tagalog-centric. the philippines is definitely comprised of more than just the tagalogs.

there are also a couple of pilipinx-spawned labels such as “ilocanx” or “cebuanx” going around. if the above arguments aren’t enough, take into consideration that not all ethnic identities follow that naming pattern that we quickly assume to be rigidly gendered: what about the kapampangan people? the ivatan? the waray? the pangasinense? heck, the tagalog? where does the x go? tagalxg? t’bolx? yakxn?

it is impossible to completely decolonize the word “filipino” as a term, if at all, since the demonym is in itself a colonial invention, and the philippines as we know it the didn’t exist until the islands were arbitrarily united by the spaniards. if you’re going to criticize or problematize the label “filipino” or “pilipino”, do not do so by the axis of gender, because within the context of the term, it is not a pressing—daresay relevant—concern. instead, you may want to focus on how it attempts to encompass and speak over the numerous ethnic identities of millions of people from batanes to tawi-tawi for the sake of a collective national identity. but the notion of gender with regards to the label “filipino” is not a very significant issue to raise. the use of “filipino” does not erase or speak over women or people of indigenous genders. so there is no need to make a big deal about it.

plus, note the word she uses to describe her feminist theory: filipino. it doesn’t take away much from her argument, does it?

edit: fixed some typos in the quote hehe (12/22/15 23:49 gmt+8)

Open Letter Para Kay F

Dear babe,

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw ng birthday ko. Syempre birthday ko yun at walang kinalaman yun sa pagiging bitter ko sayo. Echos! Ang hindi ko makakalimutang parte ng buhay ko ay nung magkasama tayo sa mabahong estero sa may Escolta. Hinawakan mo ang pasmado kong kamay. Nahihiya pa ako nun kasi ngayon lang natin gagawin iyon. Sinabi mo rin sa akin na gusto mo ring maranasan ang holding hands in public. Ginawa ko yun kahit alam natin na may possibility na makita tayo ng ibang bitter sa daan at isumpa tayo sa pagiging cheesy natin. Pero naging proud akong hawakan ang kamay mo at nalaman ko na mas pasmado ka pala kesa sa akin. Nilakad natin ang Mc Arthur bridge habang naglalangis na tayo sa pawis. Ang sarap sa feeling na hawak ko ang kamay mo. Parang walang tao sa paligid. Parang atin lang ang mundo. Habang tangay mo ang kamay papunta sa amoy taeng kalye ng Maynila.

Gusto kong matunaw kahit literal na natutunaw na ako dahil sa sobrang init sa Intramuros. Gusto kong matunaw nung yakapin mo ako ng mahigpit. Nag join force ang pawis natin pero wala tayong pakielam kahit mamatay man tayo sa pulmonya at pagod basta yakap lang natin ang isat isa. Keri na kung amoy pawis pa tayong pareho. Pinaghirapan naman natin ang amoy na yan.

Mahihiya si Jolina kung kakantahin ko ang Chuvaa Choo Choo. Dahil pakiramdam ko ay nasa heaven ako nung halikan mo ako sa may estatwa ni Lapu-lapu kasama ang mga estudyante na nagpapractice at ginagawang gym ang Luneta. Kasama rin natin ang mga pamilya na ginawang pasyalan na ang Rizal Park at pagdadate nila Dudong at Inday dahil dayoff naman nila ngayon. Nakikisabay tayo sa pag-ibig sa Luneta. Nawala lahat ng takot at pangamba ko nung dumampi ang labi mo sa pwet ko. Wait. Joke lang. Sa labi ko rin syempre. Pinakamasyang parte ng buhay ko yun. Wala tayong naging problema. Masaya lang tayo kahit alam natin na bubungangaan tayo ng mga nanay natin pag-uwi sa bahay.

Natatandaan ko rin noong hinimatay ako dahil sa sama ng pakiramdam. Pinuntahan mo ako sa work ko. Baka akala mo ineechos lang kita na hinimatay ako. Ang saya ko promise. Hindi siguro halata kasi nga masama ang pakiramdam ko. Pero pakiramdam ko talaga na ako na ang pinakagwapong lalaki sa buong universe at ang haba ng hair ko dahil pinuntahan mo ako. Salamat.

Kumusta naman yung pagsundo ko sa iyo sa trabaho mo na sobrang epic fail. Wala ka na pala sa work mo. Umaaligid pa naman ako sa labas ng workplace mo. Baka pagkalaman akong budol budol ni Manong Guard kasi tinitignan ko lang yung gate nyo. Ayaw mong sunduin ka sa work mo. Naintindihan ko naman. Pinangako ko sayo diba na hindi na kita pupuntahan sa work mo. Kahit sobrang enjoy na enjoy tayo sa sex sa loob ng office mo. Haha. Echos lang. Kahit ayaw mo akong papuntahin ulit, naiintindihan ko. Sabi ko naman sayo diba lagi kong naiintindihan.

Kumusta Mama at Daddy mo? Natakot ka ba nung nakilala mo Mama at Papa ko? Galing pa nating magtago na wala tayong relasyon pero kapag nagkatalikod sila ay sobrang keso natin. May halong kaba, takot at excitement diba. Ang saya nung panahon na iyon. Unti-unti mong akong nakikilala, ganon din ako. Ang mahalaga ay happy tayo.

Kumusta pala ang mga plano natin? Yung mag-aaral tayo sa UP? Na aalis ako sa work ko at lilipat na para parehas na tayo ng work. Para malaki ang kita at makapag out of town or out of the country trip tayo. Ginawa ko na. Nagresign na ako sa work. Gusto kong tuparin yun. Kasi importante ka sa akin kahit na alam kong walang kasiguraduhan kung matatanggap ako. Binitawan ko yung posisyon ko kahit boss na ako at palautos sa ibang empleyado para itimpla ako ng kape. Lol. Iniwan ko yun para sayo.

Minahal mo ako ng may sabit ako. Dalawang tao akong may karelasyon. Tatlong buwan palang tayong magkakilala. Putcha. Iniwan ko sya para sayo. Kasi alam kong nasasaktan ka kapag magkasama kami. Sabi mo noon ay ramdam mo na hindi ko nabibigay sayo ang buo kong pagmamahal kasi may kahati ka. Pero dahil goodboy ako, sinunod kita. Iniwan ko sya para sayo. Kasi alam ko na doon ka sasaya.

Lahat ng chance na pwede tayong magkita ay ginagawa ko. Kasi sabi ko naman sayo na ikaw ang reason kung bakit ako masaya. Ganoon kita kamahal. As in peksman, mamatay man, mahal na mahal na mahal kita kahit nasasaktan ako sa tuwing ayaw mong makipagkita sa akin. Mahal na mahal kita kahit nagmumukha na akong namamalimos sa oras mo. Ano ba naman ang laban ko sa trabaho mo diba. Na kahit puntahan kita sa work para makita ka, pero ayaw mo parin.

Hindi ko alam kung saan ako nagkulang. O baka naman ay nasobrahan ka sa pagmamahal ko. Sabi mo nga na overwhelm ka sa pagmamahal ko at hindi mo matumbasan ang mga efforts ko. Pero dahil mahal kita, gusto ko sa sogo ka, tinanggap ko yun. Pinaniwala ko ang sarili ko na one day, babalik ka sa dati na nag iinitiate na magkita tayo ulit. Kaso wala eh. Hindi nangyari yun. Para akong aso na naghihintay sa amo nya tapos pag lalapit ay pipigilan at sasabihing STAY. Hindi naman ako aso babe eh kahit na nagdodogstyle tayo. Echos! Pero tinaggap ko yun. Kasi mahal kita. Kasi parte ka na ng buhay ko.

Ang pinakamasakit na parte ay yung magmamahal ka pero hindi mo na maradaman na may pagmamahal na pabalik sayo. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang salitang SORRY. Hindi ko naman hinihiling na pantayan mo yung efforts ko. Pero yung iparamdam mo lang sakin na ikaw ying babes na una kong nakilala, sapat na yun. Andami kasing alibis na wala pang sahod, busy sa work, blah blah blah. Bakit naman ako diba. Nagagawan ko naman ng paraan.

Hindi kasi magwowork ang isang relationship kung isa lang ang kumikilos. Para kang naglalaro ng seesaw pero wala kang kasama. Sariling sikap. Gusto mong maging tayo na pero sabi mo naman ay nabibilisan ka. Ano ba ang paniniwalaan ko dun? Gusto mong maging tayo na pero parang wala namang nagbabago sa atin. Ginawa ko naman ang lahat ah. Gusto mong ipleasure ka, go ako. Lol. Lahat naman ginagawa ko pero bakit ganito ang sinukli mo sa akin?

Sabi ko naman sayo diba, madali akong magmahal sa taong mahal ako, nag-eeffort at binibigyan ako ng time. Binigay mo sa akin yun sa nung umpisa. Bakit hanggang umpisa lang? Sa panahon na nahulog na ako, ano yun, biglang stop na? Labo naman oh. Para akong bata na pinatikim lang ng pagkain pero hindi naman binigay sa akin. Patakam lang. Nag effort lang sa simula tapos nawala na. Ang tanong ko ay bakit? Tapos gusto mong maging official na maging tayo pero wala namang pagbabago satin? Oo tanga ako pero huwag mo naman akong gawing bobo.

Binigay ko naman lahat eh. Para sa ikasasaya mo. Promise. Lahat ng bagay na gusto mo ginawa ko kahit gustong gusto mong makipagsex at wala ako sa mood go lang ako. Charot lang. I mean lahat ng gusto mo, mapasaya lang kita ginawa ko. Pero anong sinukli mo sa akin? Pagmukhain akong tanga na umaasa na gagawin mo yung part mo sa relasyon na binubuo natin. Wala naman akong ginawa kundi pasayahin ka at iparamdam sayo na hindi ka nag-iisa. Pinararamdam ko sayo na kahit itakwil ka o hindi tanggapin ng family mo ay may taong tatanggap sayo. May taong ipagmamalaki ka. May taong handang maging pamilya mo. At ako yung taong iyon. Alam mo kung ano ang masakit sa akin? Binigay ko naman ang lahat. Kaso bakit parang ako na lang?

Kaya babe, siguro time na para bumitaw. Alam mo kung ano ang pakiramdam na walang nagmamahal sayo. Alam mo ang pakiramdam na laging nirereject. Ngayong may taong dumating para mahalin ka ay tinataboy mo naman palayo. Alam mo ang pakiramdam na iyon at naranasan mo kung gano iyon kasakit. Pero iyon ang ginawa mo sa akin. Sabi mo hindi mo alam kung paano mabuhay ng wala ako? Pero bakit hindi mo ako pinapahalagahan? Hindi mo naman kasi ako nainform na ang need mo pala ay textmate lang at callmate. Edi sana hinanap na lang kita ng text mate. Madaming humihingi ng textmates sa upuan ng bus at sa public cr. Baka dun, makahanap ka ng textmate.

Kaya babe, pakiusap ko lang sayo. Sana kapag may muling magmamahal sayo ay pahalagahan mo. Kapag dumating yung taong mag effort sayo, mamahalin ka ng sobra, ibibigay ang lahat sayo maramdaman mo lang na may nagmamahal sayo at higit sa lahat ay tanggap ang weaknesses mo, yung mga flaws mo, sana huwag mo nang pakawalan at isawalang bahala. Sabi ko nga sayo diba, minsan lang darating sa buhay natin ang taong sobrang magmamahal sa atin kaya kapag pinakawalan mo pa sya, baka wala ka nang makitang iba na katulad nya.

Hangad ko na maging maligaya ka babe. Malaya na tayo.

Babe~

Austronesian Roots of the Tagalog Peoples

As with virtually all the lowland peoples of Maritime Southeast Asia, the Tagalog people who settled on Lusong (the Pasig River delta area, including the polities of Tondo and Maynila) were austronesians. (Scott, 1994 p.12;  Alvina,2011 p.9 ) (Osborne, 2004) They had a rich, complex culture, with its own expressions of language and writing, religion, art, and music. (Benitez-Johannot,2011)(Osborne, 2004)

There is some debate (Alvina,2011) about whether the Austronesian culture first came to the Philippines from continental Asia as proposed by Peter Bellwood and later Robert Blust (Alvina,2011), or from Maritime Southeast Asia as proposed by Wilhelm Solheim and  William Meacham (Alvina,2011). But the general consensus among scholars (Alvina,2011) is that the austronesians settled in the Philippines during the earliest stages of their migratory dispersal no later than about 3,500 years ago, (Alvina,2011) and later waves of migration spread from the Philippine Archipelago to reach as far east as Easter Island (Langdon, 2001; Van Tillburg 2004), and as far west as Madagascar. ( Burney, et. al., 2004; Dewar and Wright, 1993)

The cultural heritage uncovered by this recent scholarship explains why Philippine cultures, as pointed out by writers such as Nick Joaquin, seem even more similar to Micronesian and Polynesian cultures than they are to Continental Asian and Maritime Southeast Asian cultures.(Joaquin, 1988)

These Austronesian cultures are defined by their languages, and by a number of key technologies including the prominent use of boats, the construction of thatched houses on piles, the cultivation of tubers and rice, and a characteristic social organization typically led by a “big man” or “man of power.” (Benitez-Johannot,2011)(Osborne, 2004)

Deeply ingrained Austronesian religious beliefs persist to this day (Maggay, 1999; Demetrio, Et. Al, 1991 ), having syncretistically incorporated elements of hinduism and buddhism (Osborne, 2004), and having later adapted the structures of later dominant religeons, (Osborne, 2004;  Benitez-Johannot,2011) creating the syncretistic forms of “folk islam” and “folk catholicism,” (Maggay, 1999) which can still be observed in the Tagalog region and throughout the Philippine archipelago today.(Maggay, 1999)

References

Alvina, Corazon S. (September 16, 2011). Benitez-Johannot, Purissima, ed. Foreword. Paths Of Origins: The Austronesian Heritage In The Collections Of The National Museum Of The Philippines, The Museum Nasional Of Indonesia, And The Netherlands Rijksmuseum Voor Volkenkunde. Makati City, Philippines: Artpostasia Pte Ltd. p. 9. ISBN 9789719429203. {{cite book
 |url= |title=Foreword |last=Alvina |first=Corazon S. |date=September 16, 2011
|work=Paths Of Origins: The Austronesian Heritage In The Collections Of The National Museum Of The Philippines, The Museum Nasional Of Indonesia, And The Netherlands Rijksmuseum Voor Volkenkunde |publisher=Artpostasia Pte Ltd |year= | isbn=9789719429203 |editor-last=Benitez-Johannot |editor-first=Purissima |edition= |volume= |location=Makati City, Philippines |pages=9 |authorlink=}}

Benitez-Johannot, Purissima, ed. (September 16, 2011). Paths Of Origins: The Austronesian Heritage In The Collections Of The National Museum Of The Philippines, The Museum Nasional Of Indonesia, And The Netherlands Rijksmuseum Voor Volkenkunde. Makati City, Philippines: Artpostasia Pte Ltd. ISBN 9789719429203.  {{cite book |url= |title=Paths Of Origins: The Austronesian Heritage In The Collections Of The National Museum Of The Philippines, The Museum Nasional Of Indonesia, And The Netherlands Rijksmuseum Voor Volkenkunde |last= |first= |date=September 16, 2011  |publisher=Artpostasia Pte Ltd |year= |isbn=9789719429203 |editor-last=Benitez-Johannot |editor-first=Purissima |edition= |volume=
|location=Makati City, Philippines |pages= |authorlink=}}

Burney DA, Burney LP, Godfrey LR, Jungers WL, Goodman SM, Wright HT, Jull AJ (2004). “A chronology for late prehistoric Madagascar”. Journal of Human Evolution. 47 (1–2): 25–63. doi:10.1016/j.jhevol.2004.05.005. PMID 15288523.<ref name=“Burney2004”>{{cite journal | doi = 10.1016/j.jhevol.2004.05.005 | last1 = Burney | first1 = DA |name-list-format=vanc| last2 = Burney| year = 2004 | first2 = LP | last3 = Godfrey | first3 = LR | last4 = Jungers | first4 = WL | last5 = Goodman | first5 = SM | last6 = Wright | first6 = HT | last7 = Jull | first7 = AJ | title = A chronology for late prehistoric Madagascar | journal = Journal of Human Evolution | volume = 47 | issue = 1–2| pages = 25–63 | pmid = 15288523 }}</ref>

Demetrio, Et. Al, 1991 {{cite book |url= |title=The Soul Book: Introduction to Philippine Pagan Religion | last1 =  Demetrio | first1 = Francisco R. | last2 =  Cordero-Fernando | first2 = Gilda | last3 =  Nakpil-Zialcita | first4 = Fernando
| last4 =  Feleo | first3 = Roberto B.  |date= 1991 |publisher=  GCF Books, Quezon City |year= |isbn= |editor-last= |editor-first= |edition= |volume= |location= |pages= |authorlink=}} asin=B007FR4S8G

Dewar, RE; Wright, HT (1993). “The culture history of Madagascar”. Journal of World Prehistory. 7 (4): 417–466. doi:10.1007/BF00997802.<ref name=“Dewar1993”>{{cite journal | doi = 10.1007/BF00997802 | last1 = Dewar | first1 = RE | last2 = Wright | first2 = HT |  year = 1993 | title = The culture history of Madagascar | journal = Journal of World Prehistory | volume = 7 | issue = 4| pages = 417–466 }}</ref>

Joaqiun, Nick (1988). Culture and History. Pasig City: Anvil Publishing, Inc. p. 411. ISBN 971-27-1300-8. {{cite book | last = Joaqiun | first = Nick | authorlink = Nick Joaqiun | coauthors =  | title =Culture and History | publisher = Anvil Publishing, Inc. | date = 1988 | location = Pasig City | pages = 411 | volume = | edition =  | url = | doi = | id =   | isbn = 971-27-1300-8 }}

Langdon, Robert. The Bamboo Raft as a Key to the Introduction of the Sweet Potato in Prehistoric Polynesia, The Journal of Pacific History’, Vol. 36, No. 1, 2001<ref>Langdon, Robert. The Bamboo Raft as a Key to the Introduction of the Sweet Potato in Prehistoric Polynesia, “The Journal of Pacific History’, Vol. 36, No. 1, 2001</ref>

Maggay, Melba Padilla (1999). Filipino Religious Consciousness. Quezon City: Institute for Studies in Asian Church and Culture. ISBN 971-8743-07-3.{{cite book  | last = Maggay  | first = Melba Padilla  | authorlink = Melba Padilla Maggay  | coauthors =  | title = Filipino Religious Consciousness | publisher = Institute for Studies in Asian Church and Culture | date = 1999  | location = Quezon City  | pages =  | volume =  | edition =   | url =  | doi =  | id =    | isbn = 971-8743-07-3  }}

Osborne, Milton (2004). Southeast Asia: An Introductory History (Ninth Edition ed.). Australia: Allen & Unwin. ISBN 1-74114-448-5. {{cite book | last = Osborne | first = Milton | authorlink = Milton Osborne | coauthors = | title = Southeast Asia: An Introductory History | publisher = Allen & Unwin | date = 2004 | location = Australia | pages = | volume = | edition = Ninth Edition | url = | doi = | id =  | isbn = 1-74114-448-5 }}

Van Tilburg, Jo Anne. 1994. Easter Island: Archaeology, Ecology and Culture. Washington D.C.: Smithsonian Institution Press
<ref>Van Tilburg, Jo Anne. 1994. ’‘Easter Island: Archaeology, Ecology and Culture.” Washington D.C.: Smithsonian Institution Press</ref>

Anxiety and Defense Mechanism

Kahapon ay pumunta akong Cubao para bumili ng libro. Hassle kasi wala sa Bulacan nung hinahanap ko. Sakto na habang nasa Gateway ako ay nakita ko ang dati kong katrabaho. Doon ay nakapagkwentuhan kami at kinamusta ko ang kanyang tatay. Malala na daw ang cancer sa baga dahil sa pagyoyosi nito at dala ng polusyon sa Maynila dahil sa itim na usok ng mga sasakyan at kawalan ng disiplina ng mga tao.

Sabi nya lumalaban daw ang tatay nya sa cancer. Babalik daw sya sa dati at magiging malakas kahit binigyan na sya ng taning ng kanyang doktor. Naluha ang kaibigan ko habang nagkukuwento sa akin at sabi nga nya na defense mechanism na lang nila na maniwala na magtatagal pa ang tatay nila. In denial nga si Jacob at ang kanyang pamilya.

Binalikan ko ang turo sa akin ng aking prof sa Psychology noong nasa kolehiyo ako. Isa nga ang denial sa mga defense mechanisms. Ayon kay Sigmund Freud, ginagamit natin ang ibat-ibang defense mechanisms base sa ibat-ibang sitwasyon. Gumagamit tayo ng mga ito para takasan ang mga bagay na nagbibigay ng anxiety sa atin. Gusto nating iwasan ang mga masasakit na nakaraan, defense mechanism ang ginagawa natin. Iniwan ka ng syota mo dahil it’s not you, it’s me, aba kailangan mo ng defense mechanism.

Pinagaaralan sa Freudian Theory ang concept ng anxiety. Iba ang anxiety sa takot. Kaya kung takot ka na mabisto ng girlfriend mo na may iba ka, hindi anxiety yan kundi fear. Anxiety yan kapag nababahala ka o nagwoworry ka sa mga bagay bagay. Ano ba ang mangyayari sa buhay ko? Magkakalovelife pa ba ako? Isuswipe right kaya ni crush yung Tinder ko para magmatch kami? Mamamatay ba akong tigang? Yan ang mga nakakabahalang katanungan sa buhay natin. Natatakot tayo para sa kinabukasan natin.

Ayos sa librong Psychiatric and Behavioral Disorder in Intellectual and Developmental Disabilities (2007), nagsisimula ang anxiety natin kapag nagtatalo ang ating Id at superego. Id ay yung kasiyahan na tinatawag na pleasure principle. Gusto mong makipaglandian sa may boyfriend na. Go ka parin. Sex sex lang kumbaga. Subo lang pero di kasama ang puso. Gratification. Superego naman ang tinatawag na reality principle. Tama ba ang ginagawa ko o mali? Tama ba na ahasin ko ang boyfriend ng bestfriend ko? Dont subo kung di mo naman mamahalin diba?. Dahil nagtatalo ang Id at Superego mo, nagreresulta ito ng anxiety. Mahal ko si bestfriend ko pero mahal ko din ang boyfriend nya. Papa Dudot I dont know what to do kasi mesherep sye ang mangyayari sayo.

Batay sa pag aaral ni Freud, kapag mas hindi makatotohanan ang nararamdaman mo, mas mataas ang anxiety mo. At dahil hindi makatotohanan ay mas mahirap harapin ito kaysa sa takot. Oo niloko ka nya at pinagpalit ka sa mas maganda. Pero natatakot ka na baka sa susunod na magmahal ka ay ipagpalit ka din. Hanggang sa nabuo ang alamat ng man hater. Mahirap labanan ang anxiety. Mahirap labanan ang sariling multo.

Naalala ko sa libro ni Dan Brown na Origin (2017), nilahad nya na ang isip ng tao ay hindi tumatanggap ng blangko o walang sagot. Hindi nagagratify ang ating Id dahil kailangan natin ng sagot sa tanong kung bakit? ano? paano? Kaya nga natanong ni Liza Soberano sa pelikula na My Ex and Whys na “am I not enough? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?” O kaya naman ang klasikong pelikula ni Lualhati bautista na “Bata, bata, Paano ka Ginawa?”. Kailangan nating punan ang kulang sa atin. Kailangan nating alisin ang mga takot sa isip natin kaya nakakabuo tayo ng mga defense mechanisms.

Ginagamit ang defense mechanism para pahupain ang anxiety natin sa buhay. Bumagsak ka sa exam kaya sisisihin mo ang teacher mo. Hindi naman kasi magaling magturo yan. Iniwan ka ng jowa mo. Naku! Hindi ko kawalan. Sya ang magsisisi sa huli. Gusto mong pumunta ng Baguio para magmove on at gayahin si Mace sa That Thing Called Tadhana na pumunta sa Sagada para sumigaw ng AAYOKOOOOO NAAAAAAAA. Defense mechanism din yung pagpopost mo sa fb na okay ka lang. Isang pak na selfie. Tapos may caption na Im strong! Kahit deep inside durog na durog ka na. Kaya defense mechanism din ng kaibigan ko na isipin na may pag asa pa. Kahit sinasampal na sa kanila ang katotohanan na wala na talaga. Tulad ng relasyon nyo. *sorry na*

Hindi naman masama ang magkaroon tayo ng defense mechanism para alisin ang mga bagay na nagpapabahala sa atin. Isipin lang natin ang maaring impact nito sa mga taong nasa paligid natin.

being in tagalog

please read my post about pronouns here first ❤️

in tagalog, when you want to express the state of being, you often don’t need to put the “be verb”

this sentence construction: [state] [pronoun in focus], will suffice

  • guro ako - i am a teacher
  • gutom sila - they’re hungry
  • nasa maynila sila - they’re in manila

while the construction: [pronoun in focus] ay [state], is acceptable, it sounds a bit robotic

  • kayo ay magsasaka - you are farmers
  • kami ay papunta na - we are on the way
  • tayo ay pagod - we are tired

Masayang Gumala at Maging Malaya

Ang huling sulyap ko pala sa iyong mukha bago ako lumipad patungong Maynila ay ang pinakahuling pagkakataon na ako ay may damdamin pa para sa iyo. Sapagkat ngayon napagtanto ko na:

Ito. Ito ang panahon na tuluyang nawala ang natitirang sakit, lungkot, kirot at pagmamahal sa puso at isipan ko para sa iyo.

Dito. Dito ko napagtanto na hindi dapat pinapaikot ang mundo sa iisang tao, bagay o pangyayari. Mas masaya ang buhay kapag ikaw ay malaya sa mga tanikala ng ganoong mga bagay.

Masaya. Masayang libutin at tuklasin ang mga kalye at daan na hindi mo pa natatahak. Magugulat ka na lang sa sorpresang bitbit at dala sa bawat paglakad ng iyong mga paa sa pasikotsikot na dala ng buhay.

Ngayon. Ngayon ako ay puno ng kagalakan sapagkat nabigyan ng mukha ang dating mga pangalan, nagkaroon ng buhay ang mga litratong dati-rati'y nakasabit sa kawalan.

Salamat. Salamat at nakilala ko ang tulad nyong mga awesome and extraordinary people. Ang swerte ko sapagkat may bago akong mga kaibigang maganda, matalino, kwela at higit sa lahat may pagkagago! Hahahaha! (😂✌ peace tayo) Hanggang sa muli! Alam nyo na kung sino-sino kayo! 👩🐼👓

4

Art Fair Philippines 2018

It has always been a dream of mine to be able to create something that I can produly share to the world. One little step to achieve this is to expose myself through other’s works. Immersing myself to art and being surrounded by works of artists really brings out emotions that I can’t explain. I feel like there are not right words to express the whole experience of being able to witness works of renowned and budding artists alike. Sublime–I guess, that’s one way of putting it. There’s a sense of sublimity especially in works that really speak to me. This year’s Art Fair was able to make me feel this enigmatic feeling through some artworks once again.

Keep reading

Greed pt.II

Gaano ba kahirap maghanap ng trabaho ang isang pinoy? Akala ng iba ay kapag natapos mo na ang pag-aaral mo sa kolehiyo ay magiging mayaman ka na. May ilan sa mga kamag-anak mo tyak na ang sasabihin sayo “Naku, nakatapos ka na ng kolehiyo. Tiyak na maiaahon mo na sa kahirapan ang iyong mga magulang”. Aba! Kung alam lang nila kung gaano kahirap makipaglaban sa mga aplikante dahil sa dami ng mga gustong magtrabahong mga Pinoy.

May mga kilala ako na pinili na makipagsapalaran sa Maynila. Ang tingin kasi ng mga tao ay kapag nagmaynila ka ay magkakaroon ka ng magandang kinabukasan. Ang tingin ng mga tao sa iyo ay kapag galing ka sa Maynila ay ang yaman yaman mo na. Lalo na kung nanggaling ka sa malayong probinsya na hindi na ata masagap ng signal ng mga cellphone. Hindi nila alam na sa Maynila ay kapag mahina ka, tyak kakainin kang buhay. Hindi sapat na nakapagtapos ka ng pag aaral para magkaroon ng magandang buhay.

Ayon sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong taon ay 94.4% sa mga Pilipino na may edad 15 pataas. Sila ay kasama sa mga: 1. Wage and salary workers o ang mga taong binabayaran para magtrabaho. Kaya bes kahit yung pakikipagtsismisan mo sa katrabaho mo sa oras ng work ay bayad yun. Kaya kung sasagap ka ng tsismis, bayad parin yun. 2. Self-employed workers without any paid employee aka. sariling sikap sa trabaho. Sarili mong business. Magtinda ka ng piratang movie ng Aldub at Jadine sa gilid ng terminal ay kasali ka na sa employed world. 3. Employers in own family operated farm or business aka mga donya sa hacienda. Sila yung mga taong nagtatrabaho sa negosyo ng pamilya nila. Uso yan sa mga chinese na pinapasa sa kanilang mga anak ang lucky charm ng kanilang magic hopia. Sila ang mga pamilyang biniyayaan ng kayamanan para magbuo ng sariling negosyo. 4. Unpaid family workers o ang mga dakilang anak na bantay sa tindahan. Nagtitinda sila pero wala silang sahod. Kickback lang o kupit ang kanilang bonus sa pagtitinda nila sa palengke.

Kung mapapansin ay bumaba ang employment rate natin mula sa 94.6 noong July 2016, naging 94.4 na lang ito ngayong July 2017. Samantalang ang unemployment rate naman ay tumaas ng 0.2% noong July 2016 na mayroong 5.4% at naging 5.6% ngayong July 2017. At ang pinakamataas na unemployment rate ay ang Ilocos Region (8.2%), pangalawa ang National Capital Region (7.9%), ang pangatlo naman ay Central Luzon (7.1%). Kaya naman para nakakalungkot para sa mga taong umasa sa magandang kinabukasan sa Maynila ang uuwing luhaan dahil sa nabigong pangarap nito.

Ang isang ama na nakatira sa region 3 at kumikita ng provincial rate na 380 per day ay hinahati ang kanyang sahod sa kanyang pamilya. Kung apat ang kanyang anak at nag aaral ang mga ito sa sekundarya ay bibigyan nya ito ng baon na 25 pesos kada isa. Automatic na 100 pesos na kagad ang nabawas sa kanyang sahod. Samantalang ang asawa nya ay bibili ng bigas na 1 kilo na pagkakasyahin na nila sa maghapon na may halagang 38 pesos. At ulam na ipagpalagay natin na aabot sa 75 pesos para sa maghapon. Automatic na 210 ang matitira sa kanya. Kung lolokohin pa sya ng anak nya at magsisinungaling na kailangan nito ng 50 pesos para sa project nila pero ang totoo ay pang DOTA lang, ang matitira na lang ay 160 pesos. Kung ito ang matitira sa loob ng 23 araw kung ibabawas ang apat na sabado at linggo sa isang buwan, ay mayroong kang 3,680 na maiipon. Kung magbabayad ka pa ng upa sa apartment na dalawang libo, may matitira pang 1680 pesos na hahatiin naman sa kuryente, tubig at gas. Ganito ang pakikipaglaban ng mga magulang para maitaguyod nila ang buwan buwang gastusin. Paano kapag may nagkasakit sa kanila? O biglaang gastos? Saan sila kukuha ng perang pambayad sa hospital kung hindi naman sapat ang kanilang kinikita.

Paano naman ang mga manggagawang hindi nagkaroon ng maayos na trabaho? Ang mga trabahador na mababa pa sa minimun wage ang kinikita? Paano nila bubuhayin ang kanilang pamilya? Hanga ako sa mga kwento kung saan nakapagtapos ang kanyang anak sa kolehiyo sa pamamagitan ng pamamasura. Naalala ko yung lalaking nag aayos ng payong at sapatos sa amin. Minsan ay nasira ang payong ko at pinaayos ito ng aking Inay sa kanya. Naglalakad lang sya at walang pwesto kaya naman boses at paglalakad ang kanyang puhunan. May edad na si lolo nasa edad na 50 pataas. Tinanong ko sya kung may anak pa sya kasi ang tanda na nya at nagtatrabaho pa sya na nakabilad sa araw. Naawa ako dahil wala na daw ang anak nya at naiwan sa kanya ang dalawa nyang apo. Nakulong ang anak nya dahil sa nakapatay ito sa kanilang lugar. Hindi naman daw sya nakapagtapos kaya tanging paggawa lang ng sapatos at payong ang alam nyang gawin. Natatakot sya na baka kapag nanghina sya at nagkasakit ay walang makakain ang mga apo nya. Naiyak ako sa kwento nya at habang sinusulat ko ito ay naiiyak parin ako sa kwento ni lolo. Naisip ko ang aking ama. Nagpapasalamat ako na hindi naranasan ng aking ama ang naranasan ni lolo. At nagpapasalamat ako na nabuhay ako sa mundo na nakakakain ng tatlong beses sa isang araw o higit pa at nakakapag aral ako. Samantalang may mga ibang tao tulad ni lolo na walang katiyakan ang kanilang kakainin sa maghapon. Hindi naman araw araw ay may nasisirang sapatos o payong.