may-pinaghuhugutan

Bakit mahirap maging karelasyon ang SELOSA?

Dahil kailangang maging sobrang maingat sa bawat galaw, sa bawat sinasabi. Kailangan palaging manuyo. Kailangan palaging patunayang faithful at honest. May mga times na kailangang iwasan, layuan ang mga kaibigan. At higit sa lahat, may mga oras na inis na inis ka na, mahinahon ka pa rin dapat mageexplain at patuloy na manunuyo. Mahirap talaga kapag may pagdududa. Mahirap. Nakakainis. Nakakasawa.

At this point, kinikilig at napapangiti pa rin ako ‘pag naaalala ko yung mga mala-highschool “lovebirds” moments natin. Though, hindi naman naging tayo.

Yung biglaan kong pagsulpot sa pageant mo. Yung unang beses na inaya kita manuod ng sine. Yung mga hugot at pickup lines natin habang namimili sa supermarket. Nung ilang oras kong nahawakan ang mga kamay mo para alalayan ka nung nag ice skating tayo. Nung sinurprise kita sa birthday mo. Nung sinubuan mo ‘ko ng ice cream kahit hindi ako mahilig sa matamis. Nung sumandal ka sa balikat ko nung inaantok ka na. Haha. Minsan talaga, hindi na yung tao ang namimiss mo, kundi yung mga ganong memories. And yeah, these are good memories that matter.

May mga oras na iniisip ko na sana, hindi pa ‘ko okay. Na sana, nasasaktan pa rin ako. Na sana, umiiyak pa rin ako. Na sana, nararamdaman ko pa rin na pinaasa lang ako. Mas madali kasing magsulat kapag may ganon kang pinaghuhugutan, kesa dun ka humuhugot sa pinagdadaanan ng ibang tao. Para naman magkasense ‘tong blog ko. Hahaha.

Pero, wala eh. Masaya na ‘ko para sa'yo. At masaya na rin ako para sa sarili ko. ‘Tuloy lang natin ah? Maging masaya lang tayo. :)

Back story: Seungkwan needs to rate SVT as his son so the boys needed to appeal to him…

LOOK AT HOW AWKWARD HANSOL WAS!!! And what’s with the way he’d said “I miss you”?! Like really Hansol, with all the other things that you could’ve said to appeal as Boo’s son? May pinaghuhugutan ka kuya? 😂😍💜

I bet Hansol wouldn’t be as awkward if he was asked to appeal to be Boo’s boyfie 😁

cr. to @ultscheol

Yung boyfriend na..
  • Alam niya at ramdam niyang ikaw ang girlfriend niya.
  • Yung hindi niya na kailangan pagselosin girlfriend niya kasi ayaw niyang maging issue sakanila ang ibang tao.
  • Yung kahit na hindi kayo magkasama o magkalayo kayo panatag ka parin na Ikaw LANG mahal niya.
  • Yung iseseperate ka sa chatbox sa facebook kasi kung pagod siya sa araw na yun, ayaw niyang makipag usap sa iba pero sayo gustong gusto niya. hindi yung iseseperate ka sa facebook chat para MAKAPAG OFFLINE SAYO. kasi may mga kausap siyang ibang babae.
  • Yung kayang patunayan lahat ng mga sinasabi.
  • Yung may paninindigan. kung ano mga sinabi niya o pinangako niya sayo gagawin niya.
  • Yung ikaw lang ang lalandiin.
  • Yung kahit na may manlandi pa sakanya. hindi niya yun i-eentertain.
  • Yung mamahalin ka. IKAW LANG. Hindi yung may isa pa. tsaka isa pa. tsaka isa pa. tsaka isa pa.

Hi 'teh

Hindi ka naman kagandahan. Hindi ka naman kabaitan. At mas lalo nang hindi ka naman kinababaliwan ng mga lalake. Pero bakit ang choosy mo? At isa pa. Sa dinamidami ng lalake ba’t ang napili mo pa ay yung sasaktan ka lang. Tignan mo, umiiyak ka nanaman. Pano kasi ang hilig mo sa gwapo iiwanan ka din pala sa dulo.

Naranasan mo na bang mainlove sa kaaway mo? Yes. KAAWAY. Ito yung taong kinaiinisan mo, dahil palagi kang binabara, kinamumuhian mo dahil palagi niyang sinisira araw mo, Kinagagalitan mo dahil palaging siya ang bumabadtrip sa araw mo. Pero bakit ganun? Isang araw, wala siya. Di mo siya nakita. Dapat masaya ka dahil walang nambabara sayo, dahil walang sumisira ng araw mo, walang nagpapabadtrip sayo, pero bakit may iba ka yatang nararamdaman? At parang mali ata? Namiss mo bigla siya. Namiss mo yung pambabara niya, pang aasar niya at pagsira ng araw mo dahil sa kaniya. Diba parang kakaiba? Dapat maging masaya ka. Hindi, dapat naging masaya ka nung wala siya. Pero bigla kang nalungkot. Bigla kang di nabuhayan. Bigla nalang parang nabadtrip ka, naasar ka at nasira ang araw mo dahil WALA siya. Hindi mo na nga minsan naiintindihan ang sarili mo kung bakit ba iyon ang nararamdaman mo. Naiisip mo, “Bakit ba ako magkakagusto sa kaniya eh kaaway ko nga siya?” Yan ang pinanghahawakan mo. Pinipigilan mo ang nararamdaman mo dahil alam niya na kaaway mo siya at kaaway ka niya. Magkaaway kayo sa paningin ng iba. Kaya sinong mageexpect na magiging kayo hindi ba? Tinutukso tukso ka pa ng iba dati na baka raw unti-unti ka nang nahuhulog sa lalakeng kaaway mo ngunit ang palagi mong sinasabi sa kanila ay hinding hindi mangyayari yun dahil kinamumuhian mo siya. Pero ano ka ngayon? Heto ka, Nahuhulog sa kanya. Sa Kaaway mo. Tinatanong mo pa nga sa sarili mo, “Ano bang nagustuhan ko dito?” Dati, sa paningin mo, isa lamang siyang hamak na kaaway, pinakapanget sa paningin, kinamumuhian mo. Pero, heto ka, at tinagurian siyang pinakagwapo sa panigin mo. Na kapag tiningnan mo ay para bang naieexplain mo na  ang salitang perpekto. Isang araw, andiyan nanaman siya. At binabara ka, inaasar ka at binabadtrip ka. Dati rati ay naiinis ka ng pinagtatawanan ka niya dahil sa pikon ka na, pero ngayon, bigla ka nalang napapangiti. Dahil nakikita mong tumatawa siya dahil sayo. Na napapasaya mo siya. Na ikaw ang nakakapagbigay ngiti at halakhak sa labi niya. Di mo alam kung ano ba ang nararamdaman mo. Pero ang alam mo lang, Masaya ka dahil napasaya mo siya. At dun mo na nga nalaman. Dun mo nalaman kung bakit bigla ka nalamang nahulog sa Kaaway mo. At ito ay dahil sa akala mo siya ang nagpapasira ng araw mo, eh yun pala ang kumukompleto nito. Yung pambabara at pang aasar, yun ang gusto mong marinig sa kaniya dahil yun ang dahilan kung bakit ganito nalang katindi ang pagkahulog mo sakaniya. At ang akala mong nagpapabadtrip sayo eh yun pala ang nagbibigay saya sa puso mo. Sabi nga nila, “The more you hate, the more you Love.”

TORPE?

Maraming taong ganyan. Madami din akong kilalang ganyan. Yung tipong gusto mo yung babae tas ikaw nakikipagchat ka nga, nagtTA ka nga sa kanya pero di ka naman “dumadamoves”. Ano ginagawa mo? Nakikipagparamdaman? Buti sana kung maramdaman ka niya. Eh pano ka nga maramdaman ni sabihin na may gusto ka sa kanya di mo magawa. Pano pag naunahan ka ng iba? Kawawa ka naman.

Appreciation

 

Sa isang relationship, alam nating lahat na may stages yan diba? Sa una nagkakahiyaan pa, puro kiligan moments, lahat lahat binibigay niyo sa isa’t isa basta pwede. Pero kapag tumagal-tagal ay parang nakakalimutan na yung mga ginagaw niyo dati. Yung tipong kikiligin ka pa, yung tipong crush pa rin ang turing sayo. Yung mga ganon. Dapat kung ano yung pinagsamahan niyo nung una, ganon din ang kalalabasan sa huli. Para bang may spark na mangyayari. Dapat hindi mawawala yun. Yun kaya ang pinaka nakakakilig. Yung spark kung tawagin.

Sa isang relasyon, importante ang open kayo sa isa’t-isa. Ikukwento lahat ng nangyari sa buhay mo. Kailangan walang sikreto. OPEN nga diba. Kasi naniniwala ako na yun ang makakapagpatibay sa relasyon niyo.

Kung wala na siyang time sayo, PLEASE DO ALLOT TIME FOR HIM/HER. Wag mong idahilan sa kanya na “BUSY AKO. Madami akong gagawin.” Wag ganon. Parang sinabi mo naman na kinatatamaran mo siya diba. Tinawag mo pa siyang BOYFRIEND/GIRLFRIEND kung ganon din lang naman ang kakalabasan. Kung wala ka namang ginagawa, yayain mo siyang umalis. MONEY? Hindi sagabal sa isang relasyon ang pera. Kahit magkasama lang kayo ok na. Kahit nasa bahay lang kayo ok na. Atleast napasaya mo siya diba. May kasabihan nga tayong “Pag gusto madaming paraan, pag ayaw madaming dahilan.”

Baka kung kailan huli na, tsaka mo lang ipapadama sa kanya ang pagmamahal mo. Nasa huli din naman ang pagsisisi. Ikaw din. Kaya ngayon pa lang ipadama mo na sa kanya. Bigyan mo siya ng oras kung kinakailangan. Learn to appreciate HIM/HER