may-makwento-lang

I.D.

napawi lahat ng aking pagod kakalakad, inip kakaintay at pawis sa sobrang init nang makuha ko itong I.D. ko at matapos ang aking enrollment kanina. maganda ang aking araw ngayon hindi tulad kahapon na sobrang badtrip ako at irritable sa lahat ng bagay sa aking paligid. pagod na kase ako nun tapos parang ang panget pa ng mga nanyayare. hahaha. oh well. buti ngayon hindi na ganun :)

feel na feel ko nung sinuot ko ung I.D. ko. i was like “yeah i got this badass I.D. already and i'mma swag baby. uhm yeah mah men” LOLwhut?! hahaha may masabe lang XD kahet na mukhang gago lang ako sa picture ng I.D. ko. okay lang! haha.

so ayun. pansen lamang :D

Boy Meets Girl

“Boy meets Girl”

It goes like this “Alyssa and Adrian invites you to our wedding. Join us at Our Lady of Sorrows. The ceremony is at 4:00pm. Pls. RSVP until Jan. 30.

Yes? No?”

This is where it all started. It was a theology project. A wedding project to be exact. We were partners and we used this photo for our invitation. It was not a big deal at the time really, not after a couple of months (6 months i think). Then we became a couple and now making more happy memories together. :)

Bading sya. Bading :(

Yung isang crush ko (eh madami kasi akong crush) in a relationship na sa lalake :/ HAHAHA. Ano ba yaaaaaaaan. Masugid pa naman akong taga like ng pictures sa fb. Pamangkin lang sya ng isang officemate ko tapos nagmeet na kami eh sa party. Naalala ko pa medyo nakainom na kasi ako non tapos kumakanta ako naisipan kong bumanat sakanya.

Me: *tinawag ang name nya* (nakamic pa ko haha)
Him: *tumingin*
Me: Asin ka ba?
Him: *ngumiti* Bakit?
Me: Bagay kasi tayo eh. As in!!!
Him: *ngumiti again* ngitizoned.

Kaya pala ayaw nya kong harutin that night. Hay. HAHAHA.

2

I tried painting and blow painting but I think I failed. I did it last week. I recovered my sketch pads from First year - First term in our bodega. Nakakatuwa kasi parang nabalikan ko yung mga ginawa namin na mga works. Nakakatawa naman kasi ang papanget ng gawa ko. Hahaha! Pero okay lang at least I’m done with it na and I passed the course naman, kaya lang wala improvement sakin, gusto ko sana matuto pa. Anyway, yan lang yung nagawa ko at yung iba pinaglaruan ko nalang, di rin naman kasi maganda, but at least I tried.

Martes pa lang pero pakiramdam ko e Byernes na. Ni hindi ko na dapat inaalala ang araw dahil wala naman dieperensya ang pitong araw sa isnag linggo dahil araw-araw ako nagtatrabaho. Okay, ineexagerate ko lang, pero totoo, pitong sunod-sunod na araw na ko nandito sa opisina. Pukang ama! Hindi ko alam kung pano ko kinaya na walang rest day ng isang linggo, oo, muka akong pera at overtime pay pero pakiramdam ko e dapat din akong magpahinga. Mula kahapon e 16 na oras akong nasa opisina, hanggang sa oras na ‘to e andito pa din ako, punyeta! Gusto ko na matapos ang project namin dahil mukhang hindi na kakayanin ng katawan ko ang ganitong kalakaran, oo, masaya naman dito sa opis, sobrang saya, madaming pagkain lagi at tawa kasama ang mga kasamahan kong malapit na din layasan ng bait. Ako din mukhang mababaliw na, dalawang araw ko ng di nakakasama at nakakachikahan ng matagal ang lalakeng kupal. 

Friendship and Random Shits

July 2011

naalala ko, eto yung buwan kung kailan ako umamin na matagal ko nang minamahal yung bespren ko. tapos akala ko, nung umamin ako, magiging ok na ang lahat. pinaparamdam ko na kung ano na pwedeng mangyari. tapos ayun, bigla na lang siyang nanlamig. hindi ko alam kung bakit. natakot akong baka biglang lumayo at kalimutan niya na lang bigla ang lahat ng pinagsamahan namin.

September 2011

naalala ko, eto yung buwan kung kailan ako umamin sa dati kong minamahal na until now eh mahal ko pa rin siya. kahit na umamin at matagal ko nang minamahal ang bespren ko, hindi maitatangging sa ikli ng panahon na nagkasama kami eh napamahal na talaga ko sa kanya.kahit nakaramdam ako ng matindin sakit noong minsan, hindi ko na iniisip yon. basta sure ako sa nararamdaman ko nung mga panahong yun.

October 2011

naalala ko, eto yung buwan kung kailan sinagot ako ng taong nililigawan ko. mejo nakakailang manligaw, oo, pero nagawa ko naman siyang pasagutin. masaya ako, oo, dahil masaya siya sa akin. nalungkot ako, oo, dahil si bespren, simula nung nanlamig at wala na kaming communication sa isa’t isa, eh malalaman ko sa isa ko pang bespren na nagbago na ko. hanggang ngayon, nagtataka ako bakit niya sinabi ang mga bagay na ganon. hindi ako nagsasalita ng tapos, pero sana naiintindihan niya, na gusto ko lang isalba yung iniingatan naming pagkakaibigan.

Mapapagtanto mo talaga na tumatanda ka na kapag sasapit ang pasko at maiisip mo na sa noche buena e hindi pala kayo kumpleto. Hindi ako sanay na madinig sa kuya ko ang mga linyang “Ma, Dun kami sa kabila mag-no-noche buena, pero sa bagong taon dito kami.” Dama ko na sumama ang loob ng nanay ko kahit hindi niya sabihin, kahit “OK” ang sinagot niya na may kasamang ngiti, alam kong hindi siya sanay sa ganung sistema, may asawa na kasi ang kuya at syempre bilang may sariling pamilya, kelangan hatiin ang katawan niya sa ganitong pagkakataon, masakit dahil matik na bitbit nila ang chikiting na mahal na mahal ng ermats at erpats ko. 

Parang ayoko na tuloy mag-asawa dahil sa attachment na meron ako sa pamilya ko, pero siyempre joke lang, tangina, ang tanda ko na ata para isipin ang ganitong bagay.Sa kabilang banda, mukhang kasama ko ang chiks ko bukas sa Noche Buena, sana sana, unang pasko kasi namin na magkasama, kapag naman hindi umayon ang lahat sa plano, naiintindihan ko naman na clingy ang nanay niya. 

GM

Ano bang napapala ng tao sa GM? Kasi naman.. Minsan, nakakairita kung maka-GM eh. Sobrang inaabuso naman ang unlitext. -_-“

Oo, dumaan din ako sa ganyan na GM ng GM dahil bored ako. Wala akong magawa kaya naghahanap ako ng katext. Pero that was before, nung wala pang Twitter. Eh ngayon, may Twitter na. Kung gusto mong ipaalam sa buong mundo kung anong ginagawa mo, mag-Tweet ka na lang kasi doon, acceptable pa yon.

Wag yung hayok na hayok kayong mag-GM ng mga walang katuturang bagay (tulad na lang ng mga ginagawa nyo minu-minuto at oras-oras, mga kwento ng mga happenings sa buhay nyo, mga pa-greet nyo sa mga katext nyo, etc). We get it, ok! Ikaw na ang naka-unli, ikaw na ang maraming ka-text, ikaw na ang nagka-ganito, ikaw na ang nagka-ganyan. O_O Wag mo na i-broadcast kasi I’m sure, more than half sa sinendan mo ng GM mo eh wala din namang pakialam sa sinabi mo. Unless important information ito.

Kung yung tipong nagpapasa ka ng inspirational quotes, funny jokes at mga important informations (like instructions sa group work, or something), katanggap-tanggap pa yun. Pero kung hindi, well, itigil mo na.

Di ko maimagine na yung mga kaklase ko, mga ka-age ko, nag-gaganun pa rin. Akala ko eh na-outgrew na ng mga ka-age ko yung ganitong ugali kasi ilang years na rin ang nakalipas simula nung nagkaroon ng unlimited texting dito sa Pilipinas. Pero nakaka-gulat lang talaga.

Oh well. Kanya-kanyang trip lang naman yan eh, wag ka lang mag-ttrip na mag-g-GM ka sa kalagitnaan ng gabi at napakasarap ng tulog ko tapos ifflood mo pa ang GM mo, malilintikan ka sakin! 

PS. Dahil irita ako sa mga taong hayok mag-GM, lahat ng mag-g-GM sakin ng hindi quotes, jokes at information ay ipopost ko dito. Para maaliw naman mga followers ko! Meheheh!

guys guys guys.. Si mama kasi nagyouyoutube na naman. Dun siya kumukuha ng kanta, mga 80’s daw. Tapos isusulat nya sa papel tapos papaburn daw nya tska nya patutugtugin sa player. How cool is that? Pwede naman kasi sa computer nalang siya magpatugtog pero di naman kasi siya marunong magfrostwire!

Anyway, magrerecord kami ng pamangkin ko. Kakanta kami ng Marry You sa Youtube, karaoke style to!

MASAKIT TIYAN KO-BUSOG, kakauwi lang galing tagaytay, (dahil may konting salo-salo para sa house blessing ng mga tita’t tito ko), pero galing pa akong rosario na umikot ng noveleta at cavite city, huwaaaat? anu daaaaw?

ok ganito kasi yun, 2nd day ko na sa work kanina at ang unang activity ay motorcade patungong cavite city na ang daan ay noveleta to promote 3DS, kaya naman naikot ko nanaman ata ang cavite?

tapos around 6 to 7 ay kinukulit na ako ng parents ko na humabol nga daw ako sa rest house at andun pa daw sila at aantayin daw nila ako, ngunit ay natapos ang 2nd activity namin - Eboy Mall tour around 8pm nayun, kaya naman after mag-out eh darecho na sa sakayan ng pa SM Pala-pala na ang daan ay sa Gen. Trias. mahaba pala ang bayan na ito, hindi ko lang ramdam, hahaha. tapos nakarating ata ako pala-pala ng mga past 9 na ata? hindi ko na alam ang oras tapos sakay agad ako ng bus patungong Tagaytay, basta around 10:15 nako nakarating sa bus stop na starts w/ letter ’M.’ basta sa may Petron yun at dun ako sinundo ng driver namin :D pero sa totoo lang ay madilim na yung Aguinaldo Highway plus mabilis ang byahe kaya hindi ko talaga masabi kung asaan na ako sa byahe, pero alam ko yung binabaan ko at ang palatandaan ko ng Tagaytay ay ang Olivarez :P

pero sa totoo lang ay 30minutes lang ay pag-stay ko sa bahay at pinakain na ako, medyo dalian ko nalang daw at medyo gabi’t late na, kaya ayun — nabigla ata ang tummy ko sa pagkain, buti nalang konti lang rice, madami ang ulam, pero kahit na, late dinner na kasi yun, kaya sakit tuloy tiyan ko, waaaaaaa…

saaaaakit ng tyan ko :’( wahuhuhuhuhuhu

need ng matulog, dahil dahil may pasok pa mamea :’(

>

Kung hindi mo ako masyadong kilala, pusta ko, ang magiging tingin mo sakin e taong tahimik at walang kalokohan sa katawan, but wait!, kapag kilalang kilala mo naman ako, magugulat ka sa mga bagay na pinag-gagawa ko sa buhay, may mangilan-ngilang tao na nakakita ng side ko ng pagkakaron ng sungay, at pag sinabi kong sungay, bitch, you have to deal with it! Pero, pero, hindi naman umabot sa punto ng paglabag sa sampung utos ng Diyos, pero hindi ko din nililinis ang pangalan ko at lalong hindi ko sinasabi na hindi ako nagkakasala sa pang araw araw na buhay. Pero yun nga, tulad nga ng sabi ni Paoline kani-kanina lang… “Never mess with an IT girl. 

One of the most important things my mother has taught me was to fight for whatever I think is right. 

Maging palaban, kumbaga. 

Noon kasi, kahit malaking babae na ako, binubully pa rin ako ng mga batang kaedad ko. Sino ba naman ang hindi kukutsain. Grade 3 ka pa lang, 5 feet na ang height mo. Ayun. Tawag sa'kin noon, higante, bakulaw, at kung ano-ano pa.

Ewan ko ba. Kahit mas malaki ako sa kanila, hindi ko sila magawang labanan. Malamang dahil sakitin ako. At takot akong makipag-away.

Ewan ko ba kung ano nangyari nung tumanda ako. Naging palaban na ako. Minsan, palaaway pa nga eh. Kahit lalaki, hindi ko inuurungan.

Pero naman, hindi ako ‘yung nauuna. I stay classy.

Lumalabas lang pagiging matapang na Ilongga ko pag inaapi na ako. Mana kay Inay.

Pero parang hindi naman.

Ah basta.

BOBONG MANDURUKOT.

kasi naman pag sakay namin ng MRT eh nakayuko ako so nkikita ko ung bulsa ko tapos may mabilis na kamay langya nawala bigla cp ko TANGINA napalingon ako eh! tapos sabay sabi sa kasama ko “KINUHA MO CELLPHONE KO?!” Siya naman hindi daw tapos may narinig akong nalaglag napa tingin ako agad tapos natulak ko ung kasama ko sabay kuha nung cellphone sabi nung lalaki “ay cellphone mo ba yan?” tinitigan ko siya ng masama eh. sabay irap. di na lang ako nag salita eh. gusto ko sanang sabihin OO PUTANGINA MO CELLPHONE KO NGA UNG DUDUKUTIN MO! inamoka! tapos ayon pinaparinggan ko na ambobo niya. tapos ung unang stop pa lang bumaba na siya. Tangina nahighblood ako na may halong tuwa na ewan ang gulo nag papasalamat ako na bobo siya. hahahahaha :)))) eto nasa aking piling padin si cellphone :“”>

TMI.

Hindi ko alam kung anong meron sa mga groceries (sm hypermarket, emilus, puregold), or mga drugstore (mercury, watsons, etc), pero tuwing papasok ako sa mga ganon eh sumasakit talaga ang tyan ko at natatae ako. -_-“

Pansinin mo ako pag kunwari magkasama tayo, tas pumunta tayo sa grocery or drugstore, mamumutla na ako nyan at pagpapawisan ng malamig. Pag sinabi kong masakit ang puson ko at kailangan ko umupo, ibig sabihin eh natatae na ako nyan. Meheheh!

Basta pag ganyan eh kailangan ko lang ng fresh air. That’s all.

I miss posting something here. So may i just note what I have gone through this day. haha. I have talked about an employment exam before, which I was pessimistic about and thought I wouldn't be able to pass. Well, I guess I think I have to give myself some doze of trust because I passed that wicked exam and went through the interview part. The interview was conducted this morning and I don’t know how to feel about the process, but I think I have given the best I could give for that part considering I was up all night and didnt have a sleep or a nap even. So basically, judgement time is imminent. If it turns out as positive, then hallelujah! if it’s not, move on and catch some more chances. I had fun this day because I get to see my friends who happened to be my rivals for the position of a nurse1. If I will not be picked for the position, I’m fine. I’d be happy if it lands on one of my closest friends at least. :)