may tira pa eh

HUSTISYA PARA SA 100 PESOS KO

Dahil tinatamad magluto ang inay ng hapunan namin, naisip kong yakagin na lang silang kumain dun sa isang fastfood kainan na since birth ko pang nadadaanan sa may highway ng Balagtas pero ni minsan ay hindi ko pa nasusubukang kainan dahil parang may kung ano atang supernatural force na pumipigil sa akin na wag akong kumain dun. Medyo nagtitipid din kasi ako kaya dun muna. Medyo karinderya lang naman siya na may aircon. 

To make the story short, eh di umorder sila. Libre ko eh. After 10 minutes, dumating ang order. Dalawang platitong kalderetang puro buto. dalawang order ng gotong puro sabaw, isang order ng pansit guisado at isang platito ng sisig na parang makaroni salad sa lamig. Eh ano pa nga bang ineexpect ko. Karinderya nga eh.

Nabusog naman sila. Medyo may tira pa ngang dalawang gayat ng ulam pero sabi ng inay ko, ipatake-out na lang daw para may pagkain yung aso namin. Eh di okay.

Kinuha ko ang bill. Nanlamig ang pawis ko. Lumuwa yung mata ko sa nakita ko. Tumataginting na 850php. “T*ng-inuuuuuhhhhhhhh!!!”

Hustisya para sa laman ng wallet ko! Kung oorderin ko yun sa ibang karinderya, nasa 250 pesos lang yun. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganung kamahal ang mga pagkaing yun na para bang kumain ako ng swarovski crystals. Nanginginig kong kinukuha sa wallet yung 1000 pesos ko. 

Wala eh. Wala akong karapatang magreklamo dahil nasa bituka na namin yung pagkain. Hinintay ko na lang yung sukli kong 150. Yung blue paper bill sa wallet ko naging beyolet na lang. 

Pero 50 pesos lang yung isinukli sakin nung bruhang cashier kaya lalo akong nahighblood. Sabi ko, “Aba ate, kulang ka pa ng 100. Mahal na nga pagkain niyo dito, di pa kayo tamang magsukli.”

Sumagot si ate na busy sa paglilipstick na parang gusto kong gurihan ang mukha, “Sir. pinatake-out ng nanay niyo yung dalawang gayat ng caldereta. 100 pesos yung charge para sa plastic container.”

T*ngina ulet. Kung inubos ko na lang sana. =(