matuwa

from Ney: Story behind girls who are blessed with boobs

Sasabihin ng iba, “buti ka pa nabiyayaan niyan”“buti ka pa may hinaharap”, oo siguro nga sobrang pansinin ng mga babaeng nabiyayaan pero may mga disadvantages din siya.

  • kapag nagjojogging or tumatakbo, sobrang sakit sa dibdib dahil sa bigat niya kaya kailangan talaga na nakasports bra ka or kung sobra sobra kang nabiyayaan maski sports bra hindi na effective.
  • minsan gagawing unan yan ng mga kaibigan mo or ng kahit na sinong matuwa dahil nga daw parang may unan na din sila.
  • hindi ka makakapagsuot ng mga fitted na damit dahil pwede kang makitaan and aminin man natin, madami padin sa paligid yung mga malilikot na mata lalo pa naaakit sila sa ganun.
  • sobrang hirap maghanap ng size ng bra kasi minsan kung hindi sobrang liit, sobrang laki naman.
  • mahirap matulog ng nakadapa kasi naiipit so masakit talaga. 
  • may mga tao pading nagjujudge na pag malaki yung boobs, nasasabihan ng malandi o maarte.
  • mahirap sumandal minsan sa table kasi naiipit siya kaya no choice minsan kundi ipatong na lang.
  • kapag naglalakad kayo in public sa mga malls, parks or anywhere, nabubunggo siya kapag sobrang daming tao kaya dapat doble pagiingat.
  • mahirap magsuot ng mga damit na de butones kasi pwedeng biglaan siyang matatanggal sa pagkakasara, pwede din masilipan kapag walang sandong suot sa loob.
  • pag nakasando ka at kumakain ka, pwede pasukan ng kung anu-ano kapag madungis ka kumain.
  • kapag may regla ang babae, dobleng sakit yung nararamdaman sa dibdib yung tipong namamaga.

Sa totoo lang madami pa pero yang yung mga common talaga. Kaya sa mga hindi masyadong nabiyayaan, do not worry too much dahil di naman yan yung basehan ng value natin as a person at bawi naman sa mukha *wink*. And sa mga nabiyayaan, yakapin at mahalin mo lang yan, be proud.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa or malungkot or neutral lang. Feeling ko neutral lang, kasi, okay, ‘di naman matataas scores ko sa midterms pero okay na 'yan sakin, tho, I know in myself that I could’ve done better. Believe it or not, mahirap po talaga ang calculus, stat, genmath, samahan mo pa ng tatlong science. I’m contented to my scores already, pero I know too that my mom’s expecting something, sinabi ko naman na sakanya, pinaliwanag ko na baka hindi na nga ako kasali sa honors ngayong 2nd sem (3rd grading). Well, I know my mom would understand, prinomise ko na lang sakanya na babawi ako sa finals. I swear to all faces of gods I’m gonna do my best to get to that list again.

This is a 2:58AM thought.

I am the type of person who always put limit on things. Hindi ko binibigay lahat, lagi akong nagtitira for the next time. For example, kakausapin kita pero hindi ko sayo sasabihin lahat ng gusto kong sabihin para sa next na pag-uusap natin, may masasabi pa ko. Another example is magb-blog ako ngayon pero hindi ko ilalagay lahat ng feels ko para sa next na blog ko, may mailalagay pa ko. And maybe that’s because I always think that there is always a next time. And besides, I don’t care din naman if this shit will satisfy you, if my words will satisfy you, if our conversation will somehow satisfy you. Basta may ginawa ako, yun na yun, wala akong pake kung matuwa ka sakin or hindi. Anyway, I never cared about anything naman pala kasi talaga. I am the type of person who is very much not interesado about anything. I know this might be so rude pero wala eh, ewan ko ba basta wala talaga akong pake. Wala akong pake sayo, wala akong pake sa mundo, wala akong pake kung wala ka ring pake sakin. Basta, wala akong pake kasi sobra talaga akong hindi interesado sa mga nangyayari sa mundo, ang iniisip ko lang palagi sarili ko kasi nakokornihan ako sa mga tao. Ganyan na ganyan ako dati. And then I met this person who turned me into something I never expected I will be. Hindi ko ugali yung pagbibigay ng best ko kasi tinatamad nga ako pero pagdating sakanya, damn, I really want to give everything I could give, I want to give the best I have in me. Sobra talaga akong interesado sakanya. Gusto kong malaman lahat ng bagay na pwede kong malaman about sakanya. Kahit kailan, hinding hindi ako mauubusan ng sasabihin sakanya. Sya yung tipo ng tao na kahit i-spend ko yung buong lifetime ko na kausap lang sya, alam kong kulang at kulang parin yun kasi sa huli, alam kong meron at meron pa rin akong mga bagay na gustong sabihin sakanya. Pagdating sakanya, gusto ko nalang gawin lahat ng pwede kong gawin na I know will make her satisfied and happy. Gusto ko nalang sabihin lahat ng bagay na pwede kong sabihin na alam kong ikakatuwa nya. Gusto ko nalang sabihin sakanya lahat ng salitang gustong gusto nyang sabihin sakanya. Gusto ko nalang sabihin lahat ng salitang makakapag-comfort sakanya. Wala akong pakealam kung maubusan ako, basta ang mahalaga nalang sakin is yung ma-satisfy ko sya at matuwa sya sakin. Gusto ko makita nya sakin yung worth nya. Gusto ko ipa-feel sakanya kung ano yung value nya as a person. I want her to see herself the way I see her. Gusto ko lahat ng pag-uusap namin maging memorable. Gusto ko pagdating samin, lahat good memories. Gusto ko ibigay sakanya lahat ng kaya kong ibigay, Gusto ko ibigay sakanya lahat ng deserve nyang ma-receive bilang tao, bilang babae, at bilang sya, She really deserves the best. Pag nag-aaway kami, gusto ko magkaayos agad kasi ayokong maalala nya ko someday as a person na kayang tiisin sya kasi hindi ako ganon pagdating sakanya. Pag nagj-joke ako okay lang kahit korni na basta mapatawa lang sya. Nag-bakla baklaan na nga ko lahat lahat kasi alam kong ganon yung mga trip nya. Nakapag-take na rin ako ng mga online disney personality quizzes kasi alam kong curious sya kung sinong disney prince ako at kung sang disney movie ako nanggaling kahit na sa sarili ko tangina tawang tawa nalang talaga ko kasi hindi ko na alam kung normal pa ba yung mga pinag-gagagawa kong yun.

Sobrang ibang iba ako pagdating sakanya. Nakakapanibago man pero gustong gusto ko talaga yung sarili ko when it comes to her. Feeling ko ang bait bait ko. Feeling ko ang tino tino ko kahit papano. She made me do things I’ve never done before like this tumblr shit. I’m not that vocal, lalo namang hindi ako madrama before pero basta, gusto ko nalang talaga ipagsigawan sa buong mundo yung mga bagay na naf-feel ko sakanya. I want the whole world to know how blessed I am kasi nakakilala ako ng taong katulad nya. She brought out the best of me. And maybe that’s the reason kung bakit sya pinakilala ni God sakin: To know myself more. For me to know na kaya ko, kaya ko maging matino, kaya kong maging hindi gago even just for a while. Hindi ako sigurado pero kung ano man yung rason kung bat ko sya nakilala, gusto ko lang ipaalam na sobra talaga akong thankful sa Panginoon kasi sa dinami rami ng lalaki sa mundo, ako pa yung pinili nyang makilala sya. Sa dinami rami ng tao sa mundo, yung landas pa naming dalawa yung pinag-meet nya. Every time na makakakita ako ng photos nya, hindi ko mapigilang hindi mapaisip: “Lord, bakit ako? bakit sya? bakit kami pa?”. Every night bago matulog, lagi akong nagp-pray at wala akong ibang sinabi kay Lord kundi “I only want the best for her po”. Wala na akong pakealam kung sakin ba sya mapunta kasi alam ko rin namang lugi sya sakin eh, sasakit lang ulo nya kaya ayun, bahala na, gusto ko nalang talaga yung best para sakanya. Ang tagal na tagal na at sobra talagang nakakaloko kasi sakin, wala paring nagbago. Pag nagb-backread ako sa conversation namin, kung ano yung naramdaman ko nung una ko syang nakausap, ganon at ganon parin yung naf-feel ko. Ilang beses ko nang sinabi sakanya to pero hanggang ngayon, sya parin talaga yung pinangarap kong ipakilala sa parents ko. Sya parin yung babaeng gusto kong idahilan sa mga friends ko kung bat di ako pwede manchix today kasi mab-beast mode si inday ahaha. Sya parin yung babaeng gustong gusto kong inisin tsaka galitin kasi ang cute cute talaga haha. Alam kong ang tagal narin, more than two years na nga since nung nakilala ko sya pero hanggang ngayon, natotorpe parin ako sakanya. Hindi ko na nga talaga alam kung ano gagawin ko sa feelings ko sakanya eh. Ang hirap kasi alam kong pagdating sakanya, hinding hindi ako mauubos pero wala, gusto ko na talaga magpaka-ubos. Ayoko na mag-blog pero this is the only way para maging okay. Sabi ko sa sarili ko, suko na talaga ako. Gusto ko na mawala lahat ng to. Gusto ko na mag-start ng panibago. Gusto ko pa pero ayoko na talaga, at sigurado na ko dun. Pinaka-birthday gift ko talaga sa sarili ko eh yung maging okay na ko. Malapit na, at sana, sana lang talaga mapagbigyan ko sarili ko. Hinding hindi mawawala sakin yung feelings ko para sa taong ‘to pero muli, gusto ko pa, gustong gusto pa pero ayoko na. at sigurado na ko dun.

3AM. Naalala ko lang bigla

Do you still remember the day na sinamahan kita sa book signing event ng all time fave mong writer. Actually, nung mga oras na yun di talaga kita maintindihan kung bakit pagka-announce na pagka-announce palang na magkakaron sya ng book signing event dito, tuwang tuwa ka na. Kung bakit ganon ka nalang ka-excited makuha yung pirma nung taong yun. Never pa kasi ako naging fan ng kahit sino that time. Di rin naman pa ako bookworm nun para sobrang matuwa kapag nagkaroon ng signed by the author na book. Pero sinamahan parin kita kasi boyfriend mo ako at girlfriend kita nung mga panahong yun. Bago palang kita niligawan, sinabi ko na sa sarili ko na susuportahan kita sa kahit anong bagay at sasamahan kita sa kahit saan.

Weeks before the event, I bought my book para makapasok rin ako at masamahan ka. We went to the event together. Lahat ng tao doon kagaya mo na excited na excited makita yung author na yun, ako lang yata ang hindi kasi first of all, di ko naman sya talaga kilala haha. While waiting, ako yung kachikahan mo nun. Pinagk-kwento mo sakin lahat ng about dun sa author na yun at about sa mga books nya. Sa pananalita mo, ramdam na ramdam kong gigil ka na ma-meet sya at magkaron ng picture kasama nya.

Finally, lumabas na sya. Nagsalita saglit at nags-start na mag-sign ng books. Yung ngiti mo nung pagkalabas nya, ayun yung ngiti na pinangarap kong makita araw araw. Sobrang nakakataba ng puso, sobra mo talagang saya nung mga oras na yun. I want to see you like that every time. Nung mga oras na yun, talagang mas na-motivate ako mag-effort lalo pasayahin ka kasi gusto rin kita mapasaya ng sobra sobra tulad nung nagawa nung favorite mong author sa’yo. At gusto ko, mas higit pa. Ang sarap mong titigan lalo na pag masaya ka, buong mundo ko talagang nagdidiwang.

After nung event na yun, sinimulan ko na basahin yung first book na binili ko. Yung book na sinulat ng favorite author mo. At simula nung mabasa ko yun, nasundan na ng nasundan, kinahiligan ko na rin magbasa ng mga libro. Simula nun, isa na ang mga nabasa nating mga libro sa mga naging topics natin. May times na sabay tayong nagbabasa ng books. May times na sabay tayong namimili ng librong babasahin next. May times naman na pag malakas trip mo uumpisahan mo makipag-exchange ng lines sakin from the book na nabasa mo na para bang sa’yo talaga nanggaling at ikaw yung leading lady tapos ako yung leading man mo, ako naman todo sakay lang sa trip mo to the point na minsan napapaisip ako pwedeng pwede na tayo sumali sa play haha. Tapos minsan, galit na galit ka pa pag sinasadya kong magpaka-spoiler para inisin ka haha. Sobra akong nag-enjoy. Ang sarap nga pala talaga magkaroon ng girlfriend na habitual reader.

I finally became that “very supportive boyfriend sa bookworm nyang girlfriend” and the “guy who became a bookworm because of his girlfriend”. You never asked me to read books rin just like what you do all the time noon pero nagkusa ako kasi gusto ko makasundo ka sa mga bagay bagay hanggat kaya ko. Gusto kong mas maging komportable ka sa akin. Gusto kong mas maka-relate sa’yo. Gusto kong maintindihan kung bakit ganon ka nalang umiyak at ma-touch ng sobra sobra nang dahil lang sa isang simpleng line from your favorite character. Gusto kong maintindihan kung bakit ganon ka nalang magpahalaga sa mga librong nababasa mo at gusto mong basahin.

Wala na tayo. It’s been years pero gusto ko lang sabihin na hanggang ngayon, tandang tanda ko pa rin yun. Isa yung mga yun sa mga precious moments na meron ako sa buhay ko na kahit kailan, hindi ko makakalimutan. Hindi ako nagsisisi sa lahat ng bagay na ginawa ko para sa’yo. Yes, it’s been years. Tagal na sobra, naka-move on na talaga ako sa’yo. Hindi na kita mahal, hindi na kita gusto kagaya ng dati. I’m sure ganon na ganon ka na rin. Pero pinapahalagahan parin kita kasi ex girlfriend kita eh, niligawan kita, minahal kita. Yung halaga mo sa akin, hinding hindi magbabago yun pero kayang mahigitan ng susunod kong mamahalin. Sobrang thankful ako kasi na-in love ako sa isang bookworm na gaya mo, ang dami kong natutunan.

Bigla kitang naalala ulit kasi yung favorite youtube cover artist ko confirmed na talagang magkaka-concert dito sa Manila. Jusko, sabi ko sayo noon pag nagka-concert sila talagang pupuntahan ko tapos gusto ko ikaw kasama ko. Nakapag-rave na tayo together, naka-attend na rin ng concerts ng magkasama pero yun talaga yung pinakahinihintay kong mapuntahan ng kasama ka. Mukang brother ko pa ata makaka-concert date ko nito kasama girlfriend nya, third wheel ahuhu. Anyway, miss u ate girl.