matatapang

Sa mundo kung saan maraming naghahanap ng forever, nahati ang society sa limang faction.

Nagmahal ka na ba ng…

Erudite?

SIla yung matatalino. Sa sobrang talino nila, hindi sila magpapatalo sayo. Kasi nga lagi sila yung tama. Erudite eh. Mataas ang pride nila at hindi sila basta basta magpapaunder sayo. Kahit nasasaktan ka na, kahit sila talaga ang mali, ikaw pa din ang magsosorry kasi wala ka naman magagawa. Mahal mo eh. Hahanap at hahanap sila ng mali sayo hanggang mapagod ka. 

Dauntless?

Mga matatapang, mas matapang pa sa kape sa tindahan. Kaya ka ipaglaban kahit anong mangyari. Kahit pinagbabawal ang pag-iibigan niyo, hindi pa din siya natatakot na mahuli kayo. Madiskarte din. Minsan tao, minsan ahas, minsan si Bes. At sa sobrang tapang nila, hindi din sila natatakot na mawala ka. 

Amity?

Kadalasang may commitment issues. Sila yung mga taong mas vinavalue ang friendship at peace. Kaya mas pinipili ka nilang ifriendzone para hindi ka masaktan at happy happy lang kayo. Mas gusto nila ng mutual understanding, sexual, at peaceful relationship lang. Kadalasan nasasabihan na “paasa”.

Candor?

Mga sobrang honest. Walang itatago na sikreto sayo. Ultimong mga kalandian niya na kasabayan mo, sinasabi niya sayo. At sa sobrang honest niya, isang araw bigla nalang siya magtatapat sayo na hindi ka na niya gusto o mahal. At least, honest siya di ba? Di ka niya niloko at pinaikot-ikot pa.

Abnegation?

Hulaan ko, hindi ka pa nagmahal ng Abnegation. Kasi ikaw to eh. Yung handang ibigay lahat lahat kahit wala nang matira sa sarili. Kung magmahal eh sagad na sagad. Hindi na iintindihin ang sarili mapasaya lang yung taong minamahal nila.  Kahit masakit na, nagbubulag-bulagan pa din. Ito yung mga dakilang martyr sa pagmamahal. Nagmumukhang tanga (well tanga talaga) mapasaya lang ang minamahal nila.

Pero meron din naman mga taong hindi fit sa limang faction. Sila ang Factionless.

Hindi sila fit sa kahit anong faction kasi wala naman silang pake at oras. Walang love life. Kadalasan may master’s degree o nakafocus sa work. Ito yung mga taong hindi priority ang paglandi o paghahanap ng forever. Alam nilang may tamang panahon dyan at kailangan muna nilang mas magfocus sa sarili at sa kinabukasan nila. Hindi mo basta basta malalandi.

At syempre, hindi mawawala ang mga Divergent. O kung babasahin mo in American accent, Dievirgin. 

Dievirgin. Ito yung mga ultimate pabebe, daig pa ang totoong virgin. Sa sobrang pahard-to-get, sa sobrang taas ng standards, mamamatay na silang virgin kakareject ng tao. Hindi sapat sa kanila ang chocolates and flowers and efforts na ibibigay mo. Kahit ibigay mo ang buhay mo, tingin pa din nila may kulang sayo. Sobrang taas ng standards, akala mo naman nasa kanya na ang lahat. Genetically pure daw eh. 

Ikaw, ano namang faction mo? Where do you belong? 

It’s time to choose.