matabangutak.tumblr.com

Ang hirap kapag naubusan na kayo ng pag-uusapan. Tipong hindi naman dun nasusukat yung pagmamahalan pero ang hirap kapag gusto niyo pa mag-usap pero wala na kayong topic na mapag usapan. Alam niyo yun? Gets niyo ba yung ganun na pakiramdam? Kaya minsan nais mo na lang lumayo para kung sakaling ma miss niyo ang isa’t-isa may topic kayong “Miss na kita”. O kaya naman minsan hihilingin mong may problema para may napag-uusapan kayong mahaba. Hay buhay nga naman. Lalo na’t malabo kayong magsama dahil malayo kayo sa isa’t-isa.