mataa

*family dinner conversation

mama to my sister: neng, bakit kalahati lang binabayaran ko sa TIP noon?

sis: may discount po kasi mataas grades ko

dad: panis ka pala abi eh, ikaw ano discount mo?

mama: may discount yan sa jeep. Estudyante

2

RIP Boy’s Hopes of having a “mataas na ilong”


“MANO PO”

Mano or Pagmamano is an “honoring-gesture” used in Filipino culture performed as a sign of respect to elders and as a way of accepting a blessing from the elder. Similar to hand-kissing, the person giving the greeting bows towards the offered hand of the elder and presses his or her forehead on the elder’s hand. Usually performed with the right hand, the person showing respect may ask Mano po to the elder in order to ask permission to initiate the gesture. Typically someone may mano to his or her older relatives upon entry into their home or upon seeing them.


RED SALUTE (Raised Clenched Fist)

Different movements sometimes use different terms to describe the raised fist salute: amongst communists and socialists, it is sometimes called the red salute, whereas amongst some African-American activists, especially in the United States it has been called the Black Power salute. During the Spanish Civil War, it was sometimes known as the anti-fascist salute. The traditional version of the salute, originally a symbol of the broader workers’ movement, became associated with the parties of the Comintern during the 1920s and 1930s. Since the Trotskyists were forced out of the Comintern, some Trotskyists have made a point of strictly raising the left fist in the tradition of the Left Opposition. Some anarchists also prefer the left fist to denote their libertarian socialist opposition to Marxism.


PHILS: “Alpredo, hindi raised yung clenched fist ko, at hindi naman totally clenched, hay naku, kung maka-react , todong-todo. Nasaan na ba yung advertisement ng Jollibee, isama mo tong OA na to o… “


(( XDD ))

Sources: https://en.wikipedia.org/wiki/Mano_(gesture) ; https://en.wikipedia.org/wiki/Raised_fist


BTW: big kids and smol kids, DON’T do this to other peeps pls, you might injure them via breaking their noses or restricting their breathing. hala kayo. wag ha? bad yan, bad. wag mong susundin tong alpredong to. tsk tsk

Sabay-sabay.
Sunod-sunod.
Paulit-ulit.
Nakakapagod.
Nakakasawa.
Nakakalungkot.
Palaging may hinahabol kahit hindi naman mahuhuli.
Palaging umaalis dahil takot maiwan.
Ayaw magpatalo.
Mataas ang pride.
Nagtatanim ng sama ng loob.
Nanunumbat.
Naninisi.
Nagagalit.
Hindi tanggap ang sarili.
Sumusunod sa dikta ng ibang tao.
Walang sariling paniniwala.
Walang sariling disposiyon.
Maraming sinisimulan pero walang natatapos.
Nagkakamali at uulitin.
Sumasagot sa magulang.
Makasarili.
Naaalala lang ang isang tao kapag may kailangan.
Ayaw masaktan kaya nananakit.
Naliligaw.
Hinahanap ang sarili.
Nalilito.
Lahat gustong piliin.
Pinipilit maging masaya.
Hindi makuntento.
Sunod sa uso kaya hindi sumusunod sa sarili.
Madaling sumuko.
Hirap matulog.
Hindi sapat ang 24 oras.
Akala ay kontrolado ang lahat.
Lahat ng bawal ay gustong subukan.
Naaalala lang ang Diyos kapag may matinding problema.
Sabay-sabay.
Sunod-sunod.
Paulit-ulit.
Nakakalungkot.
Nakakasawa.
Nakakapagod.

Lam mo yung ginagawa mo lahat para maging positive sa buhay pero hindi talaga kaya at sobrang nararamdaman mong pagod ka sa lahat ng nangyayari sa ‘yo? Yun bang ramdam mong pagod ka at ito yung klase ng pagod na hindi kaya ng pahinga. Minsan magsasawa ka na nasasaktan ka sa paulit-ulit na dahilan at dadating sa puntong wala ng lesson na nakukuha dahil 'yon na naman yung nangyari sa 'yo.

Minsan hindi mo alam kung may plano ba talaga sa 'yo eh. Hindi mo naman pinipilit at di mo hinahanap pero kapag sinubukan mong magkaroon ng pake sa mga dumating? Sa huli nakikita mo ang sarili mong hawak ulit nila. Tipong kahit gaano mo pinrotektahan ang sarili mo ay isusuko mo ito sa taong 'yon at magtitiwalang aalagaan nila ito kahit sobrang durog na.

Minsan di mo gets yung tadhana bakit gusto niya laging mag-isa ka at dadaanan lang ng mga tao na habang hinahanap din 'yong taong para sa kanila. Ayaw mong sanayin ang sarili mo sa kanila pero habang tumatagal ay nagiging paborito mo siya. Parang gusto mo palaging marinig ang boses niya o magkaroon man lang ng tiyansa na mahawakan ang kamay niya dahil doon mo mararamdamang pwede pa rin pala sumaya, na umiikot pa rin pala ang mundo, na gumagalaw ka rin pala.

Pero habang tumatagal bigla na lang sila lumalamig kapag nagiging okay na sila. Para bang sarangola na papaliparin ka ng mataas at bigla nilang puputulin ang tali para di ka na makabalik sa kanila. Tulad ng sarangolang nasa itaas na walang tali. Magiging malaya ka pansamantala, pero babagsak ka pa rin sa lupa. At di ka na ulit makakatayo at kailangan mo ng bagong tao na makakapulot at magpapalipad sa 'yo. Minsan, mapapahinga ka na lang nang malalim at maluluha na lang bigla kapag nakita mo ang sarili mo sa salamin. Naaawa ka sa taong nakikita mo. Isang taong repleksyon ng kalungkutan. Isang taong nais lumaban pero hindi hinahayaan. Isang taong nais lang din mahalin tulad ng ginagawa niya madalas. Mapapatanong ka na lang talaga kung bakit ang dali mong tiisin at iwan? Ano bang mali? Kung ang palagi mo lang ginagawa ay tama.

Bucketlist #17253

Ang sarap tumambay sa roof deck ng mataas na building kasama ‘yung taong mahal mo. Gabi, mahangin, maliwanag ang buwan at magkahawak kayo ng kamay. Magpaplano kayo ng mga gusto nyong gawin sa buhay, tapos pagtatawanan nyo 'yung mga bagay na dati nyong iniyakan.

pero sa totoo lang, ang mga taong magagaling dito sa grammar tahimik lang. hindi sila nakikisali sa gulo at wala silang pakealam sa mga sinasabi niyo. kaya lang naman bigdeal ang grammar dito dahil masyado ng nabalutan ang utak niyo ng mga matatalinghagang salita. na kapag magaling ka o nagmamagaling ka sa pagsasalita ng ingles eh mataas na agad ang tingin sa inyo ng mga tao. hindi naman ganto sa states pero bakit ganto sa pilipinas? ewan ko ba.

Anxiety and Defense Mechanism

Kahapon ay pumunta akong Cubao para bumili ng libro. Hassle kasi wala sa Bulacan nung hinahanap ko. Sakto na habang nasa Gateway ako ay nakita ko ang dati kong katrabaho. Doon ay nakapagkwentuhan kami at kinamusta ko ang kanyang tatay. Malala na daw ang cancer sa baga dahil sa pagyoyosi nito at dala ng polusyon sa Maynila dahil sa itim na usok ng mga sasakyan at kawalan ng disiplina ng mga tao.

Sabi nya lumalaban daw ang tatay nya sa cancer. Babalik daw sya sa dati at magiging malakas kahit binigyan na sya ng taning ng kanyang doktor. Naluha ang kaibigan ko habang nagkukuwento sa akin at sabi nga nya na defense mechanism na lang nila na maniwala na magtatagal pa ang tatay nila. In denial nga si Jacob at ang kanyang pamilya.

Binalikan ko ang turo sa akin ng aking prof sa Psychology noong nasa kolehiyo ako. Isa nga ang denial sa mga defense mechanisms. Ayon kay Sigmund Freud, ginagamit natin ang ibat-ibang defense mechanisms base sa ibat-ibang sitwasyon. Gumagamit tayo ng mga ito para takasan ang mga bagay na nagbibigay ng anxiety sa atin. Gusto nating iwasan ang mga masasakit na nakaraan, defense mechanism ang ginagawa natin. Iniwan ka ng syota mo dahil it’s not you, it’s me, aba kailangan mo ng defense mechanism.

Pinagaaralan sa Freudian Theory ang concept ng anxiety. Iba ang anxiety sa takot. Kaya kung takot ka na mabisto ng girlfriend mo na may iba ka, hindi anxiety yan kundi fear. Anxiety yan kapag nababahala ka o nagwoworry ka sa mga bagay bagay. Ano ba ang mangyayari sa buhay ko? Magkakalovelife pa ba ako? Isuswipe right kaya ni crush yung Tinder ko para magmatch kami? Mamamatay ba akong tigang? Yan ang mga nakakabahalang katanungan sa buhay natin. Natatakot tayo para sa kinabukasan natin.

Ayos sa librong Psychiatric and Behavioral Disorder in Intellectual and Developmental Disabilities (2007), nagsisimula ang anxiety natin kapag nagtatalo ang ating Id at superego. Id ay yung kasiyahan na tinatawag na pleasure principle. Gusto mong makipaglandian sa may boyfriend na. Go ka parin. Sex sex lang kumbaga. Subo lang pero di kasama ang puso. Gratification. Superego naman ang tinatawag na reality principle. Tama ba ang ginagawa ko o mali? Tama ba na ahasin ko ang boyfriend ng bestfriend ko? Dont subo kung di mo naman mamahalin diba?. Dahil nagtatalo ang Id at Superego mo, nagreresulta ito ng anxiety. Mahal ko si bestfriend ko pero mahal ko din ang boyfriend nya. Papa Dudot I dont know what to do kasi mesherep sye ang mangyayari sayo.

Batay sa pag aaral ni Freud, kapag mas hindi makatotohanan ang nararamdaman mo, mas mataas ang anxiety mo. At dahil hindi makatotohanan ay mas mahirap harapin ito kaysa sa takot. Oo niloko ka nya at pinagpalit ka sa mas maganda. Pero natatakot ka na baka sa susunod na magmahal ka ay ipagpalit ka din. Hanggang sa nabuo ang alamat ng man hater. Mahirap labanan ang anxiety. Mahirap labanan ang sariling multo.

Naalala ko sa libro ni Dan Brown na Origin (2017), nilahad nya na ang isip ng tao ay hindi tumatanggap ng blangko o walang sagot. Hindi nagagratify ang ating Id dahil kailangan natin ng sagot sa tanong kung bakit? ano? paano? Kaya nga natanong ni Liza Soberano sa pelikula na My Ex and Whys na “am I not enough? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako?” O kaya naman ang klasikong pelikula ni Lualhati bautista na “Bata, bata, Paano ka Ginawa?”. Kailangan nating punan ang kulang sa atin. Kailangan nating alisin ang mga takot sa isip natin kaya nakakabuo tayo ng mga defense mechanisms.

Ginagamit ang defense mechanism para pahupain ang anxiety natin sa buhay. Bumagsak ka sa exam kaya sisisihin mo ang teacher mo. Hindi naman kasi magaling magturo yan. Iniwan ka ng jowa mo. Naku! Hindi ko kawalan. Sya ang magsisisi sa huli. Gusto mong pumunta ng Baguio para magmove on at gayahin si Mace sa That Thing Called Tadhana na pumunta sa Sagada para sumigaw ng AAYOKOOOOO NAAAAAAAA. Defense mechanism din yung pagpopost mo sa fb na okay ka lang. Isang pak na selfie. Tapos may caption na Im strong! Kahit deep inside durog na durog ka na. Kaya defense mechanism din ng kaibigan ko na isipin na may pag asa pa. Kahit sinasampal na sa kanila ang katotohanan na wala na talaga. Tulad ng relasyon nyo. *sorry na*

Hindi naman masama ang magkaroon tayo ng defense mechanism para alisin ang mga bagay na nagpapabahala sa atin. Isipin lang natin ang maaring impact nito sa mga taong nasa paligid natin.

may kwento pala ako haha pota may blogger dito na kausap ko lagi. tapos okay naman kami noong una kaso habang patagal ng patagal lumalala eh. mataas din ang pride kaya ayos, pag nag-aaway hindi talaga nagbabati (pero nag try ako manuyo ah kaso wala ang gago). eh napuno na ako last saturday. and ending, hinayaan ko na at hindi na talaga ako nakipagusap err pag ako pa naman nawalan ng pake bahala ka. tapos kanina nag miss call haha pota hindi ata ako natiis. nag text ako tapos nag reply siya sabi niya bati na daw kami.  kaso matigas ako eh, bahala ka dyan. pero gago ang effort ko doon pota lagi ko tinatawagan tapos alam niyo ano ginagawa sakin? lagi ako binababaan ang hayop talaga. ni hindi nga ako nagrarant dito dahil gusto ko tahimik kaso sinisibukan pasensya ko eh. first and last blog ko naman to about sa kanya dahil mukhang ok na ata kami ulit? hahahahaha namiss daw ako eh, edi sige maglaro tayo hunghang ka. 

Pimple Power Revolution

Pinakamalaking kaaway na siguro hindi lang ng mga Pinoy kundi ng buong mundo ang tigyawat. Nakakastress yung paggising mo sa umaga ay makikita mong may nakaumbok na sa mukha mo. Pagkatapos ay lalaki ito ng lalaki hanggang sa kulang na lang ay sumigaw sa mukha mo na “TIGYAWAAAAAAT AKOOOOOO!” Nakakaasar yung unti-unti syang dumadami sa mukha mo hanggang sa mag iwan ito ng marka sa iyong pisngi.

Nagsisimula ang pagtubo ng mga kontrabidang pimple sa iyong mukha sa panahon ng iyong pagdadalaga at pagbibinata. Alalahanin mo yung panahon kung saan sinira ng tigyawat mo ang pagpapapogi o pagpapaganda mo sa crush mo. Hiyang-hiya ka diba na makita nya na may tigidig ka. Ayon sa pag-aaral ay nakukuha natin ang pagkakaroon ng pimples kapag nabarahan ang ating mga pores ng dumi o alikabok. Kapag nagsimula na itong mainfect ay mabubuo na ang nana na pinanggigigilan nating patalsikin kapag tinitiris natin ang ating mga tigyawat.

80% ng mga teenagers ang naapektuhan ng mga pimples. 8 sa 10 minor de edad ang pilit na nilalabanan ang kanilang pimple power revolution. Maswerte ang 2 sa 10 teenagers na biniyayaan ng makinis na mukha. Wag lang silang dadaan sa kanto namin at ipapabugbog ko sila.

Ang pinakakontrabida sa mga kontrabidang pimples ay yung nag-iiwan ng lubak sa mukha. Pagkatapos mong pisain ang tigyawat mo at ipahid sa shorts mo ang nana ay magbubutas-butas ang mukha mo. Shet! Imagine mo na isa kang planeta na binagsakan ng maraming asteroids. Ito ang mga panahon na pinapapangit ka sa nga sandaling pilit kang nagpapagwapo.

Kaya hindi nakakapagtaka na napakaraming mga produkto ang naglabasan para sugpuin ang lumalalang tigyawat sa mukha mo. Samu’t-saring mga solution na depende sa type ng skin mo. Sa ganitong paraan, binibigyan ka ng chance na maging kaakit-akit. Totoo naman talagang ang mukha natin ang nagbibigay ng confidence sa atin. Sa mga papuri at pambobola sa atin ay tumataas ang tingin natin sa sarili natin at napapaniwala natin na mas mataas tayo kaysa sa kapwa natin. Iilan na nga lang siguro ang kuntento na sa kanilang mukha. Karamihan ay nakikipagsapalaran sa mga produktong magbibigay pag-asa sa kanilang mukha.

Minsan kapag namamalengke ako ay nahahalata ko kung sino ang mga taong gumagamit ng produkto sa mukha. May ibang nagbabalat o kaya naman ay patchi-patchi ang pagkaputi sa mukha na parang dalmatians. Ang masagwa ay sobtang puti ng mukha na namumula tapos ang itim naman ng leeg. Hindi pantay. Yay

Sa mga mayayaman, hindi sapat ang mga panglinis lang sa mukha. Ang iba ay dumadaan sa derma at pagpapaopera. Gumagastos sila ng malaki para makuha ang mukha na kanilang minimithi. Okay lang daw sa kanila ang gumastos basta maramdaman nila na may nagkakagusto sa kanila. Isa ako sa naniniwala na karamihan sa mga pinoy ay kasama sa kanilang standards ang itsura ng tao. Kailangan pogi o maganda ang kanilang magiging syota. Dapat kailangan ay kamukha sila ng artista na crush nila. Kaya nga sa mukha unang naiinlove ang mga tao at hindi sa ugali. Kung hindi ka naniniwala, isipin mo yung pinakapangit mong classmate. Kaya mo ba syang mahalin? Kung hindi, totoong tao ka. Pero kung oo ang sagot mo, either mabuting tao ka o plastic ka.

Hindi masama na ayusin natin ang itsura natin. Kung nakakadagdag ito para tumaas ang confidence mo sa sarili mo, go lang. Wag lang nating kakalimutan na hindi nagagamot ng mga pamahid sa mukha ang problema sa ugali.

high heels, كعب عالي, vysoké podpatky, 高跟鞋, 하이힐, štikle, høje hæle, עקבים גבוהים, mataas na Takong, korkokengät, talons hauts, ハイヒール, ψηλοτάκουνα, ऊँची एड़ी के जूते, sepatu hak tingg, жоғары өкшелер, augsti papēži, aukštakulnia, tumit tinggi, høye hæler, hoge hakken, wysokie obcasy, salto alto, tocuri, высокие каблуки, magassarkú, високі підбори, yüksek topuklu, tacones altos, högklackat

SERIOUSLY POPOY, “BAKIT NGA BA TALAGA TAYO INIIWAN NG MGA TAONG MAHAL NATIN?!”

#1.

Si bes na mas makati pa sa kagat ng lamok.

#2.

Pati yung thigh part kinukuha natin. Bastus tayo eh.

#3.

Pero di naman tayo naligo.

#4.

Tapos puro aso na filter yung gamit natin para di tayo magmukhang pango. May pa-flower crown pa tayong nalalaman mukha tuloy tayong paso.

#5.

Feeling natin runway yung kalsada. May pa-‘Pak pak ganoin’ pa tayong nalalaman.

#6.

Hindi naman si Mr. M yung tindero.

#7.

Tapos ang nakalagay sa FB mo, works at ‘E di sa puso mo.’

#8.

Nag-abot ka lang ng pamasahe sabi mo agad “Keep the change. Sanay naman po akong hindi nasusuklian.” Eh wala ka naman talagang sukli hayup ka.

#9.

Tapos sabi mo pa, “Comment lang po kung sinong gustong magpabati.”

#10.

May pagtayo ka pang nalalaman sa upuan eh ang dumi naman ng paa mo.

#11.

Sana Caramel Frappe na lang sinabi mo para mas madali.

#12.

Tapos puro side view ka pa para kunware blogger pose.


#13.

Eh di ka naman nag-ambag leche ka.

#14.

Isa ka lang rebound, panakip-butas, parausan at dakilang assumera.

#15.

…. ang pride mong mas mataas pa sa kilay ni Daniel Padilla.

#16.

Walwalan ng feelings ‘to eh! 

Pero mas masakit kapag iniwan ka ng isang tao… lalo na kapag nasa kanya ang pamasahe mo.


Sabi nga ni ma-emote na Popoy, “Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa'tin - ‘yung hindi tayo sasaktan at paasahin…'yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.’

Dahil may darating na MAS magmamahal? Ano yun pakunswelo sa lahat ng sakit? Reward dahil nasaktan ka? Wow, thank you! Pero paano kung kuntento ka na dun sa dating pagmamahal at hindi mo na kailangan pa ng MAS magmamahal sa’yo? Pakshet, ang unfair.

Kaya tayo iniiwan ng mahal natin kasi HINDI NA nila tayo mahal. Dahil kung mahal tayo, hinding-hindi tayo susukuan. Yun lang naman yun, Popoy!

Tumakbo ako nang mabilis
sa pagbabakasakaling maunahan
ko ang aking luha sa pagpatak,
Humakbang ako nang malaki
sa paghahangad na malagpasan
ko ang aking lungkot sa pagdanak,
At tumalon ako nang mataas
sa paniniwalang matatakasan
ko ang aking puso sa pagliyag.
Sa aking pakikipagsapalaran,
hindi ko sukat namalayang
malayo na pala ang aking narating,
Nais ko pa sanang maglakbay
Ngunit ang sariling
pawis,
laway,
at luha,
na nakipagtalik sa
alikabok,
dumi,
at usok,
ay naging balakid na sa
landas na aking tinatahak.

“Sorry pero sabi ko nga sa'yo hindi na kita mahal.”

*blocked*

10 words. 10 fucking last words na maririnig ko pa mula sa'yo. I would never let myself hurt again for the nth time. Hindi ko na hahayaan pang magkausap pa tayo (sa ngayon). Dahil masyado pang sarado talaga ang pagiisip mo. You can’t even accept your fucking flaws. Masyadong pang mataas tingin mo sa sarili mo dahil alam mong may girlfriend ka at yun ang pinagmamalaki mo saakin. You can’t even understand how I am hurting right now, na tinapon at pinagpalit mo kami ng ganun lang. You can’t even realize how depressing it was. Akala mo ganun lang makalimot sa lahat ng sakit na pinadanas at iniwan mo sakin. Do you think mahal pa kita after all? Lahat ng pagmamahal ko sayo napalitan na ng puro galit. Kaya SA NGAYON, ayoko pa talaga ipakita sayo si Drake. Dahil hindi pa ko handa. Siguro pag dumating yung panahon na marealize mo na lahat ng magandang ginawa at sinakripisyo ko para sayo, baka pa. Pero hindi eh. Nilalamon ka ng pride mo na akala mo ikaw yung MAS nasaktan dito. Hindi ko makita yung sincerity mo. You’re not even sorry for what happened. So PANO? 🤔

tbh sobrang thankful na rin ako na umiba ako ng landas na tinahak nitong college. hindi ako tumulad sa mga kapatid ko na health allied sciences/ pre-med yung kinuha. bakit? kasi ngayon pa lang alam nila na may chance na bumagsak ako EVERY sem, kasi hindi nila alam yung inaaral ko. hindi nila ako matulungan sa mga subject na sobrang technical. naiintindihan din nila kung bakit parati akong puyat na parang hindi natutulog, kung bakit madalas nakakalimot ako kumain, kung bakit may sakit ako minsan, kung bakit hindi na ako madalas makauwi. sobrang grabe yung understanding nila sa’kin ngayon. hindi na’ko kinukumpara sa mga kapatid ko, pati grades ko hindi rin sila nag-eexpect ng mataas di tulad ng taas ng expectations nila sa iba kong mga kapatid. shi-ne-share ko ‘to kasi ngayon ko lang talaga ‘to naranasan. 

Keep reading