masaya kame

Napatunayan ko sa sarili ko na sobrang naibigay ng taong nagmamahal sa akin ngayon ‘yong pagmamahal na palagi kong binibigay simula dati pa. Naramdaman kong mahalin ng isang ako, dahil sumasalamin sa 'kin 'yong pagmamahal na binibigay ko sa kanya. Dati kasi lagi kong sinasabi kapag iniiwan ako ng tao. Gusto kong maramdaman kung paano mahalin ng isang “ako”. Dahil sa faith na rin na mangyayari 'yon. Nangyari nga. Ibinigay nga sa akin. Sobra-sobra pa.

Sa mga ganitong pagkakataon, ang tanging mahihiling ko na lang ay mas patatagin pa ang kung ano ang meron kaming dalawa. Masasabing normal na palagi lang kaming masaya dahil paminsan-minsan ay dinadalaw din ng problema. At sa bawat problemang dumating, handa kaming harapin 'yon.

Hindi na ako magtataka bakit hindi tumitigil ang tao sa paghahanap ng taong magmamahal sa kanila. Nakakaadik ang pakiramdam kapag alam mong mahal ka rin ng taong mahal mo. Ang sarap gumising sa umagang
alam mong may handang mag-alaga sayo. Handang bumati ng “ Magandang Umaga”. Ang sarap isipin na hindi ko na ulit kailangan masaktan para mahanap 'yong taong magmamahal sa akin dahil nahanap ko na. 

XII XIX

tanda ko nung huli tayong nag-usap (march 7 2015), sinabi mo no’n na ang pinakaayaw mong characteristic ko ay yung natatandaan ko pa ang detalye ng mga random na bagay na nangyari noong high school tayo.

(nakakairita ‘yon, alam mo? kasi ‘di ko maalala kung talaga bang nangyari ‘yon o gawa-gawa mo lang. minsan kasi hindi ko na alam kung totoo o fiction pa ba yang sinasabi mo sa ‘kin, colleen)

(( wala ka pa ring karapatan na tawagin ako sa totoo kong pangalan pero dahil ikaw yan, ‘di na kita pipigilan pa ))

hindi ko naman tinatanggi ‘yon. naalala ko nga halos lahat ng detalye nong high school, lalo na kapag tungkol sa ‘ting dalawa. para raw akong tanga, sabi ng best friend ko na nong una pa lang ayaw na sa ideya “nating dalawa”. hindi tayo magkaibigan. nagkataon na ako lang ang may lakas ng loob na awayin ka, at nagkataon na ikaw lang ang makapal na mukha na sinubukang “landiin” ako.

nagkataon lang na tayo lang ang nakaintindi sa isa’t isa.

(mahalaga para sa ‘kin ‘yon noon, ang maintindihan. kaya siguro inakala ko na totoong mahal kita)

kayang-kaya kong ilista ang mga bagay na magpapaalala sa ‘kin sa ‘yo, sa atin:

isang piraso ng yellow paper, gusut-gusot at puno ng numero ( nakalimutan mo na siguro noong ginawan mo ng binary code ang pangalan ko )

t-shirt mong joker na sinuot mo noong christmas party 2009 ( na hanggang ngayon nanunuot sa alaala ko ang amoy ng fabric conditioner na ginamit ng nanay mo )

child’s play ( ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang higpit ng kapit mo sa kanang braso ko dahil takot kay kay chucky )

sidewalk sa elvinda ( ano nga? bakit mo ako gustong kausapin? sa tingin ko kasi.. may gusto ako sa ‘yo. wow ha, me after her? seryoso? mas nauna ka naman sa kanya, colleen. kaso lagi lang akong nasa background, ano? medyo. basta. hirap i-explain )

physics ( na lagi tayong magkapartner; ikaw ang taga-solve, ako ang tagasulat at taga-report )

bleachers ( dahil sa ‘yo nanggaling ang see how i fall for you ni kevin santos. oo, trademark mo na ‘yon )

js prom ( maling-mali na inisinayaw kita noon )

scale of 1-10 ( from the scale of 1-10, gaano mo ako namiss? uhhmm.. 7? 7 lang? wag ka nga, as if namiss mo ako. tanungin mo ako, colleen. dali. fine, from the scale of 1– 11 ang sagot ko dyan. )

pansol ( we’ll always have pansol ‘di ba? )

text message ( kilala ko si colleen. hinding-hindi ‘yon gumamit ng hehehe sa text )

isang bench sa freedom park ( ayoko na, naglolokohan lang tayo eh. paano pag nagseryoso ako? don’t be stupid. you and i won’t last. )

red horse beer ( alam ko na hindi ikaw yung nakipagbreak sa ‘kin noon, colleen. okay fine e ‘di break na tayo. fine. )

ineffable ( anong favorite word mo? ineffable. wow, di ba dapat sa ‘ting dalawa ako ang may alam na malalim na salita? math major ako, colleen. hindi ako tanga )

ask.fm ( pag-amin: nasaktan ako sa mga sagot mong hindi ko naman talaga siya minahal. masakit kasi akala ko sa ‘ting dalawa mas minahal mo ako kesa sa minahal kita )

at

si wesley rodriguez

( minsan gusto kong magsisi na ikaw ang ginawa kong character peg para kay wes. minsan natutuwa ako dahil mas mabuting lalaki at boyfriend si wes kesa sa ‘ yo )

december 19 ngayon

anim na taon na ang nakalipas noong sinubukan nating dalawa. parehas pa tayong tanga noon. ikaw, kakagaling lang sa isang relasyon na ginawa kang rebound. ako, nagpapakagaga sa isang taong hanggang kaibigan lang ang turing sa ‘kin. natagpuan natin ang isa’t isa sa gitna ng kalungkutan at kasawian sa pag-ibig. hindi ko alam kung ano bang meron sa sidewalk na ‘yon at napaisip ako ng oo nga ano, bakit hindi namin subukan? naiintindihan niya ako, naiintindihan ko siya. anong mawawala?

( ngayon, alam ko na ang sagot sa tanong na ‘yon: mawawala tayo sa buhay ng isa’t isa )

apat na december 19 ang nagdaan sa buhay nating dalawa. at dahil ako ang may pakialam sa ‘ting dalawa, malamang ako lang ang nakakaalala ng nangyari sa araw na ‘to

(( parusa raw sa ‘kin ‘yon, sabi ng best friend ko. putanginang parusa naman ‘to ))

hindi ko naman hinihiling na maalaala mo ang mga sinabi mo sa ‘kin sa side walk na ‘yon dati. lalo na hinding-hindi ko hinihiling na balikan ako ulit ( kadiri ka kung ‘yon ang iniisip mo ah )

gusto ko lang malaman mo na hindi ako bitter noong i-unfriend kita sa facebook. sadyang nabadtrip lang ako sa ‘yo noon pero napagtanto ko na dapat matagal ko nang ginawa ‘yon. oo, nakapag-usap nga tayo noong march para sa closure. (( closure? oo na. saradong sarado na )) pero dahil hindi pa rin nagbabago ang trato mo sa ‘kin. kahit hindi tayo magkaibigan hindi mo pa rin ako maseryo-seryoso. ayokong maging kaibigan ang isang tulad mo, mapa sa totoong buhay o facebook man lang dahil hindi dapat tinatawag na kaibigan ang mga taong hindi ka nirerespeto.

( ‘yon daw ang brand mo ng foreplay. putang ina ka bago-bago rin )

gusto ko lang malaman mo na masaya ako para sa ‘yo. nahanap mo na yata ang totoong katapat mo. sana magkaron ka na ng bayag para ipaglaban at panindigan siya. wag na wag mong gagawin sa kanya ang ginawa mo sa ‘kin. mahiya ka naman sa sarili mo.

gusto ko ring magpasalamat sa ‘yo na ako pala ang standard mo sa mga babae. hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit mo nasabi ‘yon ( lasing ka ata noon? ). wag ka na sana maging tanga.

gusto ko ring malaman mo na ikaw ang pinakamalalim na bubog dito sa puso ko. sabi kasi nina sir ricky lee may bubog ang mga writer sa puso nila. wala eh, ikaw ‘tong una. dadalhin kita sa bawat salita at pahina na isusulat ko, mapa-komedya man o romansa. ( mas bagay siguro ang trahedya, ano? tulad nating dalawa ) kasinungalingan ang sinasabi kong hindi na ako magsusulat tungkol sa ‘yo. mas dinidiinan ko ang pagbaon ng bubog mo kapag nagsusulat ako ng malungkot, ng mga bagay na malayong mangyari sa katotohanan. ilang beses ka na ring nagpalit anyo sa mga kwento ko, pero isa lang ang nagiging katapusan: malungkot.

(( hindi ko na ata kayang magsulat ng masayang kwento kapag ikaw ang bida. kaakibat ng bubog mo ang kalungkutan. at ayaw ko itong pakawalan ))

gusto ko ring malaman mo na tsaka lang ako pigilan na magsulat tungkol sa ‘yo kapag tinigilan mo na ako. (( mukhang malabo atang mangyari ‘yon ))

at panghuli

gusto ko lang na malaman mo na ito na ang huling disyembre na iisipin kita. limang taon din akong nalungkot sa araw na ‘to nang dahil sa ‘yo. sana sa susunod na mga taon, bawat december 19, mapapangiti na lang ako pag maaalala ko tayong dalawa.

sana masabi ko na

dito kami nagsimula. hindi man maganda ang gitna at katapusan pero parehas na kaming masaya ngayon.

sana totoong masaya na ako sa araw na ‘yon.

(( pero kahit kailan ay hindi na kita maituturing pa na kaibigan ))