masasabing

Sa bawat musikang lumalapat saking mundo,

ay may isang pag-asang unti-unting nanlulumo.

Nawawala, nasisira.

Kailan ko ba masasabing lahat ay nawala na.


Isa, dalawa, ika’y nahuhulog na.

Pero walang nakahandang saluhin ka.

Lahat natatakot sumugal, di nila kaya.

Di kayang tanggapin ang pag-ibig na alam mong meron ka.


Anu bang mali sa salitang “nagmahal”

Anu bang mali sa salitang “kinaya ko naman”

Anu bang mali sa salitang “Sapat bako?”

Anung mali sa salitang “mahal kita”


Unti-unti akong lumilingon sa nakaraan.

Ang dating gusto kong balikan,

Ang mga ala-alang humubog saking puso at isipan.

Na ang pagsakripisyo ay isang mahalagang bagay.


Ngayon narito ako sa harap mo,

Nais ipabasa ang mga hindi masabing salita sa utak ko.

Nasayo pa ba ko?

Nasan na ba tayo?


Hindi ko na alam // XVII

Paano?
— 

Paano ba tuturuan ang puso na makalimot? Kung ang tulad mo'y kay hirap malimot.
Paano ba masasabing di na masakit?
Kung alaala'y nasobrang ng pait
Paano ba makakalaya ang sarili?
Kung katawan ko'y tuluyang nawili
Paano ba makakatanggi?
Kung lagi nakikita ang iyong ngiti
Paano ba magagawang kayanin?
Kung ako'y palaging aakayin

Paano? Paano?

Ilan lang yan sa mga tanong na hindi ko malaman ang sagot. Mga tanong na kailanman kung paano matatapos.