masarap talaga

kung alam niyo lang, mas masarap pa rin talaga maging estudyante kaya sana wag kayo magmadali. atat na atat na kayo magkatrabaho pero jusq sinasabi ko sa inyo, malilimitahan na lang yung mga bagay na gagawin niyo. masarap kumita ng pera, oo naman. pero doon mo maiisip na sobrang hirap pala kumayod, na tipong “ay shet ganto pala nararamdaman ng mga magulang ko” wala lang, napaisip lang ako. ang bata bata ko pa pero kelangan ko na agad mag-isip at dapat alam ko na yung mga goals ko sa buhay. pero okay lang, eto na yun eh. andito na ako so bakit pa ba ako magtataka diba? sunod na lang tayo sa agos ng buhay. pero eto lang talaga, mahirap magkasakit kapag adult ka na, wag na wag. kaya ingatan niyo mga self niyo, okay?

Confession 101

Kada nagluluto ako o nagbabake, minsan iniisip ko:

1. Nako, hindi kaya malason ako nito. Chos.
2. Masarap ba talaga? Bakit kapag ako kumakain ayaw ko yong gawa kopero yong mga bolera kong kaibigan sabi masarap daw. Yong totoo ba?
3. Minsan gusto kong ibalot yong mga niluto ko at binake. Bakit? Feeling ko ang sweet ko. If may someone ako ngayon, baboy na siya sakin. Unfortunately, either ako, sila mommy o yong mga kaibigan ko yong kumakain ng mga gawa ko. So, anuna na. Practice muna ko? Ganern? Swerte mo ha! Perfect na to pagdating ng tamang panahon. Sa ngayon, masama ang panahon eh, puro ulan. Chos. (Actually, palagi ko tong naiisip. -_-) Yong wala kang tinatawag na “automatic plus 1”. Palaging “automatic alone” minsan hindi nakakatuwa eh. Nakakaazar.
4. Inferness, improving ako. Akala nila mommy nagjojokr ako sa baking jaya di nila sineryoso yong mga binibili ko pang bake. Ngayon lang nila narealize na hindi lang ito imfluence ng kung ano man. Gusto ko to talaga.

Ughhh. Hindi talaga masarap ang pagkain dito sa hospital. Haven’t had propa food since yesterday. Gusto ko kainin lahat ng ‘di ko pwede kainin, mostly sweets. Gustong-gusto ko na din kumain ng madami kaso sobrang sakit talaga. Bawat lunok ko, naiiyak ako. Pwera exaggeration. Idagdag mo pa 'tong lintek na lagnat na 'to ☹️😩🤒😷😭😭😭

medyo nangingitim na lips ko kakayosi kaya i need someone who’ll suck my lips. medyo nangalawang na rin ata skills ko when it comes to kissing kasi nag stop muna me sa pakikipagmomol. pero dati jusko halos gabi gabi ata ako may pinupuntahang bahay para lang makipag boom boom pow. pero ngayon meh, nakakatamad at nakakasad kasi hindi naman ako ganon talaga. oy effort ko ah, aba kasi kahit may pasok ako kinabukasan dadayo pa ako ng valenzuela, caloocan, makati, mandaluyong, pasay at pag walang work umaabot ako sa caivte, laguna, tagaytay, rizal basta kaya ko go lang ng go. haha tangina ng buhay ko ang shitty pa rin psh. at tiga pampanga crush ko baka doon na ako mag stay kasi masarap talaga ang pampanga’s best haHAahahAHa. ok shut up na me baka kahit ano pa masabi ko pero miss ko po makipagmomol bye.

Lalandi netong mga kanta ni chris brown eh like sunod sunod talaga labas nila (ata) ‘tong ano 'tong sweet love, wet the bed tas take you down. Pero kahit gano pa to kalandi masarap pa rin talaga sa tenga at sa soul wag na pansinin ang lyrics kahit sinasabayan ko pa minsan HAHAHAHA. K xer.

Okay so nanaginip ako, bumibili daw ako dalawang order ng takoyaki dun kay kuya na nagiikot sa pnoval at tolentino hahahaha putangina ang saya hahahahahahahaha sa panaginip na lang ako kumakain kasi irl medj nakakalimutan ko talaga hays hahahahaahah wtf hahaahahahah qt pero guys promote ko lang ano masarap talaga takoyaki sa espanya haahahahahha try nyo plith thnx

masarap talaga sa feeling kapag nakumpleto kayo ng mga tropa mo after niyo grumaduate (last year pa kami grumaduate pero ngayon lang natuloy yung pagkikita namin kasi galing ng ibang bansa yung iba lels). bale ayon basta parang mga ganap na adult na nga kami kasi iba na yung mga pinaguusapan namin wankoba. kaya ayon sarap lang talaga haha hello good evening!!!

cm-psycho  asked:

1 4 12 19 20 ;)

1. Sinong blogger ang nagagalingan ka magblog?
 - @dakilanggerlpren @bossjenry @torpengromantikoo @curioshittyy @walangutakxperomaypuso @girlbehindthisblog

4. Sinong blogger ang crush na crush mo?
 - Pwede bang ikaw na lang? Char. O di kaya sarili ko. Napakarami kase nila. Tapos nasshy ako. Nyahah. @nielxxxx @babywacky sila kase yung nakita ko nung TSAMU. Wala nako makitang iba. Djk. 😂

12. Sinong blogger ang sa tingin mo masarap kasama?
 - @ar-ci @guiltytoledo @sorryiwasntenough @alphasiopau @reynanghugot @cm-psycho @thepaparhodspeaks @anaventurer @medyolalake @liberosisboy @sinceriouslyy @babaengloyal @unshenmessages @jumbastard ung iba nakasama ko talaga nung TSAMU. At napakasarap nila. Na kasama 😂 Yung iba gusto ko pa malasahan este makasama para malaman ko kung masarap nga talaga sila. Kasama. 😉

19. Sinong blogger ang palagi mong binibisita ang blog?
 - yung mga nasa 1. Plus @blackspiderman @aspiringcolumnist @ginniemouse @rjkolero @when-allen-pullsthetrigger

20. Sinong blogger ang gusto mong makita ng personal?
 - @pininyahangpusa @dakilanggerlpren @torpengromantikoo @girlwholovescoffeeandbooks @lovelettersfromthedead @thoughtlessjoey @medyomaginoo @unknownymoosely @babaengnursessistic @umiibig-din-ang-alien

Ikaw Van abusado ka ha. Minsan ka lang magTA, madami pa tanong mo. Nahirapan ako magisip kala mo ba? 😂 Salamat at goodmorning sayoooo. 😍

MY FIRST KISS…

Naaalala ko pa rin yung pakiramdam nung first kiss ko. Kahit na napakatagal na nun,hindi ko pa rin nakakalimutan yung kaba na naramdaman ko. Actually, mix emotions eh! May kaba at saya. May kaba kasi syempre punong-puno ako ng curiosity noon na ano kaya yung pakiramdam ng may humahalik sa labi mo? Mararamdaman mo kaya yung lambot ng labi nung humalik sayo? Masarap ba talaga? Alam mo naman pagbata pa, madaming tanong. Kaya nung dumating na yung time na nagka-first kiss ako. Normal lang pala. I mean, the way ako halikan ng mama ko noon nung bata ako ganun rin pala. Ang pinagkaiba lang.. mas may magic kasi yung first kiss ko sa boyfriend ko noon kasi mahal ko sya. Yung love talaga nagbigay ng spark dun.

If I were given a chance to experience first kiss again..

Gusto ko syang maranasan sa mas matured age. Pakiramdam ko kasi mas special and memorable kung ngayon ko sya ma-eexperience. Gusto ko rin maranasan to sa huling lalaking mamahalin ko. Medyo nakakapanghinayang. Mas okay sana yun eh para kakaiba. Gusto ko rin yung first kiss mangyari sa isang romantic place. Hindi naman kailangan may music, flowers, lights and anything para maging romantic.. Gusto ko dun sa lugar na favorite naming puntahan.. o kaya sa lugar na nakilala ko sya.. o di naman kaya sa lugar na sinagot ko sya.

Things to consider sa first kiss..
* Kiss the person you really love. Hindi yung crush lang.
* Wait for the right time, hindi yung padalaga o pabinata ka pa lang gusto mo nang may mahalikan.
* When there`s right time, there`s right place. Wag naman kung saan-saan na mapag-tripan nyo lang.
* Make sure na kiss lang. No more!
* Remember the date of that kiss. :)

Tagalog Love Quotes for her

Tagalog Love Quotes for her (May 12,2014)

Kapag dumating ang araw na ayaw mo na sakin, sabihin mo lang! Kaya kitang pakawalan. Tatanggapin ko kung yun rin lang. Pero sana hayaan mong yakapin kita habang sinasabi, Sakin ka babalik, ha. Pag iniwan ka na niya.

Madalas hindi yung malulungkot na alaala ang nakakapagpalungkot sa atin kung hindi ang masasayang alaala na alam nating hindi na MAUULIT pa..

Alam nyo masarap naman talaga magmahal eh, kung di nga lang nauso ang iwanan.

Huwag mong ipilit ang sarili mo sa kanya.
Dahil kahit kailan walang sumasaya sa isang bagay na sapilitan lang

Hindi palaging panalo ang papel at bato. Kasi kahit gaano pa kalaki ang papel mo sa buhay niya, kung bato naman siya. Wala talagang pag-asa.

“Sabi mo gusto mo ‘ko, sabi mo konting panahon na lang magkakasama na tayo, sabi mo iiwan mo na siya, sabi mo hintayin kita, sabi mo mas mahal mo ako, ngayon asan ka na? Bakit kapiling ka pa rin nya?”

Masaya ako dahil nakilala kita, masaya ko dahil kasama kita, masaya ako dahil nandito ka sa bawat sandali ng buhay ko. Salamat dahil binigyan mo ako ng pagkakataong maramdaman ang tunay na kahulugan ng salitang “pagmamahal.”

“Masakit ang maiwan, pero mas masakit ang manatili sa isang relasyong alam mong ikaw na lang ang nagmamahal.”

Tagalog Love Quotes for her

Bakit ka magpaparamdam sa taong hindi marunong makaramdam? ‘Wag kang magpakatanga, sa taong hindi marunong magpahalaga.

Ang totoong nagmamahal ay parang matinong estudyante na nag e’exam.HINDI tumitingin sa iba kahit nahihirapan na. :)

5 common reasons kapag tumatahimik ang isang tao:

- baka walang masabi
- nagtatampo
- galit
- tinatamad

pero ito pinakamalupit..

- NAGSESELOS

Kahit gano pa KAPANGIT ang pinagseselosan mo, hindi mo parin maiwasang magisip na baka maagaw niya ang atensyon ng taong mahal mo.

TANDAAN:
Ang pagibig walang itsurang pinipili. Naka-depende yan sa galing ng “PANLALANDI”

Sa paglipas ng panahon, dalawa lang ang natutunan ko:
-Pahalagahan ang taong kasama mo
-Hayaan ang mga nang-iwan.

“Pag may pagkukulang yung partner mo hindi mo kailangan mag hanap agad ng atensyon sa iba, instead turuan mo siya. Cheating is not an option. If your unhappy, then do something.”

Tagalog Love Quotes for her

Sa Pag-ibig, hindi kailangan minamadali o kaya pinipilit ang isang bagay na  impossible pang mangyari sa kasalukuyang panahon. Sabi nga nila kapag nagmahal ka, dapat matuto ka ng maghintay at magkaroong ng mahabang pasensya para sa mga haharapin mong  sitwasyon ng magiging karelasyon mo o sa taong iibigin mo at magiging parte ng puso at buhay mo. Para sa mga lalaki, kapag ikaw may mahal ka na hindi pa handang sabihin yung tamis ng kanyang “Oo” dapat matuto kang maghintay at wag ipilit na sabihin ka kagad ng salitang “i love you” kung hindi pa naman niya talaga ito nararamdaman sayo. Ang bawat babae kasi madali lang paibigin. Pero yung fact na 100 percent sure na talaga kami na mahal na talaga namin yun guy. Not sure. Hindi naman kasi ganun kadali e, oo mdaling ma fall pero hindi madaling umibig ng as in talaga. Kaya hindi ibig sabihin na hindi mo nakikita sa kanya yung mga bagay na ginagawa mo para sa kanya e, parang pinapaasa ka niya hindi ganun yun. Naninigurado lang siya na kapag sinabi niya yung word na “Mahal kita” eh yung with 100 percent feeling kilig at totoo from the heart talaga. Mas masarap kasi yun kapag totoo talaga at walang alin langan na baka ganito o ganyan lang ang gawin mo sakin kapag ganito ganyan ng lahat lahat.

Hindi kasi minamadali ang pag-ibig. May kanya kanya kasi yang tamang panahon para maging handa talaga ang lahat. Kasi kapag pinilit mo ang isang bagay na hindi pa napapanahon. Ikaw at siya mismo ang magsasakripisyo. Hindi sapat na mahal mo lang talaga siya dapat nasa gawa mo din yun kung paano mo mapapakita na mahal mo talaga siya. Ikaw nga nila. Action speak louder than words. Kaya wag ka laging umasa sa baka sakaling sabihan ka niya pabalik na mahal ka din niya. Hayaan mo na maramdaman mo ito paunti-unti. At sa mga umiibig dyan na may relasyon. Alam ko masaya na kayo. Alam ko din na masaya mag mahal, oh diba? sobrang sarap pero in the point na di kayo pagkakaunawaan at may unting nabitawan na salita. Love is patient tandaan mo. Kailangan mong kumalma at tanging isipin na magiging ok din ang lahat at ang puso mong nagmamahal ang dapat nangingibabaw sa bawat desisyon na panininindigan mo.Learn to wait.

Tropa, tropa sino-sino ba sila?
  1. The Leader - Sila yung laging nag-seset ng date ng gala, nag-seset ng mga surprises para sa isang ka-tropa at siya yung laging pinapakinggan ng karamihan. Kung wala siya, walang patutunguhan ang tropahan niyo.
  2. The Megaphone - Pinakamaingay sa buong tropa, pinakamalakas ang loob na magtanong sa mga tao sa tuwing naliligaw kayo ng landas. Siya rin yung sobrang lakas ng boses akala mo nasa kabilang bundok yung kausap.
  3. The Moody - Maya-maya ang kulit–ang hyper, tas maya-maya nasa sulok na, biglang tahimik. Para silang mga Chinese. Hindi mo maintindihan.
  4. The Pa-VIP - Sila madalas yung late sa tuwing may gala kayo. Tas minsan gusto niyo mag-jeep para makatipid tas siya gusto niya mag-FX. Madalas kainisan dahil sa kaartehan.
  5. The “go with the flow” - Kung saan masaya ang tropa, doon siya. Sila madalas yung hindi hinahanap ng nanay nila kasi kaya niyang gumawa ng mga pangmalupitang palusot.
  6. The Kuripot - Lahat na ng ka-tropa nila nanlibre na, sila nalang yung hindi. Ayaw maglabas ng pera. Karaniwan niyang palusot: “Pamasahe ko nalang ‘to eh.” minsan naman “Next time nalang, guys. May pinag-iipunan pa kasi ako eh.” Mukha mo!
  7. The Bully - Pinakasadista sa tropa, yung tipong hindi ka titigilan hangga’t di ka naiiyak sa inis dahil sa pang-aasar niya. Sila rin yung maraming baon na pangbara sa mga pang-aasar mo sakanya.
  8. The HugotLord - Parang laging broken, eh wala namang lablayf. Yung tipong may nahulog lang na dahon, huhugot na ‘yan. “Kawawa naman yung dahon, nahulog na nga, wala pang sumalo.”
  9. The Engot - Yung aanga sa tropa, madalas na nabu-bully sa tropa. Well, sabi nga nila; “Hindi masaya ang tropa kung walang engot na kasama.” Kaya kahit gaano pa s’ya ka-engot kasama pa rin siya sa mga gala niyo.
  10. The Richkid - Madalas nanlilibre, madalas sa bahay nila ginaganap sa tuwing may movie marathon kasi may home theater sila. At masarap talaga tumambay sa bahay nila kasi bukod sa malakas aircon, mabilis din wifi nila.

Ikaw saan ka nabibilang sa nabanggit?

Just take it slow.

Maraming tao na laging nagmamadali. Nagmamadaling pumasok, nagmamadaling kumain, nagmamadaling maligo, nagmamadaling maglakad, nagmamadaling lumaki, nagmamadaling tumanda, nagmamadaling mainlove. Kala ‘nyo masarap ha. Masarap naman talaga. Yung feeling na sa tuwing gigising ka sa umaga, alam mong may isang tao na puwede mong itext, puwede mong makausap, puwede mong makasama. Wala na yatang mas sasarap pa sa feeling ng in love. Pero dahil nga maraming tao ang nagmamadali, kung minsan yung infatuation, naipagkakamali nila sa love. Kaya kapag yang infatuation na yan ay lumipas, may isang maiiwang luhaan. Yun ang masakit, akala mo the feeling is mutual, well, mutual naman talaga, NUNG UNA. Kaya lang people change and feelings change. Ang malas mo lang kungi yung feelings niya nagbago, pero yung sa'yo hindi. Ang pag-ibig ay parang manggang kalabaw, Kapag pinitas sa hindi tamang panahon at pinahinog sa pilit, maasim ang kalalabasan niyan. Ang relationship ganun din. Kapag pinasok mo ang relasyon nang wala sa tamang panahon at minadali ninyo laging may isang masasaktan, at kapag nasaktan,  kung hindi ampalaya ang drama niyan, mangga ang eksena niyan, mag-mamaasim! Kasi sugod ng sugod di naman katipunero.  Kaya bago pumasok sa isang relasyon mas magandang siguraduhin muna kung totoo nga yung nararamdaman mo, pati na rin yung sa kanya. Hindi naman porque kinikilig ka eh in love ka na.Hhindi dahil laging siya lang laman ng utak mo eh inlove ka na. Kutusan kaya kita. Si Kendall Jenner laging laman ng utak ko pero di ibig sabihin inlove na ko sa kanya. Nagagandahan lang. EH ANG GANDA NAMAN KASI TALAGA!

Kaya kung nasa kilig stage pa lang kayo, hayaan mo lang. Enjoy those moments. Kasi hindi mo alam kung hanggang kailan ka kikiligin. Sa mga babae wag kayong matakot na mainip saming mga lalake, dahil kung talagang gusto namin kayo, willing to wait kame. Kapag nainip kame, wag mong panghinayangan. Kasi ibig sabihin nun hindi taos ang pagtingin namin sainyo. Wag kayong masaktan mga babae, Treat it as if you dodge a bullet. Always take your time sa pakikipagrelasyon. Ang matamis na pagmamahalan, hindi minamadali. Mas masarap pa rin yung inuunti-unti.

Wag mong lahatin. Masarap naman talaga kasi ang adobo. Malay mo hindi lang talaga masarap magluto ‘yong nagluto kaya ganyan. Di porke na sa unang tikim mo sa putaheng ‘yan tapos hindi masarap ay ganoon na kaagad sa lahat ng adobo. Subukan mo kaya kumain ulit. Parang sa pag-ibig, masarap naman talaga magmahal kaso nga lang kung minsan ay hindi umaakma sa inaasahan mo ang nangyayari sayo. Kaya ganyan, ayaw mo na, bitter ka pa at ang malala, sinusumpa mo pa ang forever. Baka naman kasi maling tao lang. Baka naman kasi maling panahon lang. Subukan mo kayang buksan ulit ang puso mo para sa pag-ibig. Subukan mo kayang magmahal ulit baka sa ngayon ay tamang timpla na ‘yong matagpuan mo.