masakit kaya!

ARA: Gusto mo yosi?

NIKO: Naninigarilyo ka?

ARA: Kapag stressed. Kapag occupied, kapag madaming iniisip.

NIKO: Hindi ako naninigarilyo eh. Pero pahingi ng isa.

ARA: Hithitin mo lang tapos saka mo ibuga. Mag mong patagalin, masakit.

NIKO: Pasindi.

ARA: Kaya mo?

NIKO: Kakayanin.

Sabay sindi ng sigarilyo. Hinithit sabay ubo.

ARA: Padaanin mo lang, wag mo sabing patagalin. Uubuhin ka talaga niyan.

Ipit nila sa pagitan ng mga daliri ang sigarilyo habang ang isang kamay ay pinupunasan ang kanilang mga luha. Sa sakit? O sa usok na dumapo sa kanilang mga mata? Baka sa parehong dahilan.

NIKO: Pagkatapos ng gabing ito.

Naffeel ko naman yun kapag ayaw nyo ako kausapin kaya nga nanahimik na lang ako dito sa tabi. Ayoko na ipagsiksikan yung sarili ko pota palagi na lang ba ako mag aalala sainyo. Paano naman ako diba? Kahit onting care wala na ako makita eh, tangina miss na miss ko na kayo tapos ako parang hindi nyo miss? Masakit kaya para sakin yun gusto nyo ba try natin baliktarin yung sitwasyon? Don’t blame me kapag nawalan na ako ng gana kasi pag ako nawalan ewan ko na lang talga. Goodluck adding me back to ur life

Oo, tapos na.

Magsisimula ako sa pagbagsak ko sa'yo. Oo tama doon nga. Magsisimula ako sa pagbagsak ko sa'yo at pagkadurog ng puso ko dahil sa hindi mo pagsalo. Dahil mas gusto mong magkaroon ng kayo kaysa sa tayo. Pero ngayon, oo bibitaw na ako. Bibitaw sa pagkakahawak ko ng mahigpit kahit mamilipit ako sa sakit. Dahil lintik na pag ibig. Kung kelan handa na akong sirain ang kandado at buksan ang nakasarado tsaka mo naman ako ginanito. Para mo akong ginago. Pinaulanan mo ako ng isang libong motibo pero ano?  Nawala ka rin gaya ng aninong naglaho nung sinikatan ng araw ang mundo. Letseng puso, tumibok at umasang may tayo. Tayo. Naiirita talaga ako sa tuwing naririnig ko ang salitang ito. Kung papaanong naging apat lang na letra ang pinagsamang ikaw at ako samantalang dalawang puso ang pinagsama dito. Ewan ko. Pinagdugtong, pinagdikit aah basta masakit. Kaya sana, sana talaga, ito na ang kahuli huling isusulat ko para sa'yo dahil maniwala ka man o hindi, dapat man o mali, kailangan na kitang alisin sa buhay ko. Kailangan ko nang putulin ano man ang meron tayo at anumang nagdudugtong sa puso mo at atay ko. Pupunitin ko na ang pangalan mo kasama ng mga alaalang isinulat ko sa mga pahinang itinago ko sa puso’t isipan nang pagkatagal tagal. Tapos na ang maliligayang araw ng mga batang nangangarap lumipad ang kanilang mga bangkang papel sa kadawagan ng kalangitang punung puno ng bituin. Dahil wala na. Wala ng hangin. Ubos na. Said na said na. Talagang wala na. Babagsak sila kagaya ng mga dahong hindi na kayang hawakan ng mga sanga ng puno, mga   Tapos na. Tapos na ako sa pagtitiis. Pagod na akong masaktan at umiyak sa walang kabuluhan.

Pero mali nga bang mag umpisa ako sa simula kung saan wala pa yung sa atin o mag umpisa ako sa dulo kung kailan wala na yung kung anuman meron sa ating dalawa? Dapat nga ba talaga akong magsimula sa araw na nawala yung tayo? Yung araw na hindi na binanggit ang ikaw pagkatapos ng ako? Oo. Ako. Ako na minahal ka sa paraang alam ko at buong puso. Teka! Heto na naman ba tayo? Uungkatin ko na naman ba lahat ng masakit at mapait? Sasabihin ko ba? Sasabihin ko ba talaga sayo kung gaano ako nasaktan. Iisa isahin ko ba nang maramdaman mo yung bawat kurot na idinulot mo sa puso ko? Kaya mo ba? Ako hindi ko kaya. Kaya tama na. Tatapusin ko na nang hindi na humaba pa at baka bumalik ulit tayo sa umpisa. 

Oo, tapos na. Tang ina.

so ayun the real reason why me and my ex talked kanina because he needs someone to talk to. He just broke up with his girlfriend and yeah. I dont have to elaborate this because its kinda his privacy.

I gave him advice that he should focus sa sarili niya and his future stuff like that. He said his going to a party this friday he said his planning to go out with some of his girl friends. I asked him why does he need someone new, sobra daw siyang nasaktan ganyan. Sabi ko sakanya wag siyang manggamit ng ibang tao para mawala yung sakit lol.

Wag ganon friends ha hahaha wag manggagamit ng tao. Masakit magamit lol kaya yon

Nakakasawa nang makarinig ng mga excuses kung bakit iniiwan ng karamihan sa mga kapwa ko lalake yung mga gf nila. Actually, hindi naman talaga sa nakakasawa, pero nakakaputangina lang kasi kapag alam mong nagsisinungaling sila!

Yung tipong miserable yung kaibigan mong babae kasi nakipagbreak sa kanya yung bf niya. Kesyo kelangan daw ng konting space. Kesyo hindi makapagfocus sa studies. Kesyo magagalit ang parents. Kesyo kelangan niyang umalis para maging Hokage at ipagtanggol ang bayan ng Konoha! Damn! I’m sick of these bullshits! Ehem, english ‘yon. Okay, balik tayo sa topic.

Bakit hindi na lang sila magpakalalake at sabihin yung totoong nararamdaman nila? Dahil ba ayaw nilang masaktan yung gf nila? Excuse me pero katangahan ‘yon! Mas masakit kaya kapag sinabi sa'yong mahal ka pero ang ipinaparamdam naman sa'yo ay puro pambabalewala! Sana, kung hindi na nila mahal yung gf nila, sabihin nila! Hindi yung paaasahin pa nila na babalik sila, pero ang totoo, lalandi lang sila sa iba.

Sana, hindi lang libog ang ang dala ng bayag nila. Sana, may dala ring lakas ng loob para gawin yung tama. 

Tadhana

Minsan tayong pinaglapit ng tadhana, naging sobrang lapit, napunta sa punto na di na natin kayang mabuhay ng hindi magkasama, hanggang sa dumating ang nga problema, inayos natin lahat ng yon, bumalik ito at tila ba di na natin kayang ayusin, hanggang sa na ayos ulit, tapos biglang nagkaroon ng problema, pinili mong umalis dahil yun ang sa tingin mong tama, nasaktan tayong dalawa, kinakaya mo ng mabuhay ng wala ako, ako hindi ko kaya, masakit, kasi pinaglayo na tayo ng tadhana.

anonymous asked:

I deactivated/deleted my social media accounts except Tumblr. Walang naghanap sa akin.. Walang nagtanong bakit ako nawala. I realized na wala pala talagang may pake. But still, feeling ko tama lang ginawa ko. Di na ko dependent sa social media at kaya kong mabuhay ng walang gadget o net.

actually, nag-deact na din ako before sa lahat (fb,twitter,snap,ig) except dito sa Tumblr and yes, parehas tayo, wala din naghanap sakin. ang sad & masakit, bakit kaya ganon? pag sila yung wala, hinahanap ko, pero pag ako yung nawawala, parang wala lang. sana maging friends tayo anon! turuan mo naman akong matutong maging hindi dependent sa social media or turuan mo ko wag ipilit na ipaniwala sa sarili kong may maghahanap sakin. 😔

GO GO GO!

May challenge ako sa sarili ko na for 30 days gusto ko gumanda yung katawan ko na di pumupunta ng gym at mag buhat ng kung ano ano, tapos ayun mahirap pinilit ko lang talaga na 200 per day ang push ups kahit sobrang ngawit na ngawit na ang braso at siko ko ayoko na kasing nag mumuka akong chopping board lol yung tipong tuwid na tuwid yung katawan kahit saang anggolo? kaya kahit masakit ang katawan ko kada gigising ako pipilitin kong magawa yung challenge ko, iniisip ko lang na kaya ko to sintoron nga ni mama kinaya ko eh ito pa kaya haha salamat sa mga nag basa.

PS. Yung mga nag nanais na pumayat o tumaba o gumanda katawan sarili lang natin ang makakatulong satin bakit di mo subukan? Kung kaya nila kaya din natin. Isipin natin na kaya natin to walang susuko thesis at mga kung ano ano nga nagagawa natin eh pag manage pa kaya ng katawan?

Hindi mo kayang mawala siya?

Kaya mo! Masakit lang, pero kaya mo! Mabigat lang, pero kaya mo! Matatagalan bago ka maka-move on, pero kaya mo!

Tanga ka nga siguro, pero hindi ka bobo!

writerfromneverland  asked:

writerfromneverland

(1) What I think about your URL; writersfromneverland, san po ba yung never land? Haha you’re so sweet kasi you keep writing for the one you love, tho masakit, masakit di po ba? Kaya ayan, tama na. Lah haha

(2) What I feel about you; R! Di ko pa po alam pangalan mo pero they call you R, R R RRRRRRRR di ba yun yong pag natahol yung aso? R R R R R HAHAHAHA tawa ka po pls :—( Sana kahit di pa tayo close ate wag mo ko itakwil, havey naman di ba? Hahaha. CO-ENGINEER HALOOO! DO GREAT PO AND LET’S BUILD TOGETHER FOR OTHER PEOPLE, ano daw???? Ayon sana mahanap din natin yung popoy natin! Hahaha bea and john lloyd pala haha i-friend mo din po ako :—(

Mabigat sa pakiramdam, pero kaya.
Nakakapagod minsan, pero kaya.
Hindi na maintindihan, pero kaya.
Nahihirapan na, pero kaya.
Nagdadalawang isip, pero kaya.
Nababahala, pero kaya.
Tinitiis kahit masakit, pero kaya.
Iniiyak nalang lahat, pero kaya.
Naguguluhan ng sobra, pero kaya.
Bakit ba kinakaya?
Kasi mahal mo, sobra.
—  pag mahal mo, lahat kinakaya. //mdvc
Pag binalewala mo...

Darating sa punto na mapapagod siya sayo. Oo mahal ka niya pero marunong rin yan mapagod. Marunong rin yan makaramdam ng sakit. Masakit kaya pag binabalewala mo. Mahal ka tapos ginaganyan mo lang? Yung totoo, mahal mo ba o ginagawa mo lang pampalipas oras?

Tandaan mo, lahat ng ginagawa niya sayo ngayon mawawala rin yan pag sumuko na yan. Syempre mapapagod yan na parati mo na lang binabalewala. Hahanap rin yan ng magpapasaya sa kanya. Yung di siya babalewalain. At pag nahulog na siya sa taong yun, lahat ng ginagawa niya sayo, sa iba na nya gagawin. At mamimiss mo yun.

Subukan mong kausapin, expect mo na kawalang gana reply nyan sayo. Di naman sa bitter pero wala lang talaga gana sayo. Wala na lang talaga sya pake sayo. Hahabulin mo, pag nahulog ulit sayo uulitin mo parin naman. Kaya tatapusin nya na kung anong meron sa inyo. Ayaw mo man o gusto. Napakastupido mo kung ganon. Binabalewala mo ang taong seryosong nagmamahal sayo. Sinayang mo ang mga katulad niya. Wala kang kwenta kung ganon.

6 Pa-Deep Thoughts About REALationship
  1. Palagi mong tatandaan na ang “You complete me” ay isang figure of speech lang. Hindi mo kayang kumpletuhin ang kabuuan ng isang tao. Mas okay pang sabihin na “You make me feel complete” para hindi korny.
  2. Sa isang relasyon, iwasan mong makipagtalo. Pakikipagtalo ang tawag dyan dahil sa huli, ikaw pa rin ang lalabas na talo. Mas okay pang makipag-away. Atleast nai-justify niyo pareho ang side niyo.
  3. Sa isang relasyon, palaging may nagmamahal at may mas nagmamahal. Never yang naging pantay dahil kayo mismong dalawa ang nagpupuno ng kakulangan ng isa’t-isa. In the end, ganun pa rin ang result kapag inaverage yan.
  4. Di lahat ng kasalanan “sorry” ang katapat. Paminsan-minsan kailangan din ng sapak. Hindi solusyon ang break-up kapag napagod. Pahinga lang ang katapat niyan with matching hagod.
  5. Love hurts? Hindi ah. Ang ma-reject, Ang mapaglaruan, magamit at maiwanan sa ere, yun ang masakit. Hindi yung love. Kaya please lang, irespeto mo ang konsepto ng pag-ibig.
  6. Ang pag-ibig ay hindi emosyon lamang. Isa yang pagpili. Dahil kung sa emosyon mo lang ito ibabase, kapag dumating sa puntong nalungkot at napagod ka, mawawala lang ito tulad ng emosyon nating pabago-bago.
Para sa taong susunod kong mamahalin.

Hi, Magandang araw sayo kung sino ka man. Hindi ko alam kung kailan ulit ako mag mamahal ng buo at totoo dahil galing lang ako sa isang masakit na nakaraan kaya mukhang matagal pa ulit ako bago mag mahal ng tunay. 

Hindi ko alam kung anong ginagawa mo ngayon, siguro nandito ka sa Tumblr o nasa outside world ka ng social media. Kamusta ka kaya? Malungkot ka ba sa mga oras na to o masaya? May tao kayang nandyan para sayo o mag isa ka lang? Palagi ka bang natutulog sa madaling araw dahil sa overthink o normal ang pag tulog mo? Wala akong clue diba kasi hindi naman kita kilala at kung kilala man kita edi mas mabuti diba :) 

Hihintayin ko yung araw na darating ka sa buhay ko, ipaparamdam sa akin na karapat dapat akong mahalin ng tunay at hindi niloloko at iiwan basta basta at ipaparamdam ko rin yun. Aalagaan kita, mamahalin ng buo at tapat, tatanggapin kita kung ano at sino ka man, mamahalin ko yung mga bagay na ayaw mo sa sarili mo, iintindihin, pro-protektahan, tutulungan sa mga problema mo, magiging concern ako sayo, hindi kita hahayaang maging malungkot dahil andito lang ako sa tabi mo.

Ako kasi yung tipo na taong pang long term relationship at hindi pampalipas oras lang. Kaya kapag alam kong handa na ulit akong mag mahal ng buo, doble doble yung ipaparamdam ko sayo sa ipaparamdam mo sakeng pag ma-mahal. Hindi ako basta basta sumuko, ipag lalaban kita hangga’t sa makakaya ko kasi alam kong kailangan kita ipag laban. 

At sana kung ikaw man yung susunod kong mamahalin, kung pwede lang wag mo akong sasaktan, iiwan, papaiyakin, at mawala ulit sa sarili ko dahil sobrang sakit maiwan ng taong mahal mo kapag seryosong seryoso ka sakanya. Lahat naman tayo hinihiling yung ganung tao diba? Yung hindi tayo sasaktan at iiwan.

Kaya sana, kung sino ka man, kung ano man ang ginagawa mo ngayon, sana ikaw na talaga at mag tagal tayong dalawa. Mahalin mo ako ng buo at totoo at gagawin ko rin sayo yun doble doble pa. 

Ps. Mag be-break rin kayo niyang shota mo ngayon kung meron man kaya wag mo masyadong mahalin dahil masasaktan ka lang ng sobra. 😂

Ang pagmomove on hindi minamadali, lahat yan nasa proseso, lahat yan dinadahan dahan kasi lahat yan may kanya kanyang hakbang para unti unti mong matanggap na wala na talaga at para unti unti ding matanggal ang sakit, kahit na gabi gabi umiiyak ka, gabi gabing hinahangad mo na maging kayong ulit, na sana'y hindi pa humantong sa ganitong masakit na kalagayan, pero ganun talaga minsan ang tadhana ay hindi para sainyong dalawa, pero hindi ibig sabihin na iniwan ka eh hindi ka niya mahal, may mga bagay lang talaga na sadyang hindi para sainyo, at iyon ay ang isang relasyon kasi nga daw may mas nararapat pa. Kaya masakit man yan sa ngayon, unti untiin mo lang mawawala din yan wag ka lang magmadali
—  Ang pagmomove on hindi minamadali (giencaytuna)
Magsha-share lang ako.. :)

Ba’t ganon? Nakakainis. Pwede namang wag nalang syang magpakita ng motibo diba? Ung tipong, alam nya na may gusto ka sa kanya. Tapos eto naman sya, SOBRANG SWEET pero ung pagiging sweet nya pala pakitang tao lang. Nakakag*g* kaya. :| Ang sakit pa. =.= Tapos pag hindi nya katext ung MAHAL NYA, sa'kin sya pupunta? Ano un? Parang, nakakainis. Sobraaa~ Tsk. Tas ako naman, todo patama sa mga GM. Sya naman, tanong ng tanong kung sino daw un. Syempre hindi ko naman maamin diba? Parang lalabas na, ako pa ung habol ng habol dun sa guy. :/ Parang ampanget tignan. Nakakainis lang talaga. Ba’t kasi nagpapakita pa sya ng SWEETNESS kung hindi naman nya ako gusto. </3 Diba? Tskk. Bahala na siguro. Patulong please? :(