masakit ang umasa

Umasa
— 

Karamihan sa atin ngayon ay nasasaktan kasi umasa.

  • Umasang mamahalin din sya.
  • Umasang magiging sila.
  • Umasang sila na talaga ang magkakatuluyan.
  • Umasang sya lang at wala ng iba ang mahal ng mahal nya.

Marami pang rason kung bakit tayo umaasa. Pero ang point kasi, nasasaktan tayo kasi hindi nangyari yung inaasahan nating mangyari. Hindi naging kayo, hindi ka minahal, nagbreak kayo, o kaya'y hindi lang ikaw ang mahal nya at marami kayo. Masakit ang umasa pag hindi nangyari ang gusto natin. Pero napakasarap sa pakiramdam pag nangyari ito. Para hindi tayo gaanong masaktan, isipin na muna kung may pag-asa ba. Pag-asa na mangyari ang inaasahan nating mangyari. Kung wala naman, edi wag kang umasa. Pero sa panahon ngayon, mahirap ang hindi umasa. Andyan na kasi yung mga tinatawag nating pafall o mga tanginang paasa. Kunwari mahal ka. Hindi naman pala. Kaya para hindi masaktan ng sobra? Maging maingat.

Ang mga babae ang kadalasang nasasabihan ng “paasa” kasi sila yung unang titigil, sila yung unang mawawala, sila yung unang mawawalan ng gana. At ito ang mga posibleng dahilan nila:

1. Hindi nila na meet ang kanilang expectations. Siguro nung una, okay pa, pero nung nakilala na niya ang lalaki, nakita na niya ang tunay na ugali nito. Kaya bigla na lang silang titigil o mawawala.
2. Di talaga gusto ng babae ang lalaki. (Pero sana di nalang talaga i-entertain)
3. Meron pang past relationship ang babae, na hindi nabigyan ng closure o andyan pa yung sakit at takot na baka masaktan ulit.

Hindi nakakatuwa ang masabihan ng paasa. Lalo na kung minsan di mo naman sinasadya. May mga bagay lang talaga na pumipigil sayo, kaya nag aalangan ka. Iwasan nating mag paasa, kasi sobrang masakit ang umasa. Mas mabuti na yung wala tayong nasasaktang iba.