maputi ka nga kasi

sheiistheone  asked:

Hindi ko mapigilan yung sarili kong ma-insecure sa iba lalo na pag yung boyfriend ko may pinupuring ibang girls na alam kong hindi ako ganon. Like makinis, maputi, sexy, matangkad. What should I do? 😞😞😞

Alam mo dapat hindi ka ma-insecure. Dapat nga matuwa ka pa. Kasi kahit maputi sila, makinis, sexy, matangkad.. IKAW ang girlfriend niya. BOYFRIEND mo siya! Ikaw ang pinili niya. Kaya wala kang dahilan para mainggit or mainsecure. :D

Kung sakaling nasasaktan ka na kasi madalas niyang ginagawa. Bat hindi mo batukan or kurutin? Sabihin mo ng pabiro.. “Anong makinis? Anong maganda? Gusto mong suntukin kita?” LOL Para atleast kahit papano alam nyang nagseselos ka. Kasi baka akala niya ok lang sayo kasi hindi ka naman nagrereact. Ang mga lalaki minsan kasi talaga, insensitive. Nalalaman lang namin na mali na pala yung ginagawa namin kapag sinabi samin. Wag kang mainsecure. Wag kang matakot. Kasi boyfriend mo siya. SAYO SIYA :)