mangga at bagoong

Golden Rules kapag may Girlfriend ka na.
  1. ‘Pag kayo na, h’wag ng titingin pa sa iba. Ano bang mahirap intindihin sa “Ick4w lh@nq sHap4t nhUa”?
  2. Required na mag-text back kahit na sabihin mong busy ka pa, kung ayaw mong magkaroon na naman kayo World War III.
  3. Dapat kasing haba ng traffic sa EDSA ang iyong…………pasensya lalo na kung sobrang moody ng girlfriend mo.
  4. H’wag sabayan ang kanyang init ng ulo, tayo ang lalaki dapat tayo ang dapat ng umintindi.
  5. Tandaan mo rin na dapat priority mo na si Girlfriend at option nalang ang CoC mo. 
  6. Sa pagko-couple picture, pag pangit ang kuha mo, pero maganda ang kuha n’ya, automatic na “save”, pero kapag maganda ang kuha mo, pero panget ang anggulo n’ya, automatic na “delete” 
  7. Dapat din na masanay ka na “women dictionary” Pag sinabi n’yang “hindi s’ya galit” ibig sabihin n’yan galit s’ya. Pero pag sinabi n’yang “galit s’ya” galit talaga s’ya! Kaya humanda ka na!
  8. Required na mag-holding hands kayo kapag gusto n’ya. Kahit na pasmado ka, ‘pag hinawakan n’ya kamay mo, ‘wag ka na pong papalag.
  9. Pizza, chocolate, burger, fries at mangga hilaw na may bagoong  ang mga golden na pagkain para suyuin s’ya kung sakaling may tampuhan kayo. So, magpatubo ka na ng puno ng mangga sa bakuran n’yo.
  10. Mahalin mo ng higit pa sa paborito mong damit, paboritong laruan nung bata ka pa at kung ano mang paborito mong bagay sa mundo. At irespeto mo s’ya gaya ng pag-respeto mo sa nanay mo.