mamuna

Tumblr; ang pagbabago kuno nito.

Siguro nga wala ako sa posisyon para mamuna sa pagbabago ng tumblr dahil wala pa namang isang taon ang pagiging aktibo ko dito. Kamakailan lang din kasi noong napadpad ako dito at natutong gumamit. Hindi ko lubos na masasabing iba na ang mga bloggers dito at wala din ako sa posisyon para ikumpara ang noon at ngayon, kung sino ang mas may sense at kung sino ang walang kwentang magpost. Hindi ako mamumuna sa maraming pagbabago ng features ng site na ito, kasi sa totoo lang ay hindi ko maisa isa lahat ang ginawang pagbabago ng tumblr dahil hindi ko naman nasaksihan kung ano ang tumblr noon, bagkus mamumuna ako sa kung ano ang tumblr ngayon base sa naeexperience ko.

Marami akong nababasang mga posts patungkol sa kung ano ang mga bloggers ngayon. Sabi nga ng karamihan sa mga matagal ng blogger dito, iba na daw ang ugali ng tumblrista ngayon. Nagsiusbungan na ang posers, famewhores, anon bloggers tsaka haters. I will agree sa sinabi nila. Marami na rin kasi akong nakilalang poser. Halos lahat uhaw na sa kasikatan na umaabot sa puntong nakakapanakit na ng ibang tao dahil lang din sa parehong rason. Hindi na bago ngayon ang pagkakaroon ng bashers at haters, na para bang wala silang konsensya sa paninira ng kapwa blogger kahit wala naman talga itong ginagawang masama. Para bang ang rason nila kaya sila gumawa ng account dito ay para makapanghate. Parang wala lang din sa iba ang pagbabato ng maaanghang na komento na nagreresulta sa pagdedeact ng iba na kung tutuusin ay matagal na sana sila dito.

Hindi na rin bago ngayon ang pagkalat ng mga posers. Minsan nawawalan na ng tiwala ang karamihan dahil akala mo lalaki, yun pala ay babae na nagpapanggap lamang. Kaya hindi mo masisisi yung iba kung nagsesecond thought sila sa magaganda at gwapong bloggers, at nasasabihang mga posers. Seriously, bakit ba may mga poser? Bakit kailangang magpanggap as lalaki kung babae ka naman pala? Hindi mo naman ba binabastos sarili mo niyan? Nakakatulog ba kayo ng maayos niyan? At bakit din ba may mga haters? Bakit may bashers? Tapos ay kung ano ano pa ang mga sinasabi na pawang kasinungalingan lang naman. Hindi niyo ba alam na sa ginagawa niyo ay nakakabawas kayo ng self-esteem sa kanilang hinehate niyo? Hindi niyo ba alam na pwede yang pagsanhian ng suicide? Paano kung yang mga inaaway niyo eh mababa ang loob? Na madaling magpaapekto? Seriously, nakakatulog kayo niyan?

Ang laman din ng blog ng mga bloggers dito ay di ko maintindihan. Again, wala ako sa posisyong kumwestyun kasi ika nga gaya ng palagi nilang sinasabi, blog mo yan at wala kaming karapatang manghusga sa kung ano man ang pinopost mo dyan. Pero ang akin lang sana ay isiping mabuti na tumblr ito. This is a blogging site. Yung iba ay halos one-liner lang ang laman ng blog na kadalasan pa ay nabasa mo na sa twitter at halata mong copy-paste pa. Edi sana nagtwitter ka nalang at dun mo nalang niretweet yang tweet na yan. Yung iba din ay nagmumukha nang instagram yung blog nila. Oo, alam kong proud ka sa mukha mo pero wag ka namang baha. Hindi ko naman sinasabing wag kang magpost ng selfies mo pero wag mo namang dalasan, minsan kasi nakakaumay tingnan. Mag instagram ka nalang.

Yung iba din ay nagmumukha ng ask.fm yung blog nila. Seriously kahit hi lang yung sinabi eh pinupublish mo talga. Hindi mo ba talga kayang iprivate yan? Kaya nga tumblr ask yung tawag dahil ginawa yan para sa mga importanteng katanungan ng mga blogger sayo. At kaya rin may publish button dahil kung sa tingin mo ay dapat mabasa din ng iba eh pwede mong maipabasa sa kanila. You don’t have to publish all your ta’s just to let others see na may kausap ka. Tapos meron din dito na nagrereklamo dahil hindi sinasagot ang ta nila. Bago sana kayo magreklamo, siguraduhin niyo naman muna na may sense ang sinasabi niyo, hindi lang puro panggagago. Tapos yung iba nagrereklamo dahil hindi pinapublish ang ta nila at dinadahilan lage na dahil hindi famous kaya hindi pinapublish. Seriously?

Kahit yung salitang famous, dapat sana walang ganyanan dito. Lahat tayo blogger dito, pareho tayong nagsimula sa 0 count ng follower. Walang famous famous dito. Pantay tayo. Kaya tayo nagkakaroon ng gap dahil dyan. Yung iba nahihiyang kumausap dahil famous. Seriously? Ano nga ba ang definition ng famous? Maraming notes ang post? Maraming followers? Maraming kaibigan? Gwapo? Magaganda? Dyan tayo nagkakaroon ng misconception. Tapos yung iba reklamo nang reklamo dahil hindi daw sila famous. Wala ngang famous famous dito diba? Aba kung gusto mong sumikat, wrong site ka. Wag ka dito. Wag kang papansin dito para lang maging famous. Baka facebook pwede ka dun. Ichat mo lahat ng friends mo, kaibiganin mo.

Seriously, this is Tumblr. Blogging site to. Hindi ito basta lang na site. At alam mo ba yung definition ng blogging site? Please naman. Tapos yung iba nagrereklamo dahil yung iba halos long post or personal post? Na sinasabi lage, wala kaming pakialam sayo blabla. Come on, blogging site nga diba? Kadalasan dito, nagsign up dahil gustong ivent-out ang hinanaing nila na hindi nila masabi sabi sa pamamagitan ng salita. Kaya hindi ko masisisi yung ibang blogger kung namimiss man nila yung dating bloggers dito at dating tumblr. Minsan naghahangad din ako na sana dati palang tumblr blogger na ko. Sana pala dati pa lang natuklasan ko na ang Tumblr kasi seriously? Minumurder natin ang definition ng Tumblr.

Dziwożona is a female swamp demon or evil fairy in Slavic mythology known for being malicious and dangerous. It is also referred to as a Mamuna. These beings supposedly live in thickets near rivers, streams and lakes. Some say she took the form of an ugly, old woman with a hairy body, long straight hair and breasts so huge that she uses them to wash her clothes. Dziwożona is also be a shape shifter and can appear as a beautiful nymph capable of luring young men to their death. On her head she sometimes wore a red hat with a fern twig attached to it. It is said that she can lead anyone down the wrong path, both literally and figuratively.