mamamatayrabbit

Tulad ng mga bata, minsan, sa "MAIBA TAYA" nagsisimula ang mas malalim na pagkakaibigan.

“Maibaaaaa taya! Hindi magpaliiiit, taya! Magpaliiit, taya!”

Tulad ng mga normal na bata, dito nagsisimula ang lahat. Maraming bagay, masaya at malungkot, nakakaaliw at nakakayamot, ang nagsimula dito. Na kkung paanong nag mga hindi magkakakilala na tao eh magpapatungan ng kamay at yun, yun ang simula ng lahat.

O, ang may ari ng mga kamay na yan ang mga bagong taong nakilala ko, humabol sa 2012. At masasabi kong, maraming “maiba taya” pa ang mangyayari sa buhay ng bawat isa.

Peg ko magdrama. Wala kang pakeelam. K? :)


Ito ang mga taong mahal na mahal ko, mga taong tumanggap sa'ken ng walang panghuhusga, mga taong totoong nagpakita ng kanilang tunay na pagkatao, mga taong nagparamdam sa'kin ng tunay na pagmamahal ng mga kaibigan, mga taong kukulbit sa'yo at paalala na nandyan sila sa likod mo, mga taong mahirap iwan, mga taong patuloy na mananatili sa puso ko, mga taong habang buhay kong pahahalagahan, mga taong hindi nawawala sa isip araw-araw, mga taong gusto kong pasalamatan, iyakan at pasayahin, mga taong gusto kong makasama araw-araw, mga taong yumakap sa isang Von Michael Umahon, mga taong patuloy kong mamahalin at papahalagahan. Wala kayong katulad.

ELOI - Ang babaeng mahal na mahal ko, higit pa sa magjowa ang aming samahan niyan, masarap pagkatiwalaan, malambing, masayahin at ngayon ay isa ng ganap na matatag at mapagmahal na babae, ang babaeng nakasama ko sa bawat sayaw, luha at kasbogan, ang taong nagturo saken na kumembot, sa aming pagsasama, ipinaramdam niya saken na magaan ang buhay, may mga bagay na dapat kang harapin ng magaan, hindi palaging seryoso, I could say na siya ang naging suka sa adobo ko pati barbecue na din, iba ang pakiramdam kapag siya ang kasama ko, comfortable at hindi mo kailangang maging the best na tao, dahil siya mismo ang magpaparamdam sa'yo kung gaano ka the best in your own ways. Madalas medyo mean ako sa taong iyan pero sana alam niya na siya ay mahal na mahal ko.

SEATIEL - Ang taong naging basihan ko kung ano ang gagawin, ang taong higit na nakakakilala sa'ken among those four, ang taong thankful ako kasi madami din siyang naituro sa'ken, ang taong nagturo sa'ken na maging competitively healthy, ang taong nag eencourage sa'ken na kaya ko dahil sa mga ipinakikita niya, ang taong madalas kong pagselosan kapag kasama si Eloi, hahaha, ang taong palaging better kapag nacocompare kami, ang taong hinding hindi ko matatalo sa kahit anong aspeto, ang taong somehow I wanted to be. Alam kong hindi naging maganda mga pangyayare, pero salamat pa din seat!

XAI - Ang bata ko, ang taong nagpapa-alala sa akin kung sino ako dati, ang isa sa mga pinakatalented na tao na nakilala ko, naging crush ko pa yan,. ang bait kasi, ang taong kahit kelan ay hindi nagalit sa'ken o nagtampo, ang taong pag nakakasama ko ay palaging masaya, ang taong nagpapaalala sa akin on how much everyone should strengthen their faith,sana palagi niyang galingan at ipagpatuloy pa ang kanyang magagandang ginagawa.:)

STAR - Ang nanay at tatay ng barkada namin, minsan kami ang sumasaway pero madalas siya ang palaging nag-iinititiate ng peace sa grupo, ang isa sa mga pinaka interesting na tao na nakilala ko, isang personalidad na hindim makakalimutan ng kahit sino, ehemplo ng pagiging totoo, isang halimabawa, hahaha, ang taong competitive, hahaha, ang taong nagpapa-alala sa'ken na kailangan kong lumaban, ang taong nagpaparamdam sa akin na walang masamang lumaban. sana manitili siyang bituin!

Mahal na mahal ko kayo bestfriends! Kung alam niyo lang kung gaano ako nangungulila, na sana, sabay sabay natin tatapusin ang lahat, sabay sabay hahakbang paitaas, Sa bawat araw, palagi ko kayong naiisip, mahal na mahal ko kayo, at palagi rin akong nandito para sa inyo. Miss na miss ko na talaga kayo, ang mga pinagsamahan at overnights, groupings, kwentuhan, tawanan, pagmamahalan. Walang papalit sa inyo kailanman. Mahal ko kayo.