maliit siguro

"MGA KAPITBAHAY! NASA LOOB NA AKO NG FLATSCREENNNN!!!"

Tanda ko dati nung minsang nagcocover ng balita ang TV 10 Batangas sa may plasa, bigla akong nahagip ng camera habang tumatawid ako ng kalsada. Nagmadali akong umuwi nun para mapanuod ang sarili ko sa TV. At napasigaw ako ng, “Likod ko yun! Likod ko yun!” dahil likod ko lang yung nahagip. Pero sobrang saya ko nun. :)

Tapos eto na yung sumunod. Interview sa Kapuso Mo, Jessica Soho tungkol sa mga hugot posts ko. Hindi lang likod yung kita. Ako na talaga ‘to shet. Nakaflash pa yung buong pangalan ko. Pati tumblr username ko pa. Para lang akong star witness sa isang kaso na humihingi ng hustisya. Pero mas nagmukha akong nanawagan ng nawawalang kamag-anak sa TV. Gustong gusto kong sumigaw ng, “Binabati ko yung mga kamag-anak ko sa Qatar at Abu Dhabi! nasa TV na ako!!! wuhoo!!”. Kaya lang dapat magmukha akong kagalang galang at kapitapitigan. Nakaflash yung apelyido ng tatay ko eh.

Pero hiyang-hiya talaga ako nung iniinterview ako. Baka kasi sabihin ng mga katrabaho ko, “Aba teka! Anong ginagawa ng kumag na 'to sa loob ng flatscreen namen?!" Tapos di ko talaga akalain na may mga pagsakay pa ako sa jeep at pagtusok-tusok pa ng fishball na nalalaman. Tatlong oras din yun 'no. Nakasampung para ata ako ng jeep tapos di naman ako sasakay. Naka bente pesos na subo ata ako ng fishbol sa dami ng take.

Ayoko din sanang panuorin yung mismong interview dahil ayokong harap harapang makita yung mga insecurities ko na mabroadcast sa TV. Baka kasi lalong dumami. lol. Pero di ko din napigilan ang sarili ko. Habang nanunuod sila sa sala, nakasilip lang ako sa pinto ng kwarto ko at inaaninag sarili ko. Para akong lutang na kaluluwa na pinapanuod ang katawang lupa ko sa loob ng aquarium. 

Nakakatuwa lang dahil parang mas excited pa yung mga kaibigan at readers ko kesa sa'ken. Yun yung isa sa pinakamasarap na feeling. Okay lang na wala sila sa mga panahong down ako. Hindi big deal sa'ken yun. Pero yung maramdaman ko na suportado at masaya sila sa mga kalokohan at kabalbalan ko, epic! Aanhin ko naman yung interview na ganyan kung wala sila.

Hindi ko pa rin akalain na posible palang mangyari yung ganito sa isang hamak na blogger na gaya ko. Hindi ko inasam mainterview, pero siyempre dumating din ako sa puntong napa "what-if” din ako. At yung 'what-if’ pala na 'yon, di ko akalain na mangyayari. Jusko, nagbblog lang ako dito sa maliit na mundo ng tumblr para aliwin ang boring kong buhay. Yun lang. Hindi ko pinangarap dumami followers ko sa twitter at FB, nakakatakot yun. Masaya na talaga ako na may patuloy pa ring nagbabasa ng blog ko. 

Siguro maliit na bagay lang 'to para sa iba pero pakshet, malaking bagay 'to sa'ken. Sobrang sarap sa pakiramdam na mapatunayan sa mismong sarili mo na kapag gustong-gusto mo yung ginagawa mo ( ang magblog ), higit pa sa iniisp mo yung pwedeng mangyari. Pero hindi ko itinataas dito yung sarili ko dahil hindi naman mangyayari 'to kung hindi din dahil sa inyo. Oo na, andami kong pinagsasabi. Basta, sa lahat ng napadaan dito sa blog ko at sa mga walang sawang nagbabasa pa rin ng blog ko, maraming salamat ha? Kahit ayaw niyo na, hindi pa rin ako titigil sa pagbblog. Ito kasi yung gusto kong gawin dati pa. =)

Matampuhin kaming mga babae, mabilis magpalit yung mood namin. Maliit na bagay lang pinapalaki namin. Pero kahit ganun kami, mababaw padin yung luha namin, malambot padin yung puso namin, weakness padin namin yung “sorry” na may kasamang “I love you” niyo. Madali lang naman kasing bawiin yung inis namin, gusto lang namin maramdam na nagsisisi kayo, gusto din namin ng konting effort para mas maramdaman namin na seryoso kayo. Hindi na namin kailangan ng mahabang paliwanag, yung gusto lang talaga naming marinig eh yung nagsisisi na kayo. Mas lalo kasi kaming naiinis kapag pinapaalala niyo sa amin yung nagawa niyo. Tsaka effort? Anong klaseng effort? Sweet long sorry text, siguro maliit na bagay lang yan para sa inyo pero para sa amin, sapat na yun! Kikiligin na kami, siguro di niyo lang mahahalata pero sa totoo lang abot tenga na yung mga ngiti namin. Okay lang din kung gumastos ka, magbigay ng peace offering. Ang sarap padin talaga magtaray kung alam mong may susuyo sayo, kaya siguro ganito kaming mga babae. Pagkatapos naman ng pag-aaway balik pagiging sweet na ulit kami. Kahit may topak kami, mahal padin naman namin kayo.