malapit-na

9

• Nakakaboring sa bahay kaya nagdesisyon ako na pumunta sa Robinson’s na malapit sa amin . Pumunta muna ako ng 7/11 para bumili ng tubig kasi sobrang init pero nakita ko yung slurpee nila kaya bumili ako. Bumili na rin ako ng Jelly Bean nila na akala ko 22 pesos lang tapos nung tinignan ko yung resibo napawow ako dahil 77 pesos pala yung Jelly Bean.
• Buti naman at konti tao. Hahaha konti talaga tao kapag ganyang oras.
• Sun kissed daw eh no ulol Chris 👊🏼
• Kasama ko nga pala yung pinsan kong napakulit pero takot sa tao lol. Laging nakatakip yung mukha ewan ko ba.
• Sa wakas nahanap ko rin yung stall ng tindahan ng Nachos. Ang sarap ng cheese nila promise hahaha.
• Pumasok ako sa Samsung tas tinignan ko yung S8+ at panis yung cellphone ko. Isip isip ko na magsamsung naman kaya ako huhuhuhu kaso baka mamulubi na ako.
• 14 Tokens ang binili ko na sapat ni siguro sa amin.
• Halos 8 tokens rin nagamit ko para lang sa stuffed toy na yan ha. Hahahah tapos ayaw lang kuhain ng pinsan ko.
• Yung natirang token ay inano ko nalang para sa pinsan ko. Bahala siya diyan hahahaha.

Heto ako ngayon.

Humuhugot sa kung saan saan ng pang-motivate. 

Sembreak na kasi namin, makakapag-pahinga na rin pagkatapos ng Final Examination Week.

Ngayon lang ako nag-update. Hmmmm. I must say that I kind of miss this.

Isang sem na lang ang natitira sakin, I need to make use of my time wisely. Hindi ko ma-explain yung feeling, I just read some posts of those who are now CPA. Nakaka-inspire lang.

Nalulungkot rin ako kasi marami sa mga kuya at ate ko na nag-take ng board ang na-delay ang title. Pero what I really admire to them is that they did not lose hope, they are still standing. ‘GO FIGHT LANG’ sa agos ng buhay.

Heto, pinakikinggan ko ang wag ka ng umiyak, nabasa ko sa post ng isa sa mga bagong kasama sa listahan ng pumasa. Nakaka-touch nga. Parang yung feeling ay si God yung nagsasalita ng mga verses ng kanta.

Kakapit lang ako kay God. Hindi nya kasi ako bibitawan at pababayaan.

Malapit na ako sa pinaka-importanteng pagsusulit na dapat kaharapin. 

Ngayon, na-memental block na ko sa mga gusto kong sabihin. Hay. Basta, magpapasalamat na lang ako at sa hinaba ng ginugol ko sa pag-aaral, heto pa rin ako, lumalaban. Malapit na ako. At alam kong matapos man iyon pagkatapos kong makaabot doon, marami pa akong mapapagdaanang laban. 

Tibay ng loob at pananalig sa itaas na lang ang bibitbitin ko.

Huwag mo muna akong pakawalan, pakiusap. Hindi pa ako handa. Hindi mo naman ako inabisuhang malapit na pala tayo sa dulo. Wala pa sa kalahati ang may marka sa mga planong balak sana nating kulayan. Akala ko'y may pang habang-buhay pa tayong pagsasamahan. Akala ko nangako tayong walang wakas. Akala ko maghahawak kamay tayo sa bawat sayaw ng buhay. Akala ko hindi magpapatangay sa alindog na nasa kapaligiran. Akala ko takot ka sa mga pansamantalang bagay. Hindi ko maunawaan ang pananaw mo. Hindi ba’t kabisado mo na ang kinaroroonan kahit hindi na kita gabayan. Alam mo na dapat ang bawat pasulong. Hindi ko alam kung bakit naliligaw ka. Hindi ko alam kung bakit pinili mo ang pait ng lumbay laban sa tamis ng pag-ibig.
MAHAL PA YATA KITA -spoken poetry

Kamusta ka na? Sana masaya ka na. Sana hindi mo na ako naaalala. Sana buo ka na ulit katulad nung unang nakilala kita.

Kamusta na? May iba ka na ba? Mahal, alam kong nasaktan kita, alam kong hindi dapat nangyari yun sayo. Mahal, mahal parin kita. Kahit may gustong pumasok sa mundo ko, Ikaw, ako, tayong dalawa.

Tayong dalawa parin yung nakikita kong masaya sa mundong binuo nating dalawa. Mahal kita, mahal parin kita kahit anong pagpapanggap ang gawin ko alam ko sa sarili kong ikaw parin talaga.

Pagod na. Pagod na kong umasa, umasang babalikan moko sa tagpuan kung san tayo unang nagkita, pagod nakong umasang ako parin ang pipiliin mo kesa sa kanya, dahil oo, alam ko. Alam kong takot ka na, na baka saktan kita ulit mahal, alam kong ayaw mo na.

Ayaw mo nang balikan ang mga alaala na sumira sa masayang tayo, tayong dalawa. Ngunit, pano ba?

Pano ko ba tuturuan ang puso kong mapagod na. Mapagod na sanang isipan ka, na baka sa huli tayo parin talaga.

Pano ba, pano ko ba paglalaban itong mag-isa, pano nga ba tumakbong magisa dahil nasanay ako na sa bawat pagtakbo ko magkahawak ang kamay nating dalawa.

Mahal kita. Mahal na mahal parin kita at Putang ina hindi ko alam paano magsisimula ulit, dahil ubos na. Ubos na ang pag-asang natitira, tinapos ko na.

Dahil akala ko eto ang makakabuti sating dalawa, pero bakit habang tumatagal, humihirap, bumibigat ang dala dala. Dalang lungkot, nung sinabe kong tama na.

Dala dala, dala dala ko parin ang saya mula sa puntong to’ na kahit gabi gabi umiiyak ako kapag naaalala kita.

Naaalala kung gaano tayo kasaya sa piling ng isat isa, umiiyak parin ako dahil alam kong mahal kita. Mahal pa kita. Kahit na alam kong masaya ka na, pero mahal kilala kita.

Alam kong nagkukunwari ka lang na masaya, pero wala akong magagawa kung ayaw mo na talaga.

Ako eto, Tila nakikipagpatintero ako sa pag-asang magiging tayo pa at sa katotohanang wala na talaga.

Na kapag nakatawid ako sa kabilang linya mahahawakan kita pero matataya ako at maaalala kong wala na.

Wala na talagang pag-asa. Malapit na sana sa dulo pero nataya na. Wala na. Wala nang pag-asa na makatawid at matapos ang patinterong sinimulan nating dalawa.

Na sa bawat pagtakbo ko papunta sa'yo. Ako'y hinahatid mo na pala ng mga mata mo. Palayo, palayo sa mundo mo.

Binilisan ko, hinabol ko ang pag-asa. Pero sa huli hindi ko rin kinaya. Pinilit kong maging buo at itama ang mga mali ko para maging karapat-dapat para sayo.

Pero sa bawat hakbang ko patungo sa pinaroroonan mo, nakikita ko. Nakatitig ka walang laman. Walang luha sa mga mata mo. Tila’ pinaparamdam mong wala na. Wala nang nararamdaman ang puso.

Puso mong, naging bato dahil sa mga nagawa ko. Patawad Mahal, di ko alam bakit umabot sa ganito.

Ang dating buo at masayang tayo ngayo'y nakikipagpatintero sa paulit ulit na tayo parin hanggang dulo at sa pagod na ko’ hanggang dito nalang talaga tayo.

@a-proud-fangirl @healingqilin hi guys! in light of the recent earthquakes , heres some survival tips just in case ‘THE BIG ONE’ arrives:

1. have a whistleblower with you at all times
2. when the shakinygets too rough and theres no corner/strong door for support, assume a half kneeling position under a sturdy object and keep your head on the corner (not the center!)
3. in any event that you dont have any safe place to hide, still do the half kneeling position (almost shaped light a triangle for better balance) and cover your head with the nearest thickest object you can carry.
4. once the shaking is over check your surroundings first to see if its safe to evacuate then save yo self if you can move. always head to an open area and be cautious of live wires and other hazards!
5. if ever you get caught in debris and/or are stuck, use the whistle and blow as hard as you can (rescuers will be able to locate you easier that way)
6. lastly, STAY SAFE FRIENDS MAHAL NA MAHAL KO KAYO!

So eto talaga problema ko, may babaeng malapit sakin meron okasyon sa bahay nila at niyaya niya ako pumunta. Tapos tinanong ko yung pinsan ko na medyo malapit sa kanila ay malayo pala, na pwede ba pumunta sa lugar na yon. Sabi ng pinsan ko na wag daw ako pupunta dun delikado daw mga tao dun, lalo sa mga katulad ko na medyo maangas tignan. Kaya ngayon di ako alam kung pupunta ba ko or hindi, kakahiya kapag hindi ako pumunta kasi kapag siya todo effort para sakin tapos ako simpleng pumunta lang sa bahay nila di pa magawa. Mga babae pa naman matampuhin. Tingin niyo po pupunta po ba ako oh hinde?

P18

May, Bakasyon, Walang Klase. Napakaboring ng buhay. Walang pangyayaring nagaganap. Laptop at cellphone ko lang ang lagi kong kaharap. Malapit na magpasukan pero ano na? Two years na ‘tong account ko sa Tumblr. Pero ano na? puro lang kajejehan ata pinagagawa ko dito eh. Pero siguro hindi siguro may maganda rin naman akong napost or nashare. Marami rami na rin akong naging kaibigan sa Tumblr yung iba nga nagdeactivate na at yung iba di na nageexist kasi busy at yung iba siguro nakalimutan na ako (Hindi ko na papahabain kasi wala na akong maisip na kwento at i-direct to the point ko na XD). 

Scroll lang ako ng scroll dito sa Tumblr tapos reblog at like lang. Habang nagbabasa ako ng mga post may nakita akong isang account at kapangalan ng chairwoman ng organization ng department namin tapos nagulat ako dahil hindi lang pala isa ang co-blogger ko na kadept ko rin. Minessage ko agad siya tapos tinanong ko siya kung siya ba yung chairwoman kasi kung sakali may isa nanaman akong mahihingan ng tulong tuwing desperate times. Minessage ko siya tapos nagreply naman siya ng “Ha? hindi ako chairwoman”. Medyo pahiya na si ako edi pumunta ako sa blog niya tapos tinignan ko yung pictures niya. WTF CHRIS?! Pahiya ka! Bida bida ka ibang tao yun. Natawa ako sa sarili nun that time tapos inunfollow ko siya kasi nahiya ako sobra. Pero nakakahiya kasi inunfollow ko siya for that reason. HAHAHAHA

Birthday Girl

Oh yeah, ngayon ko lang narealized na Birthday ko na nga pala bukas. Kung hindi pa ako babatiin ng isa kong kaibigan hindi ko rin maaalala. Haha nakakatamad narin kasi mag celebrate, unlike before na parati'ng may handa and everything, ngayon parang normal day nalang. Oh well, ganun siguro kapag tumatanda na. 2 years nalang malapit na ako sa favorite age ko at sa pagiging legal sa lahat. Haha lol

Paalala Lang

Mahal, patuloy kong paulit-ulit na sasaksakin ang mga sugat na malapit na maghilom kung ‘yan ang gusto mo.

At sa lahat ng pait na natikman ng dila ko tuwing hinahalikan mo ‘ko ay ang tamis tuwing hinahayaan mo akong matunaw sa iyong mga braso sa gitna ng mga gabing mapanghusga. Hayaan mo sana akong mahalin ka sa paraang alam ko. Hindi ko man maipagmayabang sa mga tala kung gaano ka katingkad kahit may liwanag ay handa naman akong iharap ka sa buwan, ang buwan na siyang may alam ng lahat ng nakaburda kong sikreto.

Matutunan mo sanang ipagpikit ng mata ang mga problema mo. Maisipan mo man lamang minsang gawing unan ang luha mo. Sa panahong kaya mo na at iba na ang umaalalay sa'yo, tatandaan mo sana na mas mahalaga parin ang maging mag-isang buo kaysa may kabiyak.

Worth it, kahit epic yung pagod bago ko nabigay sa kaniya ‘to. Hahaha.

Nagtext ako sa kaniya nang Feb. 11 if pwede kaming magsimba nang Feb. 14 nang hapon. Eh ayun, hindi pala siya pwede.

Feb. 13, 2016. Nagchat siya nang 10am. May practice daw sila ng sayaw, and baka maging free siya nang 2pm. Kaso, ako naman yung may meeting nang 3pm onwards. Pero sabi ko nga, kahit saglit ko lang siya makasama, okay na. So ayun, naligo agad ako. Good thing, nakabili na ‘ko ng chocolates last week. Flowers na lang inasikaso ko. Pumunta agad ako ng Market Market para bumili ng bouquet. Tapos nag-grab car na ‘ko para puntahan siya. Nung medyo malapit na ‘ko, nagchat siya. Punta daw muna ‘ko ng meeting kasi hanggang gabi pa yung practice nila. Puntahan ko na lang daw siya after ng meeting ko. Kaya ayun, instead na dumiretso sa kaniya, ipinaiba ko na yung route nung sasakyan.

Maya-maya, nagchat ulit siya. Hanggang 6pm lang daw siya sa practice kasi may family dinner sila. So ayun, bumaba na ‘ko ng sasakyan. Nakakahiya kasi ‘pag pababalikin ko pa. Sumakay na lang ako ng jeep para puntahan na talaga siya. Hindi ko siya aabutan kung after ng meeting ko pa siya pupuntahan.

Pagdating ko dun, tinawagan ko siya para lumabas siya. Itinago ko muna sa gilid ng pader yung bouquet. Yung chocolates lang ibinigay ko. Tapos maya-maya, tsaka ko inilabas yung bouquet. ‘Yon na rin yung araw na officially, niligawan ko siya. Nung nakita ko yung ngiti niya, okay na. Masaya na yung Valentine’s ko. Nawala na rin yung pagod ko.

Pagkabigay ko nun, nagpaalam na rin agad ako. Late na kasi ‘ko sa meeting ko. Byahe pa. Haha.

Haba na pala neto. Basta! Masaya 'ko kahit saglit ko lang siya nakasama! Geh. :)

Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito sa baguio.. Di naman kami dapat mag oovernight pero kasi inabutan na kami ng gabi. First time ko makapunta sa night market, ang saya pala!! Tas ang lakas ng ulan hahaha kaya mas lalong memorable. Ayun bukas maglilibot kami dito, tutal malapit na kami sa burnham park :) goodnight!

Tama ba?

“Pa, nagugutom ako”
Bumubulong si bunso sa akin,
Na nasandal sa aking braso habang nilalakad namin ng daanan
pauwi sa aming tahanan.
Madilim, halos wala na akong maaninag na liwanag sa masikip na eskinita na ito
Malamig, nakakapanlambot, nakakapanghina, lalo na’t pagod sa maghapong pagmimina.
“Malapit na tayo sa bahay, ipagluluto nlang kita”
Kasabay nito ang pangiti ko, at pagkarga sa maliit na katawan ng aking bunso.
Malnurished daw sya, kulang ang sustansyang nakukuha mula sa mga kinakain nya.
Hindi mo naman ako masisi sapagkat ako na lamang ang mag isang bumubuhay sa kanya.
Maliit ang katawan, maninipis na mga bisig, halos nakadikit na ang balat sa buto, mapupuna mo rin ang nangangayayat na hugis ng mukha ni bunso na, pero makikita mo pa rin ang mga ngiti sa kanya na animo'y parang itinatoo dhil hindi maalis alis.
Pagkarating sa bahay,
Agad akong nagluto ng paborito nya, nasagad ang kinita kong 120 pesos sa pagmimina para sa hapunan ni bunso, maya- maya'y nilapitan si bunso na nakatulog sa pag hihintay
“Gising na bunso, handa na ang hapunan.”
Ngunit hindi sya nakibo,
Linalagnat pala sya, nanginginig ang buo nyang katawan kasabay ng pagtirik ng kanyang mga mata.
Hindi ko alam ang aking gagawin, agad ko syang dinala sa pinakamalapit na ospital at doon,
Pero hindi daw maaari sapagkat wa akong pera, hindi maaari sapagkat mahal na ang mga gamot.
Kailangan kong lumikom ng salapi na maipapambayad sa knila. Lumuhod na ako’t nagmakaawa nakikiusap na gamutin nila agad ang aking bunso, nangangako na ibibigay ang bayad, bago pa man mtapos ang araw. Matagal na pagmamakaawa ang ginawa ko ag sa wakas pumayag ang doctor na sya'y gamutin.

Dali-dali akong umuwi ng bahay,
Hindi mapakali, hindi alam ang gagawin, kaliwa’t kanan ang bulungan ng mga boses, pero iisa ang nag wagi sa isip ko. Wala ng ibang paraan.
Kaya’t nagtungo ako sa isang pinakamadilim na eskinita’t doon ay nag aabang ng mabibiktima.
Sa gitna ng madilim n gabi'y animo'y isang asong ulol na naghahanap ng makakain sa isang sulok.
Sa malamig na ihip na hangin ay sumasabay ang pag buga ko ng usok mula sa yosi na pumapatay ng oras ko sa kahihintay.
Lumalalim ang gabi
Mas bumibilog at lumalaki ang buwan
Nanginginig ang kalamnan
Butil butil na malalamig na pawis ang patuloy na dumadaloy sa katawan ko
Sino kaya ang nakakatulong sakin na makalikom ng pera na kailangan ko.
At sa wakas, ay may naaninag na akong nilalang
Maliit na katawan, hindi gaanong matipuno ang katawan, bitbit ang kanyang telepono na nagbibigay ng ilaw sa knyang mukha, batang lalaki, mukhang estudyante’t anak mayaman, inaantay ko na lamang ang kanyang paglapit sa akin at ituloy ang aking pinaplano.

Agad syang sinunggaban,
Tutok ng patalim sa kanyang tagiliran
Halos ibaon ang tulis nito sa kanyang kalamnan,
Kasabay ang pag bulong sa kanya,
“hold up to. Taas ang kamay. Wag kang kikilos ng masama. Ibigay mo sakin ang pitaka’t telepono mo.”
“Opo”
Dama ko ang panginginig ng boses nya sa takot at kaba.
Dama ko ang mga pigil at malalalim nyang hinga
Dama ko ang panlalambot ng tuhod niya.
Sabay tulak at tadyak sa batang walang kalaban laban.
Umalis na ako’t tumakbo palayo, tangay ang lahat ng meron sya. Kinakailangan kong pera
Ng kinakailangan ko para makita ko pang muli ang bunso ko.
Bakit nga ba marami ang kagaya ko?
Matinding pangangailangan nga lang ba ang nagtutulak sa iba para gawin to?
Mga taong walang maihain sa lamesa nila kapag hindi nila gingawa ito.
Kung kaya’t ang alam nilang mali, ay unti-unting nagiging wasto at nagiging parte na ng pang araw araw na gawain?
Kulang ba talaga ang atensyon na binibigay ng mga demokratikong lipunan
Na walang ibang ginawa kundi ibulsa ang kaban ng bayan?
O talagang halang ang kanilang mga sikmura para magnakaw ng pag aari ng iba?
Baka naman isa din silang biktima ng isang demonyo na nagtatago sa hugis ng illegal na bato?
Madami na ang kagaya ko. Pero ako, ang alam ko, mahal ko ang pamilya ko. At hindi ko kaya na makita silang nahihirapan. Kung mahuhuli ma'y handa akong harapin ang sintensya na meron ako. Dahil huli na yun at hindi na mauulit pa.

I found myself watching your back. I saw how you were laughing because of her. You never did any of such acts back when we were together.

I guess I was suffocating you.

Ang sakit sa dibdib tuwing di tayo nagkakaintindihan. Tuwing nagkakatampuhan tayo dahil sa mga simpleng bagay.

Ang sakit sa dibdib pag tinitiis mo ako. Pag bigla mo nalang ako di kikibuin tapos ayaw mo sabihin kung bakit. Pag ang tipid ng mga reply mo sakin tapos ang cold cold pa ng dating.

Ang sakit sa dibdib tuwing malapit na tayo magkita tapos biglang hindi natutuloy. Yung sobrang excited na ko makita at makasama ka tapos macacancel kasi may gagawin ka pala.

Ang sakit sa dibdib ma layo sayo. Yung kailangan pa bumilang ng ilang araw o kaya isang linggo bago kita makasama ulit.

Pero lahat ng yan kaya kong tiisin. Mahal kasi kita eh. Mahal na mahal kita. Kahit masakit, okay lang. Kasi di parin nun mapapantayan ung saya na nararamdaman ko tuwing okay tayo at magkasama. Tuwing malapit ka sakin at abot kamay lang kita. Kaya titiisin ko nalang lahat ng yan, kasi mahal kita.

nanuod ako kagabi (charot lang talaga yung kagabi kaninang madaling araw talaga to huwawi) ng idily tas gago naiyak ako puta hahaha damang dama ko si carson putangina pre nasaktan ako durog na durog puso ko time check ikaw pa rin gagu de pero malapit na ko pre alam ko papunta na ko kasi di na ganun kasakit tulad ng dati lamoyun

Why i am so scared about my future. Sigh. Malapit na graduation ko. Habang papalapit sobra na kaba ko. Naprepressure na ko, sobra. Di ko alam kung ano magiging work ko, I don’t have skills. Sht. Idk how to program etc. basic lang alam ko. Sht. Ayoko madisappoint fam ko :-( God help me.

Bakit ang hirap mag let go?

Hindi sa lovelife uy. Kayo naman. Wala ko non pwede ba. Hahaha. De ano kasi, di ba nga balak kong mag aral ulit. Decided nako e. Sure na sure. Pero sa office kasi ngayon, para bang bigla kong nakaclose lahat? Although di ko pa nasasabi ang plano kong pag alis, parang gusto ko pang magstay kasi masaya na magtrabaho don? Masaya na mga kasama ganon. Hays. Pero excited naman akong mag aral ulit. Tska Yun nga problema ko pa, ang hirap maghanap ng bahay na malapit. May condo nga, pero 2 sakay papuntang school. Alangan magdrive jusmiyo mga jeep sa taft kulang nalang lumipad! Or nakailang kanta ka na di padin naalis yung sasakyan mo sa pwesto nya. Hahaha. Mabalik ako, yun nga hirap umalis. Ang hirap hirap bumitaw, lalo kapag nasanay ka na sa mga bagay bagay. Tsk.

Send-Off Party na bukas

Malapit na kaming tumuntong sa new stage of our lives. Mapupunta na kami sa totoong mundo hay grabe. Medyo kinakabahan ako kase feeling ko, hindi pa ako ready pero may side rin na nagsasabing dapat na akong magpakamature na. Kailangan ko nang kumita ng pera. Isang linggo na lang at gagraduate na kami. Mamimiss ko talaga yung klase namin. Yung kaingayan nila tapos kapag production din. Natatawa nga lang ako kase tumuntong na ako ng 4th year, never akong naging close sa kahit na sinong teachers. Hindi ko alam, kase parang may favoritism sila kaya di ko trip. Hays, basta dami ko rin namang natutunan kahit papano. Nakakapag-overthink ako kung ano na mangyayare saken. Baka walang tumanggap sakin na work dahil sablay ako sa naging ojt ko. Isa pang nakakadisappoint yun na parte ng buhay ko. Imbes na matapos na talaga ako, until May 6 pa ako sa school. Hahaha nevermind, matatapos rin naman to. Gege

Since I am not that busy these past few days, I started reading new story in wattpad. I’m currently reading ‘I’m the Alpha’ and hell yeah, malapit ko na siya matapos.

Anyone, can suggest some good stories please?