malanding usapan

May mga bagay na hindi na dapat tinatanong pa baka kase pag inungkat mo pa lumabas na malabo lang talaga.

May mga bagay na hindi mo na dapat tinatanong pa. baka kase pag inungkat mo pa lumabas na tlgang malabo talaga. Parang Usapang MU (Mutual Understanding) or should i say magulong usapan o malanding ugnayan. Yung hindi naman kayo pero kung magturingan kayo parang mag bf at gf wala kayong commitment sa isat isa its just a romantic bond. Yung tipong pwede kang magselos pero hindi ka dapat magreact, ung tipong pwede mo siang pigilan pero not to the point na babawalan mo na. Kahit ata may makita kang kasama niang iba pwede kang magkaron ng pakialam pero hindi ka pwedeng makialam. kase ung pagsasamahan niyo wlang label, mahal mo, mahal ka, pero hindi naman kayo in short landian lang.

Pano kung dumating yung point na ma fallout of love ung isa sa inyo makakaya mo kaya i let go ang isang taong kahit kelan hindi naging sayo? Mahirap di ba., minsna nga itatanong mo pa sakniya “TAYO NA BA?”  pero pag ung gsto mong sagot ay hindi mo nakuha masasaktan ka lang. Complikado ang ganitong relasyon walang kasiguraduhan, walang assurance, anytime pwede siang mawala. masasaktan at masasaktan ka tlga kase ngeexpect ka at minhal mo siang talaga. kahit na hindi sia naging sayo alam mo sa sarili mong minsan niang binago ang takbo ng buhay mo.

MU Mutal understanding/ Malanding Ugnayan

Pansin natin lahat eto na uso ngayon… Magulo? Oo! Eto yung tipong landi landian lang kayo.. Walang commitment, bawal mag demand, walang karapatan magselos, wala title na “tayo”..

Aminin man natin o hindi eh masarap din naman ng may ka MU. Yung kahit na single ka eh meron parin taong nandyan sayo.. Yung malaungkot may nagpapasaya sayo, yung di lang sya basta kaibigan mo. Alam mo sa sarili mo na SPECIAL siya, may parte sya sa puso. Yung tipong parang kayo, pero wala naman talaga.. Masaya masaya talaga

Ang mahirap lang dito ay kapag may nafall na o yung tipong yung isa eh gusto na ng title na bfgf… Mahirap kasi wala kayong commitment at alam mo ssa sarili maari nalang sya mawala bigla dahil hindi mo sya pag aari. Wala kang pinaghahawakan na AKIN SIYA Mahirap pero masaya.