malanding ugnayan

M.U

Magulong Usapan/Malanding Ugnayan.

  • Eto yung wala kayong assurance sa isa’t isa
  • Eto yung pwede kang magselos pero bawal kang magreklamo
  • Eto yung mahal mo sya pero complicated
  • Eto yung gusto mong magbawal pero bawal maging controlling
  • Eto yung kahit anong oras pwede syang mawala sa'yo
  • Eto yung wala kang pinanghahawakan
  • Eto yung the two of you are acting like a couple pero hindi kayo couple
  • Eto yung malaya ka pading lumandi
  • Eto yung araw araw kayong magkatext kahit di kayo
  • Eto yung bawal kang maging possessive kasi di pwede

Higit sa lahat eto yung relasyon na para sa dalawang taong takot. Takot sa paraang sila lang dalawa ang nakakaalam. Posibleng takot magbago ang lahat, takot masaktan, takot mahiwalayan, takot maiwan, takot sa commitment at marami  pang iba. Eto yung isa sa pinaka kumplikadong sitwasyon. Kasi wala kang magagawa, wala kang power o karapatan na umarte bilang isang girlfriend o boyfriend, kasi nga HINDI KAYO. More like kayo yung dalawang nagmamahalang maaring sa isang iglap ay pwedeng maglaho parang bula. Di kailangan ng explanation o kahit ano pang closure, dahil una sa lahat walang dapat i-close, kasi nga uulitin ko, HINDI KAYO. Hindi ako against sa gantong klase ng relasyon. Pero isipin din natin, hindi ba’t masarap yung may pinanghahawakan ka. Yung alam mong sayo, hindi yung parang araw araw e natatakot ka baka bukas o di kaya maya maya e wala na sya sa tabi mo. But, whatever it is. As long as you can show to that person how much you love him/her, title is not important. Affection and love is.

May mga bagay na hindi na dapat tinatanong pa baka kase pag inungkat mo pa lumabas na malabo lang talaga.

May mga bagay na hindi mo na dapat tinatanong pa. baka kase pag inungkat mo pa lumabas na tlgang malabo talaga. Parang Usapang MU (Mutual Understanding) or should i say magulong usapan o malanding ugnayan. Yung hindi naman kayo pero kung magturingan kayo parang mag bf at gf wala kayong commitment sa isat isa its just a romantic bond. Yung tipong pwede kang magselos pero hindi ka dapat magreact, ung tipong pwede mo siang pigilan pero not to the point na babawalan mo na. Kahit ata may makita kang kasama niang iba pwede kang magkaron ng pakialam pero hindi ka pwedeng makialam. kase ung pagsasamahan niyo wlang label, mahal mo, mahal ka, pero hindi naman kayo in short landian lang.

Pano kung dumating yung point na ma fallout of love ung isa sa inyo makakaya mo kaya i let go ang isang taong kahit kelan hindi naging sayo? Mahirap di ba., minsna nga itatanong mo pa sakniya “TAYO NA BA?”  pero pag ung gsto mong sagot ay hindi mo nakuha masasaktan ka lang. Complikado ang ganitong relasyon walang kasiguraduhan, walang assurance, anytime pwede siang mawala. masasaktan at masasaktan ka tlga kase ngeexpect ka at minhal mo siang talaga. kahit na hindi sia naging sayo alam mo sa sarili mong minsan niang binago ang takbo ng buhay mo.

M.U - Mutual Understanding? Malabong Usapan? Malanding Ugnayan?

Sigh.
ano nga ba ang ibig sabihin nito? yung ang sweet sweet niyo sa isat. palagi mgkausap. fb, twitter, skype, tx at tawag. pero wala. hindi mo alam ano ba tlga kayo. o kung meron bang kayo. mahirap umasa sa wala, sa di mo alam anong inaasahan mo o kung my aasahan ka nga ba talaga.

super iloveyou, imissyou, takecare, muaaah sa isatisa pero totoo nga ba ang mga ito? o pawang matatamis na salita lamang tlga?

Bat parang kabilis?

Pagka ba bagong kilala pwede na maging MU agad? Diba kahit naman mahal na mahal mo pa di naman ganon kabilis yon.

Eto ang kwento ko:

May guy bestfriend kasi ko. So nagtext sya sakin nung Saturday may ikekwento daw tas pag nagkita nalang daw kami, then may nag GM friend ko naka mention bestfriend ko na ingat daw ganon ganon. Then nung Sunday nag text ulit si bestfriend may sasabihin nga daw sya ang text nya "Best friend MU na kami ni Friend(codename nung friend ko) nililigawan ko sya". Nakakagulat diba? Kasi sa totoo lang may ka MU pa yung friend ko bago sya nung Valentines lang may ka holding hands sya. Kaya kabilis. Tas wala pa ata silang 1Month mag katext MU na agad?

Ano nga ba ang mag-MU? Ito ay isang MALANDING UGNAYAN.

Panoorin niyo muna to bago basahin: LC LEARNS #26 - Mahal mo ba ko, yung totoo?: http://www.youtube.com/watch?v=9QSoFIecVxM&feature=g-all-u

I HATE “M.U.” :) 

Para sakin:

Ang MU, dapat INAANOUNCE NIYO yan. Hindi yung iisipin mong magisa na MU kayo. Yun pala eh siya, walang pake sayo habang ikaw iniisip mong MU kayo. Kalalabasan niyan, magiging TANGA ka. UMASA SA WALA. Kaya rule 1, BAWAL MAG ASSUME. At in the first place, ang stage ng MU ay parang ligawan stage. Mahal niyo, or should I say GUSTO niyo ang isa’t isa pero kelangan muna dumaan sa ligawan for various reasons habang MU kayo(not all ganito). Pero ang tatandaan, WALA KANG KARAPATAN KAPAG MAG MU LANG. Kasi kahit mag-MU kayo, HINDI NIYO PAGMAMAYARI ANG ISA’T ISA. (Bawal mong pagbawalan siya, magreklamo pag nagseselos, utus-utusan ng ganito.) Tsaka sa mag-asawa lang ang “pagmamay ari”. Gumagaya lang talaga ang mga mag-on or yung may commitment. Ang MU kasi, landian lang yan. Gusto niyo ang isa’t isa pero no commitment. Ayaw matali. 

Ganito yan eh..

SWEET kayo, kaya nadevelop yung “LIKE” mo sa kanya. Then all of a sudden, gusto ka rin niya. PERO.. hindi pwede maging kayo, or ayaw niyong/mong maging kayo. Sabi nga sa video, kadalasan eh sa mag-best friend nangyayari to. Not all pero kadalasan nga. Hindi lang mag best friend, yung sobrang ka-close mo.

Pero ang maganda diyan, pwede kayong maging SWEET. yun nga lang, you’ll both face the consequence na madaming magsasabing “ang landi”.

SORRY SA NAPAKAHABANG SPEECH. Gusto ko lang iparating sa inyo yan. Yan po ay PERSONAL OPINION ko lamang. No hates. No debating.

At Sorry din kung meron mang matamaan. HINDI KO SINASADYA. I just want to share my OPINION.

Please take note of the first part. “Ang MU, dapat INAANOUNCE NIYO yan.” INAANOUNCE po. Hindi itinatago, otherwise sasabihan ng malandi. KAYA KAPAG SINASABING HINDI MU, EH HINDI TALAGA! 

Isa pa, iba ang MAG-MU sa MU.

MU= Mutual Understanding. Pareho ng nararamdaman.

MAG-MU= mayroong tinatawag na “relasyon”

M.U. PART ONE.

Kung akala mo, tungkol sa Mutual Understanding ang post na ito, hindi! Nagkakamali ka. Itong post na ito ay tungkol nga sa M.U. In other words, Malanding Ugnayan. Ang mga post na tulad nito ay tungkol sa pagiging bitter. Oo, bitter. Sige, magsisimula na ako. Eto ang kwento ko:

May isang babae at may isang lalake. Pero joke lang. Pero hindi. Haha. Sorry. Ayun, friends sila. Friends daw e. Malay ko. Kinwento lang naman sa akin diba. At totoo ang kwentong ito. Isang araw nagkaron ng karelasyon ang lalake, at ganun din si babae. Pero, kahit na ganun, hindi ganun. Oo, magulo ako. Magulong magulo. Tulad ng puso’t isipan ko. Joke lang. Eto na, boy meets girl. Boy and girl became friends. Boy broke his heart. Girl broke her heart. Boy and girl are friends. Boy comforts girl. Girl hugs boy. Boy and girl bla bla bla. K. I don’t know anymore. This is nonsense. I shall continue their story some other time. Bow.

M.U.

Di ko alam kung bakit bigla nalang nauso ang mag MU ngayon.

Parehas lang naman kayo ng gawain ng magjowa, naiba lang ng labeling pero ang totoo nyan mahal niyo parin yung isa’t isa.

Ang benefits lang naman nyan eh pwede kayong maglandian pero just friends lang kayo at the same time pwede mo itago sa iba kasi wala namang kayo.

Dyan karamihan nasasaktan, sa walang kayo pero kung umarte kayo ay parang kayo. Katunayan pag MU lang wala ka ngang karapatan sa lahat e, bakit kayo ba?

Kaya ewan ko kung bakit karamihan gusto parin nyan kesa sa maging kayo talaga.

Its either masasaktan ka lang naman o ipupush niyo hanggang sa maging kayo.

M.U?

Iba’t ibang kahulugan neto pero ano ba talaga kayo? May kayo ba? O nagaassume lang kayo parehas? Baka naman kasi concern at malambing lang talaga sya.

- Mutual Understanding?
- Malabong Usapan?
- Malanding Ugnayan?

Yung tipong nagsasabihan kayo ng:

- “I love you”
- “I miss you”
- “Ingat ka ha? Wag mo pababayaan sarili mo.”

Concern kayo sa isa’t isa. Nagtatanungan kayo ng…

- Kumain ka na ba? Wag ka papalipas ha?
- Nasan ka ba?
- Sino kasama mo?
- Sino sino katxt mo?

Pero walang commitment. Walang title na bf/gf. Pero ang totoo yan pareho nyo gusto maging kayo.