malandi ka!

Tips kung pano mag MOVE ON!

Dapat pag magkakaroon ka ng boyfriend/girlfriend dapat matuto kang mag pakumbaba hiindi yung puro ka nalang pride wag mong papaandarin yan EGO mo dahil yan minsan yan ang nagiging rason kung bakit nag kakalabuan ang isang relationship at humahantong sa “BREAK UP” dapat kapag pumasok ka sa isang relasyon you need to face a lot of negativism sa isang relasyon!

Alam mo naman walang forever pero pag move on hindi ka marunong?! aba matinde! Syempre kung mag mo-move on dapat:

  • Wag kang mag papalit ng number. Dapat deadma kana lang kahit tumawag at mag text siya. Kasi magpapalit ka nga ng number, tapos bukas itetext mo din siya. Ay jusme sayang sim mo!!!

*nag text si ex* Siya: Uy sorry na di na mauulit *syempre malandi ka kaya* Ikaw: Sige na wag mo na uulitin ah.

  • Burahin mo lahat ng pictures niyo sa cellphone mo at laptop mo *kung meron ka man*, Taena move on nga eh! bakit siya padin wallpaper mo? Ano walang delete delete mahal padin kahit niloko na??

*kal-kal sa gallery* AY BE DI KA TALAGA MAKAKAKMOVE ON NIYAN! *pano pag easy to get ka pa?*

  • Kapag binangit ng mga tao sa bahay niyo ang pangalan niya, sabihin mo “DON’T SAY BAD WORDS” oo!! Bitter na kung bitter dahil nag mo-move on ka! sabihin mo break na kayo para sila din move on na!

Sila: Asan na si *name ng gf/bf mo*? Ikaw: Wag nga kayo mag mura?! *oh edi nag mukha kang adik?* jk lang

  • Mag paka ganda ka, mag pa parlor, mag paka busy ka *at kung lalake ka man* Mag work out ka!! *para pogi points sa mga babae* Mag iba ka ng style at maging cool para mag laway siya sayo!!

Gawin mo siya motivation isipin mo “PAG GUMANDA KA O GUMWAPO MAG LALAWAY SIYA SAYO AT MAG MAMAKAAWANG BUMALIK’ oh diba!

  • Mag aral ka!!! Ano love life lang aatupagin? puro landi nalang wala ng aral hala sige para Cinco grade mo kay prof!!

Dapat maging dead kid ka slash cool *gets mo?* para matalino ka na at gwapo/maganda at cool pa! para ultimate package!

  • Wag kang bitter kapag nakikita mo siya “DEADMA!” well, impossible yun pero dapat wag kang bitter! Ipakita mong mas okay ka kapag wala siya!

Hindi yung dadaan lang iiyak ka na ano JUSTIN BIEBER lang ang itsura?

  • Mag entertain ka ng bago i mean manliligaw syempre kung lalake ka duma-moves ka sa mga chixs! Pero ito ah, hindi ka totally move on kung walang bago in short “REBOUND!” pero syempre seryosohin mo yung tao! Pero dapat kung mag j-jowa ka yung mas higit pa sakanya para NGA NGA SIYA!!

Wala akong side comment basta gawin mo para laos na siya sa paningin mo!

  • ITAPON MO LAHAT NG EFFORTS,LETTERS, MGA REGALO na binigay niya sayo syempre ano tuwing uuwi ka nakikita mo edi babalik ka sa hayup na nayon? aba! o di kaya sunugin mo! pero be practical i donate mo sa mga bata if *stuff toys yan*

Wag kang mag tago ng mga materyal na bagay na binigay niya wag tanga ah *lol jk*

  • Do not unfriend him/her in some social media just like facebook, Dapat act normal lang! Wag papa apekto sa mga post or i mute mo siya para di mo makita sa feeds mo!

Kagaya ng pang-6 WAG BITTER!

  • Bago mo gawin lahat ng 1-9, siguraduhin mong naiyak mo na klahat ah!? Ilabas mo lahat ng saking neng/boy hanggang sa marealize mong mukha ka ng tanga kakaiyak sakanya. Madami pa diyang disenteng tao makadiyos matino at hinding hindi ka iiwan *ehem*

Ok ba? kaya be yourself i love you!

SOCIETY: Lahat tayo pinanganak na maganda
SOCIETY: Kaso wag ka masyadong lumamon, baka tumaba ka
SOCIETY: Bat di ka nagkakakain? Nagpapakamatay ka ba?
SOCIETY: Ay size 4 ka? Dapat 0!
SOCIETY: Luh, A cup ka? Ano ka, grade 4?
SOCIETY: Weh C cup ka? Size ng na ng Nanay ko yan e!
SOCIETY: You had sex? Kaladkarin, malandi!
SOCIETY: Ay virgin ka pa? Ha, conservative masyado. Old skool bes.
SOCIETY: Bat mo sinasabing panget ka, papansin ka ba?
SOCIETY: Weh maganda ka? Kapal mo! Conceited much?
SOCIETY: You believe in gay rights? HOMO!
SOCIETY: You don’t believe in gay rights? HOMOPHOBIC ASSHOLE!!
SOCIETY: Depressed ka? Sus gusto mo lang ng attention
SOCIETY: Suicidal ka? Papansin ka talaga eh noh?
SOCIETY: Di mo na kaya? ANG DRAMA MO!

- someone commits suicide -

SOCIETY: Sayang siya. So much potential, wasted. Kayo kasi, napaka toxic nyo!!!!

😒

Some types of blogger

At dahil nag-silipana ang mga blogger ngayon, hindi lamang sa Tumblr kundi sa iba pang free hosting sites, may iba’t ibang uri ang mga blogger. Alamin mo kung ano ka sa mga sumusunod:

1.) THE HUGOT BLOGGER

Walang ibang ginawa kundi humugot ng humugot ng humugot. Pati brip na nakasampay sa bakuran ng kapitbahay ay hindi makakaligtas sa mapanghusga nyang mga mata. Walang ginawa kundi bigyang kahulugan ang mga bagay-bagay na walang kamuwang-muwang.  Sila yung mga blogger na madalas na “one-liner” at niloko ng mga mahal sa buhay. Hindi naman masamang humugot, pero bumaon din naman minsan.

2.) THE RE-BLOGGER

Sila yung mga blogger na madalas mong makitang active sa dash. They more often to reblog than to blog. Sila din yung mga magaling mag-appreciate ng bagay dahil like lang, re-blog na kaagad pero minsan, nakaka bismud dahil nakaka spam sila sa dash.

3.) THE PORN BLOGGER.

They love porn to the moon and back! May pagka aswang sila dahil kadalasan ay lumalabas sila tuwing gabi. Mag-ingat ka sa mga ‘to dahil once na na-i-scroll mo ito at nasa likod ang nanay mo , magdasal ka na. Oh well, sabi nga nila, “A true blogger is a porn immune.”

4.) THE PERSONAL BLOGGER

Sila yung mga blogger na gustong-gustong i-share ang mga nangyayari sa buhay nya. Like kung anong lasa ng mocha frappuccino sa starbucks, kung gaano ka-gwapo/ka-ganda ang crush nya, kung ilan ang pusa nila sas bahay at kung ano ano pa. May mga blogger na masarap sila - i mean masarap silang mag-kwento kung anong nangyari sa kanilang araw.

5.) THE KATIPUNERO BLOGGER

Sila yung mga blogger na walang alam kundi lumandi sa Tumblr. My god, sila yung kadalasan na blogger na mabait sa’yo, caring sa’yo, nagmamalasakit sa’yo, lagi kang tini-TA jusko, nilalandi ka lang pala. Sila yung mga patunay na kapag may blog ka, malandi ka. MAKATIpunero. 

6.) THE HATER BLOGGER

Sila ang lupon ng masasamang kalbo. They love to hate in anonymous way. Sila yung mga pinaglihi sa balut. Balut na bulok. Pinaglihi sa sama ng loob. Walang ibang ginawa kundi manira at mamintas ng kapwa blogger. They will be like “Oy, ampanget ng blog mo.” Like potangina lang po koya ha, kung ayaw nyo dun sa blog, feel free to unfollow, 

7.) THE INSTA BLOGGER

Themesong nila ang kanta ni Justine Bieber na “Love Yourself”. They love themselves. Sila yung mga blogger na puro GPOY, picture ng pagkain at tourist spot ang laman ng blog nila.

8.) THE LONG POST MAKER BLOGGER

Ditong blog madalas masarap tumambay. They love to compose long post blogs. Minsan hugot, minsan random stuff, minsan article. Though hindi mo mawawala yung fact na minsan, nakakatamad basahin.

9.) THE KOMIKERO BLOGGER

Sila yung mga blogger na inaabagan mo mag-post. Yung tipong, hindi buo ang araw mo kung hindi ka mapapadaan sa blog nila. Mapapa headbang ka kasi kakatawa when you make basa on their blogs. Sila rin yung mga blogger na maraming admirers dahil sa sense of humor na taglay nila.

10.) THE FAMOUS BLOGGER

Sila yung mga blogger na nasa spotlights. Naghihimutok ang notes at sumisigaw ng “Mainggit ka please” sa sobrang dami. Kadalasan, sila yung mga good-looking, gwapings o gwapa. Pero meron din na blogger na famous dahil sa way ng pagba-blog nila. 


BOTTOMLINE: Kapag nandito ka sa Tumblr, matik na isa kang blogger. Sabi nga nila, Tumblr is the easiest way to have a blog. Sign-up ka lang and post o re-blog ka lang and tada! May blog ka na! Huwag kang paapekto sa mga nagsasabing “eto ang tumblr noon” “kesyo noon kesyo ngayon”. In the end of the day, blogger ka pa rin. 

So, ikaw? anong type ka ng blogger? 

14 ETIQUETTE KUNG PAANO MAGPAPANSIN KAY CRUSH NG VERY LIGHT

1. Iwasang maglike sa mismong status at picture.  Ilike lang yung mismong reply niya sa mga comment para solo mo ang notification.

2. Kapag nagpost siya ng picture, wag agad ilike. Baka matabunan lang ng ibang likers  kapag nakisabay ka. Pakalmahin at pahupain ang sitwasyon. Wag sa peak season. Magcomment 4 hours after.

3. Wag basta ‘Hi’ o ‘hello’ lang. Dapat, “Hi koya. Alam ko mapapansinin mo din ako someday. :D” Lagyan ng ‘someday’ para hindi magmukhang atat.

4. Kapag magfflood likes sa profile niya, palima-lima muna. Wag kang ganid. Bukas naman yung iba para may tira pa. Tandaan,  ang kalandian binubudget din.

5. Pero kung gusto mong magpakawalwal sa paglilike dahil sa tindi ng emosyong nadarama mo, dun ka sa instagram feed niya. Mas safe dun kasi walang instagram yung mga tiyahin mo. Walang magjujudge sa’yo na malandi ka…kasi medyo tago.

6. Don’t ever chat like, “Hi. Pwede pong makipagkaibigan?” Ano yun parang nagsosolicit lang sabay abot ng sobre tapos friends na agad? Ang friendship pinag-eefortan yan hindi basta tinatanong lang. 

7. Ingatan ang dangal when stalking sa profile niya. Baka aksidente mong ma-like yung picture niyang bakat ang utong ‘posted 4 years ago’ pa. Kalma lang when scrolling.

8. Kapag nagpost siya ng joke, wag “haha” lang. Mukhang napipilitan. Dapat “HAHAHAHAHAHALaplapinMoKoHAHAHAHAHAHAHA!!!!” Gets na niya yun.

9. I-compliment mo na lang yung bagong bili niyang jacket hindi yung puro ka “Musta?”. Isang ice-cold na “Okay lang.” ang isasagot niya. Wala pa siyang balak mag-open up agad sa’yo tungkol sa nawawala nilang tabo.

10. Kapag nagpost siya ng selfie na kumakain o may hawak na pagkain, wag na wag magcomment ng ‘Sarap naman’. Then wala pang tatlong minuto, sabay PM din ng, ‘Sarrrrap naman.’ Wag kame!  Alam ng lahat na hindi pagkain yung tinutukoy mo. ‘

11. Wag banatan ng comment na, “Uwi ka na babe. Di na ‘ko galit.” Hindi yan nakakalaki ng dede. Wala siyang pake kung galit ka. Uuwi siya kung kelan niya gusto.

12. Hindi porket nagreply lang sa chat mo, yayayain mo na agad lumabas para magkape. Baka isipin niya nagnenetworking ka. Ang uso ngayon, net-twerking.

13. Wag maging desperada when stalking. Wag mong hayaan ang sarili mong makarating sa profile niya until the date he started joining FB. Hindi yan pantawid-gutom. Magsaing ka muna.

14. Kapag ginawa mo na ang lahat pero dedma pa din, ichat siya sa huling pagkakataon. Wala kang kailangang sabihin. Wala kang kailangang ipaliwanag. Pakyuhan mo sabay unfriend. 

2

galing ako sa bahay ng kaibigan ko, kasama yung barkada. 2 movies din yung napanood namin, parehong horror. naka 4 din siguro akong baso ng wine kaya naman ganito yung itsura ko. nakakalungkot talaga pag mejo tipsy ka eh, wala ka kasing malandi, walang taong sayo. walang masandalan, walang mayakap na tipong “uy alagan mo ako”. yun talaga ang hirap pag single ka eh, kailanagn mong maging isang “strong independent woman” kahit na mejo tipsy kapa.

on make up and funny hugots

Lately, my girl friends have been gaining interest with make-up so our group chat has been revolving over make up convos. Here are some funny outtakes from it.

On lipsticks
A: What kind of lippies are nice for people starting to get hooked into it?
B: No matte muna kasi some are very nakaka-dry. But since malandi ka, go for mattes from Detail. Perfect for your momol tendencies. HAHAHAHAHA
(S/N: gaguhan talaga kami, eh HAHAHAHAHA)

On eyebrow liner
A: Ang hassle ng eyebrow powder. Hindi ko makuha ang tamang lining unlike sa gel na easier.
B: Hala. Mas maganda ba ang gel?
C: Personally, okay siya kapag magiging hassle ang araw mo. Lakas ng kapit ng eyebrow gel, eh. Unlike your last relationship.
(S/N: HAHAHAHAHAHAHA may *name* has been removed in the conversation na nangyari after nito. HAHAHAHAHA)

On eyeliners
A: How do you even do a winged eyeliner?
B: Oo nga. How do you do it? Lalo na’t hindi pantay fold ng eyelids mo.
C: Mga bih, winged eyeliners are the only thing going right in my life. Wala na akong dreams flying high so eyeliner na lang.

On blush on
A: Mumsh, hindi ko mapantay blush on ko.
B: It helps when you have the right brush!
A: How would I know if it’s the right brush when I made the mistake of thinking he was the right guy for me?

S/N: I love my friends. HAHAHAHAHAHA. So if you guys ask me for make-up suggestions, expect I’ll be inserting annoying hugots somewhere. HAHAHAHAHA

anonymous asked:

ano ba pwedeng sabihin sa taong walang tigil sa pagbibigay ng mixed signals? nakakapikon na rin, pero dahil malandi ako,panay din ang asa ko.

Hahahahha di ka malandi assumera ka lang, nako i straight to the point nayan kesa naman ang ending e wala lang, asa ka lang ng asa, confess your feelings na agad ganon!

anonymous asked:

Papansin ka din e no? Magrereblog ka ng mga ganun tas pag tinanong ka naman ayaw mong sagutin. Kulang nalang nga ireblog mo na lahat ng ganun e. Malandi ka na nga, papansin ka pa. Get lost, KSP.

Ay. Meganon? 😂 Karapatan kong magreblog. This is MY BLOG. Karapatan ko din hindi sagutin yung mga HINDI ko feel na TA’s. If you don’t like what I am doing sa blog ko, YOU GET LOST, not me. There’s this thing called UNFOLLOW, BLOCK or whatsoever. And mind you, pili ang nilalandi ko. Lumandi man ako, sinisigurado ko na walang sabit. At pareho kameng naglalandian, hindi yung ako lang. At isa isa lang, hindi sabay sabay. :) Papansin na agad sayo yun? E ano pa yung maya’t maya nagrereblog ng ganon? HAHA. Wag mo kase pansinin yung bawat galaw ko. Kahiya naman sayo. KSP? Are you referring to yourself? Stupid. My blog, my problem. Get a life.

Para sa mga taong hindi seryoso mag mahal. 

Alam niyo, kung sa umpisa palang hindi niyo kayang pag gampanan yung taong pina fall niyo sainyo, wag na kayong manligaw o kaya wag niyo ng sagutin. Wag na kayong mag bigay ng motibo para paasahin yung tao. Kapag nag bitaw ka ng salita, dadamdamin yan ng taong pinag sabihan mo. Siguraduhin mong tapat at totoo yung mga sinabi mo sakanya. Walang halong biro, hindi porke bored ka at gusto mo lang may malandi, makaharutan, ka relasyon, ka fling, e lolokohin mo na. Wag kang pa-fall, wag kang pa-asa, wag kang pabebe, wag kang malandi, wag kang gago. Wag mo lolokohin ang isang taong minahal ka ng tapat, ibinigay ang atensyon sayo, nag bigay ng todong efforts tapos babalewalain mo nalang ng ganon ganon. Dahil kapag na fall yan sayo, mamahalin ka niyan kasi yung taong niloko mo, minamahal ka ng totoo

Para naman sa mga taong mabilis ma-fall. 

Alam niyo, hindi porke araw araw kayong nag uusap, masaya siyang kausap, makulit, o di kaya nararamdaman mo yung pag ka care niya sayo lalo na yung mga sweet words na sinasabi niya sayo, wag kayong mag papadala don. Oo, kinikilig ka at natutuwa dahil sakanya kasi palagi siyang nandyan para sayo. Pero pigilan mo yung nararamdaman mo para sakanya. Mahirap ma fall lalo na kung kaka-kilala mo palang sakanya at hindi pa kayo ganon katagal mag kakilala. Dahil hindi naman natin alam kung seryoso ba talaga o niloloko ka lang. Masasaktan ka lang kapag na fall ka pero hindi ka naman pala kayang saluhin sa huli. Kaya kung ma fall ka ulit, isipin mo muna sarili mo. Wag kana mag paka tanga. Unahin mo muna yung isip mo bago ang puso mo. Dahil kapag hindi mo ginamitan ng utak yang nararamdaman mo, maloloko ka ng manloloko dahil nag pa-loko ka kasi inuna mo ang puso mo at binigyan mo siya ng dahilan para saktan ka niya sa huli.

DISCRIMINATION AT JUDGMENTAL SA PINAS

Grabeng discrimination na ang natatanggap ng lahat ng big deal sa Pinas. Iba na talaga ang nagagawa ng media ngayon masyado ng harsh sa mga tao, wayback 2013 hindi naman ganyan yung mga tao sa social media, hindi naman sila judgmental pero dahil sa mga page sa facebook lahat nalang big deal tulad nung mga ‘starter pack’ at ‘squad/relationship goals’ na nakikita mo sa facebook.

Tulad nalang ng:
Pag may iphone ka at nakabrace ka mayaman ka na kaagad- hindi ba pwedeng may pera lang sila pambili or ipon nila para mabili yun at baka sadyang hindi talaga pantay ngipin nila at gusto nila iayos yun kaya nagpabrace siya.

Pag maputi ka maganda ka na, pag maitim ka puro ka naman daw libag- hindi ba pwedeng nasa genes nila yung pagiging maitim at maputi, what if maitim both parents niya anong gusto niyong mangyari? Maging maputi siya paglabas, diba syempre maitim talaga siya. At nasa kulay na ba talaga ang description ng pagiging maganda ngayon? Hindi ba pwedeng sa ugali pa rin.

Pag mataba ka ang baboy agad tapos alam na nga ng tao na mataba siya magko-comment at sasabihan mo pa siya ng ‘ang taba mo’- Hindi ba pwedeng hayaan mo lang siya sa katawan niya, katawan niya yun ,'ay pambili siya ng pagkain na gusto niya or baka genes nila ang pagiging mataba kaya simpleng pagkain niya kang tataba siya agad hindi kasi madali maging mataba, konti lang kinain mo pero yung dunagdag sa'yo daig mo pa yung lumamon. Ganun ba.

Pagflat chested or boobsie ka man may sasabihin at sasabihin pa rin sayo- pagflat chested ang 'kapatagan’ at 'dalawa ang likod’ mo. At pagboobsie ka naman itago mo man yan yun at yun pa rin ang mapapansin, eh ano naman if nabiyayaan siya, struggle din kaya para sa kanila yung pagiging boobsie, mas yun ang unang dinadapuan ng mga mata ng mga manyak kesa sa mismong mukha.

Pag nagpost ka ng mga nakatwo-piece or reveling ka sa picture mo at party goer ka sa gabi sasabihin 'slut/whore/hoe’ ka na agad- Eh sa proud sila sa sariling katawan nila eh at may lakad sila ng loob kaya nagawa nila yun, at may mga party goer naman na kayang bitbitin ang sarili kumbaga they party responsibly pero dahil sa impression ng iba na pag party goer ka fuckgirls/fuccboi ka na agad.

Pag nakamake-up ka naman, kapit daw sa make-up, pag wala namang make-up panget naman agad- so saan ba dapat lumugar? Eh sa magaling at hilig nila ang pagme-make up kaya they can be pretty with or without those, pag wala daw kasi simple lang, eh pagwala naman make-up ija-judge agad na panget at katakot takot na panlalait.

Pag maaga ka nagkaanak 'malandi’ naman itatawag sa'yo- what if they are a raped victim ? Hindi madali para sa kanila yun, at pinanagutan naman? Ano? Sasabihin na naman aral muna daw bago landi? E’ natukso eh kaya yun. Ang sabihan niyo ng malandi yung nga lalaki na nangbuntis taoos iniwan at hindi pinanagutan yung anak tapos nanglalandi pa ng ibang girls out there , hindi na na nakuntento feeling binata pa.

Pakikisabay mo sa uso at magsuot ka ng mga trendy outfit- iba-bash ka pa rin- may pambili sila kaya nakakaya nila bumili niyang mga crop-top, at outfit na gusto nila.

Mag-english post ka nandyan ang mga grammar nazi, magtagalog ka naman jologs ka naman daw at pag conyo maarte ka naman- saan ka nalang pala lulugar diba? Minsan magiging conscious ka nalang sa mga post mo kasi may mga mata at isip na nagbabantay sa bawat post mo at hindi mo alam jinu-judge ka na nila sa isip nila na 'bobo/stupid’ sa isip nila.

Pagmaganda/pogi tumetrending, pag panget iba-bash- pagmaganda hakot likes nay heart heart pa at sandamakmak na friend request at followers pero pagpangit hakot comment puro bash at panlalait pa.

Bakit ba hindi nalang nila hayaan yung nga tao na 'Hey life nila yun so hayaan niyo na’. Pera nila ginagastos nila not yours. Kung ayaw niyo na sa kanila in the first place nandyan sina unfriend, unfollow, block or deactivate nalang kayo para wala na kayong problema, sila nga hindi na momroblema sa sarili nila tapos kayo stress na stress na kayo sa pinanggagagawa nila. I-block niyo ng hindi niyo na makita. At ingat ingat sa mga binibitiwang salita hindi porket trending ang isang issue at alam niyo lang yung isang side palang (yung nagpost or yung sa nagpakalat) huwag agad magko-conclude ng kung anu-ano hindi niyo pa alam yung sa other side, hindi niyo alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Then yun nga wag basta judgmental in a way na makakasakit ka na ng tao.

Insecure lang mga taong kahit anong gawin mo may masasabi at masasabi sa'yo. Kaya nga minsan nakakaconscious na magpost hindi mo alam nilalait ka na nila sa isip nila or minsan magpaparinig pa. Kaya dapat in the first place palang 'POST RESPONSIBLY’, once na pinost mo sa social account mo ang isang status or anything pangatawanan mo pero hindi sa way na may tinatapakan ka na ring tao na wala namang ginagawa sa'yo. Buhay niya 'yun ikaw taga basa/tingin ka lang kung ayaw mo unfriend/unfollow mo as simple as that. I-blocked mo pa kung gusto mo.

Pag taken ka na, huwag ka ng malandi. Tangna. Huwag ka na sesegue pa sa iba. Kung totoong mahal mo ang tao, sapat na ‘yon at wala ka na hahanapin pang iba.
—  Rhadson