malandi

LEVELS OF BEING A PATAY GUTOM

LEVEL 1.

  • Kinakain mo na agad ang french fries kahit nasa counter  pa lang.
  • Tinitira mo na ang pancit canton kahit hinahalo pa lang.
  • Trailer palang ubos na ang pagkain.
  • Half rice lang daw ang order niya. Limang half rice.
  • 39ers lang kinain mo sa Jollibee, ininstagram mo pa
  • Alam mo na ngang taken, may balak ka pa ding agawin.

LEVEL 2.

  • Nakiki happy birthday dahil gustong makikain.
  • Dumadayo ka pa sa grocery store para makapag free taste.
  • Hindi mo pa nga binubuksan yung pagkain mo, naka abang na kaagad ang mga kaibigan mo.
  • Yung ayaw kang samahan ng kaibigan mo, pero nung sinabi mong “Iilibre kita.” biglang pumayag.
  • Tinitikman mo siya kahit may nagmamay ari na sa kanyang iba.

LEVEL 3.

  • Lampas 5 mins. ng nasa sahig pero kinain mo parin.
  • Kumain ka sa KFC, may dala kang timba para sa gravy.
  • Nakain mo na yung buto dahil akala mo karne.
  • Gusto mong simutin kaya pati plato dinilaan mo na din.
  • Naghubad lang ang crush mo, umorder ka agad ng extra rice.
  • Pinatulan mo ang ex ng kaibigan mo. Isinuka na nga, kinain mo pa.

 

LESSON 101: BAKIT NGA BA MAINIT

Madaming nagsasabi na ang init init daw ngayon. Pero hindi ako makarelate dahil may aircon naman kami. Ayon sa masusong pag aaral, ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit sobrang init dito sa Pilipinas.

  • Kasalukuyang sinusunog sa impyerno ang kaluluwa ng malalandi. Medyo abot lang jan ang init sa bahay niyo kase malandi ka din. Susunod ka na daw.
  • Ang isa pang anggulong tinitingnan ay dahil kahit anong hilod ng malalandi, hindi matanggal tanggal ang kati. May friction sa paghihilod. Kapag may friction. May heat. Dahil Kinetic energy is converted to heat whenever motion with friction occurs. Kaya mainit.
  • O baka dulot lang ito ng nag aapoy na pagmamahalan ng bawat tao sa sanlibutan because love is the greatest gift of all. At siyempre dahil malandi ka at lahat na lang minahal mo, hindi lang nag aapoy ang sa'yo. Nagliliyab. Nagbabaga. Naglalagablab. Kaya wag nating sisihin ang init ng panahon sa lumalalang global warming. Sisihin ang malalandi. Mamatay na ang malandi!

Different types of MALALANDI:

  • Pasimple: Balita ko break na kayo ah? So ano na plano mo?
  • Bulgaran: Break na kayo, so tayo naman!
  • Pakipot: Eeeehh. Kakabreak niyo lang eh.
  • Matulungin: Break na kayo diba? Tulungan kitang kalimutan siya.
  • Curious: Hala, bakit kayo nagbreak? I’m here lang for you.
  • Concerned: Break na pala kayo?Kamusta ka na? Kailangan mo ng makakausap. Andito ako oh.
  • Mapagparinig: Oh break na kayo? Hayaan mo na, marami pang iba diyan. Malay mo, ako na ang susunod.