malakingibon

Mahirap pag wala kang karapatan.

Madami kang gustong gawin at sabihin pero di mo magawa. Bakit? Kasi hindi mo naman alam kung ano talaga kayo, kung ano ang magiging reaksiyong niya kung gagawin o sasabihin mo yung mga bagay na nasa isip mo. Mahirap, pero bakit hindi mo magawang mag tanong? bakit hanggang sa isip mo na lang ang lahat? Dahil ba ayaw mong mawala siya sa'yo o baka hindi mo magustuhan ang sagot niya?

Nakakabaliw na mga tanong, mga tanong na nagiging dahilan ng pag pupuyat at pagkakatulala mo. Mga tanong na gustong gusto mo itanong sa kanya pero natatakot ka. Sa totoo lang madami ka namang pwedeng gawin eh, maging matapang ka at sabihin na ang mga gusto mong sabihin, pero dapat handa ka sa mga sagot na matatanggap mo. Pwede ding tumahimik ka lang muna, makiramdam ka kung ano na ang nangyayari, kung saan kayo papunta o kung may pupuntahan pa nga ba ang ginagawa niyo.

Isang araw nanaman ang lilipas na puno ng tanong ang isip mo, lumilipad ang utak mo papunta sa kanya. Nasasaktan ka, naguguluhan ka, naghahanap ka ng sagot kasi parang ramdam mo malapit ka na sumuko. Sa tuwing bubuo ka ng desisyon, maalala mo, pwede ko ba ‘tong gawin? pwede ko ba 'tong sabihin? eh wala naman akong karapatan.

My Tumblr Crushes:

  1. missjuana (3%)
  2. thenewmeiguess (3%)
  3. malakingibon (3%)
  4. sirenangmaypaa (3%)
  5. meronakongpake (3%)
  6. babaengmaligaleg (3%)
  7. mazescrapbook (3%)
  8. banaterongbinata (2%)
  9. thumbsupred (2%)

LOKOHAN ATA TO OH HALOS PURO 3% LANG NAMAN KAYO E HAHAHAHAHAHA. GE HI SA INYO, TAPOS HI LALO DUN SA GITNA. :“> WAHT AHAHAHAHAH :)

Minsan nakakapagod na din...

Ang hirap, ang sakit, nakakapang hina. Yung gabi gabi na lang iniisip mo kung may nagmamahal ba talaga sa'yo? Sabi nila may dadating daw na taong totoong mag mamahal sa'yo, tao na di ka sasaktan at papaluhain pero nasan na ba? Kailan ba yun? Sabi ng isip ko di daw ako pwedeng mapagod mag hintay, na ibaling ko na lang muna ang atensiyon ko sa ibang bagay, na ituong ko muna sa pamilya at mga kaibigan ko ang pag mamahal ko. Iba naman ang binubulong ng puso ko, sabi niya sinubukan naman niya, ilang beses niyang kinalimutan yung iba’t ibang sakit na naramdaman niya para lang makapag mahal ulit pero wala pa din, walang nangyayari, pareho pareho lang din ang ending. Handa naman siyang gawin ulit lahat, pero hindi niya alam kung hanggang kailan niya kaya tiisin.

Ngayon, hindi ko alam kung ano ang papakinggan ko, isip ba o puso ko? Minsan nakakapagod na din, sumubok mag mahal, masaktan, mag mahal ulit, masasaktan ulit pero ginagawa natin dahil minsan isa ‘to sa mga nakakapag bigay sating ng sobra sobrang kasiyahan, isa sa mga bagay na nagpapangiti satin pag gising natin sa umaga. Kaya handa tayong gawin lahat para lang makilala yung isang tao na palaging binabanggit ng mga tao sa paligid natin. Sana pag dating niya, hindi pa tuluyang sumuko mag mahal ang puso natin, yung tipong bubukas ulit siya ng lubusan para papasukin ang taong mag mamahal satin ng buo. Sana hindi pa siya pagod kahit ano pang napagdaanan niya.

Favourite bloggers ko sa ngayon kasi nakakaenjoy basahin ng mga posts nila e.

1. Misskhaeganda
2. Lalalalalle
3. Malakingibon
4. Thediaryofayounglady
5. Walakapake

Si prend saka si Ate Dayn lang talaga yung ka-close ko e. :3 medyo fc ako sa iba. Huehuehue. ^___^v Bakit sila? Kasi magagaling sila sa mga longposts, di sila nauubusan ng topic. Mga ganun ba. Basta paborito ko sila! Featured bloggers ko na nga sila e. :)

MAGSHASHARE LANG AKO. :<

So naghahalwat ako sa damitan ko ng pwede ng ipamigay na damet tas nakita ko yung red na mejo maroon (?) na jacket ko na parati kong dinadala sa school. Natawa ako kasi naalala ko yung ginawa ni MALAKINGIBON dun. Tinry nyang isuot , eh nung time na yun ang taba taba nya pa ayun, maluwag na yung isang braso. HUEHUE. X( NYAHAHAHA! XD KSHARE. XD

Naalala ko lang bigla na sina chelaiiimaldita ang kauna-unahang famous na nag-follow sa ‘kin dito sa Tumblr. Two months ko na siyang following that time before n'ya ko napansin kasi nag-check blogs siya ng followers n'ya. Nagulat ako nun kasi nagsasaing ako tapos pagka-refreshed ko, lumabas nga na follower ko na siya. Sobra kong saya nun at hindi mawala 'yong ngiti ko sa labi. Nakailang thank you nga rin ako sa kanya eh. Siya rin ang kauna-unahan na nag-post ng Tumblr Crush na kasama ko. Prinomote pa nga n'ya ko that time eh. :) Sa sobrang saya ko nun, nilagay ko pa un sa isa kong blog. 

Sumunod si buhaybabae. Hindi ko pa alam that time na sobra n'yang sikat dito. Finollow ko siya tapos finollow n'ya ko agad. Ewan ko kung bakit. Tapos 'yon naging kaibigan kami. Best friends kami. LOL. Ideal girl ko pa siya.

Next si ding-ang-bato. Madalas kasing mag-reblog si Kirsten ng posts n'ya kaya ko siya finollow. Tapos pagkapunta ko sa blog n'ya, naramdaman ko ung aura na nararamdman ko kapag worth following 'yong blogger kaya finollow ko siya kahit hindi naman ako nagba-backread. Finollow back n'ya rin ako agad at sinabihan pa nga n'ya kong nice ung blog ko. Dami daw links. Tapos naging close din kami,

Last si malakingibon. Halos kasabay ko silang finollow ni chelai nun eh. Tapos isang gabi pag-uwi ko galing sa isang nakakapagod na trese oras na klase, nakita follower ko na siya. Nag-tracked tags daw siya ng escafeism kaya n'ya ko nakita. Iyon. Tapos na-compare pa n'ya ko kina Kirsten at ding kaya wow! Tapos kaibigan ko na rin siya. 

in short, FC ako sa Famous. Hahahaha. LOL. Pero masaya ko na naging kaibigan ko sila. :)