malak ni

"Huwag Tahakin ang Maling Landas"

Si Jax ay labing anim na taon lamang ng siya ay walang siglang lumakad sa kahabaan ng EDSA. Sa ilang buwan na nakalipas, hindi niya pinansin ang landas na kanyang tinahas na ito'y maling-mali. Naalala niya na sa simula ay masayang masaya, walang katulad ang pag-iibigan nila ni Jaz. At ng isang araw ang balitang hindi niya ina-asahan na siya ay magiging ama na. Muli niyang naalala ang sabi ng kanyang guro kamakailan lamang: “Habang bata pa at kapag tinedyer na, iniisip ng mga tao na hindi sila tatanda kailanman; ang idea ng pagkakamali ay palaging isinantabi– para sa kabataan na hindi nakikinig sa mga payo ng matanda o mga magulang nila ay tatahas sa maling landas ay patungong wasak na kinabukasan.”

Sa buhay nina Jax at Jaz ay mga maling desisyon ang kanilang nagawa. Pagkatapos magsisi sa pagsuway sa payo ng mga magulang, ay ang malaking responsibilidad na haharapin habangbuhay.
Sa malaking kabiguan ipinasya ni Jax na haharapin niya kung anong sitwasyon meron siya sa araw na iyon. “Maling desisyon pala ang tinahak ko, kay hirap maghanap ng trabaho ng isang labing anim na taon lamang,” aniya.
Makalipas ang 20 na taon. Muling ibinahagi ni Jax sa kanyang mga anak ang kanyang pinagdaanan sa buhay. “Walang kabuluhan ang mapa at kompass kung hindi mo alam ang pupuntahan mo, para hindi ka magpagala-gala kung saan-saan, dapat na alam mo ang iyong destinasyon sa buhay. Malaking tulong ang manatili sa tamang landas. Ito ang magsisilbing kompass mo ang hindi bibitaw sa payo ng mga guro at magulang. Huwag tahakin ang maling diskarte at desisyon para hindi ka bibiglain ng sitwasyon na wala ka ng magagawa kundi ang pagsusuntok na lamang sa hangin ang kayang gawin. Higit sa lahat, para maiwasan ang mga tukso sa paligid, huwag lulubay sa payo ng mga magulang at guro. At palaging magdasal sa Panginoon para sa kaligtasan, proteksyon at gabay sa araw-araw na hamon sa buhay.” At ang huling payo ni Jax sa kanyang mga anak, “HUWAG NA HUWAG TAHAKIN ANG MALING LANDAS.”


- A.G (ノ´∀`*)ノ