malabong-usapan

M.U.? Malabong Usapan nga yan.

Nakaranas ka na ba o nakapasok ka na ba sa ganitong klaseng sitwasyon? Yung tipong parang kayo pero hindi naman talaga kayo. Ang hirap noh? Ako, ilang beses na eh. At alam mo, yung masasabi ko lang, “Tangina ang sakit!”

Bato ka dre, kung di ka masasaktan. Pwera na lang talaga kung ikaw yung nanakit sa inyong dalawa. Alam niyo yung feeling na wala kang magawa kasi wala kang karapatan sa lahat ng aspeto.

Wala kang karapatan masaktan. Wala kang karapatan magselos. Wala kang karapatan magalit. You don’t deserve an explanation. Pero kahit ganun, nasasaktan ka pa rin. Nagseselos ka pa rin. Nagagalit ka pa rin. Kasi nagmamahal ka. Lalong-lalo na kapag yung tipong sobrang mahal mo na sabay niloloko ka lang pala. O kaya naman pinaglalaruan ka lang, pampalipas oras kumbaga. Tangina. Ang sakit nun noh?

Tayo ba?

First, let’s define “NO LABEL”:

Ito yung tipong hindi kayo, pero parang kayo
Matatawag ring M.U. (Malabong Usapan, Mutual Understanding)
Pseudo-relationship
Ano nga ba ang opinyon ko rito?

Masaya at nakakakilig, pero sa simula lang. Halos bihira tumagal ang mga ganitong klaseng “Relasyon”. BAKIT?

Patagal ng patagal, may isang sobrang mafa-fall. Ang tendency, mas mag-eexpect. At kapag nag-expect, at hindi natupad ang gusto, masasaktan. 
Since wala namang “commitment”, eh hindi namang obligadong tumupad ng pangako.
Kapag gustong magquit, basta-basta lang aalis.
Selosan? Tsk. Di pwede, hindi naman kayo e.
May iba siyang crush? Di dapat umangal, wala namang “karapatan” eh.
Dahil sa mga “problemang” ito, humahantong ang ganitong relasyon sa “STRANGERS AGAIN”. Kasi mahirap nang bumalik sa pagiging “Just friends” pagkatapos ng lahat. Bibihira lang ang mga nakaka-cross sa border ng MU to LOVERS. Yung mga nagiging “official couple” na talaga. Patatagan lang talaga ‘to at kung gaano kamahal ang isa’t isa. Makikita dito kung totoo bang nagmamahalan ang dalawang tao, o kung laro-laro lang ang lahat. 

Ikaw, hanggang kelan mo ba kakayanin ang relasyong “UNOFFICIALLY YOURS”?
May mga bagay na hindi na dapat tinatanong pa baka kase pag inungkat mo pa lumabas na malabo lang talaga.

May mga bagay na hindi mo na dapat tinatanong pa. baka kase pag inungkat mo pa lumabas na tlgang malabo talaga. Parang Usapang MU (Mutual Understanding) or should i say magulong usapan o malanding ugnayan. Yung hindi naman kayo pero kung magturingan kayo parang mag bf at gf wala kayong commitment sa isat isa its just a romantic bond. Yung tipong pwede kang magselos pero hindi ka dapat magreact, ung tipong pwede mo siang pigilan pero not to the point na babawalan mo na. Kahit ata may makita kang kasama niang iba pwede kang magkaron ng pakialam pero hindi ka pwedeng makialam. kase ung pagsasamahan niyo wlang label, mahal mo, mahal ka, pero hindi naman kayo in short landian lang.

Pano kung dumating yung point na ma fallout of love ung isa sa inyo makakaya mo kaya i let go ang isang taong kahit kelan hindi naging sayo? Mahirap di ba., minsna nga itatanong mo pa sakniya “TAYO NA BA?”  pero pag ung gsto mong sagot ay hindi mo nakuha masasaktan ka lang. Complikado ang ganitong relasyon walang kasiguraduhan, walang assurance, anytime pwede siang mawala. masasaktan at masasaktan ka tlga kase ngeexpect ka at minhal mo siang talaga. kahit na hindi sia naging sayo alam mo sa sarili mong minsan niang binago ang takbo ng buhay mo.

M.U. = Malabong Usapan

yung style na more than friends but less than lovers. di mo alam kung ano ka talaga sa buhay niya. di ka sigurado kung ano ang mga pwede mo'ng gawin at kung ano ang hindi mo pwede'ng gawin. parang kayo, pero hindi pala. kayo lang ang nagkakaintindihan kung ano talaga kayo pero sa iba, para kayo'ng malabo.

pero alam mo kung ano ang mas malabo? yung style na siya lang ang sigurado kung ano ang pwede at di pwede'ng gawin. pero ikaw, di mo alam kung pwede mo ba tu'ng gawin kasi baka over-over na ang ginagawa mo. nakakainis na para sa kanya. di ka pwede'ng mag-selos kasi hindi naman kayo at maiirita rin siya. di mo rin alam kung mg.tetext ka ba sa kanya ng “Good Morning” o hindi kasi baka akalain niya'ng OA kaya, kaya yun, para ka'ng tanga na naghihintay mg.vibrate yu'ng phone mo kasi hinihintay mo nalang na siya ang mauuna ng mg.text.

masakit na nga. malabo pa.

pero okay lang naman di ‘ba? hangga’t andyan lng siya, okay lang. ngiti pa rin kahit masakit at nakakalito. nakakaloka pa.

Yung feeling na nasasaktan kana pero hindi mo alam kung bakit?

yung wala ka namang karapatan pero nagseselos ka pag may kausap syang iba at pag nkikita mo silang masaya. yung feeling na gustong gusto mo ng sabihin sa kanya yung nararamdaman mo pero natatakot kang baka masyado pang maaga? Yung alam nya naman kung anong merun kayo pero hindi ka parin sure sa nararamdaman nya?

ang hirap lang eh kase nagmumuka ka ng tanga pero wala ka namang pwedeng sabihin. ayaw mong umangal kase alam mo sa sarili nyong masaya ka sa sitwasyon nyo at natatakot ka na baka mawala pa lahat ng meron kayo.

yun lang naman yung pinanghahawakan mo eh. yung simpleng pag asang yun. isang ideya na ansarap imaginin.. 

alam mo yung feeling mo alam na alam mo na yung gagawin mo pero wala ka namang magawa kase sa totoo lang ikaw mismo di sigurado jan sa nararamdaman mo.

M.U. (Mutual Understanding) :(( :))

Eto masaya. Yung feeling na inspired ka with the feeling of being single. Yung kahit na may “freedom” eh alam mong may nag-iisip at umaalala sayo. Pero limitado ka lang kasi alam mong wala namang KAYO dahil M.U. pa lang ang namamgitan sa inyo.

Masarap to sa pakiramdam kasi kahit SINGLE ka sa mata ng iba, sa puso mo masaya ka, Masasabi mong love pero hindi. Ang gulo, diba? Yan ang M.U. Malabong usapan. 

Masasabi mo lang din na malabo kasi may times na hindi mo masabi yung nararamdaman mo (e.g. I love you babe.) kasi baka ikaw lang yung nakakaramdam nun. Natatakot ka na baka anytime may lumandi sa kanya pero hindi ka maka-object kasi sino ka ba naman para magreklamo? Eh hindi naman kayo?! 

Yung pakiramdam na ayaw mo siyang payagang gumala, magdota, magbasketball, sumama sa iba niyang tropa kaso alam mo sa sarili mo na wala kang karapatan. Yun bang ayaw mong magselos pero di mo mapigilan. Yung natatakot kang tanungin siya ng “San ka nanggaling?” “Bakit di ka nagte-text?” “Bakit di mo sinasagot mga tawag ko?” kasi takot ka ding sagutin ka niya ng “Bakit?! Anong pakielam mo?! Ano ba kita?! Sino ka ba sa buhay ko?!” Di ba ang sakit?

Mahirap umasa. Kasi ang M.U. walang iba kundi isang MALABONG USAPAN.

 

Yung feeling na wala kayong relasyon pero parang kayo. Yung walang commitment pero inaasar kayo ng mga tao. Yung alam nyo pareho na may something sa inyo pero hindi nyo alam kung anu yung something na yun. Yung tipong nagbibiruan kayo na may gusto kayo sa isa’t isa pero hindi direkta, ni hindi mo malaman kung biro nga bay un o totoo na. Yung feeling na ramdam mong nagkecare sya kahit wala syang ginagawa. Yung alam ng lahat na gusto nyo isang isa pero kayo hindi nyo alam.Siguro mas ok na to. Malabo pero hindi magulo. Walang relasyon, walang commitment, walang karapatan pero alam nyo sa isa’t isa na hindi na kayo pwedeng makipagrelasyon sa iba.

Siguro kaya ganun masyado pang maaga. May mga bagay kase na kailangan lang natin hintayin… may mga bagay na hindi nadadaan sa biglaan. Kailangan lumipas ng mga oras, araw, lingo at buwan para mas makilala mo yung tao. Para madevelop yung nararamdaman mo at para malaman mo rin kung pwede ba talaga kayo. Kasi hindi naman lahat ng tao na magugustuhan mo ngayon ay dapat mong makarelasyon. Yung iba hanggang crush lang talaga, yung iba naman madaling magsawa. Ang dapat mo lang gawin makuntento ka sa anu mang merun kayo ngayun at pabayaan mo nalang lahat mangyare. Just go with the flow. Basta lagi mong tatandaan ang mahalaga ay kung saan ka Masaya. Kapag sinunod mo ang puso mo hinding hindi ka magkakamali kahit sa tingin mo ay di ka pa sigurado.

9

August 14, 2014

The saying “Unplanned plans will always be better then the planned plans” proved itself today. Surprisingly, suddenly my Barkada is free and we all wanted a #ChickenJoy. We don’t know why, but we just want it, besides we also knew that the Chicken Joy scarcity is already gone because Jollibee has already new supplier of chickens. And i’m so happy to eat Chicken Spaghetti again!! 😋

But before anything else, we first went to the Org Fair in the Plaza mayor. I signed up & paid for my membership fee in Tomcat & Annyeong Tomasino.

But the most epic part was that, we saw Camille Co!!! Actually we were suppose to leave already, and then suddenly when I glanced on my right, I saw her. And my eyes became so big 👀 And then my friend, Thea & I suddenly looked at each other and said, “O M G SI CAMILLE CO!!!!” And then we were so excited that despite the scorching heat of the sun, we tried to follow her and ask for a picture. But, unfortunately she said that “Later nalang, by 3pm…” And that’s because she has other errands, I think that’s the time that she has to go to SM San Lazaro for the challenge something. I’m not sure. But gosh she’s so pretty and sexy!! ✨ suddenly, I was “quite” motivated to stop eating. Hahahaha!

We had lunch first at Jollibee and then after that we went to Albertus Magnus Building where we’ll be watching the play entitled “Magulong Usapan” it’s nice, funny and short. And many people would relate to the story. From the gay to guy love story and to the “bitin” ex’s story. Love it!! It awaken my sweet bone a bit. Hahhaha.

After the show we had a picture taken with the guy we found cute in the play. And he’s nice. Hahahaha! Probably, his character was the one that introduced himself to me, which I hope that it was for real. Hahaha. But hayy ideal man! 😍

After the play we went back to Plaza Mayor to wait for Camille Co. We went to the photobooth of #FreshGear, uhhh I don’t like the one that my friend chose. My face was so wide there and yeah I hate it!!! It’s just in favor of them!! 😔 it makes me think that I really have to diet again. Hahaha.

Minutes later, Camille Co came and we were really finding the right time to had a picture taken with her. Without knowing that we’ll really have a time for that. Hahahaha. So yeah, I got really excited when I was already beside her, and then when she placed her hand on my shoulder, I got even MORE excited!! ☺️ YAYYYYY!!! Imagine, I never though that I would see her in person, and I saw her in the most unexpected time and place!!! Yaaaaay!!! And also, I’ve been following her on Instagram for quite long and I’m really impressed with how she dresses up herself, and she’s actually the “few” bloggers that are my favorite and the one that I followed.

Haaaaaaay, what a good day. ❤️

Ayoko mag assume kase ayoko masaktan. Natatakot kasi akong umasa na gusto mo rin ako tapos hindi naman pala. Pero bakit sa tuwing kasama kita nawawala yung takot ko? Hindi ako nahihiya sayo. Kahit ilang araw palang kitang kilala parang komportable na ko. Ayokong palalimin tong nararamdaman ko kase sa tingin ko hindi naman ganun kalalim para sayo. Pero anong gagawin ko? Anung iisipin ko? Pano ko aarte pag kasama kita? Ayokong isipin na pinapaasa mo lang ako pero hindi Malabo. Hindi ko naman kase alam yung lugar ko sa buhay mo eh. Natatakot lang ako nab aka isang araw bigla nalang mawala yung kung ano mang meron tayo. Wala naman kasing kasiguraduhan tong mga ganitong sitwasyon diba. Ang alam ko lang Masaya ko sa sitwasyon na to kahit gulong gulo na ako.

Sinabihan nya ako ng baliw kasi maliit na problema lang, pinopost ko kaagad sa FB.

Hindi nya alam, facebook lang ang daan para mapansin nya na nasasaktan ako. Never syang nagPM sakin kung kamusta na ba ako? Nakauwi na ba ako? Kung sino yung kasama ko? Kung kumain na ba ako? Oo nagpapapansin ako sa kanya. Natural babae ako at mahal ko talaga sya.
Praning na nga ako kasi simpleng bagay, pinoproblema ko na. Pagdating kasi sa kanya, parang sya na yung lahat para sakin. Sya yung dahilan ng ngiti ko, sya yung dahilan ng kalungkutan ko. Hindi nya alam na sa bawat drama ko sa facebook, laman non yung bawat salita na gusto kong sabihin sa kanya. Dun sa facebook ko lang pwedeng sabihin kasi nagbabaka-sakali ako na mabasa nya at makaramdam sya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ng harapan kasi alam kong hindi nya ako pakikinggan. Oo madrama ako, natural babae ako at mahal talaga kita.

M.U - Mutual Understanding? Malabong Usapan? Malanding Ugnayan?

Sigh.
ano nga ba ang ibig sabihin nito? yung ang sweet sweet niyo sa isat. palagi mgkausap. fb, twitter, skype, tx at tawag. pero wala. hindi mo alam ano ba tlga kayo. o kung meron bang kayo. mahirap umasa sa wala, sa di mo alam anong inaasahan mo o kung my aasahan ka nga ba talaga.

super iloveyou, imissyou, takecare, muaaah sa isatisa pero totoo nga ba ang mga ito? o pawang matatamis na salita lamang tlga?