makausap

ako kasi yung taong kinakausap lang pag walang makausap yung ibang tao. pag wala silang option at pag wala na silang choice. lagi namang ganon at kahit sanay na ako tangina pa rin sa feelings.

anonymous asked:

Could you suggest some bloggers na pwedeng makausap or ma follow? Yung friendly lang po thankyou.

@antukingchix
@anongshityan
@anaventurer
@absortomemoire

@buhaybabae
@babaengloyal
@batangchadia
@beyoutifulwitch
@betteriris
@beyoutifulwitch
@babaenghindimokilala
@bigosapagibig
@biaxmarcellano
@biancakex
@binibining-nagtatago
@buhaybabae
@bonifaciamadlangtuta
@buhayblogger
@callmegreys
@caramelbar
@chinitangmakulit
@certifiedsadista
@celestialflair
@cuddlets
@chunchaiii
@chasinqeuphoria
@unspokenwordsss
@shiningtwinkletoes
@memoirsxaly
@maganneduh
@natnatwhosthere
@matangkadnadalaga
@francesitaaa
@samisamisamice
@seoulmate-moto
@basicallyjanina
@lookingforalaskabata
@certifiedsadista
@paunyetaaa
@stardustfairie
@jemdaylo
@dredgingupmylostsoul
@sparklingmess
@kidnats
@findingcassiopeia
@rantsandwords
@zheneeta
@medyo-gaga
@noveeembear
@misseryosongsweet
@naligawsaneverland
@halfhuman-halfdyosa
@hayley-ngbuhaymo
@deapiubella
@dakilanggerlpren
@magandangnasasaktan
@hansporkandbeanss
@halfhuman-halfdyosa
@gagongdonut
@unspokenwordsss
@gelaxify
@gorjaas
@gelpapel
@cjisinlove
@tutubrie
@oohhhhsnap
@peculiaryzzel
@peppermintchuuxx
@babaengmalabo
@kailanganngclosure
@maryelism
@bccuh
@strictangparents
@scrtdnctkn
@xkeptic
@paunyetaaa
@pakyuwithlovee
@dakilanggerlpren
@dakilang-option
@babaeng-sinaktan-mo
@babaeng-singkit
@aranola
@yeniverse
@dyosang-pag-ibig
@whereisred
@eyy-story
@50shadesof-fuckingup
@pusangmamon
@herrevival
@alizalakwatsera
@babaengplywood
@unfollowifyoumust


pagod na ako

HER POV:

Isa,
Isang beses palang kitang nakita
duon sa may kanto sa Luneta,
Matindig, matikas, maporma.
Kasabay ng paghawi ng iyong buhok,
ang puso kong biglang tumibok.
Sabay hawak sa dibdib ko,
nako, ito nanaman tayo.

Dalawa,
Dalawang hakbang ang nilakad ko
mula sa kinatatayuan ko
habang napatigil ako sa likod mo
at hindi ka nagpasubaling harapin ako.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko,
matagal na rin mula nung huli tayong nag-usap,
matagal na rin tayong natapos.

Tatlo,
Tatlong hiling lang yung sinabi ko sa isip ko:
Sana wag akong mautal,
Sana wag akong maiyak,
Sana sabihin mong nagkamali ka at magbabalik kana,
sa mga bisig ko, sa buhay ko,
sa mga pangarap na maaari na nating mabuo.

Apat,
Apat na hingang malalim ang ginawa ako
bago ko patayin ang katahimikan at pagtitig mo
Hindi ko maipahiwatig ang gustong sabihin ng mga mata mo.
“Bakit mo ko gustong makausap?
Ano pa bang pag-uusapan natin dito?”

Lima,
Limang beses mong sinubukang abutin ang mga kamay ko
at limang beses ko rin itong nilayo sayo,
kasabay ng puso kong nagpipigil
sa lahat ng pagmamahal na meron ako para sayo.
“Tinapos mo na tas sinimulan mo nanaman ‘to,
ano pa bang balak mo?
Paulit ulit mo nalang sinasaktan ang puso ko.”

HIS POV:

Anim,
Anim na beses akong nag buntong hininga
Napaisip kung tama ba yung nagawa kong iwan ka
sa halip, mas pinili kong saktan ka,
kesa mahalin ka.
alam kong masakit sa damdamin
na iwan tayo ng taong mahal natin
pero mas nasaktan ako dahil mas pinili kong lisanin ka
kasi alam ko,
alam ko sa sarili ko na hindi kita magagawang mahalin.

Pito,
Pitong beses ako tinanong ng nanay ko kung okay lang ba ako
hindi ko lubos maisip na magiging maayos ang aking pag-iisip
lalo na’t wala nang bumabagabag sa akin
pero nagkamali pala ako,
nung nagkatagpo ulit tayong dalawa
bumalik lahat ng ala-ala
kung paano tayo naging masaya noon
at kung paano tayo naging miserable ngayon
gusto man kita yakapin
pero hindi ko magawa
alam kong panay poot at galit yang nasa loob ng iyong puso
na alam kong hindi ko kayang alisin kahit ano man ang aking gawin.

Walo,
Walong beses kong sinisi ang sarili ko
kung bakit ako nagbalik sa piling mo
alam kong mapapasaya kita kahit sa maiksing sandali
pero hindi yun sapat
sa mga panahong nangungulila
gusto ko man angkinin
ang yakap ng kalungkutan
pero huli na ang lahat
dahil ito’y bumalot sa iyong katauhan.

Siyam,
Siyam na beses kong tinanong ang sarili ko
Iniisip ko kung magiging sapat ba ulit ako sayo?
kung magbabalik ba yung dating tayo?
kung magliliyab bang muli ang mga puso nating naging yelo?
kung magiging tama ba ulit ang mga desisyon ko?
kung napatawad mo na ba ako?
kung handa ka na ba ulit magmahal?
kung matatanggap mo pa rin ba ako sa lahat ng mga nagawa ko sayo?
kung kaya mo na ba ako tignan sa mata?
kung kaya mo na bang mahalin ako muli?
ayokong itanong sayo ng harapan
kasi alam kong hindi mo kayang sagutin lahat
naiintindihan ko
na natatakot kang sumugal muli
na ayaw mo na masaktan muli
pero hindi rin kita masisisi
kung ayaw mo na ako makasama hanggang sa dulo.

Sampu,
Sampung beses ako nagpabalik-balik sa harap ng iyong tahanan
nagbabakasakaling masulyapan ang iyong ngiti
nagbabakasakaling mahawakan ang iyong pisngi
nagbabakasakaling makita kang muli
at magkaroon ng lakas ng loob
na sabihin sayo na,
“mahal, handa na akong panindigan ka”
“kung hindi man magsapat, hayaan mo ko magpuno.”
mahal, mahal pa rin kita.
kahit na ayaw mo na sakin.
kahit na galit ka sakin
lagi kong paulit-ulit na sasabihin sayo
na mahal kita kahit na maging sirang plaka ako.
mahal, handa na akong sumugal
basta samahan mo lang ako at hawakan mo ang aking kamay.

// sampung dahilan pabalik sayo - in collaboration with @sdkulas 🙂

Sampo. Sampong beses akong pa iba-iba ng higa sa kakaisip kung nakakatulog ka ba sa sitwasyon nating dalawa. Sa sitwasyong ikaw at ako ay wala na


Siyam. Siyam na araw akong nag hintay at nag baka sakaling magbago ang isip mo’t balikan mo na ako

Walo. Walong beses kong pinalitan at pilit pagandahin ang mga kataga para makausap ka ngunit sa ganong bilang ko din piniling burahin ang mga salita na akin sanang pang kamusta


Pito. Pitong gabi kong paulit-ulit na binisita ang ating mga litrato pagkat sa kanila ko nalang maaaring maalala ang mga araw na sinabi mong mahal mo ako


Anim. Anim na boteng alak ang ininom ko sa aking kwarto habang pinapanuod kung pano mo ko hinalikan at paulit-ulit pinakinggan ang mga katagang “Oo babe mahal kita”

Lima. Limang beses kong sinubukang kalimutan ka. Lahat ng pwedeng gawin aking ginawa. Masaya ako pero aking napagtanto na mas masaya siguro pag magkasama tayo

Apat. Apat na buwan na pala ang nakalipas nung sinukuan mo ko. Ang tagal na pala. Ang tagal ko na rin palang umaasa.


Tatlo. Tatlong beses ko pinikit ang aking mga mata at tumingala sa kalangitan hindi para mawala ang sakit na di ma alis alis at pagmamahal na aking nararamdaman kundi nagmamakaawa na sana may isang pagkakataon pang ibalik ka sakin at d kana ulit babawiin

Dalawa. Dalawang beses kong pinag-isipan kong pupuntahan kita hindi lang dahil miss na miss na kita kundi baka, baka lang, baka lang naman pag nakita mo na ako maisip mo na madami akong pwedeng isakripisyo makasama ka lang ngunit may takot paring sumisilip na baka, baka lang may iba na. Baka lang may ibang nang pumalit na mas malapit sa’yo. Mas mahal mo. Mas nagpapasaya sa’yo

Isa. Isa at huling beses ko nang lang hahayaang umasa at sisihin ang sarili sa nangyari sa ating dalawa. Hindi ko alam kung babalik ka pa o hindi na. Hindi ko alam. Kase minsan yung “hinding hindi” mo may “o sige na nga” paring nakatago. Pero maghihintay parin ako hanggang sa sa kaya ko. Alam kong masama ipilit ang mga bagay na hindi talaga para sakin pero maghihintay ako sayo. Magbabakasakali parin ako. Kung hindi ka man dumating, alam ko na ang sagot.

malabo tayo,
malabo ang bawat
“kamusta” maging
ang bawat “ingat ka”
malabo kung ano ako sayo
ngunit malinaw kung
para sa akin ay ano ka
pumupunit ang bawat
sagot na “salamat”
sa mga pasabi kong
“mahal na mahal kita
gumuguhit ang bawat
“matulog ka na”
sa mga gabing sinabi kong
“sana makausap pa kita”
ganito tayo,
malabo pa sa tubig ulang
pinagtampisawan ng
tila nag-aasar na tadhana

gusto ko muna sanang manahimik for a while. Yung para bang mag disappear muna. Ayoko sana munang makita o makausap yung mga taong usually kong kasama at kausap. Gusto ko ng bagong environment, gusto ko ng bagong surroundings. Gusto ko ng mga bagong tao. Yung hindi ko talaga kilala, yung tipong hindi ko aakalain na nag eexist pala sila ganun.

hindi ko na kasi alam kung yung surroundings ko ba yung nagiging toxic o ako na mismo yung toxic e. Gusto ko nalang muna dumistansya. Gusto ko munang mag laho. Gusto ko ng bagong ako.

Naalala mo pa ba…

Naalala mo pa ba yung mga unang araw na nakausap mo siya? Nung araw na kinukulit kulit mo pa siya kasi gusto mo siyang makilala. Kinukulit mo siya kasi gusto mo siyang makausap. Naalala mo pa ba kung gaano kayo kasaya? Na halos araw araw kausap mo siya simula pag gising mo sa umaga hanggang sa pag tulog mo sa gabi. Naalala mo pa ba yung araw na nag tapat ka sa kanya? Nung araw na kinakabahan ka kasi hindi mo alam kung paano mo sisimulan. Hindi mo alam kung paano mo ipagtatapat na mahal mo siya. Halos kinakabahan ka pa nga kasi hindi mo alam kung tatanggapin niya. Naalala mo pa ba nung sinagot ka nya? Sobrang saya mo na halos ang mga ngiti mo sa labi abot tenga na. Halos hindi ka makatulog sa sobrang saya mo na nakuha mo na siya. Na akala mo pa nga nananaginip ka lang na yung babaeng inaasam mo nasayo na. Naalala mo pa ba nung unang araw na nag-away kayo? Halos hindi ka mapakali kasi ayaw mong nagagalit siya sayo. Ayaw mo nang nakikita at naririnig na umiiyak siya ng dahil sayo. Halos lambingin at kulitin mo pa nga siya mapatawad ka lang niya. Naalala mo pa ba yung panahon na miss na miss mo na siya kahit ilang minuto o oras lang naman siya nawala sobra sobra ka ng mag-alala. Halos hindi ka mapakali at natatakot kung anong nang nangyayari sa kanya. Naalala mo pa ba yung mga pangakong sinabi mo sa kanya? Na sabi mo na nandyan ka lang para sa kanya, na kahit kailan hinding hindi mo siya iiwan. Yung mga pangakong sabi mo na tutuparin niyong dalawa ng magkasama. Sinabi mo pa na kahit anong mangyari hinding hindi ka magsasawa sa kanya. Kung hindi mo na ito maalala, ikaw ay bumalik sa umpisa at alalahanin ang mga alaalang nakalimutan mo na.

Isa.

Isa na lang naman ang tanong ko. Madali ba para sayo na iwan ako? Isang tanong na simpleng oo o hindi lang naman ang maaring sagot pero tila kay hirap pang hanapin.

Dalawa.

Dalawang salita. Dalawang salita lang ang kailangan mong sabihin at tayo'y ayos na. Dalawang salita lang naman ang kailangan kong marinig para lumaban pa pero dalawang salita lang din pala ang kailangan ko upang tuluyang bumitaw na.

“Mahal kita.” paulit-ulit kong sinambit pero tanging sagot mo ay “Ayoko na.”

Tatlo.

Tatlo lang. Tatlong taon lang pala ang haba ng sinasabi mong walang hanggan. Hindi ko alam na tatlong taon o isang libo at siyamnapu’t limang araw ang itatagal natin. Umasa ako na mas mahaba pa. Umasa ako sa pang-habang buhay na.

Apat.

Apat na beses kitang pinuntahan sa inyong bahay upang makausap ka pero sa apat na beses ring iyon ay wala ka. Nagkataon lang ba? Hindi dahil alam kong nasa loob ka pero hindi ka man lang bumaba.

Lima.

Limang letrang salita ang dedepina sa pagmamahal ko para sayo. Sobra. Sobra kitang mahal at sobrang sakit na rin ang nadarama ko.

Anim.

Anim na letra. Dalawang salita. Isang pangungusap. Tama na. Siguro nga ay tama sila. Hindi na maibabalik pa kaya heto, bibitaw na.

anonymous asked:

Anong gagawin mo pag feeling mo na ayaw ka nang kausapin ng isang tao?

Titigil na ako sa pagkausap sakaniya kahit na gustong gusto ko pa siya makausap. Ayokong ipagpilitan ung sarili ko sa taong ayaw naman akong kausap. Hindi na uso nagpapakatanga ngayon.

Ginising ako ng isang kalabog, isang pakiramdam, isang pagtibok. Naalala kita. Naalala ko yung mga gabing pinilit kong pigilan ang antok para makausap ka. Naalala ko kung paanong sa bawat pagpaparamdam ko ay tila para kang musmos na walang kaalam-alam. Naalala kong sa bawat ngiti at tawa mo, hindi naman ako ang dahilan. Naaalala kita, sa bawat bulaklak, sa bawat lugar, sa bawat kanta. Hanggang kailan ito tatagal? Hanggang kailan ako aasa? Hanggang kailan ako sasandal sa pader na tila ako lang ang nakakakita?
—  // naaalala pa rin kita kahit nakalimot ka na

Pwede mo naman sakin ng diretso na ayaw mo akong makausap, pero hindi e. Naghihintay ako sa wala at nagmumukang tanga lang na akala mo sasagot ka pa. Ganon nalang ba kadali balewalain yung mga messages ko? Babasahin mo tapos exit agad? Tanginang yan.