mahilo

Friday morning:
A.Ace: Baby, get dress. Alis tayo.
Ako: Ang aga naman! 3am pa lang, matutulog pa lang ako o.
Siya: Nagugutom ako. Bilisan mo na. Baba ka na a.
Ako: Whose treat? Hehe
Siya: Mine. Dali na.

Car:
A.Lila: Sleep ka na muna, malayo pa tayo.
Ako: Kakain lang gusto pa sa malayo?
Siya: Magsleep ka na lang, gusto mong mahilo?
Ako: Tsk! Okay

………….
Ako: (Nagising) Layo naman ng kakainan. Haba na ng tulog ko. San ba?
A.Ace: Basta!
Ako: (NLEX toll gate na kami.) Are we going North???
Sila: Yes.
Ako: No! Uwi na tayo. Ayoko.
K.Pilo: Hindi na tayo makakabalik, masyado ng malayo.
Ako: May pasok ako.
A.Ace: Bukas pa di ba?
Ako: So uuwi din tayo mamaya?
Sila: Hindi! Hahahaha
Ako: Takte kayo! Uwi na tayooooooo!

………….
Beach: Pangasinan:
K.Baki: Ano? Gusto mo pang umuwi? You love beaches di ba?
Ako: Sus! Oo n. Panuhol niyo sakin e. Tsk!

………….
Night:
Ako: Kanina pa tayo paikot-ikot, san ba tayo pupunta? Uwi na tayo!
K.Pilo: Bakit ba ayaw mo dito sa Norte?
Ako: Hindi naman. Nahihilo na kasi ko sa pagddrive niyo. Nasusuka na ko!
A.Ace: Matulog ka na muna. Ilang hours lang naman andun na tayo. Two to three.
Ako: San ba talaga? Don’t tell me?
K.Pilo: Oo. Baguio.
Ako: Bakit??

……….
Hindi sa lahat ng oras panalo si Anry sa pakikipagtalo sa mga pinsan niya. Takte! Di ko man lang nagamit katalinuhan ko e. Tsssk! Sila na magaling! 😂😂😂✌🏻️✌🏻✌🏻Fotos no es mio!

“Hapon ng Sabado
Ika-dalawampu’t tatlo ng Mayo
Kape na maraming yelo
Para sa hindi "tayo” pero “ako”
Isa, dalawa, tatlo
Bilangin ang laman ng puso mo
Anim, pito, walo
Tingnan ang bawat sulok nito
Isa, dalawa, tatlo, wag kang mahilo
Anim, pito, walo wag malito
Ilan na ba? Anong sagot mo?
Para sa hindi “tayo” pero “ako”?
Ngiti sabay tawang nakakaloko
Alam ko na ‘to, mantsari “mo”
Hulaan mo, huling bilang ko
Tama. Dalawampu’t tatlo.“

#original #composition #coffee #twentythree #hapimantsaritome #iloveyouSabado #livetoinspire #naks haha!

Nakakahilo. Paikot-ikot lang.

Minsan, mas makakabuting alamin mo kung kailan ka dapat kumawala sa ikot, bago ka pa man tuluyang mahilo at madala na lang ng ikot.

Minsan, hindi rin tamang hintayin mo na lang na mapagod ka hanggang sa masanay ka.

Minsan, mas mabuting gumawa ng first step, para sa’yo at sa kanya.

Iba talaga feeling ko kapag nakakakita ng mga pictures ng nature lalo na dito sa tumblr. Yung reaksyon ko lagi “hala ang ganda” hahahaha. Ang sarap kasi sa mata, parang ang sarap tignan kahit ilang oras pa. Hindi ko alam kung weird ba ako o ano eh pero siguro kasi nasanay na akong nagtatravel. Simula bata kasi ako kung san san na kami sinasama ng parents namin. Lalo na kung yung project ng father ko sa malayo pang lugar okay lang samin. Kaya hindi ako kasama sa mga batang naimon pa ng bonamin ba yun para di mahilo kapag fieldtrip hahahaha. Pero ayun nga ang saya ko lang pag nakakakita or nakakapunta sa places na puro puno lang, yung kalmado at tahimik. Nakakagaan ng loob.

                       Saturday’s fun! 

I slept earlier para kinabukasan, hindi ako mahilo hilo sa byahe. Tapos around 2am ginising kame ni Mama kase call time sa pag alis 3am. Tapos ayaw ko pang tumayo nun kase sobrang antok ko pa. Gusto ko pang matulog kaso ayun tumayo na din ako no choice eh. Then ayun, thanks God hindi ako ganun kahilo pag tayo ko. Tapos naghilamos na and then ginawa na yung dapat gawin.

To make the long story short, umalis na kami around 3:30am. Tatlong van. White, black and yellow. Muntik na nga kami hindi magkasya nina Mama, paps ako tsaka yung ampon nila. Hahaha! Tapos napagkasya din. Komportable naman ako sa pwesto. Sa yellow van kame.

Nung nagbbyahe na mejo nararamdaman ko na nahihilo ako tsaka parang nagugutom ako. Wala kaseng kinain or ininom e. Tas mejo natulog muna ako. Pumikit lang. Nakatulog naman ata akong konte. Tapos sa TPLEX kami dumaan. Ang bilis lang ng byahe. Nung nag stopover kame nawala na yung hilo ko. Hindi talaga ako sanay sa byahe byaheng ganyan lalo na kung mainit, sasakit ulo ko talagang solid. 

Tapos pagdating sa Manaoag shrine, ayun nagsimba ako. Naiyak nga ako konte nung nagsisimba ako. Hahaha! Parang ewan lang. Feel na feel ko talaga pag nagsisimba e. Naalala ko kase mga kasalanan ko e. Tapos hindi ko man kasama dito si Mama. Nauna kase sila e. Sina paps mga kasama ko pati mga boys. Kainis kase bat puro lalake mga pinsan ko. Haha. Nagpicture picture. Dala ni pap yung cam na sinangla sa kanya. Hindi man yung sa kanya ang dinala nya.

Nakasama si paps, nakipalit ata sya ng service or what. Kadalang lang ng outing dipa ware sasama diba. Araw araw naman ata yung mga service nya sa pagpipicture. Tapos after sa Manaoag, mejo nagkatraffic na. Pero sandali lang yun kaya agad din nakarating sa Beach.

Pagkadating palang nagpicture na kame! Hahaha and even video. Sayang yung view e. After 1 year nanaman kase babalik e. Tapos kumain muna. And after that, yung mga bata nagsi ligo na. Si paps picture ng picture. Ako din pala. Haha! Kaso more on selfies ata yung aken. Nagpabili pako monopod para sa outing na ‘yan. Lol

Sumakay din palakaming bangka. Haha! Ang bilis lang. May video pala ako. Kaso wag kona pakita. Sa flash drive ko nalang sila.. Tapos bumalik na ko sa cottage after that.

Pinic ko sina Mama and Pap. Nung nakapagpahinga na ko katapos kumain, natulog muna ako. Sobrang antok kase sa pakiramdam e. And then, nung mga 2:30pm na niyaya ko si babs na magpicture picture sa tabi ng beach. Tapos 3pm nagbabad na kame. Si Lola ayaw nyang pumunta nung una, kaso napilit. Kaya yan may picture sya. Natutumba pa nga sya e, dahil sa alon. Kaya hinahawakan lang sya ni Mama. Hahaha!

So yan. Thank you daddy G sa araw na to. Last year walang outing kase. Problemado lahat at walang time. Buti nalang nagset sila this year. Another moments nanaman to treasure. Pero pinaka masaya yung mga bata. Haha. Parang kailan lang nung ako yung ganoon ang edad. Kukulitin ko si tita ko about sa outing. Kase alam nila gustong gusto ko nagsswimming sa dagat nun. Wala din tigil o ahon ahon once napunta nako sa tubig. Walang pake kahit mangitim. Wala pa kase akong pake sa kutis nun. Parang mga pinsan kong bata ngayon. Hindi talaga tumigil sa kakaligo. Sabi nga nung pinsan kong 8 y/o nung sinabing ang itim nya na “Ba ngayon lang po to. Bukas wala na.” Hahaha. Talagang sinulit. Pero ang baluga na nya.

Yung iba pang mga pictures heto.

Tapos 4:30pm umalis na din kame. Mas maganda pag overnight kaso may mga magttrabaho pa kase sa mga tita/tito ko. Pati mga alaga nilang animals, walang magpapakaen tsaka baka nakawin e, uso kase nakawan. Haha

Ang bilis ng panahon. Matanda nako. Hahaha!Hindi nako nangungulit kahit walang outing. Hindi nako yung walang pakealam kahit ang itim itim ko na. Haha. Ang bilis ng panahon grabe. Ngayon, hihintayin ko pa yung 3pm para lang hindi umitim. Tas naligo ako mga dalawang oras lang siguro. Dati, pagkadating, tuloy tuloy na ang pagligo. Haha! Salamat po daddy sa araw na to. Ligtas kame nakauwi at naging masaya. Madadagdagan nanaman mga pictures sa netbook ko. Haha. Thank you po <3

Ang tagal ko ng hindi nakakapagpost ah? Hahaha. No wonder malapit nanaman sumabog yung utak ko xD writing your thoughts and feelings is a big help para hindi ka mabaliw. :) Kaya lang nakakaloka lang kasi Hindi ko naman maituloy-tuloy. :( hayy. Too late na para ipost yung thoughts ko. Baka mahilo ulit ako bukas. Wag sana. Bukas ko nalang ilalabas thoughts ko. Good night Tumblr!