mahalin mo din ako

Hayaan mong
ako ang umiwas sa'yo
at magpapakalayu-layo
kahit na ang hiling ng puso
ay sana'y habulin mo naman ako
ngunit alam kong
ang mga paa mo'y patungo
sa direksyon ng pagsikat ng araw
samantalang ako ay
sa paglubog nito

Hayaan mong
masaktan ang aking puso
dahil ganyan naman talaga ang mundo —
sa bawat magandang pangyayari,
kaakibat nito'y isang trahedya
sa bawat masayang alaala,
kaakibat nito'y mga luhang
hahalik sa aking pisngi
na parang isang kasintahang
humahalik sa'kin
sa aking pagtulog sa gabi 

Ngunit sana
hayaan mo rin akong
mahalin ka nang buo
kahit sa malayo,
ilang kilometro man ang nakapagitan,
hindi ito sapat para
ako'y sumuko na lamang;
hayaan mo kong mahalin ka
nang tunay
kahit sabihin nilang ako'y nagpapakatanga na
dahil alam ko namang
hindi mo magawang mahalin din ako 


pero hayaan mo,
ganyan naman talaga dapat
kung magmahal ‘di ba,
minsan, sapat na na magbigay
kahit ang kapalit ay wala silang maiaalay

© Samantha M. 2017

Mas pinili kong ipaalam sayo ang totoong nararamdaman ko hindi lang dahil sa tinutulak ako ng puso ko kundi dahil na rin sa takot ako na baka habambuhay kong pagsisisihan ang hindi pagsabi sayo sa isang bagay na siyang nakakapagpasaya at nakakapagbigay sa akin ng inspirasyon ngayon. Tinulak ko sarili ko at pilit ininda ang kaba at hiya para lang masabi sayo yun pero hindi naman ibig sabihin nun na dapat mo din akong mahalin pabalik kung hindi naman talga yun ang nararamdaman mo dahil unang una, ang pag-ibig nagdedemand yan ng dalawang taong may parehong nararamdaman para sa isa’t isa, hindi dapat ito one sided at pangalawa hindi naman sakop ng pagsabi ko sayo ng totoo ang pagpilit mo sa sarili mong mahalin din ako. Hindi kita minahal para pilitin mo ang sarili mong mahalin din ako. Sa tingin mo ba sasaya ako sa ginagawa mo? Yung tipong ginagawa mo lahat para lang mapanatili tong feelings ko habang wala ka pang inspirasyon mo? Sa tingin mo masaya ako? Hindi. Nasasaktan ako. Mahal kita pero ayaw kong ipagpilitan mo sarili mo sa akin kung talgang ayaw mo naman talga. Gusto kong mahalin mo ko ng kusa. Gusto kong mahalin mo ko dahil mahal mo ko. Hindi ako ganun kadesperada para mamalimos sa pag-ibig mo kahit pa sabihin nating sobrang mahal kita.

Kung pwede bang humiling na mahalin mo ako kahit saglit sa tingin mo hihingin kong mangyari yun? Aanhin ko ang saglit mong pagmamahal, kung alam kong ito'y panandalian lamang? Worth it? No. Wag mo nalang akong mahalin, kung alam kong bandang huli iiwan mo lang din ako. Kung alam kong hanggang dyan lang ang pagmamahal mo.

Ayoko sa mga bagay na hindi nagtatagal. Kung G-TECH nga iniingatan ko ng sobra kasi mahalaga sya, pag nawala ang ballpen ko wala nakong pambili ng bago, ikaw pa kaya? Bago mo sabihing mahal mo ang isang tao, sana alam mo ang halaga nun sa taong pagbibitawan mo ng mga ganyang kataga.

Yun lang maraming salamat nalang, hindi ko kailangan ng pagmamahal mong panandalian at may limitasyon.

Hindi ako mahilig magmakaawa. Hindi ako mahilig mamalimos. At hindi rin ako mahilig mamilit. Kapag humingi ako pero hindi mo ibibigay, rerespetuhin kita at makakaasa kang hinding hindi ko na ulit hihingin sayo ‘yong bagay na ‘yon. Tatahimik ako. Papalipasin ko lang ang kaonting pagtatampo ko sayo. Gusto ko rin kasi ‘yong kusa kasi mas masaya kung kusa mong ibibigay ang isang bagay na gustong gusto ko, ayoko talaga ng may halong pilit. Hindi rin ako mahilig manghingi kasi ayokong magkaroon ng utang na loob sayo. Minsan tinatanggihan ko pa ang mga bagay na gustong ibigay sa akin ng isang tao dahil ayokong mag-abala pa sila. Ayoko ring isipin nila na pala-asa ako. Oo masaya ako kasi kahit papaano nag-iisip sila ng paraan para pasayahin ako. Naa-appreciate ko ‘yon, sobra. Pero noong nakilala kita? Noong napagtanto ko sa sarili ko kung ano ka talaga para sa akin? Gustong gusto kong magmakaawa. Gustong gusto kong lumuhod sa harapan mo, magmamakaawang sana mahalin mo rin ako. Gustong gusto kitang makasama araw-araw. Gustong gusto kong hingin lahat ng oras mo, lahat ng atensyon mo. Gustong gusto kong maging selfish. Gustong gusto kong angkinin lahat ng sayo. Gusto kong isipin mo na pag-aari kita at pag-aari mo ako. Gustong gusto ko ang lahat sayo. Gustong gusto kitang ipagdamutan. Gustong gusto kita pakiramdam ko sasabog na ata ako.

Tingin mo ba ginusto ko ‘to? Tingin mo ba ginusto kong maramdaman ‘to? Leche, hindi! Bawat umaga gumigising ako may mabigat na pakiramdam sa dibdib ko kasi alam ko kung ano lang ako para sayo. Ayokong umiyak dahil kahit iyakan kita alam kong hinding hindi pa rin kita makukuha. Pero hindi ko na kayang magpigil ng luha ngayon. Ni pagpapangggap na masaya ako kahit sa sarili ko, hindi ko na magawa! Bawat gabi pinagdadasal ko na sana magtigil na ‘tong kahibangan kong ‘to at sa bawat gabing ‘yon umiiyak ako kahit sa puntong pangalan mo na lang ang nakakaya kong sambitin. Ang hirap po. Ang hirap magmahal. Ang hirap ngumiti. Ang hirap maski ang huminga. Lahat nalang ng bagay sa paligid ko, lahat nalang ng ginagawa ng mga tao sa paligid ko, lahat nalang ng napapakinggan kong kanta IKAW ANG NAALALA KO! Bwisit na bwisit ako sa sarili ko kasi kahit dignidad at pride ko, nakakaya ko ng lunukin, nakakaya ko ng kalimutan. Bwisit na bwisit ako sa sarili ko kasi sobrang mahal kita, na mas mahal na nga ata kita kaysa sa pagmamahal ko para sa sarili ko. Pwede ba akong magmakaawa? Pwede bang ako nalang? Please.. Pwede bang hindi na lang ako masaktan? Pwede bang mahalin mo na lang din ako? Pangako ko naman sayo iyong iyo ako eh. Buong buo. Sige na naman oh…Hirap na hirap na ako. Mahalin mo naman ako.

Alam kong may mga bagay na imposible, may mga bagay na mahirap makuha, pero sana magkataong maging posible yung mga bagay na gusto ko, makuha ko, tulad ng mahalin mo din ako. Kung pwede lang sanang mahalin mo ko, katulad ng nararamdaman ko sayo. Kung pwede lang sanang sabihin sayong, akin ka, di ka na pwede sa iba. Kung pwede lang, ako na lang kasi, tayo na lang kasi. Kaso hindi pwede e, lahat ng yun “kung”, pwedeng mangyari pero mas mataas ang syansang hindi. Imposibleng maging pwede, kasi di naman ako laman ng puso mo, at wala naman akong karapatang diktahan yang nararamdaman mo. 

Wala naman akong gustong iba eh. Ikaw lang. Ikaw lang naman yung mahal ko. Kaya please lang, wag mo kong itulak palayo dahil masakit. Hindi ba pwedeng dito na lang ako sa tabi mo? Hindi ba pwedeng ako na lang din yung mahalin mo? Wag mo kong itulak sa iba dahil hindi naman sila eh, hindi sila kundi ikaw ang kailangan ko. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang nakakapagpasaya sa'kin. Nandito ka na eh, bakit pa ko maghahanap ng iba kung ikaw lang naman talaga?

Siguro nga ay hindi talaga tayo ang para sa isa’t isa. Ako na lang naman itong umaasa na sana balang araw ay mahalin mo din ako, tulad ng pagmamahal ko sayo. Kaso wala talaga eh. Hindi talaga pwede. Alam mo simula nung nawala ka? Heto ako nagmumukang tanga at tinamad ng mabuhay. Ewan ko kung bakit, pero nasasaktan talaga ako. Hindi mo naman kasalanan. Ako ang may kasalanan. Kasi pinipilit ko pa ang hindi naman talaga pwede. Alam mo sa loob ng mahabang panahon? sayo lang ako kumapit. Ikaw din ang naging mundo ko noon. Pero hindi ko man lang naisip na wala talagang permanente sa mundo. Pati hindi ko din naisip na kahit anong oras ay pwede ka mawala sa buhay ko. Kaya heto na ako ngayon, mukang nawawala sa mundong punong puno ng bagyo. Ikaw kasi ang naging mundo ko. Kaya ngayon? Parang wala nanaman akong mundo…


“Pwede pa ba?”

Pwede ko pa ba patunayan sayo na mahal na mahal kita? ibubuhos ko na lang ang lahat ng natitira kong pagmamahal sa mga bagay na mas makakapag paunlad pa sakin bilang isang tao. Hindi ako titigil, mas mamahalin pa kita sa paraang alam ko at kaya ko.

“Makikita mo, darating ang araw pag successful na tayo ay magpapasalamat ako sayo. Bakit?”

Kasi ikaw ang naging inspirasyon ko simula ng mahalin kita hanggang sa nawala ka sa buhay ko.

Sana ako na lang siya

Sana ako na lang siya,
Para ako naman ako yung pinapangarap mo at hinangad mo ng kay tagal.
Para mahalin mo ako ng katulad niya yung halos ibigay mo na lahat sakanya.
Sana ako na lang siya,
Para hindi mo ako kayang saktan at iwan kung saan-saan na lang.
Sana ako na lang siya,
Nang hindi ka na maghanap ng iba at para saakin lang nakatuon atensyon mo at hindi sa iba.

Sana ako na lang siya.
Sana ako na lang siya, yung taong pumatay sayo dahil sa sobrang sakit na ginawa sayo.
Sana ako na lang siya, yung iniyakan mo araw-araw dahil sa madugong pang-iiwan niya sayo.
Sana ako na lang siya, yung taong nagbigay sayo ng lungkot, sakit at pagiging bitter sa buhay pag-ibig mo.
Sana nga ako na lang siya.

Sana ako na lang siya.
Sana nga.
Hindi ko pinangarap at hinangad maging siya, pinangarap ko na maging ikaw at ako lang.
Hindi ko gusto maging siya para lang saktan ka.
Gusto kong maging siya para makita mo na nandito din ako.
Gusto ko maging siya para naman bigyan mo ako ng atensyon.
Gusto ko maging siya para mahalin at alagaan mo din ako.
Gusto ko maging siya maramdaman at maranasan ko din pagmamahal at pag-aalaga mo katulad ng ginawa mo sakanya.

Pero pagod na ako habulin ang isang katulad mo.
Pagod na akong ipaglaban ka pa dahil hindi ka din naman gumagawa ng rason para ipaglaban ko.
Pagod na akong naghahabol sa taong gusto ko.
Pagod na ako sa mga rason mo na hindi naman makatotohanan.
Pagod na ako sa taong pinangarap at hinangad ko.
Pagod na ako para maging siya.
Pagod na ako sayo.

An Open Letter to the Man I Love the Most (IIF Fanfic)

Para kay mama. This is way overdue, I know.
************************

Dear Wesley,

The first time I saw you, I knew you weren't mine to have.

You were the popular guy. Always wanted, always taken.

And me? I was a bitch.

At one point, I even heard one of your friends making fun of me. They called me lots of names, until finally, one eventually stuck.

Your crazy friend called me a snerd and there was nothing left for me to do but to take it.

But you know what?

It hurt.

Kasi alam ko sa sarili kong I wasn't what you think I was, but if it meant I would be noticed by you, tinanggap ko nalang.

Sorry. Mukha na ba kong tanga?

Siguro ganun talaga pag nagmahal ka na.

Nawawalan ka ng reason, ng self-respect at self-appreciation kapag ang mahal mo may mahal nang iba.

Four years, Wes. Four years kong inantay na mahalin mo din ako. Pero sa dinami-rami ng naging girlfriend mo, ni minsan, hindi ako yung napansin mo.

God, I was stupidly inlove with you that I wanted to be a fling if it meant that I  could be with you!

Pucha naman.

Alam mo bang nasaktan ako nung nahalikan mo si Rachel nung elementary pa tayo?

Tangina, bakit sa dinami-rami ng pwedeng mangyari nung araw na yun, yun pa?

I bought a new dress for you.

I made myself up only to get noticed by you.

But you didn’t.

And it broke my heart.

After that I promised myself that I’d stop pining for you.

Sino ka ba para iyakan?

Maganda ’ko, and I deserve better than to hang on to someone who wouldn’t even give me the time of day.

But you know what?

One smile from you noong Freshman Orientation , and I was a goner.

Para akong tanga na kinalimutan nalang ang lahat.

Don’t get me wrong, though; I’ve liked a lot of boys apart from you - more handsome ones, smarter ones, even more athletic - but there was something about you that just keeps on catching my eye.

Which, I believe, is the reason why I got so obsessed (well, atleast that’s what my friends say) with you.

Nagsimula ang lahat sa pasimpleng tingin.

Magkaiba tayo ng section, kaya kinuntento ko nalang ang sarili ko sa pagsilip sa room niyo with every chance I got; palaging nagvo-volunteer kapag may kailangan ang mga cher ko sa teacher niyo,maglalakad ng mabagal sa tapat ng room niyo kapag lunch o kaya naman recess - minsan pa nga, nakakalimang cr ako sa isang araw masilayan lang kita.

Pusanggala, ang creepy ko di ba?

Sa bawat pagsilay ko sa’yo araw-araw, pipigilan ko ang kilig hanggang sa makaupo ako sa seat ko para lang kumisay sa harap hg barkada ko.

Ang barkada ko na sa sobrang supportive, kulang nalang ipagtulakan na nila ko sa’yo, mapansin mo lang ako.

Kami ang pinaka maingay sa games mo, ang mga weirdo na daig pa yung may megaphone kung maka-cheer sa’yo. Tapos palihim na sisilip kung nakuha ba namin ang atensiyon mo o kung nangiti ka man lang sa kalokohang pinauso ko.

Shit, napapansin mo ba yun?

Siguro hindi.

Sa dinami-rami banaman ng karibal ko at sa seriousness naman ng mukha mo, malamang nasa bola lang o di kaya naman sa flavor of the month mo lang ang focus mo.

Kung alam mo lang ang nararamdaman ko everytime na kumikindat o ngumingiti sa mga then girlfriend mo, tangina, sana sinapak mo nalang ako.

It was around our second year that I decided to give myself a chance and love someone else - like I said, maganda ako - hindi man pasa sa standards mo, pero putangina, maganda ako.

My boyfriend and I were together for almost five months, but we didn’t work out.

Alam mo kung bakit?

Oo, assumero. Nagbreak kami ng dahil sa’yo.

Na kesyo palagi nalang daw niya kong nahuhuling nakatingin sa’yo, na kapag naglalaro siya ng basketball, nasa’yo lang daw atensiyon ko kahit na siya ang chini-cheer ko. Ikaw nalang daw ang magaling, ikaw ang confident,  ikaw na lahat! 

Kaya nahiya ako, Wes. Hiyang-hiya ako kasi akala ko, ako lang ang may alam ng lahat. Nainis ako sa sarili ko kasi ginawa ko siyang second best… hindi ko binigyan ang sarili ko na mahalin siya kasi hung up ako sa’yo. Even though you never really knew that I existed.

Walang hanggang sorry nalang ang binigay ko sakanya nun. Nag-iyakan kami, niyakap ko siya habang paulit-ulit akong nag sorry sakanya kasi he didn’t deserve it.

Pero alam mo? To this day we remain friends. Sinabi niya na aantayin niya ko, until siya naman ang mahalin ko.

Tanga e.

Parang ako.

First sem natin ngayong fourth year highschool, nag -outing tayo. Beach.

May dalang alak nun yung mga kaklase ko at ilan sa mga classmates mo.

Responsable kang SC President, pero pinalampas mo yung time na yun kasi nga sabi mo, once lang naman, graduating na din naman tayo.

Halos dalawang taon na kong walang boyfriend at ikaw, kakahiwalay niyo lang ni girlfriend number 23.

Si Pepper.

Nang malasing na lahat, naglaro tayo ng Truth or Dare.

Truth or Dare, na matapos ang dalawang walang kwentang dare e nagkaroon na ng twist - kung sino mang matapatan ng bote, hahalikan sa labi ang sa tingin nila ay ang pinaka-attractive sa grupo; in a way, truth and dare na ang naging flow ng game.

Ginusto kong umayaw, pero pinagbawalan ako ng lahat - bawal ang kj, sabi niyo pa nga. Kaya hiniling ko nalang na sana, wag akong matapatan.

Unti-unti nang lumakas ang loob ko nung nakalimang ikot na ng bote pero di pa ko natatamaan. ‘Konting ikot nalang,’ sabi ko sa sarili ko, ‘malalasing na mga yan tapos ayawan na’.

Kaso tangina, ang tindi rin namang mantrip ng tadhana.

Nung nagkapayagan nang huling ikot na, sa’kin pa siya tumapat.

Ginusto kong magsinungaling nun, ginusto kong halikan nalang yung ex ko para matapos na, pero tangina. Bukod sa magiging unfair yun para sakanya, naisip ko na baka ito na ang sign para matupad na ang pinapangarap ko - na baka yung halik yung maging catalyst para ako naman yung mapansin mo. Ang maging si number 24.

Before I could talk myself out of it, I gathered all the courage I could muster, held your face between my hands and kissed you like my like depended on it.

It was awkward, yes. Hell, you froze like you couldn’t even comprehend why a stranger was kissing you like she has been in love with you for years (which was the truth)!

I was about to pull away when you latched your arm on my waist, the other behind my neck and pulled me closer. You kissed me back and for the first time in four years, I thought we had something.

Natulog ako nung gabing yun with a stupid smile on my face, and hope. Hope that finally, we were going somewhere.

That hope died the next day on our bus ride home. I tried calling you, hoping to see something on your face when you see me, but then there was nothing.

Dun na rin ako kinausap ni Barbs - the one who insisted on calling me a snerd.

Sabi niya, ‘Teh  piece of advice - yung halik niyo kagabi? walang meaning yun sa mga katulad ni Wes. Quit being stupid and move on. Save yourself and find someone else who’ll be worth it. ‘

Pero hindi pa rin ako naniwala. Sinabi ko sa sarili ko na insecure lang siya, na may iba siyang agenda kaya pinapalayo niya ko sa’yo.

It wasn’t until the next few days that I began to understand.

Ilang instances ba kitang nakita na nakatulala kay Rachel? Na iba yung ngiting ipinapakita mo sakanya kapag inaasar mo siya during club meetings, yung pagtingin mo sa way nila nina Barbs tuwing nakakashoot ka  trying to see if you’ve impressed her.

I have always felt invisible around you, but that realization took things to a whole new level. It’s not that I was invisible to you - you were just too busy focusing your attention on her that you didn’t have time to look at someone else.

I now knew what my ex felt like - to have been given a piece  of something that made you hope for something more, only to have it callously taken away from you.

With that thought my heart broke all over again.

Since then I have been through a phase in my life where I didn’t believe that I have any worth - tangina kasi, ano bang wala sa ‘kin?

Hindi ba ako maganda? masyadong masama ugali? O sadyang nasobrahan lang talaga ko sa tanga? Pinaniwala ko ang sarili ko na inlove ako sa isang tao na ni minsan, hindi man lang ako nilingon. Hindi man lang kinilala, at kahit kailan, hindi naman talaga ako pahahalagahan.

Nakakaputa, nakakasira ng self-confidence, nakakababa ng self- worth.

I felt completely rotten inside.

Siguro karma.

Karma kasi pinakawalan ko ang isang bagay na totoo kapalit ng isang bagay na sa isip ko lang pala magkakaroon ng chance.

Sising-sisi ako, Wesley.

Kung hindi lang ako tanga, I could’ve seen what my feelings for you really were.

It was love, yes. But it was only a love that was all in my head, a product of all the girlish fantasies that I’ve had of me and you.

A love that grew and was nothing but fiction, a feeling that I let myself fawn over and ended up with me taking the one that truly loved me for granted.

A love that although made me feel great all these years, I now realize that it isn’t real.

And with this thought, I decided to let you go and seek the one who will truly make me happy.

Wes, I am writing this letter not to make you feel guilty, but to thank you.

Thank you for all the happiness you made me feel throughout the years that I have loved you.

For making me realize that I shouldn’t force myself to chase for the love that I think I deserve, but rather wait for the one who will love me more than I’ve ever dreamed of.

To wait for that someone who will look at me the way that you look at Rachel.

To believe that I am worth more than what I think I am.

So thank you, Wes.

There will still be a part of me that will always love you, but I will now make sure that I will give the bigger piece of me to the one I’m meant to be with.

The one I will love more.

I hope we’ll both get to be happy and get the ones that we truly want.

Lovingly yours,

Maricar

Pinipilit mo akong kalimutan ka? Hahahahaha sa totoo lang maski ako pinilit ko din sarili kong kalimutan ka pero di ko magawa. Hahahahaha kasi nasasaktan na ako kakamahal sayo pero ginagawa ko pa din, pinagpatuloy ko pa din. Hahahahaha tanga tanga ko no? Push lang ng push eh! Hahahahaha alam ko namang yun ang tingin mo sa akin eh. Hahahahaha pero wag kang feeling kasi di ko naman pinagpipilitan sarili ko sayo. Hahahahaha ayoko namang mapilitan ka sa akin. Hahahahaha oo mahal kita pero ayoko namang mahalin mo din ko dahil lang sa mahal kita. Di ako ganun ka desperada! Hahahahaha di ako ganun katanga pero nakakainis kasi bawat hibla ng katawan ko na nagkokomprimiso sa buong pagkatao ko sinisigaw ang pangalan mo, bawat hininga ko pinagdadasal ko na sana umayon sa akin ang mundo, na mahalin mo din ako. Hahahahaha oo alam ko nahihibang na naman ako kasi alam kong di yun magkakatotoo. Hahahahaha imposible yun! Hahahahaha nahihirapan na nga ako eh. Hahahahaha pero ang traydor lang talga ng puso ko, di na natuto! Hahahahaha araw araw sinasampal sa akin ang katotohanang di mo talga ako magugustuhan. Pero hahahahaha mahal na mahal pa din kita. Hahahahaha mahal na mahal pa din kita kahit sobrang sakit na. Hahahahaha sakit sobra.