mahalin

anonymous asked:

Pano maging dakilangboyfriend?

Dapat mahalin ang partner higit pa sa sarili. Ikaw dapat ang magdala ng relasyon, hindi sa paraan ng pagbabawal o ikaw dapat lagi ang masunod kundi yung kapag may problema o hindi pagkakaintindihan dapat ikaw mismo gumawa ng paraan para magkaayos na. Ayusin agad ang problema, di yung patatagalin pa at palalakihin pa. Pati na rin yung pagpprotekta sa kanya at pagpaparamdam araw-araw na mahal na mahal mo siya. Lahat naman pwedeng maging dakilang boyfriend kahit sa mga simpleng paraan lang.

Bumababa ang tingin ng tao sa sarili niya kapag nalalaman niyang pinagpalit siya sa iba. Hindi niya kasi maiiwasan ikumpara ang sarili niya sa mga taong pinili kaya rin sila nagiging malungkot. Yung akala kasi nilang best nila, mafi-feel nilang wala lang kasi hindi ka lang nakuntento.

Sa dami ng problemang pinagdaanan niya ay napili ka pa rin niyang pagsilbihan at sa dami ng doubts niya sa paligid ay natutunan ka pa rin niyang mahalin. Tapos iiwanan mo? Sa tingin mo ba magiging masaya ka kung alam mong may tao kang sinaktan? Masyado niyong pinapabayaan yung mga taong seryoso sa inyo. Palibhasa hindi niyo pinaghihirapan kaya wala lang sa inyo kung mawala. Sana i-consider niyo lahat ng efforts niya bago niya ito ipakita o ibigay sa ‘yo. Pinag ipunan, pinagharapan at yung oras na nilaan. Sana magseryoso na kayo, hindi biro bumangon ulit kapag sobrang nasaktan. Hindi singdali nang pang-iiwan niyo sa mga taong walang ginawa kundi intindihin ang kasiyahan niyo.

Mahal, nandyan ka pa ba?

Tara, dito ka, sa tabi ko, kwentuhan mo ako ng mga bagay, maging delubyo, hinanakit, at kahit magluha pa ng dulot ng sakit.
Kwentuhan mo ako, at iintindihin ko.

Iintindihin ko katulad ng pag intindi na ginawa mo sa akin noon,
Iintindihin ko katulad ng pag intindi mo sa akin na umaabot ng alasdos imedya ng madaling araw, kakwentuhan ako,
Iintindihin ko ang bawat detalye na ilalahad ng isipan mo, gaya ng ginagawa ko sayo hanggang ngayon.
Hindi ba’t parang napakalayo ng noon, sa ngayon.
Pansin mo ba?
Ramdam mo ba?

Dahil alam mo ba noon, nasanay ako, na sa kada umagang gigising ako, ikaw agad ang pumapasok sa isip ko, minamahal ako, mas higit sa inaakala ko, mas higit sa pinapadama ko, at mas higit sa dati mo. Anong saya ang nararamdaman ko na sa kada umagang didilat ako, maiisip kong may isang lalake, naghihintay na dumating ang umaga, para mahalin ako ng walang kakupaskupas, sa napakaraming bukas.

Pero noon iyon, dahil ngayon, alam mo ba, nasanay ako, na sa kada umagang gigising ako, gumigising akong ikaw ang pumapasok sa isipan, subalit hindi malagyan ng ngiti ang mukha, hindi malagyan ng bahid ng pagmamahal, dahil puro takot, at sakit, ang sumasakal sa pagdilat ko. Puro takot at sakit, sumasakal sa isipan ko.
Bakit? Gusto ko ng sagot, bakit ba ako nagkakaganito?
Nais ko lang namang hingan ng mga kasagutan, kasagutan mula sa iyo, mula sa isip mo, puro at totoo.
Mahal, sagutin mo ako, ikaw ba'y nagbago na?
Nakalimot ka na ba sa dati nating gawi?
Ikaw ba'y nagsawa na sa dati nating ginagawa?
Na ang oras ay para lamang sa isa’t isa, at hindi sa iba.
Na ang isipan ay para lang sa pagmamahal, at hindi laan para sa mga sagabal.

Bigyan mo ako ng kasagutan, mahal.. sa gawa, at kahit hindi na sa salita..

Bigyan mo ako ng palatandaan, na hindi mo pinagsisisihang mahalin ako.. sa gawa, at kahit hindi na sa salita..

Bigyan mo ako ng senyas na hindi mo ako bibitawan.. sa gawa, at kahit hindi na sa salita..

Bigyan mo ako ng pagmamahal, mahal, gusto ko ng pagmamahal, mula sa iyo, buong buo, at walang tinatago.. sa gawa, at kahit hindi na sa salita..

Ngayon, habang dumadaloy ang mga luhang sabik na magpapunas sa mga kamay mo,
habang dumadaloy ang mga luhang nagnananais na mapatahan ng pag-ibig mo..
Tatanungin ulit kita, sa huling pagkakataon na mabasa o marinig mong muli, tatanungin ulit kita..

Mahal, nandyan ka pa ba?
Dahil kung nandyan ka, kwentuhan mo ako ng mga bagay, sa kung paano naging ginhawa ang delubyo, kung paano naging bulaklak ang mga itinanim nating buto ng hinanakit, at kung papaano naging pag-ibig ang mga luhang dulot ng sakit.

Mahal, kung nandyan ka pa,
tara dito,
sa tabi ko,

kwentuhan mo ako.

—  “Istorya”
The Bakit List

(A collaboration between @ultimate-false-hope and @dxmxgedmxrionette)

1.
Bakit sinabing mahal mo ako?
Kung hindi naman pala totoo
Sinabi mo'y aking sineryoso
Yan tuloy nagmukha akong gago.

i.
Bakit kailangang matapos sa halik
At sa mga salitang hindi naisatinig
Kaysa piliing sa akin ay bumalik
At muling tumira sa aking mga bisig?

2.
Bakit ipinagpalit mo ako?
Ibinigay ko naman lahat sa'yo
May pagkukulang ba ako
o sadyang di ka marunong makuntento?

ii.
Bakit mo sinabing kalimutan na kita
Na para bang ang daling iwanan ka
Kung sa lahat ng nakikita ko ay ikaw ang naaalala
Maging sa pagpikit ikaw lang ang nakikita

3.
Bakit hindi ako ang pinili mo?
Lahat naman ginawa para sa'yo
Alam kong hindi ako perpekto,
Pero ano bang meron siya na wala ako?

iii.
Bakit hindi mo tinupad ang pangako mo
Na habambuhay kang mananatili sa tabi ko
Sa iyo na umikot ang mundo ko
At tumigil ang lahat noong inabandona mo ako

4.
Bakit ang dali sa'yong bitawan ako?
Ganun ba ako kawalang kwentang tao,
Kailangan pa bang mawala ako,
bago mo malaman ang halaga ko?

iv.
Bakit mo ako pinaniwala sa ilusyong merong ikaw at ako
Kung sa una pa lang ay wala na talagang “tayo”
Walang pinanghawakang kahit ano
Bukod sa sinabi mong baka mahalin mo rin ako.

5.
Sa pangyayari'y maraming natutunan
na hindi lahat ng nagbibigay ay nasusuklian
Kaya ito ang inyong pakatandaan,
Huwag umasa kung ayaw mong masaktan.

v.
Akala ko ikaw na ang sagot sa bawat “bakit” sa buhay ko
Dahil minsang pinaniwala mo ako na ang happy ending ay totoo
At sa minsan na iyon, nagkamali pa ako.
Nagkamali pala ako dahil ikaw ang naging sagot ko.

Move on.

Wag ka mananatili sa isang tao dahil akala mo eh wala ng ibang magmamahal sayo. Palagi mong tatandaan na meron laging kapalit ang lahat ng taong nawawala. Iba man ang itsura, nagkakaiba man paminsan minsan sa ugali, pero pare-parehong kang mamahalin ng mga yan. Dapat mong paniwalaan na deserving ka maging masaya, na hindi ikaw yung taong basta basta lang at paulit-ulit na sasaktan. Kapag hindi na maganda ang pag trato sayo, sige pabayaan mo na. Maniwala ka palagi na may isang tao na magbibigay sayo ng importansya bilang tao, ang taong gagalang sayo at tatratuhin ka sa paraan na gusto mong maramdaman.

Maawa ka sa sarili mo, kapag sobra na ang sakit at patuloy ka pa ring lumalaban, patuloy mo lang na sinasayang ang oras ng iyong buhay. Huwag mo ipagkait ang sarili mo maging masaya. Tandaan mo na hindi sayo magagawa ng isang tao ang isang masamang bagay kapag importante ka sa kanila.

Ngumiti ka, salubungin ang bagong pag-asa. Mag move on na. Sayang ang araw na dapat ikaw ay palaging masaya. Matuto sa mga pinagdaanang problema. Kailangan mo yan. Bigyan mo lahat ng seryosong tao ng tiyansang mahalin ka.

Madalas kong tinatanong sa sarili ko may nagmahal ba talaga sakin? O akala ko lang mahal ako? O minahal ako pero di pa ganun kamahal? Mahirap nga talaga siguro ako mahalin ag mag stay sa tabi ko. Siguro sa ugali ko at pagkatao ang problema. Tangina lang pakiramdam ko wala nagmahal sakin eh. Lahat ata ng minahal ko nawala din sa buhay ko. Pakiramdam ko may limitasyon lagi pagdating sa akin.

Do you remember the time you cried all day? When the time you told me that you’ll never be happy again because he broke your heart. Do you remember the time you said that you’ll always love him even though he always left you alone in the middle of your date? Do you remember the day you said that no one can replace him to your heart? Do you remember when the moment we talked about him and you said “Mahal na mahal ko parin siya” and i tap your head and said “Ang tanga mo talaga bes” and you replied “wala eh mahal ko eh” Do you remember every time you’re upset about him i’m always there for you if need a shoulder to cry with and listen to your problems and those bullshit moments together with him? Do you even remember when the day i hugged you and i said 

“Nandito naman  ako para mahalin ka”

But all you did was laugh and you replied “nagbibiro ka ba bes”. Do you even remember when the night i fetch you in the bar and you’re so drunk because of what he did? Do you even remember when the day you said he will always you greatest love? And you shouted me and you said that you can’t force yourself  to move on and let him go. Napaka tanga mo bes nandito lang naman ako na halos 6 years na nagpaka tanga sayo at nagpapasaya sayo tuwing masakit yan puso mo pero you chose him over me even though niloloko ka niya. Bakit hindi mo marealize ang worth ko than him? Do you remember time you’ll always miss him kahit nandito ako lagi sa tabi at lagi kitang pinapasaya? Do you remember the time you said that you can’t survive this world full of shit without him? How stupid naman! then i hugged you on that time right?

All i want to say is, open your eyes and look beyond the light. Don’t be such a fool and blind to a person who doesn’t fit to your heart. 


Nandito ako pero wala eh kayo na ulit.

-kahitpoginasasakatan

Crush mo ‘yong isang tao dahil sa personality.

May ganito pa ba ngayon? ‘Yong sobrang nagugustuhan ‘yong tao dahil sa ugali niya o kaya dahil sobrang bilib siya sa ginagawa ng taong ‘yon? Like magaling magsulat, kumanta, mag-drawin

Nagkacrush ka na ba sa isang tao na hindi tumingin sa itsura? Kasi mostly ‘di ba sa itsura tumitingin ‘yong tao ngayon pag dating sa crush? 

 Gwapo, maganda, cute, etc. Pero ayon, nagka-crush ka na ba sa isang tao dahil sa ugali nya? Sa talent o skill niya? O dahil sa minsan mo siyang nakitang gumawa ng isang bagay na para sa ‘yo ay sobrang remarkable? Eh di ayon na nga nagka-crush ka hindi dahil sa pang pisikal nyang itsura. Tapos sa pagdating ng mga araw eh nade-develop na lalo yung feelings mo para sa kanya, ‘yong dating plain na hitsura ay lalong gumagwapo o gumaganda habang lumilipas ang mga araw. 

Minsan mapapasabi ka na lang na  "Ang cute pala ng dimples nya / ang ganda pala lalo ng mata niya kapag nakangiti sya / pantay at maganda pala ngipin nya, etc. At yung dating simpleng crush lang nauwi na talaga sa totoong love. Para sa akin kasi ang ganda kapag ganito nagsimula yung pagkagusto mo sa isang tao, unrequited love man yan o hindi. 

Iba kasi kapag sa personality ka na-fall sa isang tao. Hindi dahil malaki katawan, sexy, swagger, famous sa Social Media. Tipong magiging bonus lang lahat ng makukuha mo once na tinanggap ka niya. Feel ko ‘yon yung type of love na kaya mo ipaliwanag kasi sobrang naa-amaze ka sa taong ‘yon. Maipapaliwanag mo kung bakit mo siya gusto at isa pa ‘yong way para lalo niyang galingan kasi malay mo gusto ka rin niya? Madalas kasi ganon, kapag nakaka receive ng compliment sa tao ‘yong mga artists. Lalo nilang ginagalingan kasi alam nilang may nakatingin sa kanila. 

Ayon ‘yong mga klase ng Love na hanggang sa pagtanda na talaga. Kapag binalewala niyo ang itsura ng isa’t isa at nagsimulang tumingin sa mismong pagkatao nila. Men, never na magfe-fade ‘yon. For keeps na ang ganung mga tao at huwag mo nang pakakawalan. Ako more on personality kasi. Kapag medyo boyish ka at mahilig ka sa laro at ang strong ng personality ang sarap mong mahalin kasi alam mo ‘yong feeling na ang tapang niya tapos pagdating sa ‘yo ang lambot-lambot niya. Haha!

Sana hindi pa nawawala ‘yong mga taong ganito. Yung bumilib o napamahal dahil sa skills and talent or personality. Hindi ‘yong walang mahanap kasi puro pang display ang gusto. Kaya maraming nasasaktan at hindi nagtatagal. Kaya tinitiis kahit ginagago na. 

- Infelice and Rhadson Thoughts. 

12 OVERUSED PAASA LINES DEDICATED PARA SA MGA “TANGA SA PAG-IBIG” 

Yes. At kung hindi ka pa rin informed, ikaw yung tinutukoy kong…tandadadannnn……

~*Tanga sa Pag-ibig*~

Dahil patuloy mo pa ring pinanghahawakan ang mga linyang “Laban, Laban.” ng SexBomb. Well, lahat naman talaga nagpapakatanga pagdating sa love. Pero merong iba na na kinarir ang pagiging Degree Holder.

So para mabawasbawasan ng konti ang, alam mo na, dapat aware ka sa mga paasa lines na madalas nilang ipang-lure para makuha ka niyang muli sa kanyang bitag for the nth time.

1. “Ayokong mawala siya pero mas ayoko ring mawala ka.”

“Takaw mo naman! May pa-buffet?”

“Ganid natin sa blessings ah. Isa-isa hoy.”

“Baka gusto mong ikaw yung unang mawala?”

“Wow. Hilig mo pala sa wholesale. Eh di sana dun ka sa Divisoria nagpunta. Pwede ding humingi ng tawad dun!”

2. “Masaya na ako sa kung anong meron tayo ngayon.”

“So feeling contented ang trip ganon? Eh paano pag hindi na tayo masaya? Iwanan portion na?

3. “Nag-assume ka kasi eh.”

“Wow. Ako talaga yung na-judge. Hindi ako tuluyang mag-aassume kung sa simula pa lang hindi mo na ako binigyan ng dahilan para mag-assume.”

4. “Mas ok yung hindi natin pinagsisigawan ang relasyon natin. Ang mahalaga mahal natin ang isa’t-isa.”

“Sinabi ko bang magpa-presscon ka?”

“Hoy. Making your relationship private is different from making it a secret! sana nagkakaintindihan tayo sa part na ito.”

5. “Atleast kapag mag-bestfriend hindi naghihiwalay.”

“Kontinente nga naghihiwalay. Ang sabihin mo, ayaw mo lang talaga ng commitment.”

“Bes bes, sorry pero I don’t settle for less.”

“Paasa ka mukha ka namang paa!”

6. “Hindi ko naman sinabing mahalin mo ako eh.”

“Wow. May kontrata tayong pinermahan?”

“Hindi mo nga sinabi pero ipinaramdam mo naman. Dapat sinabi mong magmanhid-manhidan din ako para fair.”

7. “Kung tayo talaga, tayo talaga.”

“Malamang. Alangan namang ‘Kung tayo talaga, eh di sila.’ Talino ng logic.”

“So kapag tinamad ipapaubaya na lang sa tadhana? Gawin mo part mo. Gagawin ko part ko. Walang tadha-tadhana dito. Abala siya sa lovelife ng Jadine.”

8. Mahal naman kita, hintayin mo lang ako, hihiwalayan ko din siya.“  

“Ahhhhh… timeline ko pala yung kelangang mag-adjust dito. Ilang beses mo na yang sinabi pero hanggang ngayon kayo pa din tapos ako hopia pa din!”

9. “Kung anong meron sa’tin enjoyin nalang natin.”

“Pwede bang bago natin enjoyin, can you please expound the word “SA ATIN.”?

10. Kung hindi man tayo ang magkatuluyan .Wag mong kalimutan andito lang ako.”

“Kung hindi man tayo magkatuluyan, ikaw na lang ang tutuluyan ko!!”

“Hindi naman talaga kita makakalimutang hayup ka!”

11. “Hindi naman natin kelangang lagyan ng label ang relasyon natin.”

“Huy. Lahat ng bagay kelangang lagyan ng label. Yung de lata nga dapat merong label para malaman mo kung alin yung sardinas sa cornbeef. Yung relasyon pa kaya na may involve na feelings!”

12. “Mamamatay ako pag nawala ka.”

“Huyyy. Mag-eexpect talaga ako jan ah. Aabangan ko yan.”

“SAMPLE SAMPLE!!!”

Paalala Lang

Mahal, patuloy kong paulit-ulit na sasaksakin ang mga sugat na malapit na maghilom kung ‘yan ang gusto mo.

At sa lahat ng pait na natikman ng dila ko tuwing hinahalikan mo ‘ko ay ang tamis tuwing hinahayaan mo akong matunaw sa iyong mga braso sa gitna ng mga gabing mapanghusga. Hayaan mo sana akong mahalin ka sa paraang alam ko. Hindi ko man maipagmayabang sa mga tala kung gaano ka katingkad kahit may liwanag ay handa naman akong iharap ka sa buwan, ang buwan na siyang may alam ng lahat ng nakaburda kong sikreto.

Matutunan mo sanang ipagpikit ng mata ang mga problema mo. Maisipan mo man lamang minsang gawing unan ang luha mo. Sa panahong kaya mo na at iba na ang umaalalay sa'yo, tatandaan mo sana na mas mahalaga parin ang maging mag-isang buo kaysa may kabiyak.

Mahalin mo ako ulit tulad noong naging tayo. Hayaan mong tumawa ulit tayo sa walang katapusan na kwentuhan. Yapusin mo ako ulit at halikan na para bang wala ng bukas.

anonymous asked:

Natututunan ba talaga ang love?

YES. Parang courtship lang naman po yan eh. For example you’re a girl, then liligawan ka ng isang stanger guy from your campus. Take note na stanger yun, hindi mo siya kilala at all. Then he’ll court you everyday, as time goes by na piniplease ka niya and making you happy, you are already in the process of knowing the guy even more and papunta ka na din sa way kung saan paunti unti ka nang makaka feel ng love. Tama ba ako? Na from a stranger, natututunan mo siyang mahalin kase sa mga pinapakita niya efforts. Hanggang sa madevelop ka na. 

Sabi nga ng girlfriend ko eh, “Sa dalawang tao nagkakatuluyan. ISA SAKANILA ANG NADEVELOP.” Make sense. 

  • Huwag mo mahalin ang taong di nagmamahal sayo. Kasi para ka lang namamangka sa kalsada. Di ka na nga umuusad mukha ka pang tanga. Tumayo ka sa bangka na iyong kinuupuan. Maglakad ka para may patunguhan ka

Kung pwede lang sana turuan ang puso,
kung pwede lang sana mahalin yung taong mahal din ako,
kaya lang hindi ganon ang buhay,
kasi kahit paikot ikutin ko man,
pilitin ko man na huwag kang mahalin,
ikaw pa rin,
ikaw pa rin ang pinipili ng puso ko.

Kung minamahal ko ang sarili ko. I should be happy. Kasi ako yung nagmamahal. Alam kong safe ako at di ko papabayaan. Alam kong maaalagaan ko ng maayos ang sarili ko at pwede ko rin iispoil na ako naman yung mag bebenefit. Masaya palang mahalin ang sarili. Try niyo rin.
—  Rhadson