mahal ko yung mga kaibigan ko

sa sobrang tagal niyo na magkaibigan ngayon niyo pa ba susukuan ang isa’t isa? normal lang naman na magaway at magtampuhan eh pero mangingibabaw pa rin dapat yung pagkakaibigan niyo. ako nga kapag galit sa mga kaibigan ko kahit kaya ko silang itaboy at i-unfriend hindi ko ginagawa kasi mahal ko yung mga gago na yon. tho ang issue lang naman talaga nila sakin lagi yung hindi ko pagpansin sa kanila. pero gets naman na nila yon kaya easy na buhay namin. pero seryoso kapag magkakasama kami andoon pa rin yung connection kaya hindi rason na kapag hindi kayo naguusap ng matagal o nawawalan na kayo ng oras sa isa’t isa eh hindi na kayo magkaibigan. ang babaw lang kasi ng problema eh pero pinapalala dahil kumikitid yung utak natin. ok ok coming from me pero duh, i know how to adjust. dami ko sinasabi kelangan ko na matulog pero nababanas kasi talaga ako kaso itigil ko na to dahil puro masasama na naman lumalabas sa bibig ko. makapagjakol na nga lang hudas na buhay to. last na pala, pero kapag ayaw ko na sayo ayoko na talaga. kahit ilang taon pa tayo magkaibigan?¿?? gaya dito sa tumblr may bestfriend ako for almost 2 years pero dahil gago ako pati rin siya hehe ayon hindi na kami nagpapansinan. tapos tinatanong ako nila derks kung wala na ba talaga pag-asa pero tangina ayoko na sayo. dude, lahat ng baho ko alam mo and vice versa pero tinapon mo lang yon. kaya ikaw na mismo ang itatapon ko namoka.

Dapat tini-treasure nyo yung mga kaibigan nyo na ginigising kayo para di kayo malate sa pag pasok. Yung kapag hindi tumunog alarm mo, sya yung ggising sayo. Haaaaay nakker mamshie elaine thankzu always pero bat ganoin huhu im having second thoughts kung papasok pa ba ako or ano huhuhuhu mahal na mahal ko bed ko pls huhuhu pero kailangan pumasok para sa kinabukasan namin ni crushie charot

Nung isang araw dineact ko acc ko nag uninstall ako ng Fb,Messenger pati Twitter hindi ko alam kung bakit bumabalik nanaman ako sa dati yung tipo na ayokong kumausap ng kahit na sino na kaibigan or kakilala ko yung feeling na parang wala akong gana kasi hindi ko din matandaan. Dumagdag pa na nag pm sakin yung ex ko na nag sosorry sa mga ginawa niya? Tangina niya ba after niya ako iwan ng walang dahilan after niya ako pag mukhaing tanga? Mahal pa sana kita kaso ayoko ng maging tanga :)) Yung feeling na gusto ko lang mag stay dito sa Tumblr, Feeling na eto na lang yung napag lalabasan ko ng loob, Skl.

tapos gagi. sobrang solid ng sawarikoy. ramdam ko pa rin yung excitement everytime na magkikita kita. ramdam ko yung care. yung solid na love. naks haha de seryoso, sobrang swerte niyo lang kung may isa kayo na kaibigan sa knila. isa sila sa blessing na binigay sken ni God. kahit na ang lalayo namin sa isat isa alam ko na napakaimportante ng bawat isa samin. sana maraming blessing pa dumating sa kanila for being them. for being real. sobrang saya ko lang kapag naaalala ko hahahaha napakaemotional ko pala ngayon wala eh pasensya na ngayon lang naman kasi sobrang miss ko sila. mahal na mahal ko tong mga kupal na to. salamat sa inyo <3

BUKAS PA-’PAK GANERN’ ANG MGA TALA

Unconditional Love? Wala kong panahon sa ganyan. Ang kailangan ko ngayon, air-conditional love. 70 deg C lang naman ang heat index dito sa Qatar na parang tinutunaw ang kalahati ng pagkatao ko kapag nagtatrabaho ako sa field. Para kang pandesal sa loob ng oven, ganyan. Akyat dito, takbo dun, tawag sa radyo, mega-update sa control room kung anong nangyayari sa labas. Ang lakas ko maka-action star sa sobrang hassle ng trabaho ko. Yung tipong tumutulo na sa mata yung mga pawis ko sa noo kaya halos di na ako makamulat sa sobrang hapdi. Palaging nag-rereunion yung luha at pawis ko na parang tuwang-tuwa pa sila habang napapa-tangina na ko sa sobrang pagod. Basang-basa lagi yung cover-all na suot ko. Sa buong 12-hours shift, nakakadalawang palit ako ng damit at brip na pwedeng-pwede mong pigain tapos isasampal mo sa pagmumukha ng kung sinong haharang sa daan mo at magtatanong sa’yo kung ‘okay ka lang’. Tapos may mga oras pa na pagod na pagod ka na nga sa trabaho pero papagalitan ka pa ng boss mong walang ginawa kundi magpalamig lang sa loob ng opisina. O yung tipong makakapagpahinga ka na din sa wakas, kauupo mo lang tapos ready ka ng kamutin yung betlogs mo dahil yun na lang yung tanging stress-reliever mo pero tatawagan ka ulit sa radyo dahil may kailangan na namang gawin sa field. Bukod pa dun yung kailangan mo pang pakisamahan yung mga katrabaho mong puro ibang lahi na hindi mo maintindihan yung ugali. Stress Level: Sagad. Tapos para sa ibang tao, ang bilis lang para sa kanilang isipin na madali lang kumita ng pera dito sa abroad dahil lang sa nagpicture ka na namasyal ka sa mall nung day-off mo. 

Kung tutuusin pwede ko ‘tong ipadala kay Ate Charo para sa next episode ng MMK kaya lang mas gusto kong mag-inarte na lang dito sa blog ko para mas damang-dama ko. Baka sabihan niya lang ako ng, “Ginusto mo yan eh!! So shut-up ka na lang.“ 

Hindi lang iisang beses na sinabi ko sa sarili ko na, “Tangina. Ayoko na. Uwi na lang ako.” Every duty ata yan ang pamatay na linya ko. Yet andito pa din ako, under the same scenario. Pero alam mo yun, sa kabila ng lahat ng hirap na nararanasan ko dito, napapangiti na lang ako minsan kapag naiisip kong dito ko mas natutunang pahalagahan ang mga maliliit na detalye sa paligid ko, na noon binabalewala ko lang. Kung gaano kasarap ng malamig na tubig sa dispenser lalo na kapag pawis na pawis ka, yung mainit na kape na taga-gising ko kapag night duty, yung malambot kong unan na amoy panis na laway, kung gaano kasarap gumising ng walang tumutunog na alarm clock, yung random na pagmention sa'kin ng mga kaibigan ko kapag may nakakatawang videos sa fb, mga simpleng chat galing sa taong mahal ko, maikling skype call galing sa inay at tatay bago ako pumasok sa trabaho, at yung bilang na bilang na mga oras na kasama ko sila kapag nagbabakasyon ako ng ‘Pinas.

Siguro, meron talagang mga bagay na kailangan mong gawin kahit ayaw mo. Mga bagay na kailangan mong gustuhin at piliin dahil yun ang kailangan at yun ang mas dapat. At dahil dun, mo mas mararamdaman na buhay ka. 

Hindi man ako palaging masaya dahil palaging ‘may hirap’, ~*atleast*~ atleast nagagawa ko pa ding ngumiti sa mga simpleng bagay na meron ako ngayon. At sapat na siguro ang lahat ng ‘to para masabi ko sa sarili kong, “Hoooh! Bukas ulit!” with so much feels.

#ProudOFW

Oo nga pala.

Napagtanto ko
Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Wala nga palang ikaw at ako
Sa kabanata ng libro

Oo nga pala,
Yung mga ginagawa mo wala lang iyon
Pang kaibigan nga lang pala
At wala ng mas lalalim pa

Oo nga pala,
Hindi nga pala tayo, at walang tayo
Kaya dapat apakan ang preno
At huwag umasa na parang meron tayo

Oo nga pala, hindi ako ang mahal
Dapat ibahin ang asal
Dahil Oo nga pala, sigurado ako
Na dapat hindi ako susugal

Medyo nakalimutan ko na pala
Na kahit anong haba man ng kalsada
Hindi ka uusad na ako ang kasama
kahit anong gawin, walang mapapala

Oo nga pala, iba nga pala ako
Hindi nga pala ako importante sayo
Maaaring konti, pero di sa paraan gusto ko, kasi magkaibigan lang tayo

Oo, pipilitin kong iukit ang mga katagang ito, hangang matauhan ako, pero kulang pa, pero huwag mo nang dagdagan pa, dahil ang sakit sakit na

Oo nga pala, gusto kitang tanungin
Bakit di nalang kasi ako ang gustuhin
Para ang mga sakit na ito ay limutin
Para di na puro sakit ang damhin

Ngunit, Oo nga pala
Nabanggit mo na nga pala
Na kahit anong paraan, kahit saan banda, hindi tayo ang para sa isat-isa

Kaya heto, ako nalang ay lalathala
Pipikit, magdadasal kay bathala
Sa kanya nalang lahat ay ipapa bahala
At ang sakit na hatid mo ay mawala na

Heto, puro nalang ako Oo nga pala
Dahil sa kahit sa huli, aasa ako
Kahit dulo na ng huli, ako'y maniniwala
Hihintayin ka, kahit anong sakripisyo

Kahit saan humantong
Kahit madaming tanong
At hanggang matapos tong paksang to
Kahit sabihin mong tapos na tayo

Gugustuhin kong masaktan lalo
Kesa mapunta sa wala ang paghihintay ko, kahit abutin ng linggo, buwan o dekada, hihintayin ka, ilang rebolusyon pa ng mundo ang umikot sa araw.

Kaibigan kita.

Sabi nya bakit daw ako ganito? Ang sweet ko daw, yung mga bagay na hindi na dapat ginagawa ng isang kaibigan, nagagawa ko parin. Sabi nya wag daw akong ganito. Biro pa nga nya, baka daw ma-fall sya kapag pinagpatuloy ko pa. Kaya sinunod ko sya, binawasan ko yung pakikipag-usap ko sa kanya. Binawasan ko yung lambing na normal lang sakin. Binawasan ko yung pag-sama sa kanya, kasi natatakot ako. Natatakot na baka isang araw bigla nalang syang mawala. Na baka pag nafall sya, hindi pa ako ready na saluhin sya. Na baka masaktan ko lang sya. Baka maging sobrang kampante ako sa kanya.

Hindi ko sinasabi tong mga bagay na to dahil gusto ko sya, ayoko lang syang mawala. Isa sya dun sa mga taong gusto kong makasama hanggang sa aking pagtanda. Yung taong kahit anong mangyari nandyan parin kami at handang sandalan ang isa’t isa. Ganyan naman talaga diba, kapag kaibigan.

Sana balang araw maisip nya to, na kaya ko ginagawa to para hindi dumating yung araw na umabot kami dun sa dulo, dun sa tuldok kung saan matatapos ang lahat-lahat ng kung anong meron samin, dun sa dulo kung saan makikita ko syang umiiyak at nasasaktan. Ayoko, ayokong umabot sa ganun.

“Mahal kita aking kaibigan, sana’y maunawaan mo kung gaano ka kahalaga sakin.”

A LETTER FROM HER.

Hi. I’m not good at words pero kinakailangan ko talaga tong gawin para sayo at para sa inyo. So yun, hi In case you didn’t know me, Isa ako sa mga taong naging dahilan kung bakit siya nagsusulat at ako narin ang dahilan kung bakit sobra ka niyang hinihintay. Walang anuman jk. Game seryoso na. Ako nga pala yung babaeng sabi niya na parang siya lang din, napakahilig mang-asar and at the same time, sobrang sarap din asarin. Ako yung nikwekwentuhan niya tungkol sa nanay ni Roberto at Emman. Yung tungkol sa powers ng mommy niya. Ako rin yung korni. Ako rin yung pag nagtampo kailangan pang i-flood. Ako rin yung sobrang hilig makipaglaro sa mga bata. Ako yung babaeng pinahiram lang ni Papa God sa kanya, para magbago. Sa kabilang banda, Ako rin yung sobrang nag wasak sa kanya. Ako rin yung dahilan kung bakit siya sinisipon kasi pina-iyak ko daw siya. Sorry, sorry kung sinaktan ko siya. Ang mahalaga nahanap ka na niya ngayon. Wait. Okay ka lang ba? Kasi sobrang isip na isip siya sayo eh. Madami na ba siya nakwento sayo? Hulaan ko, may kamanyakan parin ba? Siguro wala na goodboy na yan syempre dahil sayo. Hahahaha. Dapat pala noon ka pa niya nakilala para naman wala na yung kamanyakan niyang part, yung katamadan, at kapilyuhan. Ngayon, alam ko. Sobrang deserving na talaga siya sayo kahit noon naman eh, kasi alam mo sobra siyang nagsisikap na mag bago para lang sayo. Siguro nga sobrag dami ng babae ang nireto ng mga kaibigan niya sa kanyan pero ayaw niya kasi sobra siyang naghihintay sayo. Hindi ka pa nga niya kilala sobrang mahal ka na niya. Ikaw pala yung babaeng titingnan palang niya matatakot na siyang ligawan ka kasi may ganon daw na babae eh isang tingin niya palang alam na niya na mataas na yung gusto sa tao so para sa kanya wala na siya pero no, nag try siya. Hindi siya natakot. Sobrang mahal ka niya, Swear. Saksi ako sa mga sacrifices at paghahanda niya sa pagdating mo. Gaya na lang ng letter na ito. Matagal pa lang pero gusto niya ready na. Para if ever na masilip mo yung past niya masasabi niya talaga na okay na siya sakin. Okay na ako sa kanya. Okay na kami. Gaya niya, ayoko rin na mag-alala ka, ayokong isipin mo na hindi pa ako okay pero sa totoo lang sobrang excited rin ako para sayo at para sa inyo. Wag mong iisipin na from time to time na mag kausap kayo, bini-braidan ka niya, inaalagaan ka niya, pinapasaya ka niya eh may part na ako parin. Wag ganon okay? Alam kong bago ka matulog nag-ooverthink ka about sakin or samin. Wag ganyan ha? Wag kang mag-iisip ng mga ganyan okay? kaya nga niya ako pinagawan ng ganito para hindi ka ma-bother. Nagmomove-on na siya or ngayon na nababasa mo na to for sure nakamove on talaga siya. Ganon rin ako. Actually, sabay pa kami syempre para sayo. So ikaw na nga, yung pagdating sayo handa siyang sumugal. Ikaw na nga yung gagawin niya lahat para lang sa ikabubuti mo. Kaya please kung sino ka mang prinsesa snow white man or cinderella, wag na mag-iisip ng kung ano-ano okay? Promise? Good. Sige na. Enjoy okay? Glad you guys made it. Godbless for both of you. -Irina Angela Lising de Guzman.

On falling out of love

Pinangarap ko na ako yung babaeng mamahalin mo. Ako yung babaeng magpapasaya sa’yo. Yung wala ka ng ibang hahanapin pa. Ako yung babaeng pag-gising mo sa umaga, pinapanalingin mong katabi mo, kasama mo. Ako yung tatawagan mo para lang mag-good night at sabihan na mahal kita. Ako yung babaeng ipakikilala mo sa mga magulang at mga kaibigan at ipakita sa kanila at sa akin na proud ka kasi sa’yo ako. Ako magiging lagi mong ka-date, sa anniversary, sa valentines, sa pasko, sa bagong taon. Tayo yung magtatagal kasi nagmamahal tayo. 

Pinangarap ko. Hanggang ngayon pangarap pa rin. 

Minahal kita ng matagal sa paninwalang balang araw kaya mong suklian lahat ng pag-ibig ko para sa’yo. Minahal kita ng matagal kasi akala ko balang makikita mo na naghintay ako para sa’yo, nagtiis. 

Minahal kita ng matagal ….. pero napagod ako. Sa pagmamahal ko sa’yo ng mahabang panahon, hinanap ko rin yung pakiramdam na mahalin din pabalik. Naubos ako. Parang naibigay ko na lahat. Lahat lahat. 

Minahal kita pero hanggang dito na lang ako. 

THANK YOU AT NAGING PART KAYO NG 2014 KO LABLAB KO KAYO AYIIEE KIKILIGIN NA YAN HAHA

Nakakaluka yung title haha. Hello po sa inyong lahat. New year na naman, tatanda na naman tayo pero yung memories kasama natin yung mga mahal natin sa buhay ay di natin makakalimutan. Parte na naman eto ng past pero kailangan pa rin natin lumingon dito kasi di makukumpleto ang pagkatao natin kung wala eto at di tayo makakarating kung san man tayo ngayon. So ayun kabog sa intro magpapasalamat lang po ako sa inyong lahat kasi kahit na di ako marunong magblog well puro reblog lang ako tas note naging kaibigan ko pa rin kayo kahit na papaano charot. So eto na, yung mga taong nais ko pong pasalamatan dahil naging parte kayo ng 2014 ko:

Unang sa lahat ay si dashyangbeybee: Hi Kekhem! Gorgeous blockmate ko to at ang galing niya magsulat ng mga stories sa wattpad basahin niyo guys di kayo magsisisi char. Thankful rin ako sa kanya kasi dahil sa kanya nakilala ko si ate Daph. So ayun thank rin you kasi naging part ka ng 2014 ko at sana maging friends pa tayo sa susunod pang mga taon. Stay pretty as always Kekhem! Labyu :*

Next ay si Ate Ganda dakilanggerlpren: Uhm wala akong masabi sa kanya speechless ako jk lang eto na, ang masasabi ko lang kay Ate Daph ay thank you rin ate kasi di talaga gumanda yung blog ko kung di mo talaga ako tinulungan. Thank sa friendship kahit na baguhan lang ako dito sa tumblr binigyan mo parin ako ng pagkakataon na maging magkaibigan tayo. Sana ate wag kang magbago at stay strong kayo ni kuya Angelo, God Bless :)

Kay kuya dakilangboyyfriend: Di tayo nag uusap ever puro note lang ako sa binoblog mo pero happy pa rin ako dun. Ayun stay strong din kayo ni Ate Daph. Happy New Year, God Bless ;)

Kay mariangdalaga: Eto lang masasabi ko sayo, Akin lang si Rozen Elizalde hahah. Ayun thank you rin sa friendship at thank you kasi naging part ka ng 2014 ko yiie. :)

Kay ngitizoned: Ngiti ka always beb kasi mas lalo kang gumaganda pag ngumingiti. Sana maging friends pa rin tayo sa susunod pang taon. :)

Kay jiyologist: Pansin ko puro good evening,good morning lang convo natin bat ganun? haha kidd, Happy New Year, God Bless ;)

Kay paracos-pisces: Hi Daaxx!! Haha thanks for the friendship and thanks for being part of my 2014 char. Happy New Year and God Bless :*

Kay joaquinnapinsala: Wala akong maisip lol. Thank you naging part ka ng 2014 ko Thank you rin sa friendship kung meron man haha ;)

Kay nagtatagosakanila: Hello ate! Kahit nung birthday mo palang tayo nag uusap ang gaan ng loob ko sayo chos. Magkakasundo talaga tayo lalo na pag wattpad na ang pinag uusapan. Happy NewYear ate God Bless :*

Kay ordinaerika: Happy New Year bhe usap pa tayo more basta akin akin lang din si Rozen Elizalde haha.

Kay sinceriouslyy: Bheee ang gwapo talaga ni Vini. Nakatitig lang ako sa icon mo and waahh tunaw na ako haha. Thank you for being part of my 2014. God Bless

Kay imprincesspoohtatooh: Pehr!! Miss you Pehr. Thank you kasi naging part ka rin ng 2014 ko labyuu :* God Bless ;)

Kay scuareroot: Couuzz!! Thank you sa friendship at thank you rin naging part ka 2014 ko. Labyuu :* Sana friends pa rin tayo hanggang susunod na taon.

Kay dakilangkyut: Sige ikaw na ang kyut haha. Thanks rin sa friendship kahit na ang dalang natin mag usap. Thank youu.

Sa mga idol ko na marcelosantosiii matabangutak heyhaveyouseenthisgirl: Happy New Year po sa inyo

At kina bestfriends-na-ba-tayo-if-i happygoluckyako selpilurd anonymousketeer na nagsasabing WALANG FOREVER! haha Pero anong magagawa ko forever na pagka dyosa ko bwahah. Happy New Year sa inyo guys. :)

At sa inyo din:


Gustong gusto ko po talaga kayong pasalamatang lahat kasi naging parte kayo ng 2014 ko. Di ko po kayo makakalimutan charot. Sana maging friends pa tayo sa susunod pang mga taon. Sa mga di ko po nasulat salamat pa rin po. Thank you. HAPPY NEW YEAR EVERYONE :*

GOODBYE 2014. HELLO 2015.

To my Future Girl.

Hi. Hahahahah! For now, I don’t have any single idea about who you are but I want you to know na I really can’t stop myself thinking about you. Nagkita na kaya tayo? Nakausap na kaya kita? Kumain ka na ba? Masaya ka kaya sa mga oras na ‘to? Sana okay ka lang, Alam mo lagi akong nag-aalala sa’yo pero tiwala naman ako kay God na hinding hindi ka nya papabayaan kaya ayos lang. Sobrang dami kong gustong ikwento sa mga oras na ‘to sa’yo at dahil hindi pa kita kilala, itatago at iipunin ko nalang sila para pag dumating yung tamang panahon, doon ko na sila ikekwento. Gusto ko ring malaman mo na napakatamad kong tao pero dahil sa’yo, namomotivate akong mag-aral ng mabuti, Pasaway rin ako pero pinipilit ko yung sarili kong magbago para pag dumating na yung tamang panahon, masasabi kong deserving na talaga ako para sa’yo. Sobrang excited na kong makilala ka. Sobrang excited na kong ipakilala ka sa family and friends ko, Sobrang excited na rin akong mameet yung parents mo para makapag-thank you kasi dahil sa kanila, meron yung mundong to ng ikaw. Sobrang excited na kong ipagsigawan sa buong mundo kung gaano kita kamahal. Sobrang excited na kong ipakita sayo kung gaano ka kaimportante sa akin. Sobrang excited na akong mag-effort para sa’yo. Alam ko namang mahaba haba pa yung landas na tatahakin ko bago kita makilala, Alam kong medyo matatagalan pa pero wag kang mag-alala, I will never get tired of waiting for I know to myself na it will be all worth it. Take good care of yourself ha? Wag kang mag-alala, In the future, ako na yung mag-aalaga sa’yo pero sa ngayon, ikaw muna. Kung may hilig ka mang gawin, wag kang mag-alala, kung ano man yan, Suportado kita dyan pwera lang sa pagpatay, pagnanakaw o panghoholdap ha? hahahahah. Sana, suportahan mo rin yung mga bagay na gusto ko sa buhay. Inaamin ko, hindi ako perpektong tao, pasaway pa nga eh… kaya sana matanggap mo rin ako at wag ka sanang mag-sawang intindihin ako kasi ako sayo, sobra kitang iintindihin at hinding hindi ako magsasawang gawin yun kahit gaano mo pa sabihin na sobrang hirap mong intindihin. Sa ngayon, aral muna tayo ng mabuti ha? Sana kahit na hindi pa natin kilala yung isa’t isa, magsilbi pa rin tayong inspirasyon para gumawa ng mabubuting bagay kasi in the future, para sa’tin rin naman yun eh. Mahal na mahal kita at willing akong gawin lahat nang bagay maipakita ko lang sa’yo yun. Kung minsan ka nang nasaktan o may nakasakit na sa’yo, Pasensya na wala ako sa tabi mo para i-comfort ka. Pasensya na kasi hindi kita nagawang resbakan. Wag kang mag-alala, Hindi ako katulad nila at tutulad sa kanila. Takot akong gawin yung mga ganong klaseng bagay, May nanay rin ako, mga babaeng pinsan at kaibigan, iniimagine ko palang na ginagawa sakanila yug mga yun, naiinis na ako at Ayoko rin kasi dumating sa point na in the future, gawin rin yun ng iba sa mga magiging anak natin. Etong blog na to, Gusto kong ipabasa sa’yo to in the future para malaman mo na kahit nung wala pa akong idea kung sino ka, sobra na talaga akong interesado sayo. Again, Ingat palagi, I love you. God bless! Let’s make God as the center of our relationship ha. Ngayon palang na hindi kita kilala, Sobra na akong nagpapasalamat sakanya. Sana ganon ka rin :-) -Makh.

  • Walang perpektong relasyon. - May mga araw na masaya kayo, mag mga araw din naman inuulan kayo ng problema. Minsan nagkakasundo kayo, minsan naman may mga bagay na pinagtatalunan kayo. Maliit na bagay pinapalaki, dumagdag pa yung pride, edi isang malaking away. Pero hindi naman ibig sabihin nun eh hindi kana niya mahal. Ang selos, tampuhan at away naman ay parte din ng pakikipagrelasyon. Kung wala yung mga yan hindi niyo rin maa-appreciate kung gaano kasarap magmahal at mahalin.
  • Lahat ng bagay nadadaan sa maayos na usapan. - Bago ka magdesisyon, mag-isip ka muna. Huwag kayo magpadala sa galit, minsan kasi kapag galit tayo may mga bagay tayo na nasasabi, nakakasakit tayo pero hindi naman talaga totoo yung mga sinasabi natin. Subukan niyo munang mag-usap, linawin niyo ang mga bagay-bagay, pakinggan niyo ang isa’t isa. Tsaka dapat matuto din kayong umunawa, dapat hindi lang yung sarili ang pinapakinggan. Kung dapat magsorry, magsorry! Kung dapat mag-effort, mag-effort! Matuto tayong tumanggap ng pagkakamali at matuto din tayong humingi ng patawad.
  • Kung gusto palaging merong paraan. - LDR ba kayo? Magkalayo ba kayo ng school? Busy ba kayo sa mga schedule niyo? Sa tingin ko hindi yan sapat na rason para hindi mo magawang i-text at kamustahin yung taong mahal mo. 24 hours a day, 7 days a week, 30-31 days a month, grabe naman na sa mga oras na yan wala ka talagang panahon para sa taong mahal mo? Kahit sa simpleng tawag at text, matutuwa na yan na naalala mo siya kahit madami kang ginagawa. Kahit yayain mo siyang magsimba para mapanatiling matatag yung relasyon niyo, hindi mo ba kayang gawin? Kahit maglaan ka lang ng konting panahon sa kanya, malaki na aabutin niyan. Lahat naman ng bagay nagagawan ng paraan, maliban nalang kung ayaw mo din talaga na mag-effort para mapasaya siya.
  • Ayaw ng parents ko/Ayaw ng mga kaibigan ko/Umiepal si Ex. - Sabi nga nila, sa lahat ng lovestory may kontrabida na sagabal at haharang sa magandang takbo ng relasyon. Boring din naman siguro kung wala nun, kung walang problema kasi hindi niyo din mapapatunayan sa isa’t isa kung gaano katatag yung pagmamahalan niyo. Masusubok din yung kung gaano kayo katatag para ipaglaban yung isa’t isa, dyan masusukat kung hanggang saan ang niyong isakripisyo para mapanatiling matatag at masaya yung relasyon niyo.

Bakit siya pa? ‘yan lage ang tanong ko sa aking sarili. Bakit nga ba siya pa? Samantalang ako naman itong lageng nasa tabi mo, naghihintay na mapansin ang pagmamahal ko. Samantalang sa lahat ng oras ay nasa paligid mo lang ako lage, handang suportahan ka kung kailangan mo ng suporta, handang yakapin ka sa panahong kailangan mo ng makakasama, handang makinig sa’yo sa mga oras na kailangan mo ng makakausap.

Bakit siya pa? hindi ba sapat yung mga ginagawa ko sa’yo para hindi mo maramdaman at siya ang pinili mo? Hindi pa rin ba sapat ang pinapakita kong pagmamahal kaya napunta sa kanya lahat ng sukli na dapat ay para sa akin? Hindi ko maintindihan, ginawa ko naman lahat, binuhos ko lahat ng aking pagmamahal, ginawa ko lahat para mapansin at maramdaman mong mahal kita pero bakit hindi umubra? bakit wala lang sa’yo lahat ng yun? bakit hanggang ngayon e ang buong akala mo masaya ako para sa’yo–para sa lovelife mo? Akala mo ba wala akong pake dahil may mahal kang iba? Nagkakamali ka!
May pakialam ako! Hindi dahil masakit sa akin kundi nag-aalala lang ako sa’yo na baka dumating yung oras na masasaktan ka dahil hindi ako yung pinili mo.

Bakit siya pa? Bakit hindi nalang ako? Ako lang naman ang mas nakakakilala sa’yo e, ako lang naman ang nag-iisang taong handang harapin lahat ng hirap para lang sa’yo. Pero bakit siya pa rin? bakit parang naligaw naman yata yung pagmamahal mo at napunta sa iba? Mahal kita pero wala akong magagawa kase nasa iba naman ang atensyon mo, nasa ibang tao ang dahilan ng mga ngiti mo na dapat ay ako sana ang gumagawa para ‘sayo.

Bakit siya pa? Nakakainggit naman siya, mahal siya ng taong mahal ko, hinahanap siya ng taong hinahanap ko, pinapahalagahan siya ng taong pinakamahalaga sa buhay ko. Ang saya no? Napapagod ako kakaisip sa’yo pero ikaw, nasa iba yung atensyon mo, nasa kanya! Hindi mo man lang makuhang pansinin ako. Ang saya saya! Oo na! tanga na kung tanga pero mas mahal naman talaga kita!

Bakit siya pa? Sana naging ako nalang siya, para kahit papano maranasan ko yung pagmamahal mo, maramdaman ko yung saya dahil nagmamahalan tayo. Sana naging ako nalang siya, nang sa ganun hindi na kita pababayaan, hindi na kita papakawalan, hindi ko hahayaang mawala ka pa sakin. Iingatan kita, papasayahin, mahahalin. Pero sino ba naman ako para gawin yun e hindi naman ako siya. Ako lang naman ‘to. Yung kaibigan mong palaging nasa paligid mo naghihintay ng atensyon, naghihintay nga mga pagkakataong mapansin mo naman ako.

Bakit siya pa? Napakaswerte niya talaga. Lagi mo siyang pinapasaya, lagi mo siyang nililibre, lagi kang gumagawa ng mga paraan mapasaya mo lang siya. Ang swerte niya, pero ikaw ba masaya ka ba sa kanya? Kung ako lang sana ang pinili mo, hindi mo na kailangang mag-effort, hindi mo na kailangang magpagod at gumawa ng mga paraan mapasaya mo lang ako. Kung ako lang sana yung pinili at minahal mo, hindi mo na ako kailangang ipunta sa magagarang lugar, romantic at expensive na restaurant. Simple lang naman yung nais ko, ang pagmamahal mo lang, ang masuklian mo yung matagal ko nang nararamdaman sa’yo, simple lang naman yung gusto ko: Ang makasama ka habangbuhay.

Bakit siya pa? Kahit ilang ulit pa kitang tanungin e wala pa rin akong magagawa, siguro tatanggapin ko nalang na iba talaga ang taong para sa akin, ibang tao ang nararapat para sa akin. Pero kaya ko namang maghintay e, kaya naman kita saluhin kapag dumating yung araw na binitawan ka na niya, kaya kitang sagipin. Pero yung problema, pag sinalo ba kita, mamahalin mo na rin ba ako? Masusuklian mo na ba yung pagmamahal ko sa’yo? Baka kase pag sinagip kita e magpapasalamat ka lang at hindi mo marerealize na kaya kita sinagip kase mahal kita. Ang manhid mo! Siguro nga oras na para tanggapin na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin mo sakin, hanggang tropa lang yung tingin mo sa relasyon natin. Sorry pala ha, kung minsan KJ talaga ako sa mga lakad natin, hindi ko lang kase talaga kayang makinig sa mga kwento mong may kinalaman sa kanya. Ang sakit kase, hindi lang sa tenga, abot hanggang puso yung sakit. Hanggang dito nalang, susubukan kong kalimutan ka, susubukan kong layuan ka. Labag man sa puso ko, pero wala namang masama ang magsimula ulit diba? Wala namang masama ang kalimutan ang taong minsan ay minahal ko. Walang masama kung itatapon ko yung pagmamahal ko. Alam kong nagpapakatanga ako at dati yun. Hanggang dun nalang yun.

Bakit siya pa? Ay mali! Hindi na yan yung katanungan sa isipan ko. Bakit ikaw pa?. Oo! Bakit ba kase ikaw pa? Bakit ikaw pa na manhid at hindi kayang pansinin ang nararamdaman ko? Bakit maling tao pa? Bakit yung taong hindi naman ako kayang mahalin ang minahal ko? Alam ko na, magkaibigan kase tayo kaya na-inlove ako sa’yo. Pero pakshet! ang tanga ko talaga, wala namang magkaibigan na babae at lalake na hanggang magkaibigan lang ang tingin sa isa’t-isa. Siyempre dadating sa puntong isa sa kanila ang mahuhulog, isa sa kanila ang masasaktan at isa sa kanila ang maiiwang luhaan.

Bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa na kaibigan ko ang minahal ko? Bakit sa’yo pa ako nahulog? Mapaglaro ang tadhana, kaya dapat mag-ingat din tayo sa mga taong pinipili natin. Kaya tayo nasasaktan kase minamahal natin yung taong dapat ay kinakaibigan lang.

Minsan nga, hindi ko gets kung bakit niya talaga ako iniwan. Kung ano meron ‘yung bago niyang boyfriend na wala ako. Sabi naman niya sa’kin noon, sobrang mahal niya raw ‘ko at walang makakahigit sa’kin.
Kaya ngayon, sobrang insecure ako sa bago niya. Biruin mo nga naman, nahigitan ako nung lalake na ’yun, tapos sasabihin niyang walang makakahigit sa’kin? Patawa lang?

‘Di ko rin maintindihan ’yung sinabi niyang sobrang mahal na raw niya ‘ko pero mas pinili niya pa rin ‘yung isang ‘yun. Siguro kasi…walang makakahigit din sa lalaking ‘yun para sa kanya. Hahaha! Gaguhan lang!
Ginawa ko naman ang lahat ng gusto niya. Minahal ko siya ng walang kapalit, naging loyal ako sa kanya, at halos humiwalay na ‘ko sa mga kaibigan ko para lang sa kanya. Sabi pa nga ng iba ay bihira raw sa lalaki ang katulad kong magmahal. Sa kanya na kasi umikot ang mundo ko.

Iba rin kasi ang sayang nararamdaman ko kapag kasama ko siya, kaya mahirap siyang kalimutan. ‘Yung ngiti niya, ‘yung mainit na yakap na kahit nasa Alaska siguro kami o Canada ay hindi ako makakaramdam ng lamig. At kapag hawak niya ang kamay ko? Pakiramdam ko ay hindi na siya mawawala.

—   Chris ( Nakaraanzoned )
2

Ma/Pa, naalala niyo ba yung mga panahon na hindi kayo makatulog sa gabi kasi binabantayan niyo ako na may sakit? Naalala niyo ba yung mga araw na hinahatid-sundo niyo ako sa school kasi ayaw niyong naglalakad ako sa daan ng mag-isa kasi baka mapahamak ako? Naalala niyo ba yung mga araw na palagi akong sumasama sa inyo sa office niyo, sa grocery at kahit sa mga personal na lakad niyo kahit na matatanda yung kasama niyo? Eh yung mga araw na kinakarga niyo ako tapos sinasabihan niyo ako na mahal na mahal niyo ako at lahat ng ikakasaya ko ibibigay niyo? Naalala niyo ba yun? Ako kasi palagi, pero bakit parang wala nalang sa inyo yun ngayon? Nagbago na kasi ang lahat ngayon, ang layo layo na ng loob natin sa isa’t isa. Andami niyong gustong ipagawa sa akin, tapos kapag nagrereklamo ako sermon agad yung aabutin ko sa inyo. Tapos kapag nasa labas ako kasama yung mga kaibigan ko, nagagalit kayo. Pero kapag palagi nalang akong nasa bahay, sasabihan niyo rin ako na tamad. Ano ba talaga? Parang lahat nalang ng kilos ko pinupuna niyo, parang naghihintay nalang kayong magkamali ako. Tapos sa mga personal na desisyon ko palagi kayong nangigialam, wala ba kayong tiwala sa akin? Parang kontrolado niyo ang buhay ko at bawal akong magkamali. Palagi niyo nalang din akong kinukumpara sa mga kakilala ko, alam niyo bang masakit yun para sa amin? Lahat ng gusto niyo, pinagpipilitan niyo, hindi niyo man lang ako tinatanong kung ano yung gusto ko at ikakasaya ko. Tapos kapag nagkakamali ako inuungkat niyo agad yung mga pagkakamali ko noon. Ang sakit lang sa pakiramdam! Kasi ginagawa ko naman ang lahat para matuwa at maging proud kayo sa akin. Mahal ko po kayo, hindi ako gagawa ng mga bagay na ikakapahamak niyo at sana magtiwala kayo sa akin, parte din kayo sa mga pangarap ko. At lahat gagawin ko para sa pagtanda niyo, ako naman yung mag-aalaga sa inyo. Pero parang hindi niyo nakikita lahat ng ginagawa ko para sa inyo. 

Ang sarap sa feeling kapag may message ka sa inbox kaysa magkanoti ng notes.

Ewan ko ba pero napapa-smile talaga ako kapag may message sa inbox ko. Lalo na kapag sa umaga, goodmorning messages? Nakakatouch kasi isa ka sa mga binabati nila ng goodmorning. Tapos kapag online ka, hindi ka nila nakakalimutang kausapin. Kahit simpleng pagbati lang, mararamdaman mo na mahal ka nila kasi effort din ang pag-ta ha? Nakakabilib din yung mga taong masisipag mag-ta. Hindi kasi lahat ng blogger mahilig mag-ta eh. Yung iba taga-sagot lang ng ta. Mahilig akong magpublished ng TA’s. Hindi para ipagkalat sa dash na may mga kumakausap sakin. Gusto ko lang talaga itago lahat sa blog ko yung mga sinasabi ng mga kaibigan ko dito sa tumblr. Para someday I have something to read. Ang sarap din kapag may mga nagtatanong sayo sa TA. Kapag interesado silang malaman yung opinyon at ideas mo. Kapag interesado sila sa nangyayari sa buhay mo. Kapag interesado sila sa mga hilig at gusto mo. Nakakatuwa rin yung mga nag-aanon. Pero yung anon na mabait ha? Yung mag-tta sayo tapos hindi magpapakilala kasi hindi na importante sa kanila na malaman ng lahat na sa kanila galing yung message na yun. Nakakatuwa din yung mga anon messages kasi mas marami sa atin nakakapag-ta ng nakakakilig at seryosong bagay sa ganung paraan eh. Yung mga hindi natin masabi, nasasabi natin sa pag-aanon. Hanga talaga ako sa mababait na anon. Well, masakit lang sa TA kapag may nagsend sayo ng anon hate messages. Hindi mo yan maiiwasan. May mga blogger talaga na makapal ang mukha mang-hate sa anon. Pero hindi na yun mahalaga. As long as mas madami kang natatanggap na LOVE TA’S MESSAGES.

Siya yung lalake na araw araw akong liligawan. Walang araw na hindi niya ipapaalalang mahal niya ako. Hindi magsasawang gumawa ng effort para sakin dahil malaki man o maliit, maaappreciate ko. Siya yung lalake na ipapakilala ako sa pamilya niya ng maayos at hindi mahihiyang ipagmalaki ako sa kaibigan o tropa niya. Siya yung lalake na sensitive sa mararamdaman ko kapag may kinausap o tiningnan siyang babae. Yung magiging suplado sa iba dahil wala siyang pakialam sa ibang babae sa paligid niya. Kasama man niya ako o hindi, magiging tapat siya sakin. Walang tinatago at nililihim dahil may tiwala at mahal niya ako. Siya yung lalake na pagkagising niya sa umaga, itetext/icacall ako. Siya yung lalake na hindi magsasawang kausapin ako. Yung magiging interesado kwentuhan ako ng mga nangyare sa buhay niya. Yung dadamayan ako tuwing nakakaramdam ako ng lungkot at tuwing masaya ako, papaiyakin pa ako sa tuwa. Hindi niya kailanman pinaramdam na may kulang kasi lagi niyang pupunuin ng pagmamahal ang buhay ko. Siya yung lalake na mahilig sa surpresa, mahilig magpatawa at magpakilig. Yung lalakeng kusang bibilhan ako ng paborito kong pagkain, di niya iisiping demanding ako pero dahil gusto niya ito. Yung tanggap ako kung ano talaga ako, wala akong kailangang itago o ilihim sakanya. Dahil walang bagay na kayang sirain yung pagmamahal niya sakin. Sa ano mang away o tampuhan, di niya naiisip na iwan ako. Dahil nananatili at mananatili siyang matatag para sakin at samin. Yung sa kahit anong kulit at pasaway ko, hindi magsasawang intindihin at sakyan yun. Siya yung lalake na may pakialam sakin, magseselos kapag may kasama o kausap akong iba at magagalit kapag may katext o kachat ako. Yung iiyak kapag nasasaktan ko siya, hindi dahil mahina siya pero dahil hindi siya nahihiyang ipakita sayo ang nararamdaman niya. Siya yung lalake na parating maiisip yung nararamdaman ko bago siya gumawa ng desisyon. Siya yung lalake na magiging sweet at hindi magsasawang lambingin ako. Siya yung lalake na iintindihin yung mga pagbabago bago ng mood ko. Siya yung lalake na nandyan lagi para sakin, may problema man o wala. Yung magpaplano ng future niya na kasama ako. Yung sa bawat pangarap niya, nandun ako. At higit sa lahat siya yung lalake na mamahalin ang buong pagkatao ko.

Hi to my future lover. I love you.

Dahil sa pride na yan madalas kang malungkot. Tipong may pride tayong huwag sila kamustahin dahil gusto mo ikaw naman ang unang maaalala nila. Napansin mo kasing ikaw na lang lagi ang una eh. So sinubukan mong huwag magparamdam. Tapos yung expectations mo na baka hanapin ka eh hindi nangyari. So, sa tagal mong nawala sa kanya eh kinamusta mo siya at tinignan kung kung ano ang magiging reaksyon niya. Tulad ng dati. Normal na hello na hindi man lang nagtaka kung bakit matagal kang nawala. 

Siguro, yun ang lesson. Never ka mag expect na mahalaga ka sa isang tao. Hayaan mo lang na magkakilala kayo. Never kang mag expect na espesyal ka sa kanya. Wala namang mawawala eh. Basta, keep doing the right thing. Do your best as kaibigan. Masyado kasing mag imagine ang mga tao minsan eh. 

Same thing sa relasyon. May pride ka na huwag mag sorry dahil siya ang may kasalanan. Sabi nga sa starting over again ni Toni at Piolo. Yung scene nila ni Iza. Kailangan daw kapag mahal mo ang isang tao talaga eh kailangan mo ng allowance for mistakes. Which is tama. Hindi porket nagka away o may nagawang kasalanan eh hindi na magbabago yun. Siguro ang makakagawa nun eh yung mga wagas talaga ang pagmamahal. 

At dahil dun, naintindihan ko kung bakit hindi ako yung napili nung ex-MU ko. Mas nanaig yung pagmamahal niya sa EX niya at tinanggap yung pagkakamali na nagawa nung ex niya. Dahil dun naging masaya na lang ako. Kasi naging parte ako ng buhay nung tao na yun. At nalamang mahal nila ang isa’t-isa. Yun na lang naman ang tanging mareregalo sayo ng tao na nang-iwan eh. Yung malaman mong masaya siya sa naging desisyon niya. Basta ang mahalaga. Sa huli? Ok kayong lahat at masaya. Every heart break is a blessing ika nga 

Para to sa mga taong:

  1. Lumalapit lang pag may kailangan.
  2. Bigla na lang nang-iiwan.
  3. laging umiiwas
  4. Pinagmumuka akong tanga.
  5. Pinamumuka sakin na wala akong kwenta
  6. nagpaiyak saken.
  7. nagsabi saken na, “Hindi kita iiwan”, pero umalis na. 
  8. minamaliit ako.
  9. binabasura ako.
  10. nagsawa sa ugali ko.
  11. ayaw sa ugali ko.
  12. kumakapit lang dahil kilala ako. 
  13. manggagamit.
  14. tinalikuran ako
  15. sinasaktan ako.
  16. sinabing mahal nila ko, pero hindi naman pinaparamdam.
  17. paasa
  18. malalandi.
  19. hinusgahan ako.
  20. binabastos ako.
  21. sinira yung tiwala ko.
  22. akala ko kaibigan ko.

Para to sa inyo. Sagad Sagad.