mahal ko talaga tong mga to

Happy 6th baby!! //

Kahit anong mangyari, hinding hindi mawawala yung pagmamahal ko para sayo. Mamahalin kita at mamahalin pa ng lalo. Hindi kita isusuko, walang susuko sa ating dalawa. Akin ka, sayo lang ako. Kahit ano man ang away natin kayang kay natin tong lagpsan dahil mas matimbang ang pagmamahalan nating dalawa kahit na sa ano man.

Ikaw ang lalaking hindi ko inaasahan na magkakagusto sa katulad kong mahirap mahalin ang sarili, pero nagawa mo akong mahalin at salamat doon mahal ko. Walang makakapantay sayo dito sa puso ko. Ikaw lang, ikaw lang talaga.

Parehas man tayong busy ngayong week o ngayong buwan nakakagawa pa din tayo ng way para makita ang isa’t isa ( oo na babe hahahahaha basta masaya ako nakita kita kahapon) lalo kana, salamat sa lahat, sa mga pagbabago na nagawa mo dahil sa akin, sobrang salamat doon mahal ko.

Walang bibitaw ha? Kakayanin natin lahat ng pagsubok na darating. Mahal kita. Mahal na mahal kita at sayo lang ako, at akin ka. 💕

Tama na siguro..

Ang tadhana nga yata'y sadyang mapagbiro. Pero sa awa ng Diyos, pagod na kong makipaglaro. Mahal ko, tama na siguro. Tama na siguro ang kahibangan kong to.

Kailangan na kitang bitawan lalo na’t umpisa pa lang wala na kong pinanghahawakan. Ako lang talaga tong tanga na pinagpipilitan. Kahit na pilit na ring isinasampal sakin ng realidad ang katotohanan. Katotohanang ang pagmamahalan nati'y matagal ng nawakasan.

Pagiyak gabi gabi ay kailangan na ring tigilan. Dahil tangina naaawa na ako sa aking mga unan. Mga unan na naging saksi ng aking kalungkutan. Kalungkutan at sakit na iyong iniwan.

Bakit nga ba ko patuloy na kumakapit pa? Patuloy na umaasa na babalik ka pa? Kahit na alam na alam ko nang may iba na. At ikaw nga ay masaya na.

Mahal ko, tama na siguro.
Tama na ang katangahan kong ito.
Kung kaya mo, kaya ko. Kakayanin ko.
Dahil mahal ko, pagod na ko.

“Mahalin mo ang sarili mo para anuman ang sabihin niya, para sa'yo man o hindi. Hindi ka na maaapektuhan. Bb, maawa ka sa sarili mo.” - Guel

Haaay. Mahal ko talaga ‘tong taong 'to. Isa siya sa mga walang sawang nakikinig sa mga problema ko. Siguro dahil pareho din kami ng pinagdaan kaya naiintindihan niya ako. Natatauhan talaga ako kapag siya na yung nagbibigay ng advice sa'kin e. Buti na lang, hindi na matigas ulo ko. Haha. Ewan ko, basta pag galing sa kanya, alam kong tama mga sinasabi niya.

Totoo naman, hindi lang si ex ang may kasalanan kung bakit nangyari ang mga bagay-bagay. But I need to forgive myself, too. Kung masaya na si ex, I should be happy also. Kung dati, hinohope ko pa na sana ako yung mga tinutukoy niya sa bawat tweets niya. Ngayon, alam kong hindi na ako yun at tanggap ko na yun. May kirot, pero hindi na katulad ng dati na i-ooverthink ko pa hanggang sa makatulog ako kakaiyak.

Kagabi, sa panalangin ko, nasabi ko na yun na ata yung araw na narecognize ko na yung worth ko. For real ha. Kasi nagsasawa na 'ko umiyak, mag-isip, umasa, like, ano ba Camille? Hanggang kelan mo gagawin sa sarili mo yan? Kaya kahit ano pa man makita ko regarding sa kanya, hindi ko na binibigyan ng meaning. Simply because I know we’re done. As in tapos na talaga. Nakakagaan sa loob sa totoo lang. Feel ko kasi, sa kakaisip ko, nagiging toxic na 'ko, kahit sa ibang tao.

I feel good right now. And I know someday, I will be better. Handa na akong umusad, ialay yung pagmamahal na meron ako sa sarili ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at sa Diyos.

Kaibigan kita.

Sabi nya bakit daw ako ganito? Ang sweet ko daw, yung mga bagay na hindi na dapat ginagawa ng isang kaibigan, nagagawa ko parin. Sabi nya wag daw akong ganito. Biro pa nga nya, baka daw ma-fall sya kapag pinagpatuloy ko pa. Kaya sinunod ko sya, binawasan ko yung pakikipag-usap ko sa kanya. Binawasan ko yung lambing na normal lang sakin. Binawasan ko yung pag-sama sa kanya, kasi natatakot ako. Natatakot na baka isang araw bigla nalang syang mawala. Na baka pag nafall sya, hindi pa ako ready na saluhin sya. Na baka masaktan ko lang sya. Baka maging sobrang kampante ako sa kanya.

Hindi ko sinasabi tong mga bagay na to dahil gusto ko sya, ayoko lang syang mawala. Isa sya dun sa mga taong gusto kong makasama hanggang sa aking pagtanda. Yung taong kahit anong mangyari nandyan parin kami at handang sandalan ang isa’t isa. Ganyan naman talaga diba, kapag kaibigan.

Sana balang araw maisip nya to, na kaya ko ginagawa to para hindi dumating yung araw na umabot kami dun sa dulo, dun sa tuldok kung saan matatapos ang lahat-lahat ng kung anong meron samin, dun sa dulo kung saan makikita ko syang umiiyak at nasasaktan. Ayoko, ayokong umabot sa ganun.

“Mahal kita aking kaibigan, sana’y maunawaan mo kung gaano ka kahalaga sakin.”

February 14, 2014

Night before valentines day, magkausap kami (as usual) hanggang sa makatulog kaming dalawa, hindi ko alam kung anong nangyayari sakin pero naging sobra akong madrama and bitter. Kasi nga, pagbukas ko ng facebook, puro ka-sweetan nababasa and nakikita ko, hindi naman ako dun nabibitter pero dun lang sa nakikita kong magkasama ang mga mag boyfriend-girlfriend sa valentines day, bastaaaaa. Super drama and iyak ko kasi nga gusto ko siya makasama. As innn!! Tapos habang umiiyak ako, pinapatahan niya ko and paulit ulit niya kong sinasabihin ng “mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita.” Hehe Bastaa! Yun na yun. So ayun nga, sobrang antok na niya and pagod pero sinusubukan parin niyang wag matulog. Kasi nga gusto ko hanggang 12am gising kaming dalawa, sasalubungin namin ang valentines. Pero sobrang sweet niya na sakin as in grabe! Kahit nga matulog na kami agad agad okay lang eh. So ang ending 11:57pm nakatulog na siya. Di ko na siya magising, so nag message nalang ako sakanya, syempre yung sweet at sinabi ko kung ano talaga nilalaman ng puso ko. After kong mag message natulog narin ako.

Then pagkagising ko (syempre valentines day na) pagtingin ko sa viber 15 missed calls. Then ang daming messages. So eto nga. Nag reply siya sa message kos akanya and nag message din siya sakin..

“Ako isa lang masasabi ko, I LOVE YOU MORE! Ay dami na pala! :)) HAPPY MITCHI DAY para sakin tong araw na to, kasi ikaw tong puso ko eh. :) yung sinabi mo mahal, isa yun sa mga pangarap ko. Magtulungan tayo mahal na maabot ang pangarap natin. Babe maraming salamat sa lahat ng binibigay mong pagmamahal at panguunawa, pasensya na minsan kasi di ko alam kung anong gagawin para mapasaya ka at madalas nag eend naman sa tampuhan. Kaya pinangako ko sa sarili ko pag nagsama tayo babawi ako dun sa mga araw na nakaramdam ka ng lungkot at pangungulila. Mahal na mahal kita babe. Kaya wag na ma-sad asawa ko. *insert heart* *insert smiley face* *insert sweet emoticons* *insert HAPPY BIRTHDAY Logo* ay mali na! Hahaha! Pero sabi nga magkamali man, hindi naman nauubos yung pagkakataon para baguhin yun. :)”

4:33 am – dun na niya ko tinatawagan sa viber, nanghiram pa siya ng cellphone kay “Pulong” –(siya yung isa sa mga inuutos utusan nila sa house nila) –nanghiram siya kasi nga nawala phone niya, so ilang beses siyang tumawag pero di niya ko macontact, lowbat kasi pala cp ko di ko napansin. Kaya ayun ang ending isang oras ata siya naghintay magising ako, nagbabakasakaling marinig ko call niya sa viber, kaso hindi ako nagising, kaya natulog nalang siya ulit.

7:30 am
“Good morning asawa ko I love you!”

8:05 am
“Dito na ko sa work babe I love you!”

– So ayun nga, syempre ang ganda lang ng gising ko, maiimagine niyo naman siguro kung gano katamis at abot tenga ang ngiti ko diba. Tangina! Yung kilig na naramdaman ko promise! Winner! Hahaha. Hashtag: KiligPepe Charot! Hahaha basta so ayun na nga. Nag message-an na kami and everything. Hangganggggggg.. Hanggang sa umabot na ng hapon. Nanunuod ako nun ng TV ng biglang may nag doorbell. Inisip ko wala naman akong inaasahang bisita, wala din namang bisita si mommy. So nung sinilip ko lalake na naka uniform. Si maning pala na delivery boy! Hahaha. So ayun nga, pagbukas ko ng gate, eto agad nakita ko. Isang box. Inisip ko, baka yung inorder ko sa isang online shop dumating na, pero nagtaka ko kasi box ang ipinadala.

Kaya nagtaka ako, kung bakit medyo malaki ata. So pag tingin ko kung kanino nanggaling..

Aba namannnnn! Galing pala sa asawa ko. Haha. Super napatili talaga ko sa kilig. Tapos super nagulat si manong delivery boy, super smile din siya sabay sabing.. “Valentines day kasi eh, pinadalhan ka ng boyfriend mo.” —haha.aba aba! Pano naman nalaman ni kuyang galing sa boyfriend ko yun. Pero sabagay sa tili at kilig na naramdaman ko gets na niya agad. HAHAHA. So eto naman, chumika ulit si kuya. Tapos sabay tinuro sakin yung nakasulat sa box..

With chocolates pala ehhhh! Nako. Nako so umalis na nga si manong. Tapos nung binuksan ko na ang surprise sakin ng baby ko. Eto na yun..

Except dun sa flowers kasi bigay sakin yun ng nanay at tatay ko. Nakasabay lang sa pic. Hehe. So syempre sobrang nagulat ako kasi wala naman siyang kinkwento na nagpadala pala siya, tapos pinapafeel niya sakin na wala siyang gift and haharanahin niya nalang ako sa valentines day– which is lagi niyang ginagawa, lagi niya kong hinaharana. Hehe. Sweet noh? :“”>

So nung pagkaopen ko ng gift, sinabi ko agad sakanya. Sabi ko… “Ikaw ahhh may surprise ka pala di mo sinabi. Bad boy ka! Punta ka naman sa condo ko mamaya.”– CHAROT, DI KO NAMAN YUN SINABI. AYAW KO NAMAN SIYANG MABUGBOG EH. HAHAHAHAHAHA. pero seryoso, nagpasalamat ako, and sobrang naramdaman ko na ang sarap pala talaga pag yung taong mahal mo, mahal ka rin o kaya naman mas mahal ka niya. Hayyy. Tapos etong reply niya.

“Hahaha ang bilis ahh talagang hinabol haha. Akala ko hindi aabot eh. Di mahal ko sabi ko kasi kay mommy ipadala nalang kahit di umabot ng valentines, akala ko sa sabado nalang ipapadala, pagdating ko kagabi sabi ni mommy napadala na daw niya yung pinapadala ko. Huh? Sabi ko. Ang bilis naman, may ipapadala pa sana ako eh. Ayun. Pagpasensyahan mo na babe yung bigay ko. Sorry din kung di ko nasulatan ng kahit anong message yan, si mommy kasi pinadala kaagad. Anyway baby sana kahit papano napasaya kita ngayong araw. Sa totoo lang napaka natural saken tong araw na to. Nothing special. Wala lang, lagi ko kasing nararamdaman na valentines day basta alam kong nandyan ka lagi para sakin eh. Feeling ko everyday valentines kaya nasanay na ko sa araw araw valentines satin dalawa. I love you babe. Bawi ako next time :) hehe.”

– hayyy ano pa nga ba ang masasabi ko. Ang sarap sarap mabuhay, ang sarap magmahal! Kahit na hindi perpekto, madaming masasaya at masasakit na nangyayari at pwedeng mangyari, magkahiwalay man kayo ng landas, mag bati, mag away, kung kayo, kayo talaga. Babalik at babalik parin kayo sa piling ng isa’t isa. At habang tumatagal, habang nalalampasan ninyo ang marupok na daanan, mas lalo kayong tumatatag, mas nag gogrow kayo as a person, mas lalo niyo ding natutulungan ang isat isa na maging matatag at mailabas ang best ng bawat isa.

Babe, mahal na mahal kita. Maraming salamat sa lahat. Salamat at nakilala kita, na binigay ka sakin ng Panginoon, sana babe hanggang sa maging losyang, kumulubot ang balat, puro uban na ang buhok ko, ikaw parin yung taong masasabi kong rason kung bakit araw araw akong kinikilig, ikaw parin yung rason kung bakit ako masaya, ikaw parin yung rason kung bakit excited akong gumising. Ang pinakarason kung bakit para sakin napakasarap magmahal.
:’)

Worst feeling ever, yung bigla nalang nagbago ang lahat sa inyo.
  • Dati palagi kayong magkausap, magkatext, magkachat, minsan nakikipag late night call pa siya sayo. Tapos bigla nalang nabawasan yung oras ng pag-uusap niyo. Hanggang sa madalang nalang kayong mag-usap. Hanggang sa ikaw na yung naghahabol para magkausap sayo.
  • Dati sapat naman yung mga effort na binibigay mo sa kanya. Yung atensyon, oras, pagmamahal at paglalambing. Pero bigla nalang naging kulang sa kanya ang lahat ng ginagawa mo. Hindi kana niya naa-appreciate. Hindi na din siya nage-effort para mapasaya ka.
  • Dati lahat ng oras niya binibigay niya sayo. Hindi siya nakakalimot na kumustahin ka, na i-remind ka na mag-ingat. At kung may bakante talaga siya, nakikipagkita siya sayo. Pero bigla nalang siyang naging busy ng walang dahilan. Ni hindi kana niya nakakamusta. Kapag lumalapit ka umiiwas siya. Kung dati sayo lang umiikot yung mundo niya, ngayon hindi mo na alam kung ano na mga pinagkakaabalahan niya.
  • Dati kuntento naman siya sa kung anong meron kayo. Masaya siya sa piling mo. Halos ikaw na yung bukambibig niya. Sabi niya nga sa sarili niya, "Mahal ko tong babaeng 'to." Pero biglang nagbago yung isip niya. Saan ka ba nagkamali? Saan ka nagkulang? Binigay mo naman lahat, pero bakit nagkaganito? Bakit bigla nalang siyang nang-iwan.
To the guy who's going to love her next....

To the guy who’s going to love her next….

Para sa susunod na lalaking magmamahal sakanya.

– I honestly really don’t know why I’m posting this thing right now pero sa mga oras na ‘to, isa lang yung alam ko, Etong babaeng to. Mahal na mahal ko to. Sobrang importante neto sakin. I’m willing to do everything just to make this girl happy, no doubt. She’s a friend of mine, a great friend of mine, and just a friend of mine. Hindi naging kami, Walang kami at never magiging kami. Hindi kasi pwede eh. She’s too far, She doesn’t deserve long distance relationships. Alam mo yung gusto ko para sakanya? Gusto ko yung malalapit lang. Para they can do everything sweet. A girl deserve that kind of relationship, Yung kulitan, Yung may magb-braid ng buhok nya, Yung may movie marathon, Yung may hatid sundo tapos sasabihin mo dun sa tricycle driver, “Brad, Ingatan mo to ah, Papakasalan ko pa to.” Haha! Yung may mga ganon ba. Hindi yung skype skype lang. Hindi yung tawag tawag lang. Ni muka ng isa’t isa hindi nyo pa nakikita. Hindi ko to niligawan hindi dahil sa ayoko ng ganon kung hindi dahil sa ayoko magkaron sya ng ganong klaseng relationship.She’s too perf for a guy like me. She’s everything and I’m just nothing. I admire this girl so much and I aint sure if she feel the same way too. Maybe she did, once, Pero ngayon? I don’t think so. Haha! Maloko kasi ako eh. If you ever don’t know her that well, Let me introduce to you a bit of her and show you what to do’s because they’re the right ones; Alam mo ba brad, Etong babaeng to, Parang ako lang, Napakahilig mang-asar and at the same time, Sobrang sarap din asarin pero don’t get annoyed kasi ako na mismo yung nagsasabi na sya na ata yung pinakacute na babae sa buong mundo. Ang cute nyang asarin, Ang cute nyang maasar. I honestly could spend my whole life na inaasar lang sya at hinding hindi ako mab-bore dun. Kaya ko yun! Ang saya kasi eh. hahahah. Etong babaeng to, Makwento din naman kaso most of the time ako lang yung nagkekwento dito eh, Pero makwento sya! Gusto ko, Katulad ko, Maging makwento ka rin okay? Ayokong nab-bore sya sa lahat ng magiging conversation nyo. Kwentuhan mo sya ng kahit ano. Kahit tungkol pa yan sa utos ng nanay nila Roberto at Emman, Kahit tungkol pa yan sa mahiwagang bibingka, sa mga super powers ng mommy mo o kaya tungkol sa 'Kung paano magluto ng sinigang na lapis’ hahahahahah. Okay ba? :))) I want you to be funny too. Every girl deserves a guy who’s funny. Gusto ko makita ko to palagi na masaya. Gusto ko makita to palagi na nakatawa. Siguro naman hindi to mahirap pasiyahin eh, Kasi yung mga simpleng jokes ko tinatawanan naman neto! hahahah. Korni din pala to. hahahahah pero cute parin. Wag na wag mo nga lang sasabihing korni sya kasi magtatampo to. Masanay ka na rin kasi aasarin at aasarin ka neto ng bading. Pero wag kang magpapatalo, Sabihin mo dyosa ka, Sabihin mo rin na mas maganda ka sakanya, Itaas mo ang bandera natin, kahit na alam mong wala nang mas gaganda pa sakanya. Pag nagtampo nga pala 'tong babaeng to, Gusto nya yung nif-flood sya. Ewan ko kung bakit pero ayun yung gusto nya eh. Napansin ko lang. Pag nagtampo sya, Suyuin mo, Hindi yung sasabayan mo rin yung pagkatampo nya. Iflood mo, Kung p-pwede wag mong titigilan hanggat hindi kayo nagkakaayos. Wag na wag kang matutulog na magkagalit kayo. Wag na wag mong hahayaang matulog sya ng malungkot, Sasapakin kita pag ginawa mo yun. Seryoso ako. Mahilig nga rin pala to sa mga babies, Sobrang hilig nya makipaglaro sa mga bata, Wag na wag mo tong sasabihang immature o kaya childish dahil dun because I find that so attractive. Sobrang cute nya talaga. Wag na wag ka ring mangkakandong ng ibang babae kasi ayaw na ayaw nya non, Lalo namang wag kang mangbabababae mapakayo man o hindi, Make her feel that she’s the only one. Okay lang yung mafeel nyang marami syang kaagaw sayo pero never let her feel na magpapaagawka sakanila. Alam mo brad, Ang swerte mo dito kasi kahit gaano ka pa kadrama, Kahit gano pa kahaba yung mga sasabihin at ikekwento mo sakanya, Talagang makikinig sya at babasahin nya yung mga yun which is sobrang nakakatuwa. Sana lahat ng tao ganon no? Swerte mo talaga dito kasi eto yung tipo ng babae na sobrang simple. Walang arte sa buhay. Hindi sya ganon ka-demanding, kahit anong sabihin mo sakanya, okay lang. Kung ano yung desisyon mo, Okay lang din. Never ko pa tong nasaksihang magreklamo sa lahat ng ginawa ko. Sobrang mahal na mahal ko talaga to brad, Ewan ko nga kung bakit di ko niligawan eh. Minsan talaga may pagkatanga ako. Haha. Pero ayos lang. Siguro hindi nga talaga ako yung taong para sakanya pero kahit na ganon, Every minute of my life, Simula nung nakilala ko sya, Sya yung isa sa mga naging main sa prayers ko. Sabi ko kay Lord, Sana sya nalang yung para sakin, kung hindi man, sana mapunta sya sa taong deserving magkaroon ng isang katulad nya. Kaya nga, Binibigay ko na sa'yo eh. May tiwala kasi ako sa'yo. Naniniwala kasi ako na mas better ka sakin, na mas matino ka kesa sakin, na mas mapapasaya mo to kesa sakin. Ligawan mo to ha? Mahalin mo. Pakasalan mo. Hindi yung gagawin mo nga lahat ng yan tapos sasabihan mo ng sandamakmak na sweet words pero di mo naman pala liligawan. Pinaasa mo lang, Pinafall mo lang. O kaya yung naging kayo nga pero hindi mo naman pala papakasalan, Nakipagbreak ka lang, sinaktan mo lang. Wag ganon brad. Kung may balak ka mang ligawan to, Dapat sigurado kang mahal mo talaga to. Lamo namang importante sakin to diba? Ayokong nasasaktan to. at……… Wag mo gagawin yung mga sinabi ko as a favor, Gawin mo yun kasi talagang gusto mo. Magtino tino ka ha? Please lang, Wag na wag mong sasaktan yan, Yung mga sinabi ko, Importante yung mga yun, Mas importante pa sa secret formula ng krabby patty kasi dito nakataya yung kasiyahan ng prinsesa ko, ng rapunzel ko. Yung katinuan ng buhay nya, yung mga bagay na deserve nya. Ayun lang at maraming maraming salamat, Godbless!


at ikaw, Ms. Irina Angela Lising de Guzman, Naniniwala ako na someday, Mapapadpad ka rin sa blog kong to. Na if ever nga na mangyari yun, I really am hoping na sa mga oras na binabasa mo to ngayon, Masaya ka…. Sana masaya ka na kahit hindi na ganon kita yung presence ko sa buhay mo. Sana dumating tayo pareho dun sa puntong pag naaalala natin yung isa’t isa, Mapapangiti nalang tayo. Yung bang tunay na ngiti, Wala nang sakit. No more heartaches, No more feelings…. Wala nang panghihinayang. Ang drama ko diba? Hahahah. Pero seryoso ako. Sana dumating yung araw na pag naging successful ka na at nagkaroon na ng pamilya’t asawa, Sana maging masaya ka sakanila ng sobra sobra at sana dumating yung oras na pag natripan mo, maikwento mo rin ako sa mga magiging anak mo, Yung love story natin… Astig non siguro! Haha. Mahal na mahla kita. Lamoyan, Pero sa mga oras na to? Etong mismong oras na binabasa mo to ngayon? Hindi ko alam, Hindi ko sigurado kung nasaan na ko at anong ginagawa ko sa mga oras na binabasa mo to ngayon, Pwedeng i’m in a place kung saan masaya na ko at mapayapa na yung puso’t isipan ko pero pwede rin namang nam-mroblema parin ako kung paano ako makakamove on sayo pero nvm, It doesn’t matter. What matters the most is YOU. To end this, I want you to know na I do really love you. Maybe sa mga oras na binabasa mo to, Pwedeng oo parin at pwedeng hindi na pero kahit anong mangyari, Mahal parin kita bc sabi nga nila, You can’t unlove someone, You can just change the way you love them. Okay? Lastly, Natatandaan mo pa ba yung sinabi ko sayo na wala munang tayo ngayon, hindi muna tayo friends, tsaka na kita kakaibiganin pag okay na ako sayo? pag okay na tayo sa isa’t isa? Now, I think this is the right time to ask you…….. Friends? Sana pumayag ka :-) Aral muna oki? Sa mga oras na to, Kung nasan ka man ngayon, at kung nasan ako ngayon, eto yung eksaktong place na gusto ni God na kalagyan natin, kaya okay lang yan!:) and for additional, Kahit anong mangyari, I swear, Ikaw at ikaw lang ang magiging Rapunzel ng buhay ko. Haha pramis talaga :))) Soo that’s it! Godbless!!! Nice meeting you, Rapunzel!!! -Marc Michael L. Tan (Not your flynn & it sucks)

Ako kasi hindi ko na pinakawalan kasi hindi ko siya kayang makita na hawak ng iba. Naranasan ko na yun at nakita. Hindi ko kinaya, nasaktan at naging miserable ang buhay ko. Kaya nung araw na pinakawalan siya at hindi binigyan ng halaga. Nangako ako at binigay ang salita sa kanya. Akin ka na lang, tayo na lang. Kayanin natin lahat hanggang sa huli. At ibinigay niya sa akin yung tiwala na ‘yun. Kaya inaalagaan ko siya at sobrang minamahal.

Ayaw kong dumating yung araw na wala akong tatakbuhan dahil nawala pa yung nag-iisang babaeng bukod sa pamilya ko na malapit sa puso ko. Yung babaeng tunay na nagmamahal at walang ibang intensyon. Minahal niya yung ako lang at wala ng iba. I’m so thankful for that.

May mga bagay na worth waiting for. May mga pagkakataon na magagalit ka sa itaas dahil hindi pa binibigay. Minsan pala kailangan mo lang ng faith at patience sa isang tao. Sa pag-ibig, bawal ang naiinip. Sa pag-ibig pala, worth it lahat kapag maraming pinagdaanan. Nasaktan man ang puso niyo dati. Kapag pinagtagpo kayo ulit mas ma-appreciate niyo ang isa’t-isa.

Kaya sa mga taong nagmamahalan diyan. Wag susuko kapag mahal ka rin ng taong mahal mo. Minsan, mahina lang ang tao at kailangan mong intindihin yun. Kailangan mo maging malakas kapag mahina siya. Kailangan mo lang antayin na kuhanin niya ang kamay mo kahit na mangalay ka sa kakahintay na kuhanin ang kamay mo para matulungan siya.

Basta, yun ang natutunan ko. Kaya lahat,basta mahal mo yung tao. Minsan, magtataka ka saan mo kinukuha ang lakas mo sa relasyon. At mapapasabi ka na lang na “Totoo pala talaga tong nararamdaman ko, nagmamahal pala talaga ako.”

Masaya lang ba ang pwedeng umorder ng Happy Meal?

Habang solong nilalamutak ang McDonald’s frenchfries sa isang sulok, napatingin ako sa counter bilang malapit lang naman yun sa inuupuan ko. Masayang iniabot ni kuyang nasa counter yung order na Happy Meal sa maliit na bata. Tuwang tuwa yung bata nung mahawakan niya ito. Tinanong ko ang sarili ko, 

Masaya lang ba ang pwedeng umorder ng Happy Meal?

Ang sarap sa pakiramdam kapag may napapasaya kang ibang tao. 2-in1 ang saya. Napasaya mo siya, napasaya mo rin ang sarili mo. Nakakatuwang isipin na minsan sa buhay nila, ikaw yung naging dahilan ng mga ngiti nila. At minsan ko lang maramdaman yun sa trabaho ko. Nakakulong ka lang buong araw sa isang malaking planta para gawin ang iniuutos ng manager mo. Para saan? Para mapasaya mo yung mga mas nakatataas sa'yo na ni minsan hindi ko naman nakita kung talagang napasaya ko nga ba. Wala naman akong hinagpis at galit dito okay? Siguro, hindi lang talaga ito yung gusto kong gawin sa buhay ko. Pero siyempre ginagawa ko pa rin dahil kailangan. At walang masama dun.

Kaya mahal na mahal ko ‘tong blog ko eh. Akalain mong apat na taon na pala akong nagbblog. Halos katumbas lang ng highschool years ko o kaya ng isang 4-year-course sa college. Kung tutuusin, pwede na akong grumaduate. Pero hanggang ngayon andito pa rin ako. Petiks pero nagbblog pa rin. Ganun talaga yata eh.

Tinanong ko ulit ang sarili ko habang nakatitig pa rin sa may counter,

Masaya lang ba talaga ang pwedeng umorder ng Happy Meal?

Hindi naman siguro. Dahil masayang iniabot nung lalaking nasa counter ang Happy Meal dun sa maliit na bata. Siya pala yung bata na kanina pang umiiyak sa may likuran ko dahil nawawala daw ang laruan niya. Pero nung nakita niya yung Happy Meal na order niya, napangiti siya nung nahawakan niya ito. Tumigil siya sa pag-iyak.

Minsan, ang kaligayan ng isang tao ay depende sa kung sino ang nag-abot nito at kung paano ito iniabot. At ito yung dahilan kung bakit andito pa rin ang blog ko. Dun ka mas nagtatagal sa isang bagay na mas masaya kang gawin; ang magsulat at yung malaman kong may napapasaya pa rin akong konting tao sa pagsusulat ko kahit papano. 2-in1 nga kasi di ba?

Kaya maraming salamat ha? =)

Mahal, ano bang nagawa ko para gaguhin mo ako?
Di ko lubos maisip na aabot tayo sa puntong yung saya na nararamdaman ko ay mapapalitan ng galit at pagkalito.

Hindi kita ginago. Kinailangan ko lang dumistansya sayo kasi pati ako nalilito. Akala ko kasi kaya ko nang magmahal ulit, pero hindi pa pala. Hindi pa pala buo ang puso kong sumubok ulit. Kaya patawad, mahal. Patawad kung sa pagka hulog mo, umiwas ako.

Kahit pagbaliktarin man natin ang mundo,mahal pinaasa mo parin ako. Mga salitang binitawan mo'y tumagos saking puso kahit puro kasinungalingan lamang ito. Sinubukan kitang buohin kaso sa pagbuo ko sayo, di ko namalayang sarili ko na pala ang winasak ko.

Patawad kung gayun man, mahal. Ngunit may mga bagay talagang mas maiging wag ituloy. May mga bagay na mas mainam na tuldukan nalang. Kasi alam mo sa sarili mong kung patuloy mo pa itong panghahawakan, mas lalo lang itong masisira. Ganun din ang “Tayo”, mahal. Pinili kong tapusin ang kung ano man ang meron tayo, dahil bukod sa wala itong patutunguhan, natatakot akong mas lalo ka lang mawasak.

Sobrang handa na sana akong tumalon, mahal kaso pinigilan ako ng mga kaibigan ko at sinabihang wag na akong tumalon dahil ang balon ay walang tubig at masasaktan lang ako.Siguro nga tama ang desisyon mong tuldukan ito kesa patuloy akong maghintay sa'yo kahit alam ko naman na hindi ka dadating para saluhin ako. Inuna mo kasi ang takot mahal kesa isiping ang wasak na ako ay pwede pa naman ulit mabuo sa pagmamahal mo.

Tinalo ng takot yung pagnanais kong magmahal at maging masaya ulit. Tinalo ng takot yung sana'y pagkakataon para sa'ting dalawa. Patawarin mo ako, mahal. Patawad pero hindi ko kaya. Masyado akong naging duwag kaya hindi kita magawang mahalin.

Pasensya ka na rin mahal pero pagaantay koy wala ng saysay kaya tama ka, tigilan na natin ‘tong kabaliwang pinasok nating dalawa. Tama na, mahal. Hanggang dito nalang talaga ang storyang pinangarap nating magwakas ng masaya. Paalam at salamat, mahal.

Paalam. Paalam sa mga alaala na minsa'y pinagsaluhan natin. Paalam sa mga pangakong binitawan natin sa isa’t isa. Paalam sa pagmamahalang di na nabigyan pa ng katuparan. Paalam sa mga ngiti, at tawang ipinabaon mo sakin. Paalam sa mga matatamis na mga salitang ngayo'y naging mapait na. Mahal, ipagdadasal ko na sana ay matagpuan mo ang tunay na pag-ibig na pinagkait kong ibigay sayo. Hanggang sa muli, mahal ko. Paalam.

A collaboration by @xbabaengprogrammer(italic) x @not-your-typical-guy(bold).

Para sa girlfriend ni Ely (minsanpog/madalastangasapagibighays)

Girl, sana naman mabasa mo to at sana intindihin mo dyan sa kaibuturan ng utak mo tong bawat salitang sasabihin ko dito sa makabuluhang post ko na to na inalay ko para sayo at para sa tanga kong kaibigan, siguro naman sa apat na libo’t higit kong followers e makakarating to sayo, di kita matag kasi nakalimutan ko url mo kasi sa totoo lang wala na akong pake dapat sayo pero ginagawa ko to para kay Ely.

 Una sa lahat wag na wag na wag na waag mong isisi kay Ely tong mga nangyari sa inyong dalawa kasi ginusto mo to. Wag na wag mo ding isusumbat kay Ely na hindi ka niya mahal kasi, bulag ka ba para di makita na mahal ka talaga ni Ely? Ginusto mo kasi to girl e, ginusto mo to! Sana nung gumagawa ka pa lang ng stories dyan sa utak mo naisip mo na, matatalino tao dito sa tumblr, na wala kang maloloko dito, kasi jusq ilang taon na nagdaan, halos lahat ng poser na huli, halos lahat ng amalayer na huli. Issue ba hanap mo para sa attensyon? Pucha eto na, lahat pinansin ka na. Masaya ka na? Sasabihin mo nagkaron ka ng heart transplant or whatever na sakit sa puso na kelangan ng major operation tapos nakakapagtext ka pa bago ka operahan? Nakapasok ka pa next day after operation? Nasampal ka pa ng nanay mo? Pumunta ka sa America ng 8hrs lang byahe mo? Pumunta ka ng America ng ganun ganun lang, walang pag aasikaso ng visa and everything nice? Alam mo ba kung gaano kahirap pumunta ng America ng walang nagpepetition sayo? Artista ka ba? Super rich ka ba talaga? Tapos uuwi na ng Pinas after isang buwan kasi miss mo na pinas? Ganun ganun lang uuwi ka na e for good ka dun? wtf? Tinawagan ni Case phone mo na SMART, sinagot mo? Wow baka pwede tawagan yun dyan sa America? Lamig dyan no girl? Sana kasi nag wattpad ka lang para naman sulit yang ginawa mong kwento. Kainis.

Di naman kasi kami magagalit sayo ng wala lang. Pake ko sayo kahit gumawa ka pa ng story dyan, pero pre, GIRLFRIEND KA NG TROPA KO EH! Tropa ko yung ginagago mo! Kilalang kilala ko yan si Ely, at masakit man aminin minahal ka niya! Mahal ka niya kahit na puros ka kasinungalingan! Tinangap ka pa din naman niya diba? Sana naging honest ka na lang sa sarili mo. Kasi ang labo mo e, naghahanap ka ba ng attensyon? Di naman siguro nagkulang s atime sayo si Ely. Alam naman niya matagal na yang mga kalokohan mo, may narinig ka ba sa kanya? Wala naman diba? Pinipilit namin syang iconfront ka na, alam mo sabi niya? ‘Di ko kaya, di ko alam kung pano. Naisip ko na din yan kaso baka mag away lang kami’ see? Hinahayaan na lang niya kasi ayaw niyang mag away kayo. Sa tingin ko girl, ikaw yung walang tiwala kay Ely, kasi di mo nga masabi sa kanya yung totoo e.

ah ewan bullshit. gusto na kitang murahin ng sagaod pero nakakahiya naman kay ely kaya wag na lang.

Cool off.

“Ayoko na munang makita ka Ayoko na munang makasama ka
Gusto ko sanang mapag-isa ’
di na yata tayo masaya ‘di na yata kakayanin pa
Gusto..ko munang mapag-isa”

I’ve been through relationships pero ito na yata yung isa sa pinaka mahirap na sitwasyon ngayon. Andami na ring mga kakilala ko na nanghihingi ng advice tungkol sa cool off. Lagi ko lang sinasabi “Maghintay ka lang, at dapat maging ready ka sa mga posibleng mangyari. Ihanda mo na yung sarili mo dahil pwede ka na nyang iwan any time at pwede rin naman na marealize nya kung gaano ka nya ka mahal at bumalik yung pagmamahal nya sayo.” Yan yung lagi kong sinasabi sa kanila. Pero ngayong ako na yung nasa ganitong sitwasyon, ang hirap pala.

“Siguro'y..ito na nga Intindihin mo na Kailangan lang natin ng pahinga
Palayain..ang isa’t isa Kung tayo tayo, talaga “

Hindi ko alam yung gagawin ko, hindi ko alam kung gaano ako katagal na maghihintay. Hindi ko alam kung isusuko ko naba yung lahat ng pinagsamahan namin at pangungunahan ko na sya na bumitaw. Nung bago palang kaming cool off sinabi nya sakin na huwag daw akong mag-alala kasi kahit anong mangyari ‘MAHAL NYA AKO’ pero nitong nakaraang araw tinanong ko sa kanya at sinubukan kong humingi ng sagot kung mahal nya pa ako, sabi nya “hindi ko alam” Yan ang lagi nyang sagot sakin.Siguro sobrang naguguluhan na sya, pero paano naman ako? Sobrang litong lito na ko kung ako parin bang mahal nya…

“Ayoko na munang lapitan ka
Ayoko na munang makausap ka
Gusto ko sanang mapag-isa ’
di na tayo magkasundo
Sumisikip na ang ating mundo
Time out muna tayo “

Nung narinig ko yun, sabi ko sa sarili ko, “Ano nang gagawin mo? Yung taong mahal mo hindi na alam kung talagang mahal ka pa. Ano bang nagawa mo?” Pramis tinanong ko yan, naging loyal naman ako sa kanya, behave naman ako tuwing hindi ko sya kasama, iniiwasan ko lahat ng mga malalanding tao at pinapakita ko at sinasabi ko naman sa kanya kung sino sinong mga nakakausap at nakakasalamuha ko. San bako nagkulang? Sa efforts. lahat naman ng paraan ginagawa ko, kahit nasa bulacan ako pinupuntahan ko sya minsaa before at after ng class sa bahay nila.

Sobrang sakit, hindi ko maipaliwanag, siguro mas mabuti pa yung nagbreak nalang kami agad, para alam ko na sa sarili ko na hindi nya na ko talagang mahal para tumigil nako. Pero hindi eh, nanghihingi parin ako ng isa pang chance.

Sa lahat ng nakakaranas ng ganito, ngayong damang dama ko na kayo, pramis hindi pala talaga biro tong cool off, dati favorite ko lang syang kantahin, kasi wala naman akong ganitong experience, wala pang hugot at may inaasar lang kaming mga kaibigan tuwing kinakanta ko to, pero this time, sobra palang sakit. Hindi ako makagalaw, wala akong move na magawa.

Aasa paba o mag-momove on na?

Baka nga nababaliw na ako.
  • Eh kasi alam ko imposibleng mangyari. Hindi ko rin naman ineexpect to eh. Hindi ko namamalayan na nagiging mahalaga ka na pala sakin. Hindi ko alam na masaya na pala ako ng dahil sayo. Hindi ko alam na may iba na palang ibig sabihin yung bawat tingin ko sayo. Hindi ako aware na hindi lang pala kita namimiss, hinahanap-hanap na rin pala kita. Akala ko kasi nasanay lang ako. Akala ko kasi normal lang tong nararamdaman ko. Akala ko kasi baka kaibigan kita kaya minsan nalulungkot ako kapag wala ka. Eh nababaliw na nga yata ako. Hindi ko alam yung kung ano ang totoo sa hindi. Hindi ko alam na minamahal na pala kita sa mga panahong akala ko friends lang. Nababaliw na ako dahil mahal na nga talaga kita.

Nanaginip ako…

Sa wakas, magkasama na tayo. Ang liit mo. Ang cute mo nga nun, nagpapaturo ka ng mga bagay about sa computer, at ako naman, tinuturuan kita na parang mag-asawa na tayo. ‘Yung ngiti mong napakatamis. Sobrang namamangha ka sa mga ginagawa ko; nakadungaw ka sa screen ko. Nasa kanan kita nun, tumitingin ako sa’yo at tuwing tumitingin ka sa akin; tinititigan kita sa mata at ngumingiti ako dahil alam kong kahinaan mo ‘yun na parang nililigawan palang kita. ‘Yung titig na maiinlove ka pa sa akin kahit nainlove ka na.

Medyo hindi ko na maalala ‘yung ibang mga nangyari dahil kinailangan kong maglinis ng mga kalat dito pagkagising ko kahit na nag-bukas agad ako ng Tumblr pero iniwan ko rin dahil nga sa kinailangan ko maglinis. Hindi ako makapagfocus dahil may maingay na bata dito na napakalakas ng boses. Naba-block niya ‘yung mga gusto kong i-sulat at mga dapat kong i-sulat. Lecheng bata ‘to.

Ang alam ko lang ay nananaginip ako nun, pero nasa trabaho ako at kinailangan kong magising. Nananaginip ako pero kailangan kong magtrabaho. Alam kong nananaginip ako nun pero wala akong balak i-hinto. Kung pwede lang, itutuloy ko nalang ‘yung panaginip na ‘yun at ‘di na sana nagising; magkasama na kasi tayo. 

Kaso wala na tayo ngayon. Nung kailan lang tayo naghiwalay at imposible nang maging tayo ulit. Gusto ko man ipilit ibalik ang tayo, ngunit mukhang masaya ka na ngayon na mag-isa. Biglang naging hindi ka na ready sa pag-commit. Hindi ka pa pala ready. Hindi ka pa pala ready kahit na isang taon at mahigit na tayo. Sabi mo, vinavalue mo ang oras mo alone… pero noong bago pa tayo, ang ibig sabihin mo nun ay ako at ikaw. ‘Yung “alone” na sinasabi mo ay “ako at ikaw”. Dati, sabi mo na iisa lang tayo. Kung sinabi kong “ako”, “ikaw” na rin ‘yun at vice versa. Nasanay na ako doon, na “tayo” na ang dating “ako”… pero wala nang “tayo” at hindi na ako sanay na ang “ako” ay “ako” lang.

Biglang nagbago at nanghingi ka ng time para sa sarili mo lang at nakulitin ka na sa akin sa maliliit na bagay kahit na ay ang plano ko lang naman ay lambingin ka at gumagawa ka na ng mga dahilan mo basta makalusot lang. Wala nang logic. Sinasabi mo na gusto mo ng “alone” time mo at hinanap ko ‘yung dating chat natin na ang “alone” time mo ay “ako at ikaw”. Pero ngayon, gusto mo na ng ikaw lang. Gets ko, busy ka. May 24 na oras sa isang araw. May 60 na minuto sa isang oras. May 60 na segundo sa isang minuto. Nakakatulala ka pa nga sa T.V., pumunta ka sa bahay ng kaibigan mo para tulungan siya dahil nag-break sila ng boyfriend niya. Nag-advice ka pa sa kanya tungkol sa boyfriend niya and all, pero kung mapapansin mo, halos parehas lang ang sitwasyon. Nawalan rin ng time ang boyfriend niya sa kanya at biglang iwan; parang ikaw.

Hindi ko alam kung anong nangyari at bigla ka nang nagbago. Dati, noong bago lang tayo, sinabi mo na mabilis ka magsawa pero iba ako, sabi mo. Mahal mo ako kaya ‘di mo ako pagsasawaan at biglang iwan. Nabasa ko ‘yung messages niyo ng dati mong ka-MU, na parang ikaw ang may control sa relasyon niyo. Sinabihan mo siya na hindi mo siya gusto or ayaw mo rin mag-commit… tapos konti-konti ka nang nagiging clingy sa kanya tapos wala lang pala ‘yun lahat. I mean, biglang sweet ulit tapos biglang pinapaalala mo na walang sila, tapos biglang sweet ka ulit sa kanya. Nakakatakot.

Sinabi ko sa’yo na sana ‘wag mo gawin sa akin ‘to na biglang iwan lang rin at syempre, ako naman si tanga, naniwala na hindi mo gagawin ‘yun. Kasi sabi mo nga, iba ako; mahal mo ako. Sabi mo na ‘di tayo magbe-break at “endlessly” na ‘to kasi nga, walang forever kaya ginawa nating “endlessly” ang term. Ikaw lahat nagsabi nun. Nasanay na ako. Pinasanay mo ako na nandiyan ka lagi at iisa lang tayo, na papakasal tayo, na hindi mo na kailangan ng iba at ako lang, ako ang pinakaimportanteng tao sa buhay mo… tapos biglang umalis ka nalang. Binuhos ko ang lahat sa’yo kasi inakala ko rin na tayo na talaga. Mga time na dapat lumalabas ako kasama mga kaibigan ko pagnagyayaya pero alam kong hindi na pwede, kasi may asawa na ako. Lahat ‘yun, nasanay na ako. Tapos ngayon, ang reason mo na kaya ayaw mo na kasi ayaw mo pa palang mag-commit. ‘Yung reason na may mga gusto ka pa palang gawin na ikaw lang. Hindi ko alam kung naririnig mo ‘yung sarili mo pero kung selfish ako (sa’yo), mas selfish ‘yung sinabi mong ‘yan.

I mean, pinasok mo na ‘tong relasyon. Alam kong hindi pa tayo kasal pero tinuring na asawa na kita at kahati ko sa buhay. Tayo na e. May mga bagay na talaga na magbabago lalo na’t sinabi mo nga na iisa lang tayo. Hindi excuse ‘yung biglang hindi ka pa pala ready mag-commit kung sa’yo galing ‘yung mga salitang iisa lang tayo — ayaw mo na sa akin. ‘Yun talaga ang nangyari. Kahit i-deny mo o sabihing mahal mo ako, baka nga minahal mo ako… pero ‘di mangiiwan ang isang tao ng sobrang mahal niya para lang sa mga bagay na gusto niya na ipinagbabawal siya, tulad noong sinabi ko na “Hindi bagay yung hati ng buhok mo na nasa gitna”, at ginawa mo ‘yun isa sa mga rason kung bakit nag-break tayo. Lumulusot ka nalang. Ayaw mo na sa akin. Wala kang iba, pero ayaw mo na sa akin.

Marami pa sana akong sasabihin pero sana nanaginip nalang ulit ako.