mahal kita pero ang sakit sakit na

100 Tula galing sa taong mahal na mahal ka.

1. Paggising sa umaga ikaw agad ang hanap,
Mensahe mong iniwan para akong nasa alapaap.

2. Kamusta ka na? Maayos ka ba?
Iniisip mo rin kaya ako kagaya ng iba?
Gusto ko lang sabihin sayo na,
Ang pagmamahal ko sayo mula noon hanggang ngayon hindi nag iba.

3. Kumain ka na ba?
Kasi ako hindi pa.
Iniisip padin kita,
kahit ang sakit sakit na.

4. Sumusulat ako ng tula kahit hindi ikaw si stella,
Dahil para tayong nasa telenobela,
Hindi natin alam ang mga susunod na eksena.

5. Bawat simbahan na puntahan ko
Iisa lang ang paulit-ulit na hiling ko.
Ang magkaroon ng salitang tayo.

6. Para kang bagyo
Unti unting winasak ang mundo ko.
Pero bumubuhay naman sa pagkatao ko.

7. Eto na ang huling beses na papatak ang luha ko sayo,
Dahil lahat ng sakit na dulot mo.
Ibabaon ko na sa limot kasama ng mga ala-ala mo.

8. Sa tulang ito hangad ko ang kasiyahan mo.
Dahil alam kong hindi na ako ang tinitibok ng puso mo.

9. Pilitin ko man lumaban,
Ngunit tadhana pilit tayong hinahadlangan.

10. Aalagaan mo sarili mo
Pasensya na hindi kita nagawang alagaan ng sobra sobra.
Dahil para akong sumakay ng jeep ang bilis kong pumara.

11. Hindi ako isang hagdan na option mo lang kapag walang elevator,
Priority ako hindi option.

12. Kapag nalulungkot ka wag kang mag alala yayakapin lang kita, hindi na ako magsasalita.

13. Minsan naisip mo din ba, na masarap mainlove sa taong mas inlove sayo.

14. Maging square man ang mundo,
Umulan man ng napakaraming bato.
Magkaroon man ng numbers ang letters A-Z.
Walang magbabago sa pagmamahal ko sayo.

15. Sa gabi gustong gusto kong naririnig ang pagkanta mo kahit na sobrang sintunado mo,
Pero nagagawa mo pading pakalmahin ang buong pagkatao ko.

16. Kailan ba ako makakawala sa sakit ng dulot ng paglisan mo?
Gusto kong maging masaya pero kahit anong pilit kong alisin ka sa isip ko hindi ko magawa.

17. Simple lang naman ang gusto ko
Ang mahalin pabalik ng taong mahal ko.

18. Maubusan man ako ng mga salita para sa aking tula,
Pipilitin ko padin buuin ang ating mga ala-ala.

19. Sa mga panahon na niyayakap kita
Pakiramdam ko akin ka lang talaga.

20. Mga ngiti mong kaysarap pagmasdan,
Sana ako padin ang dahilan.

21. Sa tuwing magkalayo tayo para akong tinanggalan ng hininga,
Dahil para sa akin ikaw ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ng masaya.

22. Bawat haplos mong walang katumbas hinahanap ko padin kahit pag iibigan natin tuluyan ng nagwakas.

23. Salamat sa panahong inilaan,
Kahit sandali naramdaman ko ang pakiramdam ng mayroong kasintahan.

24. Pinalaya kita dahil gusto kong sumaya ka,
Kahit ang kapalit ang masaktan ako dahil iiwan kita.

25. Ngayon alam ko na walang taong magkatulad at walang love story na magkaparehas.

26. Akala ko okay lang lahat, akala ko lang pala.

27. Hindi ako nagsisi na minahal kita
Kahit ang kapalit ay ang sakit na dulot ng iwan kita.

28. Kung pwede ko lang sana pigilan ang nararamdaman,
Matagal ko ng ginawa para hindi na ako nasaktan.

29. Ako nalang? Ako nalang ulit?
Pwede bang ulitin natin ang pagmamahalan natin na hindi ko nasulit.

30. Akala ko kaya ko ng mag-isa pero ngayon ko lang narealize na hindi ko pala kaya simula nung umalis ka.

31. Minsan naisip ko na din to baka nga hindi talaga tayo,
Baka nga hindi talaga tayo ang nakatadhana para sa isa’t-isa.

32. Nagbilang na ako ng sampu,
Pero hindi ko padin mahanap ang dahilan kung bakit hindi ko naabot ang kamay mo.

33. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar,
Kaya sana sinabi mo para hindi na ako nasaktan ng bulgar.

34. Narasan ko na palang maging pulubi,
Madalas kasi ako mamalimos ng oras at atensyon mo.

35. Patawarin mo ako mahal, kung tayo ay hindi nagtagal dahil sobrang sakit na talaga mahal baka puso ko ay mawasak ng tuluyan kapag ito pa ay nagtagal.

36. Nauubusan na ako ng salita,
pwede bang ilagay ko nalang ang liriko ng paborito kong kanta?

37. Bawat lugar na puntahan palagi kitang nakikita,
Ganun na ba talaga akong kasabik na mahalin ka.

38. Kung dati pangarap ko lang maging doctor para gumamot ng may sakit,
Ngayon pangarap ko padin maging doctor pero ang gagamutin ko na ay ang puso ko na masakit.

39. Para kang obra, pinapahalagahan hindi sinisira.

40. Ilang libong pahina ng papel na ba ang naubos ko?
Kung iipunin ko siguro pwede na akong magtayo ng junk shop ng love letter ko sayo sa kanto.

41. Ilang barya na ba ang naihulog ko sa balon para lang maging akin ka.
Pero sa huli naiwan padin akong nag iisa.

42. Hindi ako kasing ganda ng mga napapanuod mong artista, ngunit ang puso ko naman ay mas maganda pa sa kesa sa kanila.

43. Ang sarap balikan ng ala-ala nating dalawa,
Pakiramdam ko totoong totoo ka talaga.

44. Mahal nakahanap ka na ba ng iba? Inaalagaan ka ba niya?
Kasi ako hindi pa, ikaw padin ang gusto ko sa tuwina.

45. Dumating man ang oras na makasalubong kita at nakita kong masaya ka sa iba,
Wag kang mag alala hindi ko ipapahalata ang pagpatak ng aking mga luha.

46. Hindi ako sundalo na handang sumabak sa gyera,
Dahil wala akong dalang sandata,
Hindi ako handa sa sakit na sa akin ay tatama.

47. Wala na ba talagang pag asa? Baka naman mayroon pang kahit kaunting natitira, pwede ko bang limusin yan hanggang sa masaid ka na?

48. Para kang kape, ikaw agad ang hanap pagkagising ko sa umaga.

49. Bakit walang bituin tuwing umuulan?
Bakit wala ka tuwing ako'y nasasaktan.

50. Naabot ko na ang kalahati ng aking tula,
Pakiramdam ko mauubusan na ako ng salita,
Pero handa akong maubusan kung ikaw naman ang paglalaanan ng aking pagiging makata.

51. Dinaig mo pa ang krayola sa pagbibigay ng kulay sa buhay ko.

52. Pero bakit natapos tayo ng ganito?
Hindi ba pwedeng pag usapan muna natin to.

53. Namimiss ko na ang iyong mabulaklak na salita,
Kulang nalang magpatayo ako ng hardin para sa iyong mga likha.

54. Miss na miss ko na ang presensya mo,
Kahit wala ka namang pangako na dapat mapako.

55. Kailan ko ba masasabi na umuwi ka na?
Kung hindi naman tayo ang nakatadhana para sa isa’t isa.

56. Sobrang proud ako sayo, lalo na sa harap ng buong pamilya ko.

57. Wala namang tayo.
Pero bakit sobra sobra yung sakit na nararamdaman ko.

58. Hindi man tayo sigurado,
Pero ako sigurado akong mahal kita,
Sigurado ako sa nararamdaman ko sayo.

59. Minsan nasasaktan ako pero naalala ko wala nga pala akong karapatan.

60. Ang bawat patak ng luha ko,
Katumbas ng bawat salitang hindi ko masabi sayo.

61. Walang segundong lumipas na hindi ka naalis sa isip ko,
Siguro nga ganun ako kaadik sayo.

62. Tuwing tinitigan ko ang mata mo, Pakiramdam ko buong buo na ako.

63. Hinahanap ko padin ang yakap mo,
Na nagpapawala lahat ng problemang dala dala ko.

64. Ang bawat bigkas mo ng salitang “mahal kita.”
Ay parang musika na nagdadala sa akin sa langit ng may likha.

65. Ang amoy ng pabango mo na nagpapahina ng buong pagkatao ko.

66. Sa bawat pagpatak ng ulan kasabay nito ang pagpatak ng aking mga luha.

67. Hinayaan kitang lumayo na tila ba minsan hindi ako naging bahagi ng pagkatao mo.

68. Sana sa dadating na bukas ay hindi ka isang panaginip nalang,
Sana totoo ka na at alam kong nandiyan ka lang.

69. Mga pangarap at plano na ating binuo sa isang iglap bigla nalang itong naglaho.

70. Susubukan kong kalimutan ka,
Kahit sobrang sakit sa akin ang talikuran ka.

71. Kasabay ng agos ng tubig sa ilog,
Ay ang pag agos ng aking nararamdaman para sayo.

72. Mahal kita pero tama na kasi ang sakit sakit na.

73. Gustuhin ko mang lumaban,
Pero pakiramdam ko bibigay na ang puso ko na ilang beses ng nasaktan.

74. Sa aking pagpikit,
Ay ang pagbuhos ng aking mga luha,
Kasabay ng masakit na pakiramdam na aking nadarama.

75. Kahit sa dami ng sakit na naidulot mo,
Hindi ko magawang sayo ay magalit.

76. Sabi ko noon laban lang tayo hanggang dulo, siguro nga eto na yung dulo.

77. Ang kalimutan ka ay hindi ko magawa,
Dahil sa tuwing pipikit ang aking mata ala ala mo ang aking nakikita.

78. Dapat ko ng tanggapin na hindi tayo para sa isa’t-isa,
Na pinagtagpo lang tayo pero hindi itinadhana.

79. Araw araw sumasakit ang puso ko, kailan ba ito maghihilom mula sa sakit na dulot ng pagkawala mo?

80. Paboritong kanta ay paulit ulit kong pinapakinggan sa pag asa na maulit muli ang ating pinagsamahan.

81. Umaasa ako na sana mahal mo padin ako pero alam kong malabo ng mangyari yon, dahil nakalimot ka na.

82. Hindi ako karapat dapat sayo, masyado kang mabait para sa katulad ko.

83. Kung saan ako nasanay sa pagiging masaya,
Tsaka naman ito biglang maglalaho at mawawala.

84. Ayoko na sayo break na tayo kahit walang tayo, dahil gusto ko ng mapangasawa ka.

85. Natatandaan mo ba ang mga kataga na yan nung binitawan kita hindi mo ako pinatapos iniwan mo kasi akong bigla.

86. Bakit sobrang lamig mo na?
Buhay ka pa naman pero bakit nanlalamig ka na.

87. Sobrang nasakal ka na ba?
Nakulitan ka na ba?
Patawad mahal ayoko lang talagang mawala ka.

88. Sabi ko ayoko na,
Pero padin akong tanga hinihintay padin kita.

89. Wala kang pinangako, pero daig ko pa ang pinatay sa sakit ng paglisan mo.

90. Sampu nalang matatapos na,
Pero pakiramdam ko hindi padin sapat ang isang daang tula.
Para masabi kong mahal kita.

91. Sa lahat ng bagay na kaya kong gawin sayo ang pinakapaborito ko ay ang tanggapin ka,
Maging sino at ano ka pa.

92. Ilan na lang ba? Parang bitin pa ako bigyan mo pa ako ng rason para matapos ko ang aking tula.

93. Sa panahong nakasama kita hindi ako nagsising nakilala kita,
Dahil ikaw ang pinaka magandang bagay na binigay sa akin ng may likha.

94. Isa sa bagay na natutunan ko sayo ay ang respeto at pagpapahalaga,
Kailaman hindi ko makakalimutan ang ating masasayang ala-ala.

95. Kung sakaling babalik ka, tatanggapin pa din kita, dahil ganun ako katanga, handa akong masaktan ng paulit ulit dahil mahal kita yun ang mahalaga.

96. Mahal kita. Bumalik ka na.

97. Mahal kita. Wag mo na ako saktan.

98. Mahal kita. Wag mo na ako paiyakin.

99. Mahal kita. Hanggang dito nalang ba? Miss na miss na kita.

100. Tapos na ang aking tula, pero ang ending ko mahal na mahal padin kita.

Alam mo pa ba? Nabilang mo ba? Naaalala mo ba kung ilang beses mo nang nabanggit ang mga katagang …

“Ayoko na.”

“Ang sakit-sakit na!”

“Kaya ko pa.”

“Maaayos ko pa.”

“Oo, ilalaban kita!”

“Nakakapagod na.”

Hanggang umabot sa mga katagang …

“Wala na.”

“Tapos na.”

Sa pagkakataong ‘to, pwede bang humingi ng pabor? Pwede bang sabihin mo ang mga katagang …

“Mahalaga ka.”

“Importante ka.”

“Mahal na mahal kita.”

Pero sa pagkakataong ‘to, sabihin mo ang mga katagang ‘yan habang nakaharap sa salamin, at hindi na sa kaniya.

Photo: Pearl C.

Ang sakit sa dibdib tuwing di tayo nagkakaintindihan. Tuwing nagkakatampuhan tayo dahil sa mga simpleng bagay.

Ang sakit sa dibdib pag tinitiis mo ako. Pag bigla mo nalang ako di kikibuin tapos ayaw mo sabihin kung bakit. Pag ang tipid ng mga reply mo sakin tapos ang cold cold pa ng dating.

Ang sakit sa dibdib tuwing malapit na tayo magkita tapos biglang hindi natutuloy. Yung sobrang excited na ko makita at makasama ka tapos macacancel kasi may gagawin ka pala.

Ang sakit sa dibdib ma layo sayo. Yung kailangan pa bumilang ng ilang araw o kaya isang linggo bago kita makasama ulit.

Pero lahat ng yan kaya kong tiisin. Mahal kasi kita eh. Mahal na mahal kita. Kahit masakit, okay lang. Kasi di parin nun mapapantayan ung saya na nararamdaman ko tuwing okay tayo at magkasama. Tuwing malapit ka sakin at abot kamay lang kita. Kaya titiisin ko nalang lahat ng yan, kasi mahal kita.

Walang pamagat

Ikaw na minsan nang naging mundo ko,
akala ko magtatagal at magiging masaya tayo. Pero biglang dumating sa punto na nagdalawang isip na ko.
Pagpapatuloy pa ba o hindi na?
Mga katagang gumulo saking isipan.
Pinili kong bumalik at manatili at hindi nagtagal nagkaproblema tayong muli
Binatawan mo ko at binitiwan kita
Binitawan kita hindi dahil niloko lang kita
Binitawan kita hindi dahil may iba na
Binitawan kita hindi dahil babalikan ko sya
Binitawan kita kasi mahal kita, binitwan kita para putulin lahat ng sakit dahil kapag pinagpatuloy ko pa mas lala lang ang sakit.
Mahal, pinuputol ko na, walang ng makulit na mangungulit, sabay nating ngitian ang sakit na pumupunit.

Oo mapanakit akong tao, pero tandaan mo itong mapanakit na to ay nasaktan ka lang dahil sa sobrang pagmamahal sayo. Never akong nagkaroon, tumingin at tumikim ng iba. Sayo lang ako, sayo lang ang puso, utak at katawan ko. Hindi ikaw ang mundo at buhay ko pero malaking parte ng mundo at buhay ko ay ikaw mahal ko. Hindi ko ginustong masaktan ka, minahal lang kita ng sobra kaya sana patawarin mo ako kahit bilang isang tao na lang. Sa iyong pagalis sa buhay ko, nahihirapan akong patawarin ang sarili ko sa pananakit sayo noon. Kung alam mo lang. Hindi lang ikaw ang nasaktan, ako rin. Ako ang pinakanasasaktan sa tuwing nasasaktan kita noong tayo pa. Tinatago ko noon lahat ng sakit, pero maraming beses ko ring sinabi sayo na nasasaktan rin ako dahil hindi ko na rin siguro kaya ng itago, pero siguro masyado ka lang talaga nabulag sa sakit na dulot ko sayo mahal, kaya di mo na rin siguro naririnig ang mga sinasabi ko noon. Hanggang sa huli ikaw pa rin ang naiisip ko. Patawarin mo ako kung susundin kita at babaliin ko na ang mga pangakong sinabi ko sayo. Iiwanan na kita at kakalimutan dahil kailangan ko ring mabuhay pa. Masakit baliin ang pangakong nagmula sa puso dahil kilala mo ako, hindi ako nangiiwan o umaalis pero this time kailangan ko na. Dahil yun naman talaga ang gusto mo diba? Siguro mahirap pero araw-araw kong paghihirapan. Napakasakit dahil pinaramdam mo ang pagmamahal na walang hanggang, pero heto ka ngayon nasa di malaman na lugar na kung saan wala ng puwang ako sayo at sa buhay mo. Napakasakit mahal ko, ako na lang ata ang nagmamahal sa atin. Bakit may katapusan ang pagmamahal mo sa akin? Sabi mo dati hinding hindi mawawala ang pagmamahal mo at ikaw sa buhay ko. Pero pinili mong umalis na lang. Naiintindihan kong nagkasala ako ng maraming beses sayo. Mali talaga siguro ang magmahal ng sobra. Patawarin mo sana ako dahil minahal kita ng sobra kaya nasaktan rin kita ng sobra kaya ayun nawala ka tuloy sa akin. Sorry mahal ko dahil minahal kita ng sobra.

Ang hirap kasing mag move on lalo na kung hindi naging kayo, yung tanga ikaw lang broken, yung mahal mo pero may mahal ng iba. puta kaya yon. masakit sa feels. yung nagpapanggap kang masaya sa harapa niya kahit puta sobrang sakit na. yung tanginamo mahal kita at ang sakit sakit na. gusto ko lang magmahal pero bat ganto kasakit. kse shet iiyak ko nalang to for now

Pilipinas.

Pilipinas, mahal kita. Mahal na mahal. Ikaw pa din yung gusto kong balikan. Ikaw pa din yung gusto kong uwian. Inuulit ko, mahal kita. Pero sa mga nababasa ko ngayon, parang ang sakit sakit na. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng kirot.

Si Kian… Hindi ko kilala si Kian. Pero tumagos sa puso ko. Sa dinami dami ng balita, hindi ko alam kung bakit yun yung nakapagpalungkot sa akin ng sobra. Hindi ko alam yung buong istorya pero pakiramdam ko, sapat na yung mga nabasa ko para masaktan ako ng ganito. Nakakapanghinayang yung buhay ni Kian. Ipinagkait sa kanya yung hinaharap. Kinuha sa kanya yung karapatan niyang mabuhay. Hindi ko alam bakit nangyayari lahat ng ‘to sayo ngayon Pilipinas. Pero sa kabila ng lahat, mahal kita. Mahal pa din kita… kahit ang sakit sakit na.

anonymous asked:

Mahal kita at ang sakit sakit na..

“Mahal kita at ang sakit sakit na”,

Yan ang nasabi ko sa iyo,

Nung gabing nag-usap tayo ng seryoso,

Ilang ulit na kong nagparaya,

Ilang ulit na umunawa,

Hinabaan ng hinabaan ang pasensya,

Kasi nga mahal kita,

Pero nakakapagod din pala,

Kapag paulit-ulit nalang,

Ilang ulit ka nang pinatawad,

Pero kulang pa pala iyon,

Kahit ano naman yatang gawin ko,

Hindi mo pa rin makikita,

Kung gaano na kasakit ang mga ginagawa mo,

Mahal nga kita, pero tama na,

Sobrang sakit na talaga…

Mahal kita at ang sakit sakit na

Eto nanaman ako, susulat ulit, susulat ng paulit ulit sayo, tanging sa pagsulat na lang na to sandalan ko, kung hindi alak, ballpen at papel nasa harap ko, kasabay ng pagagos ng luha sa mga mata ng sabihin mong hindi ka na masaya, at di mo na alam kung mahal mo pa ko. Masakit yon, sobrang wasak ako, para kong papel na nilukot ng mabasa ko yon, para kong isang ballpen na nahulog mula sa bag at nagaantay sa kukuha muli at gagamit sakin, ang sakit, sobrang sakit, pero alam mo? Kahit kelan di ko pagsisisihan na minahal kita ng ganito, siguro ito na yung ganti sakin sa mga babaeng napaiyak ko noon, sa mga babaeng pinaglaruan ko at pinagaksayahan ng panahon, sa mga oras na to, wala kong naiisip kundi yung mga tanong na paulit ulit gumugulo sakin ng bitawan mo yung mga yon, siguro nga ganon talaga, umaasa pa din naman ako na pagdating ng araw yung ikaw at ako ay magiging tayo na, sabay nating tatahakin ang daan magkahawak ang kamay, siguro wala ng sense pagsulat ko ng mga tula para sayo, pero hayaan mo kusang mananakit at susuko ang mga kamay ko, hayaan mo lang ako, hanggang sa mawala na to, at balang araw maging masaya na lang kasi andyan ka pa pero masaya na sa iba, masakit yon kung sakali man, pero kung anong ikakasaya mo edi sige susupportahan kita pero labag sa loob ko, syempre sino ba naman magiging masaya don? Mahal na mahal kita, araw araw ko na sigurong dasalin tong sakit na to, hayaan mamamanhid din to. Unting panahon lang.
—  (SuperTyphoeus||62617)

51

Hindi lang naman ako nasaktan simula nung umalis ka. Nasasaktan ako kahit noong may tayo pa. Ang pinakamasakit sakin noon ay sa tuwing nasasaktan ka at umiyak ng sobra dahil sa akin. Wala akong magawa dahil malayo ang bahay natin. Lahat ginawa ko para itama lahat ng pagkakamali ko pero balewala na pala noon. Hindi ko pala natanggal ang sakit na dulot ko sa pagkatao mo. Ngayon napakasakit nanaman ng ulo ko mas masakit pa noong tayo pa, noong iniiyakan kita noon. Dahil noon alam kong may tayo pa, noon kahit nagkakahiwalay tayo saglit ay di moko natitiis kaya napapawi din kahit pano ang sakit. Ngayon wala na, ako na lang, hindi ko alam kung paano ko kakayanin to. Mahal kita. Kahit na nasaktan kita sa loob ng mahabang panahon.


3:56pm

9/4/17

mahal, alam mo bang habang ako’y nakikinig ng musika

ay lalong nagdurugo ang mga salita sa sinusulat na tula?

mahal, alam mo bang habang dumarami ang naiinom na alak

ay lalong bumibigat ang mga luhang pumapatak?

mahal, alam mo bang sa tuwing ako’y pumipikit

ay lalong kumikirot ang sakit?

mahal, alam mo bang sa tuwing paglalim ng gabi

ay lalong naaalala ang mga pangakong iyong isinantabi?

mahal, ang sakit marinig na handa mo akong i-isantabi

para lang magawa ang mga bisyo mo para sa isang gabi

mahal, ang sakit isiping ang bisyo mo’y hindi mo kayang bitawan

pero ako mahal, ako, kaya mo akong iwanan

pero mahal, ako, hindi kita isusuko

pipiliting intindihin kahit minsan nakakabobo

pipiliting kumapit kahit minsan nagiging malabo

pipiliting manatili kahit minsan nakakapanlumo

kasi mahal, ako, mahal na mahal kita

kahit minsan ang sakit sakit na. 

Pinoy Love Quotes and Sayings

Pinoy Love Quotes and Sayings

Balang araw, mawawala na yung sakit, yung mga iyak, yung pagod, yung sobrang pagiisip. Balang araw, magiging masaya ka din ulit.

Mahal kita pero hindi ko maipaglaban kasi wala akong karapatan. Wala akong titulong pinanghahawakan. Hindi ko maipaglaban ang pagmamahal ko para sayo, dahil wala namang tayo.

hindi mapapawi ng isang SORRY
ang pangakong sinira nya.
Hindi kayang takpan ng mga ngiti
ang sakit na kanyang ipinadama.
Dahil maging ok ka man sa paningin ng iba, puso mo
parin ang makakaramdam ng sakit na ginawa nya

KAPATAWARAN ang sagot sa bawat kasalanan,
at pag-unawa ang Tugon sa Lahat ng pagkukulang kaya matuto kang magpatawad
at umunawa dahil yan ay isang GINTONG Pangaral para mamuhay ng PAYAPA.

Alm mo ba kung bakit tayo nasasaktan?
Kasi lagi tayong umaasa sa mga bagay na walang kasiguraduhan,naghihintay sa isang nakaraan na hindi na pwedeng balikan at nagmamahal ng taong hindi tayo kayang panindigan!

Nahihirapan ka? Isipin mo na lang na hindi ibibigay sayo ni God ang problemang yan kung hindi mo kaya.

Yung pagiging mabait sa taong kinaiinisan mo ay hindi ‘yan kaplastikan… matalino ka lang talagang tao, dahil nakukuha mong irespeto siya sa kabila nang kagaguhan niya, at ayaw mo ring gumaya sa kanya.

Anu bang pagkakaiba ng kasama SILA at kasama KITA? simple lang. Pag kasama SILA.
tawa ako ng tawa kasi masaya. Pero pag kasama KiTA, di pa tayo tumatawa.
SOBRANG SAYA ko na!

Pinoy Love Quotes and Sayings

Yung feeling na kapag kasama mo ‘yung Taong Special sa’yo, parang ayaw mo nang humiwalay sa kanya.

Ang gusto kung relasyon ay yung maraming NAKAKAALAM pero walang NAKIKIALAM.

Wala naman talaga pinanganak na MANLOLOKO. Di lang talaga naitanim sa pag-iisip nila ang tunay na kahulugan ng SERYOSO, RESPETO at KUNTENTO.

Ang bottomline ng pag-ibig ay kung masasaktan ka in the end or magiging kuntento ka.

Hindi mo ko masisisi kung nainlove ako sayo dahil miski ako hindi ko akalain na mahuhulog ako sayo.

Kapag nagmahal ka ng isang tao, nagagawa mo ang mga bagay na kahit kailan ay hindi mo inaasahang gagawin mo

Kahit kailan hindi naging tama ang mali, aanhin mo ang TAMA kung MALI naman ang paraan.

Alam mo kung bakit nasasaktan ka? Kasi iniisip mo na gusto ka rin nya, kahit hindi naman talaga.

Pinoy Love Quotes and Sayings

  • Popoy: Bash, ganon mo ba talaga kagusto lumayo sakin para gawin mo pa to?
  • Basha: Not everything is about you, Popoy.
  • Popoy: Then why are you doing this?
  • Basha: Dahil ito ang gusto ko.
  • Popoy: Pero pano tayo? Pano ang mga pangarap natin? Basha, yung kasal? Akala ko ba walang magbabago? Basha… Paano na tayo?
  • Basha: Wala nang tayo, Popoy.
  • Popoy: Ganon lang yon? Bash, five years! Itatapon mo lang lahat? Hindi mo na ako pwedeng bigyan ng isa pang pagkakataon para maayos ko to?
  • Basha: I already gave five years of my life, Poy. It’s about time you give me what I want.
  • Popoy: But you’re asking for too much. Ang hinihingi mo, mawala ka sa buhay ko. Bash naman. Bash, kahit mahirap, ayusin natin to. If this is about me being too controlling and boring, alam mo naman na sinusubukan ko, diba? Bash, wait, sandali, sandali lang. Alam nating pareho na madaling sumuko, pero hindi ka ganon.
  • Basha: Kailangan ko to. Kailangan mo rin.
  • Popoy: Pero ikaw ang kailangan ko. Bash. Basha, please.
  • ---
  • Popoy: Bash, mahal na mahal kita. At ang sakit sakit na. ;(
  • ---
  • Basha: Litung-lito na ko e. Di ko na alam gagawin ko. I need your expert opinion. Si Popoy kasi e…
  • Mark: Popoy? E kailan naman ako naging expert kay Popoy?
  • Basha: Lalaki ka. Tsk. Anyway, Mark, kasi kanina nagpunta kami kela Kenneth. Hindi man lang niya ako sinigawan.
  • Mark: O, isn’t that good?
  • Basha: Ang bait-bait pa nya sakin kanina. Tapos chinika-chika pa nya ko, bumeso-beso pa sya sakin bago sya umalis. O, bakit nya ginawa yun? Ano ibig sabihin nun?
  • Mark: Bakit, bawal ba?
  • Basha: Ugh, Mark! Mark, nandon ka nung sinigaw-sigawan nya ko! Halos patayin nya na ko nung huli kaming magkita. Nandon ka, diba? O, e anong nangyari?
  • Mark: O, e baka okay na siya.
  • Basha: Okay na siya as in hindi na siya galit sakin?
  • Mark: Bash, okay as in tanggap na nya na hindi na kayo magkakabalikan-- kasi nakamove-on na sya.
  • Basha: Tingin mo?
  • ---
  • Popoy: Ano ba ang pinagkakaganyan mo? Dahil pinupuna ko yung mga designs mo?
  • Basha: Hindi masama yung loob ko. Okay nga lang ako.
  • Popoy: Ayan ka na naman.
  • Basha: Ano na naman ako!
  • Popoy: Ayan, ganyan. Sasabihin mo walang problema pero meron naman pala.
  • Basha: Wala naman talaga e.
  • Popoy: Bash! Pano ko maaayos ang problema kung di mo sasabihin sakin? Kung hindi ko alam?
  • Basha: Poy, hindi lahat ng problema kaya mong ayusin. And believe me hindi mo gustong malaman kung ano yung problema ko.
  • Popoy: E ano nga kasi ang problema?
  • Basha: Gusto mo ba talagang malaman? Ako! Ako ang problema! Kasi nasasaktan ako kahit hindi naman ako dapat nasasaktan. Sana kaya ko na lang tiisin ang sakit na nararamdaman ko… kasi ako yung humiling nito, diba? Ako yung may gusto. Sana kaya ko na lang sabihin sayo na masaya ako para sayo. Para sa inyo. Sana kaya ko. Sana kaya ko. Pero hindi e. Ang sama-sama kong tao. Kasi ang totoo umaasa pa rin akong sabihin mong, sana ako pa rin, ako na lang-- ako na lang ulit.
  • Popoy: Mahal ko si Trisha.
  • Basha: Alam ko. Alam ko.
  • Popoy: She loved me at my worst. You had me at my best. At binalewala mo lang lahat ng yon.
  • Basha: Popoy, yan ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
  • Popoy: And you chose to break my heart.
  • ---
  • *favorite part ko na uminom ng shampoo
  • Basha: Chinno, nandito kami. Naiintindihan ka namin.
  • Chinno: Hindi nyo ko naiintindihan! Si Popoy lang nakakaintindi sakin e. Nasan si Popoy?
  • Popoy: Chinno…
  • Chinno: Poy, hindi ko na alam. Hindi ko na alam, Pare. Ayoko na! Hindi ko alam na ganito pala ang sakit. Take me Lord please!
  • Popoy: Shhh, huy, ano ba. Chi, kung nakaya ko, kaya mo rin. Naalala mo nung ako yung nandyan? O, e diba’t ikaw pa ang nagsabi sakin na kaya baka tayo iniiwan ng mga taong mahal natin kasi baka merong bagong darating na mas okay. Na mas mamahalin tayo. Yung taong hindi tayo sasaktan at paaasahin. Yung nag-iisang taong magtatama ng mali sa buhay natin. Ng lahat ng mali sa buhay mo.
  • ---
  • *trisha and popoy`s part na..
  • Trisha: Poy, walang madaling paraan para gawin to-- kasi ang sakit na. Sabihin mo na lang yung totoo. Please. Mahal mo ba ko?
  • Popoy: Trish, alam mong mahal kita.
  • Trisha: Mahal mo ba siya?
  • Popoy: Hindi ko kayang makita kang nasasaktan.
  • Trisha: [closes Popoy’s eyes] Para kung masaktan man ako, hindi mo makita. Mahal mo pa ba siya?
  • Popoy: I’m so sorry.
  • Trisha: Gusto mo na bang tapusin to?
  • Popoy: Mapapatawad mo pa ba ko?
  • ----
  • *ending scene.: )))
  • Basha: I’m sorry. I’m sorry.
  • Popoy: No. I am sorry. I’m sorry for not saying sorry before nung nasaktan kita. Nung kasing magkahiwalay tayo, ang inisip ko sarili ko lang, yung nararamdaman ko lang, yung gusto ko lang. I’m sorry Bash naging madamot ako. Hindi ko inintindi na kailangan mo ring hanapin yung Bashang nawala nung minahal mo ko.
  • Basha: Yung Bashang mahal ka pa rin.
  • Popoy: Hindi mo alam kung gano ko kagustong sabihin sayo na, sana tayo na lang, sana tayo na lang ulit. Pero sa tuwing mararamdaman ko kung gano kita kamahal, hindi ko maiwasang maramdaman ulit lahat ng sakit. And I’m sorry.
  • Basha: Anong dapat kong gawin?
  • Popoy: Ako na to e, Bash. Ako naman ang may kailangan ng panahon ngayon. Para makalimutan ko na lahat ng sakit. Para maalala ko ang lahat ng maganda at mabuti satin. Para bumalik yung Popoy na nawala nung nagkahiwalay tayo. I want my heart to stop breaking, Bash. Para pag naging tayo ulit, kaya na kitang mahalin nang buong-buo-- nang walang halong takot kung masaktan man tayong muli.
  • (More)
  • Trisha: I love you and I will tell you everyday, Everyday until you forget the things that hurt. I hate the things that make you hurt. And how I wish I could take them away. If only it could be done, I'll do it for sure.
  • --
  • Chinno: Lecheng Shampoo yan hindi pa ko tinuluyan! Take me Looord!
  • --
  • Chinno: Hindi sa tagal yan ah, ung iba nga jan sa haba haba pero sa hiwalayan dn ang tuloy! Pero di kaw yun poy.
  • --
  • Popoy: Bash, di mo ba alam yung three-month break-up rule? Lahat ng taong na-inlove at nakipag-break ay alam yun. Bash, maghihintay ka muna, tatlong buwan. Di ba tatlong buwan bago ka makipag boyfriend ulit. Bash, may dalawang linggo pa ako eh, dalawang linggo pa. Lahat na ginawa ko. Ano pang gusto mong gawin ko? Bakit ba kating-kati kang palitan ako? PI naman Bash, ganyan ka ba katigas? Parang awa mo naman. Sumagot ka!
  • --
  • Popoy: Malaki lang ang katawan mo! Pero d mo ako kayang patumbahin!
  • --
  • Basha: Ako naman ang may gusto nito diba? Pero bakit ang sakit-sakit?
  • --
  • Basha: Alam mo yung feeling na parang sinusuko ko na sayo lahat! Poy nakakasakal eh, nakakasawa. I wanna stop wondering, what if. I want to know what is.
  • --
  • Kenneth: Love is blind, so love me.
  • --
  • Krizzy: Don’t you see it? Kung hindi nya pinili ang sarili niya, kung hinayaan nya na ikaw parati ang masunod, her heart would have been broken every moment she’s with you. Hanggang wala ng matira sa Basha’ng minahal mo… yun ba talaga ang gusto mo, Poy?
  • --
  • Popoy: Tito, mag Biogesic ka muna.
  • Popoy: I'm sorry for not saying sorry before nung nasaktan kita. Nung magkahiwalay tayo ang inisip ko sarili ko lang, 'yung nararamdaman ko lang, yung gusto ko lang. I'm sorry bash naging madamot ako. Hindi ko inintindi na, kailangan mo ring hanapin ung bashang nawala nung minahal mo ako.
  • Basha: 'Yung Bashang mahal ka pa rin.
  • Popoy: Hindi mo alam kung gaano ko gustong sabihin sa'yo na, sana tayo nalang, sana tayo nalang ulit. Pero pag sa tuwing mararamdaman ko kung gaano kita kamahal, hindi ko maiwasang maramdaman ulit lahat ng sakit, and I'm sorry.
  • Basha: Anong dapat kong gawin?
  • Popoy: Ako na 'to eh Bash, ako naman ang may kailangan ng panahon ngayon para makalimutan ko na lahat ng sakit.
  • Para maalala ko lahat ng mga nagdaan mabuti sa atin. Para bumalik 'yung Popoy na nawala nung nagkahiwalay tayo. I want my heart to stop breaking, Bash. Para 'pag naging tayo ulit, kaya na kitang mahalin ng buong buo na walang halong takot kung masaktan man tayo ulit.

Hindi lahat ng lalaki katulad nila na hindi marunong makuntento sa isa. Ako nakuntento ako sayo, minahal kita ng ikaw lang, wala akong ibang hiniling kundi ang ikabubuti at ang ikasasaya mo. Pero bakit hindi pa rin kita mapasaya sa kabila neto? Bakit lahat ng nagagawa ko para sayo ay mali? Bakit umayaw kana sa pagmamahal kong walang hanggang? Bakit mo ako iniwanan sa kabila ng tunay at wagas na pagmamahal sayo? Mahal na mahal kita. Ikaw lang. Ang sakit-sakit ng pagkawala mo sa totoo lang. Paano na ako ngayon? Anong gagawin ko para mawala ng sakit na dulot mo sa buhay ko?

Dalawang bagay na kinakatakutan ko.

Ang mawala sya at ang maging handang mawala sya.

Ayokong kumilos, dahil baka makalimutan ko ang bagay na kinagisnan ko.
Ayokong gumalaw, dahil baka pag lingon ko patuloy na mawala ang imahe ng taong pinakamamahal ko.
Ayokong maging handa, dahil baka isang araw lumapit sya sa akin at sabihin. “Mahal pa rin kita”

Ayokong umiyak, dahil alam kong katumbas nito ang pagbawas ng sakit na aking nararamdaman.
Ayokong masaktan dahil natatakot akong bumangon
Ayokong ibigin ang sarili ko, dahil baka mawala ang pagmamahal ko para sa kanya.

Maling paniniwala, pero hindi mo malalaman ang sakit hangga’t hindi ikaw ang naging biktima.

Biktima ng labis na pagmamahal.
Biktima ng takot mawala ang taong minamahal.
Biktima ng lungkot na patuloy na lumalamon sa kanyang pagkawala. Pagkawala ng mainit na bugso ng pagmamahal.

Pagmamahal sa hirap at ginhawa.
Pagmamahal na walang halong awa.

Tanging tamis at pait ng pusong lumalagablab.
Lagablab na dulot ng apoy.
Apoy na pinagtulungan naming irikit.

Gamit ang mga ala-alang ibinaon ng nakaraan.
Nakaraang hindi maibabalik.
Nakaraang may halong pait.
Nakaraang pilit na bumabalik.

Bumabalik na parang multo.
Multo na nagsisilbing takot sa amin.
Multo na pilit gumagambala sa tiwala.

Tiwalang nasira.
Tiwalang pilit na binubuo.
Tiwalang isang araw magiging maayos ang lahat.
Tiwalang isang araw pag gising ko. Maayos ng muli…

Yung muli na kaya kong ingiti.
Ngiting walang halong sakit.
Ngiti hanggang sa aking pag idlip…

Kamusta ka na kaya? Sa nakikita ko naman sayo ngayon, mukhang masaya ka. Ako naman? Well, okay lang din. Nakakangiti din gaya mo. Nakikipaghalakhakan gaya ng nakikita ko sayo kasama ng mga kaibigan mo mula sa malayo. Okay lang naman ako. Kahit di mo tinatanong, okay lang ako. Okay lang ako pero nagbago na actually yung definition ko sa pagiging okay. Yung okay ko kasi ngayon yung literal na nakangiti, literal na tumatawa at nakikipaghalakhakan sa ibang tao. Okay lang naman yan diba? Oo. Okay lang ako. Sabi nga nila, okay na okay ako.

Pero alam mo ba? Napapagod na ako sa kakapanggap na ganito. Napapagod na akong ipakita sa ibang tao na hindi na dumudugo puso ko. Sa bawat ngiti mo ay parang may kung anong kutsilyong humihiwa pagitna sa puso ko. Na para bang inuubos mo lahat ng enerhiya sa katawan ko na siyang nagpapalambot sa mga buto ko kada kita ko sayo. Ewan ko ba kung bakit ganun kasakit pero yun eh. Naiinggit ata ako sayo kasi ang bilis mong makamove on. Naiinggit ako sayo kasi ang bilis mong makalimot. Buti ka pa no? Buti ka pa. Kasi ako, hindi ko pa din kaya. Pero kinakaya ko lang kasi alam kong kahit ipakita ko man sa buong mundo na hindi ako okay eh wala ka ng pakialam.

Ang sakit sakit sobra. Bawat paggising ko, wala sa sariling tinitingnan ko yung phone ko at umaasang makakatanggap ng text mula sayo kahit na alam kong imposible nang mangyare yun. Bawat lugar na napupuntahan ko, bawat kantang napapakinggan ko, bawat luhang lumalandas sa mata ko eh sumisigaw lahat sa pangalan mo. Bakit ganun? Bakit hindi pa din kita makalimutan? Bakit hindi ko pa din magawang maging masaya kahit sinusubukan at pinipilit ko naman? Bakit ang hirap makalimot sayo? Bakit? Mahal na mahal pa rin kita, oo inaamin ko yun pero gustong gusto na kitang burahin sa puso ko kasi ang sakit sakit na.

Para kang tagang sinibat sa puso ko, inuubos mo yung dugo ko pati laman ng dibdib ko. Kahit anong liko ko, lahat tumutuwid papunta sayo. Gustong gusto na kitang tanggalin dahil inuubos ng alaala mo ang lakas na meron ako ngayon. Ang sakit isiping yung forever na pinapangarap nating dalawa dati eh mag-isa ko na lang minimithi ngayon. Tagos sa puso ko yung mga titig mo sa bago mo na dati eh ginagawad mo sa akin. Mamamatay siguro ako kung pati paghalik mo sa kanya eh masaksihan ko din. Ayoko na kasi talga. Gusto na kitang kalimutan pero maski sarili ko ayaw akong tulungan.

Namimiss ko na yung pakiramdaman na masaya. Gusto ko ng maramamdaman ulit yung may ilolook-forward sa umaga. Gusto ko ng maramamdaman yung gigising ako sa umaga at wala ng may kung anong bigat sa dibdib ko. Gusto ko ng marinig ulit yung tibok ng puso ko ng walang kahit anong sakit kasabay ng pagpintig nito. Gusto kitang makita nang hindi na nakakaramdam ng anumang sakit. Gusto ko ng palitan yung mapapait na pag-iisip nang matatamis na alahanin. Gusto na kitang kalimutan. Gusto ko ng mabuhay ulit. Pero paano ba? Paano ko ba makakalimutan ang isang taong tumulong sa akin na hukayin ang sarili kong matagal ko ng ibinaon? Paano?

Messenger Serye:
  • I.
  • Minessage kita, alam ko automatic na magbblue 'yong bilog kasi online ka. Pero ilang minuto na, puti pa rin, nakacheck. Sent.
  • Muted.
  • II.
  • Tinext pa kita para sabihin 'to, ilang segundo lang naging blue na ang bilog. Hanggang 'don na lang. Ngayon ko lang hihilingin, kahit seen lang. Please.
  • III.
  • Active 5 minutes ago.
  • 'Yan lang ba ang isasagot mo? Sabagay, ano pa bang magagawa ko, wala na ko sa posisyon para humiling nang kahit ano.
  • IV.
  • Tuwing nakikita kitang online, hinahayaan ko lang ang sarili ko na mag-intay. Nagbabakasakali lang na maging katulad ka ng dati.
  • V.
  • Maging katulad TAYO ng dati--mahal kita, mahal mo ko. Hindi mo ko sasaktan, gano'n din ako sa'yo. Pero ang pangakong 'yon, napako... Bakit? Paano?
  • VI.
  • Bungad ko sa'yo'y kumusta, sabi mo 'wag ko nang itanong pa dahil masyadong personal. Hindi na kita pinilit pero may sinabi ka, bakit ngayon pa?
  • VII.
  • Umamin ka, "Mahal pa rin kita," nanginig ako. Dapat ba kong matuwa na hindi nagbago 'yon, o malungkot dahil ayaw mo nang ibalik 'yong kung anong meron sa atin noon?
  • VIII.
  • 'Di ka pa kamo handa sa relasyon, oo naiintindihan ko. Pero nakakatawang isipin na pumasok tayo doon at wala akong narinig na, "Busy ako"
  • IX.
  • Seen.
  • Typing..
  • Tinaboy mo na ako. Tinaboy nang ganun-ganon na lang na para bang isa akong illegal vendor sa Cubao.
  • X.
  • Ikaw na ang tanggero ng chatbox, ako ang nagsilbing tagatanggap ng nakakapaso at gumuguhit mong mga salita. Bumulong ako sa sarili, "Ayoko na. Ang sakit sakit na."
  • XI.
  • Bumaliktad ang ikot ng mesa, ako na ang tanggero na walang padalos-dalos na ibinuhos ang lahat ng gusto kong ipaalala sa'yo. Heto..
  • Tapos na tayo, pero asahan mong andito pa rin ako.
  • Tapos na tayo, pero ikaw pa rin ang nag-iisang tambay ng puso ko.
  • Tapos na tayo, pero patuloy pa ring tumitibok ang puso ko at walang ibang sinisigaw kundi ang pangalan mo...
  • Ang pangalan mong..
  • XII.
  • Seen.
  • Unfollowed.
  • Unfriended.

Siguro pag nakita o narinig mo yang lines na yan ay iisipin mo agad yung kanta ng The Script na The Man Who Can’t Be Moved pero hindi niyo ba alam na may ilang lalaki din ang nakakaranas niyan?

Yung lalaking nagmahal ng sobra sa isang babaeng sinaktan o iniwan lang siya. Tapos sa sobrang lungkot ng buhay niya dahil sa mga ngyari ay naghanap na lang siya ng pagmamahal mula sa iba. Minsan akala niyo malandi lang yung lalaki pero hindi niyo alam na nasasaktan talaga siya, kaya siya naghahanap ng pagmamahal mula sa isang babaeng kayang intindihin ang sitwasyon niya. Kaso madalas imbes na mahalin din siya eh siya pa yung niloloko, pinapaasa, iniiwan, ginagago at sinasaktan ng mga babaeng sumunod dun sa babaeng minahal niya ng sobra. Akala nung lalaki yung babaeng nagcocomfort sa kanya ay mamahalin din siya ang hindi niya alam minsan ginagawa lang siyang reserve, palipas oras at kalandian lang nung babae.


“Sabi nila mabilis mafall ang mga babae pero MAS mabilis kaming mafall sa totoo lang. Yung mga simpleng sweet words at effort lang ng isang babae sa amin ay mahuhulog na talaga kami lalo na kung broken hearted kami o nasa magulong sitwasyon sa buhay pag-ibig.”

“Takot kaming mga lalaki dumating sa point na kung saan wala kaming makakapitan sa oras ng mga problema. Oo, malakas at matapang kami pero may times na takot na takot kami sa mundo. Yung feeling ng mag isa lang kami sa buhay? Yung feeling walang nakakaintindi sa amin? Yung feeling na wala na kaming ginawang tama? at yung feeling na wala ng nagmamahal sa amin? Madaming pakiramdam ang ayaw naming maranasan mag isa.
Kaya nga kami naghahanap ng girlfriend eh, kasi kailangan namin ng makakasama sa buhay, kailangan namin ng makakaintindi sa amin, kailangan namin ng magsasabi ng tama at magtatama ng mga pagkakamali namin, at kailangan namin ng may magmamahal sa amin.”

“Bilang isang lalaki hirap na hirap kaming gumising kada umaga pag wasak ang puso namin. Akala ng iba masaya kami, hindi nila alam na bago kami matulog ay lumuluha o umiiyak kami ng dahil sa isang babae. Syiempre nagmahal kami eh, totoo at walang halong biro. Magaling lang kaming mag tago ng aming nararamdaman kaya hindi alam ng kahit sino kung gaano kami nasasaktan. Hindi man nakikita ng babaeng mahal namin yung sakit pero kitang kita namin yun kasi kami mismo ang nakakaramdam sa puso’t isipan namin.”

“May times na malandi kami lalo na pag sawi ang puso namin. Alam namin na mali ang maging malandi pero nagagawa namin yun dahil naghahanap kami ng pagmamahal mula sa iba. Kaya pati kami nagiging malandi minsan dahil takot na kaming muling magmahal ng sobra. Siguro dahil na din sa huling babaeng naging dahilan ng sakit sa aming mga puso. Takot kaming muling maramdaman yun. Pero sa totoo lang nararamdaman pa namin yung sakit eh. Niloloko nga lang namin yung sarili namin madalas kapag sinasabi namin na AYOS LANG AKO lines.”

“Ang hirap magmahal, nakaka gago, nakaka asar, nakaka tanga. Sorry sa mura, pero walang murang kayang mag explain ng sakit. Ang hirap mag move on sa taong minahal mo ng sobra. Yung sobrang sobra mo siyang mahal pero sobra sobra din yung sakit. Ang unfair kasi lagi na lang sinasabi na kaming mga lalaki yung mangloloko, paasa, mangiiwan at mang gagago. Pero sa totoo lang madami din naman babaeng gumagawa nun eh. Ang hirap talaga, sobra, sobra pa sa sobra. Minsan nga hindi ka na lang makagalaw sa sakit. Yung nasa isang tabi ka tapos nakikita mong masaya ang lahat pero lang sa isang tao at ikaw yun.”

Siguro sinasabi ng iba na nasisiraan na ako, pero sa totoo lang….


Lalaki ako, nagmahal, umasang mamahalin din, ngunit nasaktan lang. Mararamdaman at maiintindihan mo din ako at ang sakit na nararamdaman ko kapag nawala sayo yung taong minahal mo ng sobra pa sa sobra.


-Lalaking nagmahal

Tangina mo. Tangina mo kase pag-gising ko, ikaw agad yung hinahanap ko. Tangina mo kasi kahit anong ginagawa ko, kahit saan ako magpunta, ikaw yung laman ng isip ko. Tangina mo kasi namimiss kita kahit saglit palang tayong hindi magkita. Tangina mo kasi makita ko lang yung ngiti mo, gumagaan na yung pakiramdam ko. Tangina mo kasi isang “Hi” mo lang, tumatalon na yung puso ko. Tangina mo kasi araw-araw akong nag-aantay sa mga text mo. Tangina mo kasi nakaka-inlove ka. Oo tangina mo. Inlove na ko sayo. Pero tangina mo, may mahal ka nang iba. Hindi mo ko kayang mahalin. Wala kang pakialam. Ang sakit, ang sakit sobra. Pero kahit ganun, hindi ko kayang kalimutan ka. Tangina mo kasi hindi ko kayang mawala ka. Tangina mo ano bang meron ka? Oo, tangina mo. TANGINA MO KASI MAHAL KITA.