magtataho

MAGTATAHO

Sa wakas, dumaan na din ang magtataho. Siya ‘yung binibilhan namin tuwing umaga. Sa katunayan, medyo tanghali na nga siya. Kadalasan kasi ay mga alas-otso o alas-nuwebe siya ng umaga dumadaan. Buti na lang din at tanghali na siya naglako dahil tanghali na din kami nagising.

Buti na lang at napakiusapan namin si manong na damihan ang arnibal. Nakakatuwa din dahil pinuno niya 'yung malaking baso ko kahit sampung piso lang ang binili ko. LOL

Malamang, bukas ay bibili ulit kami sa kanya. 'Yun ay kung ganitong oras din siya dadaan. Tara, hati tayo sa taho. Ang dami kasi.

[ 30/365 ]