magpupuyat

Hindi ako nakatulog kagabi, 6AM-10AM lang ang tulog ko kanina dahil sa thesis. Apat kami sa grupo pero tinulugan nila ako. Sinabihan ko na sila na magpupuyat kami kahit isang gabi lang, kaso wala. ‘yung isa naman talagang hindi na nahiya, inaantok na daw siya. Pasalamat siya hindi ako war freak at mumurahin ko talaga siya. Nonsense ang groupings kung mag-isa lang din naman akong gagawa.

Deadline ng Chapter 1 namin ay kaninang 2PM. Naipasa ko naman before 2PM. Nabalitaan ko sa ibang kaklase ko na kinwento ang topic namin ng department head namin, hindi daw pinag-isipan, basta may maipasa lang. Aminado naman ako du’n. Mahirap gawin ‘yun mag-isa. Blankong-blanko ako kaya inumaga na ako sa paggawa ng thesis na ‘yun. Nag-eexpect na ako na disapproved na ang topic naming ‘yun. Wala silang karapatang magreklamo ‘pag pina-revise sa’min ang topic namin.

Kalahati palang ang nare-review ko para sa Logic. Damn damn daaaamn. hindi ako magpupuyat tutulog ako maaga. Tinatamad na ako magreview. Pero kailangan para sa goal ko! Para kayla Mama! para sa kinabukasan ko!

“ Miss ka na ng inbox ko. ”
- Simula nun hindi ka na nagparamdam, di na ako nagloload, what I mean is hindi na ako nag uunli palagi, naka regular load lang ako. Minsan nasasayang lang kasi kinakain lang din naman yun load ko. Di ko din naman nagagamit. Miss ko na yung mga ‘late night conversation’ naten dalawa, 'late night talks’, yung magpupuyat tayo pareho, yun kahit walang non sense na topic pinaguusapan pa din naten, yung tawa mo, yun boses mo at lalong lalo na IKAW yung pinaka NAMIMISS KO. I miss you so much P. I miss you, I really do. Sobraaaaaaa! :(