magpapakatatag

Kapit lang
—  Sabi ko sa sarili ko “kapit lang”. Dito na muna ako. Dito sa puntong hindi ako bibitaw. Bibitaw sa pagkakakapit ko sa iyong mga kamay. Na titiisin ko muna lahat ng sakit. Hindi ko iisipin ang bigat ng lahat. Kundi magpapakatatag ako para sa lahat. Para sa atin, para sayo. Kahit hindi ko alam. Kung hanggang kailan, kung hanggang saan. Basta kaya ko pa, andito lang ako. Kumakapit sayo.