magkasintahan

BAKIT SUMISIGAW ANG TAONG GALIT?

Tatay: Anak alam mo ba kung bakit nagsisigawan ang taong galit kahit magkaharap sila?

Anak: Kasi highblood na po sila

Tatay: Ano pa?

Anak: Kasi nga po galit sila

Tatay: (napangiti sa anak, at sabi nya) Nagsisigawan ang dalawang tao kapag galit kahit magkaharap pa ang mga yan, dahil malayong malayo na ang puso nila sa isat-isa. Malayong malayo na pakiramdam nila, hindi ito maririnig ng isat-isa kung hindi nila isisigaw.

Napapansin mo ba ang dalawang magkasintahan pag nag-usap? malumanay lang at mahina, dinig na nila isat-isa… Bakit? Dahil magkalapit ang kanilang puso.

Yung mga bagong kasal, kahit bulungan lang, dinig na dinig nila… Minsan nga titigan lang, nauunawaan na nila isat-isa. Kasi magkadikit ang kanilang mga puso.

Kaya ikaw anak pagdating ng panahon na galit ka lalo sa iyong asawa o kapamilya, makipag-usap ng maayos at masinsinan… Iwasan mong sumigaw, dahil baka dimo mamalayan, sa kasisigaw mo, masyado nang lumayo ang puso nyo sa isat-isa na baka dumating pa ang panahong gusto mong lumapit, pero di mo na sya makita pa..

“Ang malubay na sagot ay nakapapawi ng poot ngunit ang mabigat na salita ay humihila ng galit.”

He was a stranger and you were too young to comprehend the word trust. Nagsimula kayo sa text at akala mo magical fairytale na ang lahat. Pinayagan mo siyang pumasok sa buhay mo. Ikaw pa mismo ang nagbukas ng pinto nang kumatok siya sa puso mo. Basic information lang ang alam mo sa kanya. Ni hindi mo siya nakitang gumalaw, ni hindi mo nakita ang sarili mo sa mga mata niya, ni hindi mo nahawakan ang mga kamay niya pero sumubok ka, tumaya ka, nagbaka-sakali ka. Uso na ang internet pero masyado kang mangmang para maisip ang kung ano-anong kalokohan meron ang lugar na yun. Too good to be true ang unang namutawi ng bibig mo pagkakita mo sa larawang senend niya sayo. Pero nilabanan mo ang mga naiisip mo. Ayaw mong magduda. Ayaw mong bahiran ng kahit kaunting pag-aalinlangan ang masayang relasyong meron kayong dalawa dahil naisip mong mahal mo siya at kailangan mong magtiwala.

Naging mataas at maliwanag ang sinag ng araw pero gaya ng napagdadaanan ng ibang magkasintahan, umuulan din paminsan minsan sa relasyon ninyo pero kinaya niyong lagpasan ang bawat patak ng ulan na pilit sumisira sa payong na pinagsasaluhan niyo. Naging matatag kayo sa common problems na napagdadaanan ng mga LDR couples. Hindi mo alintana ang distansya at ilang bundok at malalawak na karagatang naghihiwalay sa inyong dalawa kahit sabik kang makita siya. Pero hindi mo pa rin maiwasang magduda, kung siya ba talga iyon, kung totoo ba talaga siya. Minsan mo siyang sinabihan sa mga gumugulong tanong sa utak mo, hindi ka kumbinsido pero pinilit mong maniwala sa mga binigay niyang sagot sayo kasi naisip mo, mahal mo ang tao at ayaw mong isipin niya na hindi mo siya mahal dahil lang sa mga pagdududa mo. Kaya naisip mong iwaksi lahat ng mga naiisip mong iyon at maniwala sa kanya. Isang araw nang magpunta ang mutual friend ninyong dalawa sa lugar kung saan naroroon siya.

Buo ang loob mo. Ito na yata ang sagot sa mga tanong na gumugulo sayo, iyan ang naiisip mo. Dahil alam mong kaibigan mo yun, panatag kang magsasabi siya ng totoo sayo patungkol sa mga tanong na gumugulo sayo. Nang magkita kayo ng kaibigan mo pagkabalik niya ay dala-dala mo sa puso mo ang kaba na baka tama ka’t niloloko ka lang ng boyfriend mo, na hindi siya iyong lalaking nasa larawan. Nakahanda kang tanggapin lahat ng maaaring katotohanang malalaman mo. Masasaktan ka kung malalaman mong tama ang hinala pero naisip mong mas tama iyon kaysa patuloy kang gumigising sa kasinungalingan. Pero winalis lahat ng kaba mo’t pag-aalinlangan nang sinabi ng kaibigan mong siya talga yun. Hindi ka dapat mabahala dahil lahat ng nakita mo sa larawang bigay sayo ay totoo, iyon ang sabi niya. Tuwang tuwa. Hindi magkamayaw lahat ng internal organs mo sa balitang dala ng kaibigan mo fresh from where your boyfriend was. Nawala ang alinlangan at halos isang taon ninyong pinagsaluhan ang masasayang moments sa relasyon ninyo pagkatapos nun.

Pero isang araw nang ichat ka ng close friend mo na may alam din sa relasyong meron kayo, isang balitang nagpaguho ng mundo mo. Hindi siya yun, sabi niya. Hindi mo alam kung maniniwala ka ba. Hindi mo alam kung masamang panaginip lang ba. Pero ang kinatatakutan mong maging totoo ay totoo nga, hindi nga siya yun. Halos isang taon ka rin niyang niloko, hindi mo matanggap. At hindi mo rin matanggap na nagawa kang lokohin ng mutual friend ninyo. Anong nagawa mong kasalanan at kinarma ka ng ganun, iyan ang parati mong tinatanong sa sarili mo. Hindi. Wala kang nagawang kasalanan para karmahin ka ng ganoon. Masyado ka lang talagang tanga para maniwala agad sa taong hindi mo naman talga kilala. Masyado ka ring tanga para maniwala sa kaibigang akala mo kaibigan mo. Masyado kang tanga para magmahal sa isang poser. Maraming kababalaghang nangyayare sa internet, wag masyadong tanga. Kahit sabihin pang kaibigan mo iyong taong yun, pwedeng pwede ka pa rin niyang lokohin. Be smart. Wag tanga, kilalanin muna ang larawang pinadala.

—  Dahil Tanga Ka #3, “I fell in love with a stranger, ay hindi, poser pala.”

Yung sa tuwing may nakikita kang magkasintahan lagi mo na lang sinasabi na ‘maghihiwalay din yan, walang forever. Sa tingin ko hindi naman pagbibitter ang tawag diyan sa ginagawa mo eh. Alam mo kung ano? Inggit ang tawag diyan, inggit na wala kang kapareha, inggit dahil single ka at lagi ka na lang nag-iisa. Haha.

septembervmmxv  asked:

Balikan

Maghihintay ako kahit na matagal,
pangako kaluluwa'y di mapapagal
mga mata sa iba'y di titingin
ikaw lamang ang iibigin.

Maghihintay ako sa dating tagpuan,
puso ko'y ikaw lamang ang kadluan
Mahal kita, ika'y aking hihintayin
lahat aking gagawin at hahahamakin.

Alam ko ako'y iyong babalikan
di mo naman sasadyaing ako'y iwan?
Paki usap ako'y iyong balikan
pagkat di ko na alam aking patutunguhan.

Iyo namang babawiin ang pagkakaibigan
at tayo'y magiging magkasintahan.
Ika'y akin muling mahahagkan
ako sana'y iyong balikan
pagkat andito lang ako
maghihintay sa'yo
di mapapagod, pangako.


-Balikan

Well, today tinanong ako ng superior namin bat ko raw gustung gusto yung mga cosplayers na pupuntahan ko sa October. Sabi ko kasi cosplayers sila, which is totoo naman. Tinanong niya ako if tomboy sila. I said no, kasi di naman talaga sila tomboy.

‘Silahis ata yung isa at bakla talaga yung isa.’

‘Pero magkasintahan sila?’

‘Oo.’

‘So pareho silang bakla’

No, it’s not like that.

I really wanted to scream na it’s not like that.


Anyway, in-accuse ako ng superior namin na member daw ako ng third sex just because I appreciate them at kinikilig ako sa love story nila. Which is nakakakilig naman talaga ang love story nila. Ano yun, dahil ba pareho silang lalake di na nakakakilig ang pag-iibigan nila?

And I wanted to scream na ‘Yes, member ako ng third sex. I’m queer as fuck. Ano naman ngayon?’

Dahil ba di pa ako nagkaka jowa e di na valid ang sexuality ko? Dahil ba di pa ako nagkaka jowa di ko pa alam ano talagang gusto ko? Well, I know what I want and I am attracted to both. No amount of name-calling is going to change that.

At dahil ba pareho silang lalake at in a relationship bakla na sila agad? Di ba pwedeng silahis yung isa? O silahis silang dalawa? Bat pag dalawang babae ang magkasintahan automatic yung isa babae yung isa tomboy? Di ba pwede pareho silang tomboy at yung isa gusto lang talaga ng makeup, dresses, and shoes? (bc shit clothes, shoes, and makeup are awesome) Bat ganon? Bat ba ina-assume ng lahat ng tao na isa lang talaga ang “gay” sa gay couple at yung isa oportunista? Hindi ba pwedeng kaya magkasintahan sila dahil nagmamahalan sila, di dahil nangangailangan yung isa?

More importantly, bat ba hindi nire-recognize ng karamihan ang bisexulity. It’s as valid as gays and lesbians. I am valid. My people are valid. We are valid.