magkakaibigan

Nasan na sila?

Nasan na yung mga dating Blogger? yung dating Tumblr? Yung dating saya at Sigla? Katulad din ba ng True Love… Unti unti ng nawawala?

Nasan na yung mga blogger na puso ang puhunan? Yung “Blogs to Express not to impress” ang tema ng buhay? Yung mga blogger na totoong totoo sa nararamdaman, hindi puro pagpapabebe, kundi yung totoong nilalaman ng mga puso nila na makikita sa mga rants nila?

Nasan na yung dating Unity ng bloggers? Yung tipong madalang ang anon hate. Tapos parang magkakaibigan ang lahat, walang fc fc kasi parehong open minded at parehong nasa tumblr dahil sa iisang dahilan: To express and have a family. 

Kailangan ko na bang sumunod sa kanila? ang lumabas sa totoong mundo? ang umiwas sa mundong to? Nakakalungkot… Sobrang nakakalungkot.