magbasa kayo

OCTOBER 2014 CPA BOARD EXAMINATIONS: THE SUMMARY

Hello to all members of Tumblraccountants!

Like what other admins Kharla and Cedric did in the October 2013 and July 2014 board exams, I who took the CPA board exam last October 2014 will share to you my insights and previews about the exam. Para ito sa mga susunod na mga mageexam na gusting malaman kung ano ang mga nagaganap sa actual board examinations. Mahaba haba ito, so sana di kayo tamarin magbasa. :)

(Disclaimer: It might be different from what will be given in the next board exams tentatively to be held on May 2015. And it is my own observation, it might have different interpretations from others who took it. Also, I cannot post the complete actual questions, as I signed a non-disclosure agreement to the PRC not divulging the content of the exams, still it is an overview. I did this post hours after each day of the CPA board examinations.)

DAY 1

THEORY OF ACCOUNTS: Sabi ng ibang ka-dorm ko, galing sa ReSA preweek saka handouts yun karamihan mga tanong, consistent sa trend noong last July 2014 exams. (Taga CPAR ako kaya di ko masyadong nabasa yun sa ReSA, huhu.) Pero, I felt na sa TOA, labanan lang tlaga ng concepts. So I suggest na sapat na yun materials sa review center niyo. Mas marami pa rin kayo matatandaan kung makikinig kayo sa reviewer niyo. Maraming lumabas about the framework, financial instruments, shareholders equity, mga ilang tanong rin yun about sa EPS, preference shares saka retained earnings. May lumabas rin about service concessions (IFRIC 13) na noong preweek at actual board exam ko lang nalaman, so aside from review materials, try to read the standards and interpretations themselves kahit yun summarized lang. May konting government accounting pero ang simple lang. At walang employee benefits sa board exam ngayon.

AUDITING THEORY: Also known as “Auditing Theory and ENGLISH 1”. Paano ba naman, the Auditing Theory grammar questions introduced last July are again in this board exam. Limang tanong na proper use ng capitalization, pronouns, apostrophe saka paggamit ng active and passive voice ang lumabas. May tanong pa nga na yun other three choices are JEJEMON TEXTS. (That “K b der, 9am @ ofc, thx” choice for example.), na kung tutuusin ay bonus questions. Back to the main subject, maraming IT audit at audit sampling questions na lumabas. The rest are usual questions about audit reports and substantive procedures. For the reference, most of the questions reportedly came from Wiley. But, I think yung Salosagcol + CRC-ACE handouts sapat na rin sakin. So again, it’s all about concepts. Another tip: choose both the BEST and CORRECT answer. May tanong kasi doon na anong opinion ang ibibigay kapag may material misstatement ang FS. Di ba qualified or adverse opinion ang sagot depending on pervasiveness? Pero napilitan akong isagot ang qualified only kasi yun isa sa choices, “qualified and ADVISE opinion”. Kasi it may be the best answer, but NOT the correct one, kasi may error sa choice. Pwede kang magassume na typo error siya pero sabi nga “never assume unless otherwise stated”. Always think that your exam is correct, so if there are errors in the exams, choose the next best alternative, or if a worse error, call the attention of the watcher.

DAY 2

MANAGEMENT SERVICES: For me, it is one of the easiest examination in this board examination, pero DON’T be complacent because marami ring tricky questions doon. Maraming lumabas about financial statement analysis especially related to equity (EPS, dividend payout and yield, P/E ratio). May capital budgeting rin, pero ingat sa net annual cash inflows. Net income ang given, iba yun sa cash flow ah, dahil pag di mo naadd yun depreciation, damay damay yun NPV, payback period at simple rate of return mo. May budgeting rin: may computation ng budgeted production, at may collections from quarterly sales. May isang contested situational problem rin doon, about sa feasibility study budget proposal. Bumalik rin yun cost concepts, which some are theories. There were more problems this time compared to last July, albeit theories still dominated the exams. Lastly, there is one only question about economic concepts, about demand and supply. As for the reference, MAS Theories are reportedly lifted from Cabrera while the problems, CPAR handouts would be enough. May grammar question rin pala ang MAS, proper capitalization, kaya dapat talagang title nun “Management Services and ENGLISH 2”

PRACTICAL ACCOUNTING 1: Also known as “AUDITING PROBLEMS PART 1”. Bakit? Around 5 situational problems with five questions each ba naman ang binigay sa board exams. Di ba madalas pag P1, one-situation, one-problem lang, or at most dalawa? In short, mala AP talaga ang level ng questions sa P1. Actually pinaclarify ni Sir Valix of CPAR yun mga questions na iyon. Anyway, most of them are about cash flow statement, financial statement presentation, accrual to cash basis (not cash to accrual, kasi cash basis net income ang tinanong), inventory at accounts receivable. Wala dun yun “favorite topics” dun like employee benefits, at simple ang leases doon (as in operating lease lang). Another tip, tignan muna ang required bago yun situational problem. Bakit? May isang tanong dun na sobrang haba, almost one page yun may investment in equity securities + investment in associate + trademark + patent… tapos pagbuklat ko ng next page ang tanong lang pala simpleng dividend revenue. Badtrip di ba? Nasayang tuloy oras ko noon kakabasa. Lastly, don’t be careless in reading, may time kasi na computable lahat ng choice pero dahil sa isang additional information lang, nababago ang mga sagot. Ayun, kung next board exam ganun ang trend, after reviewing P1 handouts in your review center, isunod agad ang AP kasi magkarelate talaga sila. I would still recommend Valix books, dahil masasabi mo sa libro na yun na: “nasayo na ang lahat~” pero if gusto niyo ng AP level P1 questions, try Empleo’s FA books.

DAY 3

AUDITING PROBLEMS: “…PART 2”. One of the problems (about cash recieipts, disbursements and shortages) are very familiar with me dahil inexam ko siya dati noog undergrad ako, with the same amounts. That was lifted from the reviewer of Ocampo. (So may sure 5 points na ako. Hihi.) Pero beware, pwedeng baguhin yun tanong, so wag magkabisado ng sagot. For example, sa problem na yun, may lalabas na sagot if gross profit on cost ginamit mo at may lalabas rin pag gross profit on sales ginamit mo. So, INGAT, kasi pag nagkamali ka ng gamit, domino effect yun sa ibang related questions. Sabi naman ng isa kong classmate, may kinuha raw kay Roque. So, I would really suggest, like what I did in the review, that reading both of them are effective.  May lumabas na problems about shareholders’ equity (mainly issuance of shares), revenue cut off tests, and collections and payments. May isa lang na problem na medyo nanibago ako, about investment in joint venture and operations, kung paano mo hahatiin yun assets, liabilities and equity between sa mga venturers. Lastly, may THEORIES ulit ang auditing problems, like last October 2013 board exams. Mga walo or siyam yata. Related naman ito sa substantive procedures to be taken sa different transactions like in payables and receivables, at saka sa subsequent events. WALANG PROOF OF CASH. Kaya compared raw sa July 2014, mas madali ang AP ngayon.

PRACTICAL ACCOUNTING 2: Also known as “AUDITING PROBLEMS PART 3” dahil may 4 situational problems ulit with 5 questions each. It is this board examination’s KILLER SUBJECT. It was the subject that made me cry after finishing it dahil sobrang hirap niya, at paguwi ko sa dorm binalibag ko sa sahig yun mga materials ko sa P2 sa inis. :( May isang tanong doon about business combination na aakalain mo na 3-step acquisition siya dahil akala mo magkakapangalan sila. (I am talking about Kitty Kat, Kit Kat and Kitty Kit, I know makakarelate yun iba dito). Yun pala, tatlong companies pala ang nagacquire sa iisang company. (Yun dalawa ay investment in associate, at yun isa doon subsidiary) May lumabas ulit na about joint operations or assets yata about sa yachts na akala ko hindi pagtutuunan ng pansin: this time, pinacompute sa amin yun revenue, net income at share sa kada venturer. Naiinis talaga ako kasi sobrang gulo kung ilang araw talaga yun sail-days nila, pati yun costing nila. May isang problem naman doon about partnership operations na feeling alam ng marami ang gagawin pero nakakainis kasi sobrang haba ng kailangang solution dahil dalawang taon + ang hatian pa nila average capital balances + nag-admit pa ng bagong partner.  Naghahanap ako ng medyo madadaling topics sa P2 like Franchising, LTCC, Home Office & Branch, Corporate Liquidation, NPOs, Government Accounting, etc., pero WALA. Habang maraming Forex Transactions saka Forward Contract questions, Process Costing na nasa isang situational problem at dalawang Joint Costs problems. May theories na naman sa Practical Accounting 2. Doon ako nagulat, may about sa Activity Based Costing na ang alam ko part na siya ng MAS. Overall, even yung topnotchers nahirapan sa exam na yun dahil mahahaba na, nakakalito pa at habang nag eexam ako, malapit ng magtime pero walang labasan. Di tulad noong MAS, AT at TOA may nagpapasa na ng 1 1/2 hours pa lamang. Kung saan galing yun tanong, sorry, I do not know, dahil mas mahirap siya compared sa problems nina Dayag at Guerrero, na kung Level 1 yun sa libro, level 100 yun nasa exam na yun. Feeling ko self-constructed ang mga tanong kasi until now walang makapagturo ng source. Consolation na lang siguro dun yung mapaggamit nilang mga company names tulad ng Raikage at Temari ng Naruto, cast ng series na Suits, at sina June Mar (Fajardo), Andray (Blatche) at Jimmy (Alapag) + Paul (Lee) na players ng Gilas. Sabi nga ng isa kong classmate sa problem ni June Mar, sana raw sinama na nila si James Yap, PJ Simon at Marc Pingris.

DAY 4

BUSINESS LAW & TAXATION: The former killer subject last July 2014 doesn’t have its sting anymore, pero hindi pa rin siya gaanong kadali. Actually, may contested situational problem doon about community tax certificates or cedula dahil wala raw siya sa syllabus ng CPA board examinations. On the Tax part, may situational problem about income tax payable per quarter, dividend income, donors’ tax, pati na VAT. Theoretical lang ang Estate Taxation doon, at more focused rin ang exam sa assessments. Sa BL naman, may hustisya dahil well distributed ang mga tanong sa mga topics: may obligation, contracts, pledge, partnership, corporation at negotiable instruments. Although may mga tanong doon na medyo nakakalito. Example is kung ano ang promissory note na order to the bearer. May ilang Latin law terms na never heard sakin, tulad ng “pactum reservati dominii” or contractual reservation of title. Napa-“ano iyon” ako doon, so I suggest na dapat may legal dictionary kayo pag nagrereview. May isa pang situational problem sa BL, about sa appraisal right ng isang corporation, na kung nakinig ka noon sa lectures ng reviewer niyo, masasagot mo talaga siya. Naging sapat na sakin yun CPAR handouts at preweek on BL at Quick Notes ni Jack De Vera para makasurvive sa subject na ito. Pero dahil alam naming killer subject ang BLT last time, marami rin kaming binasa na libro doon, like ReSA handouts ni Tamayo, Soriano, etc.                       

—- ooo —-

Nakakawalandyo *with matching voice of Atty. D of CPAR* yun exam di ba? Dahil inexpect na namin na mahirap ang CPA board examinations tulad noong July dahil sa change ng composition of BOA, pinaghandaan talaga ng karamihan ito. Pero ang nangyari, parang standard costing: ang standard ay mahirap, pero ang actual MAS MAHIRAP pa, kaya naging UNFAVORABLE sa amin. Masasabi mo talaga na ACCOUNTING ang tunay na MAHIRAP. ACCOUNTING ang tunay na PURO PASAKIT. </3 Sabi nga ng ilan, pati ng iCPA, it was one of the toughest CPA board exams ever. (Di kasama yun time na hindi pa multiple choice ang board exam ah, mas mahirap naman yun.)

Sa lahat ng nagdasal at sumuporta, maraming maraming salamat! Sa lahat ng CPAs na, congratulations and see you sa oathtaking, testimonial dinner or baka sa work na rin. Sa mga hindi naman pinalad, di pa tapos ang laban! Balang araw, susunod na rin kayo na matutupad ang mga pangarap bilang CPA. At sa lahat ng magtatake this coming May 2015, I am wishing you all the best. Tiwala lang kay Lord plus efforts, magiging CPA ka rin.

KEEP CALM AND BE A CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT.

To God be all the glory!     

- P.M.G. Clamor, CPA

Bilang dumarami na rin ang bilang ng mga tumblrista, maraming baguhan sa kung ano nga ba ang tumblr at kung ano ang nangyayari sa tumblr. Anong ibig sabihin ng ganito, ganyan. Kaya this post is for you bloggers :>

Tumblrista. Collective term para sa mga Pinoy Tumbloggers. Nasa iba’to ibang sulok ng Pilipinas, maging ng mundo. Basta isa kang Pinoy at may tumblr ka, tumblrista ka na!

URL. Ang URL ang isa sa hindi mawawala sa blog mo. Syempre, hindi ka makakagawa nito kung wala kang URL. Sa URL mo maeexpress ang parte ng sarili mo kasi jan ka halos makikilala. Yan yung itataype sa address bar para makapunta sa blog mo, yan din yung makikita nila sa dashboard bilang username mo, at yan din yung makikita nila kapag nakikipag-usap kaya via TA/FM.

Theme. Ang theme ng iyong blog. Sa simula, nandiyan yung default theme ng Tumblr, Optica ata yun. Choice mo na yun kung papaltan mo. Kapag nagpalit ka ng theme, pwede kang makahanap sa /theme o kaya sa google. Sa pag-eedit nito, tiyaga-tiyaga lang kasi may ibang theme makers na sobrang user-friendly, at may iba naman na kailangan mo pang mag-Edit HTML para lang may mabagong part sa theme.

BGM. Choice mo naman kung maglalagay ka ng BGM. Kadalasan, sa scmusicplayer.net yung player na ginagamit. May iba naman na nakalagay lang sa sidebar or somewhere sa blog. Nakakatulong ito para sa viewers ng blog kasi may music, nakakadagdag ng ambiance at atmosphere.

Sidebar. Ang sidebar naman sa blog mo yung, syempre, nasa side. Ilagay mo kung anong gusto mong ilagay. Online counter, description, links, picture, kahit na ano. Syempre, optional lang naman ito.

Avatar. Ang avatar naman yung parang icon mo sa Twitter at display picture mo sa Facebook.

Header. Ang header ay katulad lang din ng cover photo sa Facebook at sa Twitter.

TA/FM. TA stands for Tumblr Ask. Ito yung mga pwedeng i-publish at i-answer privately. Ito yung kadalasang ginagamit ng mga bloggers para makipag-usap sa iba. Madali lang din kasi ito hanapin tsaka tipong magdadagdag ka lang sa URL ng /ask. Pwede ring naka-anonymous ka sa pagtatanong, depende sa gusto mo. May limit ito na 10 questions per hour. FM naman stands for Fan Mail. Bale, if you want longer conversations, ito ang gagamitin. Na-iistore ito sa inbox. Kaso kailangan mo munang i-follow ang isang tao for 48 hours bago ka makapag-FM. May limit din ito na 500 per day kaso bihira naman yun mangyari. Sa FM, nababago mo yung font, pwedeng monospace, arial, tsaka cursive. Nababago mo din yung texture, pwedeng notebook or paper.

Anonymous. Hiding behind the grey shadow. Pwede kang mag-anonymous sa TA depende sa blogger. May iba kasing ang gusto ay walang anon na matanggap. Be careful lang sa anon messages, wag sana maging hate messges yung sinesend mo. Be good! Pwede rin naming maging anonymous blogger ka. Walang pinapakitang mukha. Pili lang sa information na ibabahagi.

Submit. People want to submit something sa’yo. Kapag in-open mo ito, may makakapag—submit ang mga bloggers sayo. Ikaw din ang bahala kung ipa-publish mo or hindi.

Reblog. Parang retweet lang or share. Kapag may nagustuhan kang i-post na nakita mo na sa iba, ireblog mo na lang. Wag kana mag-copy paste at angkinin yun bilang iyo. Plagiarism nay un. Nasa terms and conditions pati yun. Lahat naman ng post, pwede mo i-reblog, pwera lang yung sa’yo, unless you use XKit.

Like. Same lang to sa like sa Facebook at favorite sa Twitter. All you need to do is like the heart button and ayun. May trick dito, kapag may keyboard kang gamit, pumindot ka ng ilang keyboard shortcuts, J-for next post, K-for previous post, tapos L-for like. If you press L a little longer, may makikita kang heart animation.

Mention. Kapareho lang ito sa Twitter. You type someone’s URL after the @ sign. Manonotify yung blogger na minention mo. Bagong feature lang din ito.

Follow. Kapag sinabi nating follow, edi follow. Parang sa twitter. Pwede kang i-follow, pwede kang mag-follow. Nakikita naman yun sa account mo.

Followback. Binibigay lang ito kapag nauna kang ifollow. Hindi rin hinihingi. Depende na ito sa blogger kung ibibigay niya sa’yo. Kapag hindi binigay, wag naman sanang magalit. You came here to express, not for having more followers.

Tags. You use the tags para organized yung blog mo. Ikaw bahala sa tags na gagamitin mo. Kadalasang mga tags, personal, random, lovelife, long post, etc. Minsan, nasa tags din yung nararamdaman nung blogger. Maliit lang naman kasi ito kaya hindi gaano napapansin.

GPOY. Gratuitous Picture of Yourself. Kadalasan, mga selfie na yung nandito. Pero eto kasi yung picture na proud kang ipangalandakan sa iba.

Longpost. Mahabang post. Hindi ganon ka-defined kung gaano kahaba ang mga long post. Basta mahaba, long post. Kadalasan, mga readables ang makikita dito. Masarap magbasa. Opposite nya yung oneliners.

Oneliners. Mga post na sakto lang sa isang line. Or isang sentence.

Hugot. Mga post na kung makapagrelate sa pag-ibig ay wagas. Sisisirin mo pa ang kailaliman ng lupa para lang malaman kung nasaan ang hugot ng blogger na iyon. Mga kadramahan lang ganon. Haha.

TTH. Titillating Thursday. Mga nakaka-shock na pictures ang nandito, kaso ngayon, puro mga nude selfies na lang. Kung tigang ka at naghahanap ka ng mapaglalabasan, pumunta ka na sa tag na ito!

TBT. Throwback Thursday. Kadalasang napapagkakamalang TTH. Mga picture mo dati ang nandito sa TBT. Kaya nga throwback eh.

Promote. Magpapapromote ka sa isang blogger para makagain ng followers/following.

Sabaw. State of mind ito ng isang blogger kung saan wala na siyang maisip na ipost kaya magrereblog na lang ng kung anu-ano. Nangyayari to sa lahat.

Tigang. Mga taong sobrang malibugan. Lumalabas sa tuwing porn hour. Mga nagrereblog ng porn, kasi gusto may ka-sex. Masasanay ka din sa kanila kasi halos gabi-gabi silang nandiyan. Minsan nga lang, meron sa tanghali at sa hapon.

Tumblr crush. Pwedeng ito yung crush mo sa tumblr or yung 9 mong most-liked and reblogged blogs. Para makita yung 9 na yun, punt aka lang sa following tapos, makikita mo na sa right side yung mga tumblr crushes mo.

Viber/Line/WeChat/Skype. Dahil nakakatamad lumabas ng bahay at magpaload, dito na lang sa mga free chat apps umaasa ang ilan. Instant pa ang dating ng messages.

Kada. Kapag sinabing kada, barkada mo yun. Maraming mga kada jan. Marami kang makakaclose sa isang kada, sumali ka lang, boom, hello close friends na. Masaya magkaroon ng kada, dami mong makakausap. Baka nandon din si The One.

DB. Describe Blog. Base sa name, idedescribe ng isang blogger ang blog mo. May iba’to ibang paraan to describe blogs. Pwedeng may picture, mahaba, may message. Simpleng promote na din kapag maganda yung sinabi ng blogger tungkol sa blog mo.

BR. Blog Rate. Para naman siyang DB kaso ang gamit lang ay numbers. Irerate ng isang blogger ang blog mo depende sa categories na sinet nya.

XKit. Isang google chrome/Mozilla firefox/opera extension. Extension of extensions. Madaming mga extension ang makakatulong sa pagbablog mo. Kagaya na lang nung reblog yourself atsaka one-click reblog.

TC. Tinychat. Isang website para sa pakikipag-chat ng bloggers. Maraming nakikipag-TC. Makakaclose mo kasi ung isang blogger, tapos, may chance din na makita mo yung mukha niya. Enjoy makipag-TC.

Audio greeting. Pag sinabing audio greeting, babatiin ka ng isang blogger. Promote na din ito sa sarili mo kapag nabati ka ng blogger na yun.

Meet ups. Hinding hindi mawawala sa bloggers ang meet ups. Nagsusulputan ang mga meet ups lalo na kapag bakasyon. May ibang meet ups na ilang cycle na din kasi sobrang sumikat. Kagaya na lang nung TSAMU, TSEMU, TAEMU. Isang worth it experience ang pagpunta sa mga Meet ups. You’ll get to know the blogger behind their blogs.

FS. Fan sign. Hinding hindi mawawala sa isang meet up ang mga fan sign. At least kahit hindi ka dun nakapunta, nandon naman ang URL mo. May picture pa kasama ng iba’t ibang mga bloggers. Ang saya diba?

Sana natuto kayo. Or sana nag-enjoy kayo magbasa. Keep blogging. :>

Recommended Wattpad Stories :)
  • Facebook Boyfriend For Real
  • For Hire: A good damn kisser
  • Talk Back and You’re Dead
  • Fake Loves and Life After Marriage
  • Sadist lovers
  • Sandalan
  • Gitara
  • Secretly Married
  • Ang boyfriend kong artista
  • It Started with a bet
  • My Casanova Husband
  • Please Say Don’t
  • The 22nd of April
  • Let me tell you allen
  • His personal slave
  • Break the Casanova’s Heart Operation
  • My Prince
  • 3 words, 8 letters, say it and Im yours.
  • Bad Meets evil
  • Mr cold (heartbreaker)
  • Ang boyfriend kong bading

Madami pang nakalistsa sa notebook ko :) Halos lahat yan nabasa ko. Yung iba hindi ko na matandaan :) Basta maganda yan lahat :“”“>