magbasa ka

A lot of people are asking me and telling me na “uy buti nakakatagal ka magbasa ng mga ganyan”. Yes, of course. Bakit hindi? You know, I read books and some other things for pleasure. If some of you are making sex as your habit, me on the other hand.. read books for my own pleasure.

I spend most of my time reading whether I’m at work or at home. I read because it’s my own escape from reality and this shitty world. I read because it’s me. I’ve been to different places because of reading, from Chapters to Paris or from Chapter 1 to New York.

So what genres or kinds of books do you like most? Iba iba kasi e. Depende with the mood I have or kung anong nakikita ko from goodreads, if it’s a good book. Then gora tayo diyan. Whether it’s from a book or from a pocketbook, online or wattpad. I’ll read it, as long as it has a good story. I don’t read books or stories just because they’re popular. I read books and stories because it’s good. Actually, hindi ko alam kung bakit ang daming nababaduyan sa pagbabasa ng pocketbooks or sa wattpad. Reading stories with tagalog in it, doesn’t mean you’re a “jeje”. What’s wrong with reading those tagalog stories? Just because you see your “yaya” or “kasambahay” reading it, doesn’t mean pangit na siya. That 175 pages small book can make you realize a lot. A LOT. I admit, I do have a lot of pocketbooks from PHR (precious hearts romances). And it is not baduy.

Most of the time you’ll see me reading. Kahit makasalubong niyo ako. Whether I have my phone or a book with me. I am definitely reading if you see me holding my phone. I used to hate reading noon, lalo na yung mga tagalog na ‘yan. But you know what they say, never judge a book by it’s cover.

But, take this. And hindi ko lang nagugustuhan sa mga new “published” books or “pocketbooks” ngayon e yung parang hindi man lang inedit or hindi man lang dumaan sa pag-proofread and mga ito. No offense. Lalo na yung may mga ganito pa ^________^. I mean, wtf. Ano 'yan? Kaya siguro nasasabing jeje and pagbabasa ng tagalog because of this careless and reckless company na porket “sikat” ito e gora publish kagad. Hay. *breathe* Anyway, wag niyo naman lahatin. There are a lot of good FILIPINO LITERATURES na you can read. There are also a lot of good writers. And I know some of them. *hearts*

Anyway, my point is. Never judge something lalo na if hindi mo pa naman ito nababasa. Read a book or a story because it’s good not because it’s popular. Hindi ko alam kung saan na napunta ang “sense” nitong post ko. But, hey! I am trying. Hehe! It is always good to share.

B.

October 2015 CPA Board Examination

As requested by my co-admins. :-)

To be honest idk what this blog post should contain kasi sa pagkakaalam ko iba naman na yung exam ng next batch and last na kaming makakaranas ng 7 deadly subjects in a board exam. But then maybe this would help, somehow, hopefully. :-)

Before the board exam, there are actually rumors, actually a lot of them. Most of them sa mga items na lalabas daw sa board exam, kung saang review center kukuha, pero yung iba in general, like magiging madali raw yung exam kasi last na nga kami. Well, I would tell you kung alin talaga ang totoo at alin ang hindi later.

Let’s do it one by one,

1. Auditing Theory - Well, lowest subject to. 83 ako. Like wtf, favorite ko to eh. Anyway, this subject is not as hard as my result. Marami lang talagang hindi familiar like most examinees are expecting. Talagang concept talaga ang hugot dito unless taga RESA ka kasi sabi dun daw mostly galing which I can’t say kung totoo kasi taga CPAR ako. So baka nga kaya mababa ako. Haha! 

Difficulty: From 1 - 5, 5 being the most difficult, 3

Read this: For this subject, you can’t really rely on familiarity. Napakadaming pwedeng itanong at kaya nilang mag construct ng totally different question pero yun pa rin naman concept, so if you want this in the bag, better be sure na naiintindihan mo sya at hindi lang basta memoryado. Lastly, at least marunong kang umintindi ng English. Haha!

2. Theory of Accounts - See Auditing Theory. 

Seriously, magkamukha lang ang maipapayo kasi hindi rin talaga pamilyar yung mga tanong pero answerable sya. Valix lang naman kasi ang reviewer ng halos lahat sa TOA. So ayun, concept pa rin talaga. :-)

Difficulty: 2

3. Management Advisory Services - Okay, what can I say about this subject? Di mo kaylangang tapusin si Roque, Bobadilla, Agamata at Cabrera to pass this subject. Di ko minamaliit yung subject or what. Siguro masyado lang naging mahirap yung approach ko nung undergrad na parang killer sya tas pagdating mo sa actual, halos basic lang ang itatanong. As long as alam mo yung takbo ng mga problem, kaya mong sagutan. The problem with this subject? The theory part. It’s either alam mo o talagang hindi mo alam. Ganon naman eh. Haha! So try to focus din sa theory.

Difficulty: 1

Read this: Please, don’t underestimate the subject just because sinabi kong madali, syempre depende rin yan sa preparation mo. Siguro nakatulong din na batak ka sa problem nung undergrad para mas okay kapag basic na lang ang tanong. 

4. Practical Accounting 1 - The shocking P1. Haha! Dito na yung mejo napag-isip ako na, wait. Board Exam na talaga. Kasi the construction of the questions, hindi mo talaga aakalain. Why? Situational sya, consisting of 3-4 questions BUT independent problems. Yes, you read it right, independent. Pinagsama sama lang sya para may gulat factor pero iba iba yung company and iba iba yung topic. So para rin syang separate problems yun nga lang nakakalito yung pagkaka present. 

Difficulty: 3

Read this: Ito yung isa sa mga subjects na mukhang may mga na condi. Why? Kasi nga nakakagulat sya. Pero kaya naman basta may concept kang hawak and natapos mo kahit si Valix lang. 

5. Auditing Problem - Practically you would expect long problems and complicated na practical accounting 1. But the actual board exam is not what we are expecting. Syempre may mga kontrabida na tanong, yung feeling mo perfect mo na yung exam then may isa o dalawa kang problems na nag-struggle ka. Haha. Ayun yon eh. Pero mayron talagang mga pamigay na tanong. Sarap. Haha! Kaso may mga grammar question which is double-edged sya kasi kapag okay ka sa grammar, easy point yun and lesser problem ang sasagutin mo kasi may grammar question halos every after the problem. Yun lang kapag mahina ka sa English, yari ka. 

Difficulty: 2

Read this: Be prepared ano man yung lumabas. Mahalaga yung may mga natapos kang reviewers kahit isa nga lang eh. Pampalakas ng loob yon. Bakit? Kasi di mo naman talaga matandaan totally yung sagot eh or yung procedure, kakapit ka na lang sa lakas ng loob na kahit ano lumabas, kaya mo kasi praktisado ka. Also, kung itutuloy, mahalaga yung okay ka sa grammar. Di naman gagawa ng essay, madadaan naman sa kutob eh pero kung kaya mong aralin para na rin sa job interview mo. Go!

6. Practical Accounting 2 - Okay. This is it. Haha! Dito maraming bumagsak or na condi I think. Why? kasi mahirap naman talaga ang P2. Dahil na rin sa forex and buscom. Sabi nung previous daw, yan yung madaming lumabas so syempre most of the students, jan nag focus. Unfortunately, hindi kagaya nung samin. Nag focus sya sa basic, like partnership and installment sales. Oo IS! Dito maraming nahirapan. Dalawang mahabang problems on Installment. Akala nila di lalabas so hindi na naaral. Ayun, mejo nahirapan. Hay. Sayang.

Difficulty: 4

Read this: Yes, mahirap yung subject but don’t panic. Kaya naman as long as nakaaral ka ng basic at alam mo yung concept. Wag lang i take for granted yung mga topics na madalang lumabas baka kasi magsisi ka sa huli, masasayang lahat ng efforts mo kung sasabit ka sa P2. (89 pa ako dito kahit na hilaw ako sa forex. Haha! So don’t be afraid)

7. Business Law and Taxation - Another killer subject. But not during our time. Yes swerte kami. Eto talaga yung kabado ako kasi alam kong kulang ako lalo na sa Tax. Pero sige lang. Tapos ayun nga, basic yung Law. More on ObliCon and ParCor. Walang Sales! And konting Nego lang. As in maiiksi pa yung tanong, tricky lang din siguro sakin kasi di ako nagbalik sa ObliCon kasi akala ko di lalabas. Haha! Sa Tax, kalma lang din sya. May situational problems mejo di usual yung tanong dapat familiar ka sa BIR form pero kaya naman. Di rin masyadong beastmode yung examiner kaya simple lang yung mga requirement. Ang nakakatawa pa, may mga tax tables pati donor at estate tas di naman ginamit. Haha!

Difficulty: 3

Read this: Sa Law, basta matiyaga ka magbasa at marunong umunawa ng English, kaya mong makuha yung rationale nung Law. Then kaya mo na sya masagot. Though minsan terms lang yung tanong, continuous reading lang okay na. Sa Tax, practice talaga and be aware sa real world ng tax. Di pwedeng textbook approach lagi. Learn to imagine the reality. Waht. 


- - - - -


I hope this could help you picture out kung paano nangyari nung October 2015 CPA board. And above all sana makatulong sa mga mag-take pa lang ng board. 

As promise, about sa rumors, yes totoo na marami kang maririnig na ganyan but practice professional skepticism. Mayrong mga items na sabi lalabas, which is ayun kahawig nga. Idk kung san ang source pero siguro totoo rin yung sinasabi nila yun daw yung mga pinapadalang tanong mga review centers but mind you, konti lang talaga yung lumabas. So wag kumapit dito. Mapapariwara ka. Haha. Kasi kami nakinig kami, Alam mo yung the night before the board exam, nag aaral ka kasi sabi lalabas daw tapos hindi naman. Mapupuyat ka lang. Kaya ako nun talagang antok sa board exam. 5 out of 7 subjects nakatulog ako. :( P1 at P2 lang talaga ako gising the whole exam kasi sakto lang yung oras. So please, get enough sleep. But I don’t recommend na one week or the day before wala ng aral aral. Haha. Kapag may chance ka pa, sige lang. Nakakataranta oo pero malay mo yun yung winning point mo, last minute nabasa mo. Minsan God’s will din kasi. Diba?

Last words from a CPA. Waht. Yes 1 week na akong CPA. Haha! :-)

The CPA Board Exam is not as hard as we think as a student. As you can see wala akong nilagyan na 5 as the most difficult. Kaya syang ipasa as long as mag-aaral kang mabuti simula undergrad pa lang and gagalingan mo pa sa review. Tiwala sa sarili. Iba yung magagawa nyan. At syempre makukuha mo lang yon kapag nag-aral at naghanda ka. Next, tiwala sa prof at reviewers mo. Tutulungan ka nilang maabot mo ang pangarap basta makikipag cooperate ka. And lastly, tiwala sa Kanya. Kasi Sya pa rin ang magdedesisyon kung ibibigay Nya ba sayo o hindi. :-)

Good luck future CPAs! Just like you, I was once a dreamer, but now I achieved it. Alam kong kaya nyo rin to. Bonus na lang ang mag top. Tandaan nyo lang kung para kanino nyo ginagawa yan at kung ano talaga yung goal nyo - to become a CPA, and you will achieve it. :-)

God bless tumblraccountants!

Para sa mga incoming BS Accountancy Freshmen..

ilang weeks nalang magpapasukan na kaya eto ang ilang tips para sa'yo:

  • Kung hindi sigurado sa BSA, mag-shift ka na. Mabuti na yung maaga.
  • Tandaan mo, Hindi patalinuhan sa math ang accountancy. Basta magaling ka mag-analyze, epek na ‘yun.
  • Set your goal. Nag-accountancy ka dahil sa suffix na CPA.
  • Magsimula ka nang magbasa ng accounting book (yung kay Ballada) kahit yung chapter 1 lang lalo na kung hindi kayo nag basic accounting nung highschool.
  • Sauluhin ang meaning ng accounting para may extra credit ka sa prof. Madalas nilang tanungin 'yun.
  • Tigilan ang kalandian. Mag-focus sa pag-aaral.
  • Kalimutan mo na lahat 'wag lang ang calculator mo. Buhay mo 'yan. 
  • “'Pag hindi nag-balance, patay ka na!”
  • Wag ma-overwhelm sa mga milyones na numbers. Wag na lahatin ang zero sa calcu para hindi masayang ang oras. Kanya-kanyang technique lang 'yan.
  • Enjoyin mo lang ang pagti-T-account.
  • Matuto kang mag-adjust. Magkaiba ang accrual sa deferral tandaan mo 'yan.
  • Alamin ang pagkakaiba ng expense at asset method.
  • Mag advance reading ka. Mahirap pumasok nang walang alam sinasabi ko sa'yo.
  • “Hindi magba-balance 'yan pag iniyakan mo lang. I-try mo ulit”
  • 'Wag na wag kang susuko. Tao ka, accounting problem lang 'yan.
  • Sa simula palang dapat pinaghahandaan mo na ang Qualifying Exam. Malakas maka-CPA board 'yun.
  • At higit sa lahat, manalangin ka lagi. Walang ibang tutulong sa'yo kundi Siya.
ANG KAIBIGAN.

Ang unang pinag seselosan nang taong nagmamahalan. Gusto ata eh kunin na lahat ng tao sayo. Tapos siya pa gala gala lang ano? Kasama ang kaibigan niya. May mga pagkakataon pang lahat na lang ng ginawa mo sa kaibigan mo eh napakalaking deal na sa taong karelasyon mo para pag selosan ito.

Gusto ka niyang ikulong sa mundo niya. Nagiging paranoid na siya. Patay tayo diyan. Lahat ng hindi mo ginagawa iniisip niyang ginagawa mo. Bakit niya naiisip ang mga bagay na yun? Kasi my idea siya na ganun din ang gagawin niya. Hindi niya maiisip un kung wala siyang balak gawin. Pwedeng balak palang gawin pero malay mong nagawa na din niya pala yun.

Hindi tama na pag selosan ang kaibigan. Dahil ito ang mga unang nag alaga sa taong mahal mo. Sila ang mga kumupkop habang hindi ka pa dumadating sa buhay niya.

Take my advice. I don't use it anyway.

Sa panahon ngayon halos lahat nag-aasam na maligo sa pera — ang yumaman. Hindi naman masamang mangarap diba? Hindi rin masamang hilingin na sana hindi ka na mamomroblema kung may sasaingin pa ba kinabukasan, sa susunod na bukas, sa susunod pa na bukas; kung may maipanglolaod pa ba sa cellphone para makapag-unlitext at unlicall; kung may ipangpupusta sa Dota; kung may ipangbabayad sa lumulobong bill ng internet.

Ikaw, gusto mo rin yumaman noh? Yung tipong mabilisan — parang instant noodles.

Tips Para Yumaman:

  • Pagtaya sa lotto. Kung instant lang ang pag-uusapan, isa ito sa pinaka-effective na paraan. Imagine mo, sa P20 makakabili ka na ng Cornetto maari ka nang maging milyonaryo! Yun nga lang dapat tumpak yung anim mong inaalagaang numero.
  • Pagsali sa pacontest sa telebisyon. Syempre kung sasali ka na rin lang dapat siguraduhin mong dun sa bigtime mamigay ng papremyo. Dun sa Eat Bulaga! Happy, Yipee, Yehey! Willing Willie. Dun ka sumali. Konting iyak lang at konting drama sa buhay tapos konting sayaw/kanta — may pera ka na! Tsaka i-timing mo na pagsumali ka dapat may “event”, yun bang birthday ng isang host o anniversary ng show kasi usually dyan sila namimigay talaga ng maraming pera.
  • Pagiging boksingero.  Gusto mong gumaling mag-English at mag-endorse ng Vit Water kagaya ni Manny? Edi magboksingero ka na! Sa una papanget ka kasi syempre magugulpi ka’t lahat lahat pero bawing bawi naman yan pag napatumba mo yung unggoy na kalaban mo. Si Manny nga pumogi na (thank you Belo), ubod ng yaman pa!

Pero kung gusto mo namang kumita ng perang pinaghirapan talaga, ano pang inaantay mo? Mag-apply ka na dito:

  • P5000/hr, Enchanted Kingdom → taga-tulak ng Anchor’s Away.
  • P7000/day, Palengke → taga-lista ng noisy.
  • P800/min, Star City → taga-hila ng Roller Coaster.
  • P900/min, Quezon Avenue → ikaw yung humps.
  • P5000/hr, PLDT → ikaw yung dial tone.
  • P9000/hr, Post Office → taga-dila ng mga sobre.

Kung hindi ka pa rin makapagdecide at mas pipiliin mo na lang magnegosyo, may tips pa rin ako sayo. So don’t worry. Siguradong yayaman ka sa mga negosyong ito:

  • Magtinda ng mainit na kape, kakanin at bibingka sa North Pole.
  • Magtinda ng whitening soap sa Africa.

Ano pang inuupo mo dyan? Tumayo ka na and take my advice, I don’t use it anyway.

Confession #691: TO ALL BLOGGERS: TAKE TIME TO READ THIS. HIHIRAMIN KO LANG PO SANA YUNG KONTING KONTING EFFORT NIYO PARA BASAHIN ITO:

Nakakatuwang ewan lang magbasa ng Bloggers-secret files. Pero yung totoo, nakakarelate talaga ko sa mga latest posts nila ngayon. NO OFFENSE, pero iba talaga yung Tumblr noon kesa sa Tumblr ngayon. Hindi naman sa tinutuligsa ko o kini-criticize ko yung mga bagong bloggers o yung bagong style, ang punto ko lang, iba na talaga yung kasalukuyang panahon.

2010 ako nagsimulang ma-curious sa Tumblr, pero wala pa talaga kong official account noon. Gumawa lang ako ng Tumblr account para magbasa, dahil ang mga blogs noon, OBRA MAESTRA talaga.

Year 2011, gumawa ako ng panibagong Tumblr account, yung blog ko talaga. Doon ako nagsimulang mag-blog ng kaunti, pero hindi naman ako active kasi nga most of the time nagbabasa lang ako. May mga interactions na rin sa isa’t isa ang mga bloggers at may mga Tumblr famous na rin noon. Napaka-conservative rin ng karamihan sa mga bloggers dati lalo na nung 2010. Hindi sila mahilig magdisplay ng sarili nilang mukha. Diary kung diary, obra kung obra, grahic arts kung graphic arts at photography kung photography. Uso rin dati ang mga long typos kaya malilibang ka talagang magbasa. Hindi big deal dati kung gwapo o maganda ang blogger, basta kung mahusay ka, sikat ka. Hindi rin issue ang mga follow/followback at unfollow, etc. Walang away, walang irinagan at walang issue issue.

Ngayon, masisi mo ba sila?

Ipo-post ko ang blog na ito hindi para sabihing mas maganda ang Tumblr noon. At hindi ko rin naman sinasabing wala ng magagaling ba bloggers ngayon. Maraming magagaling mag-blog at hindi pa rin sila nawawala, yun nga lang, napupunta na sa mga maling tao yung status na: FAMOUS.

Maiba tayo, kung tutuusin nga, ayos na rin ngayon kasi mas naging “social site” ang dating, mas attached at aware ang mga bloggers sa existence ng isa’t isa. Oo, marami nang pagbabago, kung ako nga rin ang tatanungin e mas gusto ko yung ambiance dati, yung tipong kapag may problema ka ibulalas mo lang yan sa blog mo. Kung down ka at gusto mong ma-inspired, magbasa ka ng mga blogs ng iba.

But we should also look at the positive side of every changes. Ang Tumblr, kahit bali-baligtarin man ang mundo e Tumblr pa rin. Isang BLOG SITE. Ngayon, kung iba yung motibo mo, anjan naman ang Facebook, Twitter at Instagram.

Hindi naman ganoon ka-crucial yung mga changes dito sa Tumblr. Alam kong wala ako sa posisyon para sabihin ang mga bagay na ito, pero sana, we bloggers, should make the difference. Or what I mean is, we should maintain the very purpose of using this site. BLOGSITE po ang Tumblr, hindi TWITTER na kahit “goodmorning” lang e iba-blog pa, hindi rin FACEBOOK na ginawa nang chatbox ang buong dashboard at hindi rin INSTAGRAM na puro nalang mukha at selfie ang nakadisplay sa site niya.

Totoong libre ang magblog. Blog whatever you want, desisyon mo yan. But we should also consider the things that we will blog. Kasi yung mga blogs natin, that’s what differs us from the other sites. BLOGGERS tayo e. We blog to express not to impress. Hindi naman sa pagandahan ng themes yan e, o sa pagandahan at pagwapuhan ng Avatar, hindi rin yan sa paramihan ng notes, kundi nasa nilalaman yan. 

Kung nagagalit yung iba kasi hindi pa matanggap ng 2009-2011 bloggers ang changes, on behalf of them, hindi naman talaga sila nagrereklamo sa mga pagbabago. Ang samin lang, sana ma-maintain natin yung PURPOSE. Mag-blog lang tayo. Just BLOG. Use your heart, mind and put some effort.

Sa mga bagong bloggers, lalo na sa mga ordinaryong bloggers na hindi FAMOUS. Better have this kind of reasoning:

E ANO NAMAN KUNG MAGANDA O GWAPO SIYA, E ANO NAMAN KUNG MARAMI SIYANG FOLLOWERS, E ANO NAMAN KUNG MARAMI SIYANG NOTES, E ANO NAMAN KUNG FAMOUS SILA? KUNG MAS WORTH READING NAMAN ANG BLOGS KO, LAMANG PA RIN AKO.

At sa mga FAMOUS naman, kayo na yung mga sikat, kayo na yung mga tinitingala, so better start a better way of blogging. Make yourselves worth to be called FAMOUS. Hindi naman sa sinasabi kong lahat ng famous e sumikat lang dahil sa blah blah blah, may magagaling talagang mag-blog at worth to be called famous, pero meron talagang mga alam niyo na at sa kasamaang palad e dumarami na sila.

Yung mga meet-up? Ayos lang yan, simpleng kabataan lamang tayo na mahilig makipag-socialize. Yung pakikipaglandian sa bloggers? Ayos lang yan, kung malandi ka talaga e, e di GO LANG NG GO pero sana naman sa FB o sa text niyo nalang gawin yan at wag na sanang i-display pa sa dashboard ng iba — MAHIYA KA. Yung iringan sa kapwa bloggers? Ayos lang din yan, kung may attitude talaga e, ano bang magagawa mo, pero sana huwag ng i-publish o i-display pa, ano namang feeling mo? Na worth reading yan? Yung mga ka-sweetan ng magkaka-relasyon dito? Ayos lang din yan, kung mahal talaga ang isa’t isa e at gustong i-express yung puso sa blog — GO lang, pero sana naman nasa tamang direksyon yung sinusulat niyo at alam niyo yung limitasyon. 

WE LOVE TUMBLR RIGHT? Ok lang ang changes, let’s just accept it. Pero ang HUWAG LANG SANANG MAGBAGO E YUNG PINAKA-PURPOSE NG TUMBLR. BLOG WISELY!

Mga Bagay na Nakakainis
  1. Makisabay sa isang song tas mali-mali yung lyrics ng singer. Chos.
  2. Nakakagat ang sariling dila.
  3. Nagbebend ang kutsara kapag nagsscoop ng ice cream.
  4. Mangati ang singit habang nasa publikong lugar.
  5. Mangati ang tuhod habang nakasuot ng maong pants, lalo na yung skinny.
  6. Malaglag ang sabon sa toilet habang ikaw ay naghuhugas pagkatapos magpakawala.
  7. Malaglag ang sabon habang ikaw ay naliligo at mapunta ito sa floor drain na puno ng buhok at kung anu-ano pang substance na nanggaling sa katawan mo at nahulog habang ikaw ay naliligo.
  8. Madapa habang poise na poise ka at feeling mo ikaw na ang pinaka-cool na tao sa buong mundo (pag nangyari ‘to, bigla-bigla kang magiging loser).
  9. Kapag kinokopya ng Wikipedia ang homework mo.
  10. Mag-GM sa sangkatutak na kaibigan at bigla mong nalaman na nag-expire na pala ang unli mo.
  11. Madulas habang naglalakad pero hindi ka napaupo or nalaglag. Explanation: Dahil kung nalaglag ka, maaawa mga tao sayo at tutulungan ka. Pag hindi, mapapansin ka nila na biglang nag-boogey habang lahat ng tao ay normal na naglalakad. =))
  12. Kumain ng popcorn (cheese flavor) sa sinehan tas paglabas mo tsaka mo palang mapapansin ang dilaw mong mga ngipin.
  13. Magbrown-out habang may ginagawa kang importante sa computer at hindi mo na-save.
  14. Makakalimot magdala ng panyo.
  15. Makalimutan ang ID o kung anumang importanteng bagay para makapasok sa school/trabaho.
  16. Maapakan o madumihan ang sapatos.
  17. Masira ang sandals/flip-flops habang namamasyal.
  18. Mamatay ng ilang beses kasi hindi nagforward ng text message/email.
  19. Matapon ang pagkain habang papunta ka palang sa inuupuan mo.
  20. Sumakay sa jeep at nawala ang PISO na kailangan mo para sumakto ang bayad mo dahil alam mong ang pinakamaliit na bill sa wallet mo ay P100.
  21. Magssneeze ka na sana pero hindi natutuloy.
  22. Masuspend ang klase kung kelan 30mins na lang ang natitira bago mag-uwian.
  23. Masuspend ang klase pagkatapos mo maligo na at lahat-lahat! =)) Yung tipong lalabas ka na lang ng pinto para magcommute/sumakay ng Ferrari/mag-jetpack/sumakay sa helicopter. (Wala pang teleport eh.)
  24. Makalimutan ang gustong sabihin.
  25. Pinaka-unang matawag sa recitation kahit na pinagdasal mo pa ng buong diwa na sana wag ikaw dahil alam mong di ka nag-aral.
  26. Umupo sa pinakalikod at pagpasa ng test paper sayo, lukot-lukot na dahil sa mga gago mong kaklase nasa unahan mo.
  27. Kapag sakto yung una mong sagot sa test tas pinalitan mo.
  28. Makalimutan na may quiz pala at tuloy tuloy pa ang pagsasaya mo. Tapos mababalitaan mo na lang na meron pala nang makita mong nagla-last 10min review na mga kaklase mo.
  29. Mapahiya dahil akala mo ikaw ung tinatawag, yun pala HINDI.
  30. Manggulat ng tao na hindi mo kilala dahi akala mo siya na yun.
  31. Kala mo, siya yung kaibigan mo, yun pala ibang tao. Kamukha lang pag nakatalikod.
  32. Mapagkamalang salesperson ang taong maayos ang pananamit. =))
  33. Matapunan ng pagkain sa damit.
  34. Suklian ng sangkatutak na barya!!!
  35. Mabasa ang damit habang naghuhugas ng kamay sa restroom.
  36. Mahulog sa silya ng wala namang ibang tao sa tabi mo. =))
  37. Malabasan ng pagkain sa bibig habang kumakain at tumatawa at nagsasalita. Multi-tasking, dude! =)) With matching actions pa yun.
  38. Pag ginutom ka tas pagkabukas mo ng ref nyo walang laman kundi puro tubig lang.
  39. Ginaya ang post mo tas mas bumenta sa kanya kesa dun sa original post mo.
  40. Magfollow back sa nagfollow sa'yo sa Tumblr tas bigla kang inunfollow ng kumag.
  41. Pag nag-inarte si Tumblr at puro error ang lumalabas.
  42. Maraming nakatambay sa blog mo pero ni isa walang nag-TA sa'yo.
  43. Hindi OL ang inaantay mo sa chat.
  44. DVD copy nga yung movie pero mali-mali yung subtitle.
  45. Pag marami ka pang gusto idagdag pero sabaw ka na. *shoot self*
Doctor, Kwek-Kwek at Inidoro.

Kanina may appointment ako with my doctor at 10 o'clock kaso hindi ako nakapunta on time. Nagising kasi ako past 11AM na kasi sobrang aga kong natulog. Early.. Early in the morning. Lol. Nanuod pa kasi ako ng “Ninoy: Sa Puso ng Pinoy” sa ABS-CBN’s Sundays Best. Muli na namang sumiklab ang dugo ng aking pagka-Pilipino — and it always happens when I get a glimpse of his life then. Iba talaga si Ninoy, kaya isa sya sa mga inspirasyon ko. Matapos ko rin manuod nun, nagmovie marathon pa ako. Bad Teacher tsaka Final Destination 5. Sobrang enjoy ako sa Bad Teacher. Ang seksi seksi pa ni Cameron diaz. Asdfghjkl. Tapos yung Final Destination 5, hayup! Hahaha. The best among the FD movies. Mas maraming gore scenes tsaka yung effects, superb! Kahit takot ako sa dugo, I was able to finish the movie from start to end.

Anyways, mga quarter to 12 na nang makarating ako sa ospital. Pagkadating ko sabi nung secretary nyang sobrang ganda (grabe lang! omg haha) na umalis na si Doc. Badtrip! Nasayang yung pagwisik-wisik ko sa mukha at pagligo sa pabango. Lumabas na lang ako at dumiretso sa kotse. Pinuntahan ko yung mom ko sa opisina nya to inform her na postponed yung pagpapa-check up ko. Timing naman nung lumabas ako sa office nila e may street food stand. Gutom na gutom na ako kaya di na ako nagdalawang-isip na chumibog. Mga 4 lang naman yung naubos kong kwek-kwek tapos isang 12oz na Coke.

Habang kumakain ako may tatlong estudyanteng napadaan — mga chicas. Yung dalawa bumili din ng kwek-kwek..

GIRL1: Ayaw mong bumili, GIRL2?

GIRL2: Ayoko. Mukhang hindi naman masarap yan, saka parang kadiri.

GIRL3: Ang arte mo naman! Tikman mo muna.

GIRL1: Oo nga, mura lang naman. Bili ka ng isa.

Napaisip ako habang tinitignan yung maarteng girl. Hahaha. Bakit nga ba may mga taong maarte sa pagkain? Yung mga mapipili? Kung tutuusin, kahit mamahalin o mumurahin yang pagkain mo; masarap o mabango; espesyal o regular, pag lumabas na yan sa tiyan e didiretso lang yan sa inidoro. Nagiging tae lang yan. Okay lang sana kung magiging ginto yan paglabas diba? Siguro kung ganun, aba'y pipiliin ko na mga kakainin ko.