magbabarkada

nanghihinayang ako na di ako nakapagtumblr ng year 2016 kasi ang daming ganap non eh. yung mga pictures naming magbabarkada, buong klase, mga kwento kong kung ano ano hahaha sayang. parang gusto ko tuloy ipost lahat ng pictures kaso baka may mainis sa flood posts ko hahaha. isa isahin ko na lang ba? hahaha de wag na lang pala, dito na lang sila sa phone at heart ko

hays…….

  • kakauwi ko lang from work. tired na si aq0uh
  • gusto ko bumili ng cute na journal and decorate it but i’m not artsy and then gusto ko din gumawa ng bullet plans and goals for the next month kaso i’m tamad af
  • excited ako sa little getaway namin magbabarkada sa austin tx haha lasingan na itu
  • tang ina obsessed ako sa pens and highlighters so yun unang una kong bibilin once i get my first paycheck haha!
  • gusto ko din linisin kwarto ko at re-ornagize and might put some lights around my bed to make it look dope lol
  • ok yun lang bye

Luh nagplay bigla yung para-paraan ni mars nadine lustre naalala ko yung nagtour kami tapos ewan ko lang ba’t biglang sinayaw namin tong magbabarkada sa loob ng bus yes nasa aisle kami lahat sabay sayaw sayaw tangina kabisado pa namin yung moves tangina????

An ordinary blogger’s views.
— 

May meet up na naman. Nagdadalawang isip ako kung pupunta pa ba ko o hindi. Kasi nung nakaraang may mini meet up, nagpunta ako. Na-OP ako kasi puro magbabarkada pala talaga sila. Sana di na lang nila pinaalam sa lahat, dapat sila-sila na lang ang nagkita-kita hindi yung magyayaya pa kung hindi naman nila ie-entertain ang iba. Makapal naman mukha ko pero wala eh, di nila ko pinapansin. Sabagay, hindi naman nila ko tropa. Oo may kumausap sakin pero nung may dumating na bago nilang barkada, wala na. Kaya umuwi na lang ako.

Hindi tataas sa 300 ang followers ko kaya konti lang ang kumakausap sakin, kapwa ko hindi ganun kilala ang kumakausap din sakin. May mga feeling famous na ang kinakausap lang nila ay mga kapwa din nila feeling famous. Feeling nila famous sila? Tama sila, feeling lang nila yun.

Hindi ko masasabing magaling akong tumblrista, pero sapat na sakin yung mailabas ko dito ang nararamdaman ko. Ang gusto ko lang, magblog pero binigyan ako ng bonus ng tumblr, binigyan niya ko ng mga tunay na kaibigan. Kaibigan na kahit ordinaryo lang katulad ko, masasabi kong nagtatagal sila. Kaibigan na kahit bilang lang sa mga daliri ko ang dami, masasabi kong tunay sila.

Freshman; Natatakakot. Naiilang. Kinakabahan. Kaya ang resulta, tahimik muna sa isang tabi. Nagmamasid lang. Nagmamatyag sa mga bagong mukhang nakikita, sa mga kilos nila at sa kung paano sila makisalamuha sa iba. Yan. Yan na yan ang halos una kong naramdaman sa unang taon ng higschool life ko. Siguro nga meron sa mga bago kong kaklase eh pamilyar na, kilala ko na at naging kaklase ko na nung elementary pa. Pero kadalasan, halos eh bago pa. Kailangan ko pang kilalanin, usisahin, at makipaglagayan ng loob sa iba. Gayunpaman, nakahanda naman akong buksan ang mga palad ko para sa mga bagong kamay at makipagkaibigan. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam nun o madami kami pero noong unang linggo, lalo na sa introduce yourself part, nahihiya ako sa mga kaklase ko. Matatayog ang mga naabot nila nung elementary pa eh. May valedictorian, salutatorian, meron ding achievers at athletes. Eh ano lang ako nung elementary ako? Top 1 nga sa klase pero achiever lang. Pero sa pagdaan naman ng ilang buwan eh nakapagpundar ako ng friendship sa ibang tao. Hindi ko makakalimutan ang pag usbong ng loveteams, groups, tapos yung autographs na sobrang jeje pa, pati grammar eh mali mali pa. Pero ang nakakatuwa sa panahong to? Di pa kami grade conscious. Walang paki kung sino ang top at kung sino ang hindi. Siguro nga enjoy enjoy lang kami nun, mga totoy at nene pa eh. 

Sophomore; Dahil sa nausbong na pagkakaibigan, di ko maiwasang hindi maging malungkot noong nalaman kong yung iba sa mga kaibigan ko eh nalaglag at napunta sa ibang section. Naintindihan ko naman, kailangan kasi siguro yun lalo na kung yung average grade nila eh di nakaabot sa dapat na grade para sa section namin. Ganun talga, may nawawala, pero asahan mong meron din namang dadating na bago. Hindi din ako nag-alinlangang makipagkaibigan sa mga baguhan. Dito, dito mas lalong naging strong ang loveteams. Maging ako nga di nakaligtas eh. Kaya nung mag election, bentang benta sa muse at escort, social managers, p.i.o tapos sergeant at arms. Alala niyo pa? Kung sino ang loveteam, yun yung ilalagay sa mga posisyon na kailangan ay pairing. Sa panahon ding ito nagsimula na kaming maging active sa activities sa school. Sumasali na kami sa mga clubs at organizations, tapos pumaparticipate na din kami sa activities ng red cross lalo na kung earthquake drill, aynaku saya diba? Lalo na isa sa mga facilitator eh yung crush mong boy scout! Kakatuwa nung kunwari eh nadaganan ka ng mabigat na bagay dahil sa lindol eh agad to the rescue yung boy scout na crush mo sayo. Bilang member din kasi ng red cross eh ikaw ang naatasang gaganap ng kunwari biktima ng lindol. Minsan din di mawawala ang tampuhan, initan, iringan sa pagitan ng magbabarkada.

Junior; Unti unti na naming nararamdamang matanda na kami. Pula na yung color sa mga cords namin eh. Tapos magtatatlong taon na din. Yung math namin mejo tumataas na yung level. Meron na din kaming research studies tapos nagsisimula na din yung pagpili namin para sa TLE. Kumbaga iba iba na kami. Yung iba computer class, yung iba naman H.E. tapos yung iba eh agriculture ang pinili. Iba iba teacher namin nun kaya nagkakaiba iba din yung way at standards of grading. Pero masaya pa din. Mas lalo na din kaming pumaparticipate sa mga aktibidadis sa paaralan. Sumali ako sa journalism org namin, swerte naman at natanggap ako sa Filipino Org. Tapos halos din sa mga kaklase ko eh sumali sa performing arts club. Nakakatuwa yun kasi nashowshowcase yung nakatagong talent namin. Nakakatuwa din kasi kahit mahirap ang 3rd year life, kahit maraming nangyareng di kaaya-aya, lalo na pag-aaway sa magkakaibigan, section vs. other section dahil sa mga kung ano anong isyu sa school tapos lq ng magkarelasyon, iyakan dahil sa mga umalis na paboritong teacher, eh masaya pa ding maituturing ang 3rd year life. Nagiging grade freak man, dahil sa menemaintain na grades at position eh okay pa din. At least kahit lumabas na yung di kaaya aya naming ugali eh masasabi mo pa dng worth it ang friendship na binuo namin. Nagiging matatag pa nga kami sa huli.

Senior; Huling taon. Ito na yung taon tayo na ang tinatawag na ate at kuya sa buong campus. Blue na yung kulay ng cords. Ito na yung sinusulit ang bawat araw at pagkakataong magkakasama pa dahil nalalabi na din yung araw na pwede pang magsama kaming lahat, makipaghalakhakan at biruan sa isa’t isa. Ito na yung kahit matatanda na eh nilalaro pa rin yung mga larong pambata. Ito yung dalaga’t binata na. Ito yung halos sa mga kaklase mo eh may mga boyfriend at girlfriend na. Ito yung huling taon para magkasama sama. Ito yung pagkatapos ng tatlong taong pagiging peacemaker of the class eh pwede mo ng marelax yung vocal cords mo sa kakasigaw ng tahimik dahil sa kaingayan ng mga kaklase mo. Ito na yung last sa lahat ng pwedeng mong mapagdaanan sa highschool - christmas party, exhange gifts, prom, trainings, culmination. Ito na yung taon na mag iiyakan na sa retreat at recollection. Ito yung taon na naglalabasan na tayo ng sama ng loob. Ito na yun. Sinusulit na natin ang huling pagkakataong makasama pa sila tuwing S.A. time, tuwing recess, tuwing kainan kahit di naman recess. Ito yung sinusulit na natin ang bawat pagkanta ng national anthem, pagbigkas ng panatang makabayan, ang school anthem at kung ano ano pa. Ito na yun! Ito na yung huling taon para makasama mo pa ang mga guro mo. Ito na yung huling taon para masuot mo pa ang highschool uniform mong di na halos magkasya. Ito na yun. Iyakan man sa graduation. Congrats dito at congrats man doon, masaya pa rin. Masayang masaya ang highschool life. Kamiss no? Kaya kayong gagraduate pa lang ngayon, cherish niyo habang highschool pa kayo kasi pagdating ng college, ang pagiging highschooler ang unang una niyong mamimiss.