magandang-umaga-:d

G O O D V I B E S

Araw araw paggising mo, you have to make up your mind na pagbangon mo, pag alis mo nang bahay, pagpasok mo sa trabaho o sa school o paggala mo kung ano man ang gawin mo ngayong araw na to, walang makakabasag nang goodvibes mo :) Negative comments man yan, chismis man yan tungkol sayo, naapakan man ang bagong sapatos mo, nakatapak ka man nang tae, nasiko ka man nang katabi mo sa jeep, kahit anooo pa man, hindi rason para mawala ang goodvibes mo :) okay sige pwede mabv pero 5minutes lang, pag tapos nun, back to normal na, goodvibes ka na ulit :)

Wag mong hayaan na masira ang araw mo nang mga walang kwentang bagay. Ngiti lang :) Nakakaganda at nakakagwapo lalo pag nakangiti kesa nakasimangot :)