magandang-gabi

Sa Tumblr nabubuhos natin lahat.

Dito kasi maraming nakakaintindi. Maraming handang tumulong. Kung baga pili yung mga taong andito ngayon sa blogsite na ito. Hindi marunong mandedma. Isang message mo lang andiyan na.

Hindi ka ba nagtataka na wala namang chat dito? Ibig kong sabihin hindi katulad sa facebook na mas lalo kayong pwedeng mag usap. Tapos dito pa nagkakaroon ng Meet-ups? Like at Reblog at Reply nga lang dito kung tutuusin. Pero nakakapagtaka na mas nagiging mas close pa mga tao dito. Na mas lalong nakikilala pa lalo ang mga taong nag susulat. 

Malaki ang binago ng tumblr sa social life ng ibang tao. Dahil dito mas dumami ang mga tunay na magkakaibigan. At ang nakakatuwa pa dito kapag nagkita kita kayo sa personal maiisip mo na kasama mo na yung mga taong malalalim mag-isip. Magaling magpatawa. At mga taong magagaling magpayo pagdating sa pag-ibig,problema, sa pamilya at kaibigan.

Isang pamilya tayo dito. Nasa iisang mundong ginagalawan. Sana magkita kita lahat ng magagaling na tao dito. Hindi dapat nagkakahiyaan. Magtanong kung may itatanong.

Huwag nang maganon ang mga taong nagagalit. Dahil maari ka pang pasalamatan ng taong kinagalitan mo dahil ang mga taong nagagalit na tulad ng ibang tao ay ang mga taong concern dahil sa tingin nila nag eexceed na sa ginagawa ang taong finofollow niya.

Dapat positive tayo lagi mag isip. Huwag natin gamitin ang dahas at rami ng kaibigan mapagtulungan lang rin ang isang tao.

Tandaan. Iisang pamilya lang tayo dito.

Spongebob vs. Patrick vs. Squidward

SPONGEBOB: ang pag-ibig ay parang elevator, kung puno na ito, bakit ipagsiksikan ang sarili mo, meron nmn hagdan, di mo lng pinapansin.

PATRICK: eh bakit mo pa kailangan mag.hagdan, kung alam mo nmn na bblikan ka ng elevator? kelangan mo lng maghintay!

SQUIDWARD: bakit ako mag.aantay sa isang elevator na alam kung HINDI LANG AKO ANG GUSTONG ISAKAY 

KAKATAPOS LANG GUMAWA NG PROGRAM!

Since mga Information Technology students kami. ALAM NA! WUHAHAHA
Trip lang namin gumawa ng program eh. Ginamit namin yung ASSEMBLY PROGRAMMING LANGUAGE. Isa yun sa pinakamatandang PL na nasubukan kong gamitin. Ang hirap lang nun eh ang haaaabaaaaa ng  mga syntax at codes. T_T
Pero, fortunately, nakagawa kami ng program for Banking System. Ayun. Pang-project na namin. YiPAAA!!! xD  

Fake shoes.

Naranasan mo na bang bumili ng pekeng Converse?

Ako, hindi pa. Hindi kasi kami bumibili ng pekeng sapatos. Pekeng damit siguro, pwede pa. Ang ibig sabihin ko nga pala ng peke dito ay isang imitation ng mga brand na sikat gaya ng Sony, tapos may makikita ka diyan sa bangketa, ang tatak ay Sonee na. Naglipana na talaga ang mga ganitong produkto sa atin tapos, karamihan naman ay bumibili nito. Pero bakit? Siguro, ito lang ang bagay na kaya nilang abutin. Ito siguro yung kaya nilang bilhin. Kaso, di maiiwasan ang katotohanang, dalawang linggo pa lang yung binili mo, sira na kaagad. Wala rin, parang nag-aksaya ka lang ng pera.

Di man natin napapansin, marami ang nabubuhay sa ganitong paraan. Ang ginagawa kasi natin, isinisentro natin ang buhay natin sa mga bagay na hindi nagtatagal, gaya nalang ng Tumblr. Pero, kanino ba dapat ang sentro ng buhay natin? Walang iba, kundi sa Diyos. Sapagkat hindi siya kailanma'y mawawala at hinding hindi niya tayo iiwan.

Sabi nga nila, Put God first, and everything will fall in to place.