magandang balita

Bakit kaya, mga bes?

Bakit kaya kapag may bumabatikos kay Duterte, yellowtard na agad? Dalawa lang ba ang partido sa Pilipinas?
Bakit kaya kapag may bumatos kay Duterte, bobo na agad? Close minded na agad? Hindi daw nagiisip?
Bakit kaya kapag may bumatikos kay Duterte, bayaran lang daw yon?
Bakit kaya kapag may negatibong balita sa tv tungkol kay Duterte, biased agad? Pero kapag magandang bagay ang balita na patungkol kay Duterte, tuwang tuwa naman sila?
At higit sa lahat, bakit kaya ang tatalino ng mga fans ni Duterte?

Bakit kaya?

BALiTA?!

Hindi ko alam kung bakit naging big deal na sa akin ang makapanuod ng telebisyon.. yung parang tuwang tuwa ako kapag nasa harapan na ako ng tv at nakatutok na lang sa mga palabas doon. Marahil, dahil na rin naging abala ako sa pag-aaral kaya nawalan na rin ng oras sa panonood. kung tutuusin mas mahaba pa yung oras na naigugugol ko sa computer ngayon kaysa dati na halos babad lang sa panonood ng telebisyon ang ginagawa ko. 

Nakakagulat nga minsan dahil sa panonood ko nga ng tv .. dun ko lang talaga nalalaman yung mga balita kinakaharap ng ating bansa —— parang andami ko ng namiss na balita. Sadyang nakakatulong talaga ang telebisyon para maging updated ka sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Nakakadismaya lang talaga na kadalasan puro masasamang balita ang napapanood natin.. “magandang gabi ang pagbati pero masamang balita ang bungad sa atin.” Tulad na lang nitong mga nakaraang araw lang, yung balita about sa chinese citizen na sinagasaan yung gf nya , sinaksak at sinagasaan ulet? Tapos nagpakamatay lang din siya. grabe aa. Samo’t saring pananamantala, panggagahasa, pagnanakaw.. ultimo magkakamag-anak nagkakatalo pa. hindi mo tuloy alam ngayon kung saan ka lulugar, matatakot ka ng lumabas sa gabi ng mag-isa dahil sa takot na sa ilang sandali lang pwede kang bawian ng buhay. Miski nga sa katirikan ng araw.. sa mataong lugar pa nga mismo ee hindi mo na rin masasabing ligtas ka.

Siguro nga nagsisilbing babala na rin ang balita.. Hindi lang ito ibinalita para kaawaan natin ang mga nagiging biktima kundi pag-ingatan din ang ating mga sarili. Kung may kakilala kang medyo alanganin na anomang oras e pwedeng maging laman ng balita, paalalahanan mo. Isa lang ang buhay natin at masyado pang maiksi kung igugugol lang natin ito sa panlalamang sa ibang tao. Mabuhay tayo ng may marangal na gawain, lahat naman tayo dumaranas ng kahirapan ee pero dapat sana'y hindi ito maging dahilan ng kasamaan at pagkasawi ng buhay ng iba.“Tao nga tayo nagkakamali rin..” pero hindi ibigsabihin na hahayaan na lang natin ang pagkakamaling iyon.. Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mong mag-isa na baguhin ang isang pagkakamaling nagawa mo* anupa’t may salitang “tulong”.. anupa’t may DiYOS na nag-aantay sa hinaing at dasal mo. Hindi ka nag-iisa at kung may mga bagay man na pinahintulutan ng Diyos na mangyari—-marahil isa lang yon sa paraan niya para katukin ang iyong pusong uhaw sa kanyang salita. May mga oras na nagtatanong tayo kung naririnig tayo ng Diyos, kung natutulog nga kaya siya? May oras na nagagalit tayo sa Diyos sa mga kaguluhang ito, pero minsan ba naisip mo rin na mas malungkot pa ang Diyos sa atin? Nagtatampo rin kaya siya sa tuwing nakakalimutan natin siya? Ilang patak na kaya ng luha ng Diyos ang nasayang dahil lang sa pagiging makasarili mo?

Ilan kaya sa atin ang patuloy pa ring nananalangin at buo pa rin ang pananampalataya  sa Diyos? Ilan kaya ang mga taong makatanggap man ng mga bigating problema at kakaunting biyaya ay patuloy pa rin ang pasasalamat sa Diyos? Iilan kaya ——— kabilang kaya tayo sa mga taong iyon? Ikaw, sa tingin mo?

Hindi pa naman huli ang lahat, umpisahan mo.. Naghihintay lang ang Diyos sa tawag mo. Tanggapin mo siya ng buong puso, aminin mong nagkasala ka at tanging si Hesukristo – ang kanyang bugtong na anak lamang ang tanging daan para magkaroon ka ng buhay na walang hanggan.

Minsan lang tayo dumaan sa mundong ating ginagalawan, sapat na ang maraming masasamang baitang nasasagap natin.. dapat ang magandang BALiTA naman. :)